Dateline Camarines Norte

Dateline Camarines Norte We Inform. You Analyze. Find the latest news about Camarines Norte — politics, infrastructure, transportation, local economy, people and so much more.

Ranked 9 Regional Most Wanted Person, Arestado! Isang matagumpay na operasyon ang isinagawa ng kapulisan ngayong araw, P...
01/02/2025

Ranked 9 Regional Most Wanted Person, Arestado!

Isang matagumpay na operasyon ang isinagawa ng kapulisan ngayong araw, Pebrero 1, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto ng Ranked 9 Regional Most Wanted Person sa rehiyon bikol.

Ala Una y Medya ng hapon ng isagawa ang operasyon sa tulong ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS, CIDG Camarines Norte, CNPIU, RIU5 PIT Cam Norte at 503rd MC RMFB5, sa pangunguna ni PMAJ CARLOS T GALES, Chief of Police.

Kinilala ang naarestong akusado bilang si alyas “Atom,” 59 taong gulang, at residente sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Disyembre 16, 2024, para sa kasong R**e in relation to RA 7610, na walang itinakdang piyansa.

Bukod rito, may isa rin siyang warrant para sa paglabag sa RA 9262, kung saan itinakda ang piyansang Php72,000.00.

Matapos ang kanyang pagkakaaresto, maayos na ipinaliwanag kay alyas “Atom” ang kanyang mga karapatan (Miranda Rights) at isinailalim siya sa kaukulang medikal na pagsusuri.

Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa karampatang disposisyon.

📸CNPPO

01/02/2025
Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sa proper court si Gobernador D**g Padilla , Casimiro Roy Padilla Jr., Christab...
29/01/2025

Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sa proper court si Gobernador D**g Padilla , Casimiro Roy Padilla Jr., Christabell Angelica Romualdez Abaño , Restituta Bensa Nagera, Jerome Obusan, Jane Carlo Calog Madamba , Ernesto Villfranca Valeros Jr., at Henry Porcalla Zabala , matapos na makitaan ng Probable Cause ng pag labag ng mga ito sa Article 244 ng Revised Penal Code.

Sa desisyon ng Ombudsman na may petsang December 3,2024, sinabi nito na ,

“There is probable cause to indict respondent for violation of 244 RPC”

Saad pa ng Obudsman “ In July 2022, he issued Office Order Nos. 15,003A,O03B,O10-A,0010-B,014A and 014B,giving special assignments to his co respondents, despite knowledge that his co -respondents did not have the legal qualification to be nominated or appointed to public office”

Hindi rin kumbinsido ang ombudsman sa paliwanag ni Padilla na ang special assignment to his co-respondents served only as his personal resource person and the assignment did not exist in any plantill position.

Ayon sa ombudsman , “ it is not refuted that Abaño, Nagera, Obusan,Madamba, Valeros and Zabala ran and lost in the May 2022 local elections. Hence, they dis not have the legal qualifixations at the time Ricarte appointed them to various positions”.

Samantala, si Roy Padilla naman ay convicted with finality in a criminal case and his conviction carries the accessory penalty of perpetual disqualification to hold public office, dagdag pa ng ombudsman.

Ayon pa sa Ombudsman, Padilla “claims that the special assignments are personal to him, but all Department Heads of the Office of the Governor were furnished copies of the assailed office orders.This effectively gave notice to the heads about the appointments he issued,thus, clearly contradicting the alleged personal nature of the appointment”.

“Records show that his appointees did not only act as his advisers but they actively performed government functions”

Ang naturang desisyon ng Ombudsman ay pirmado ni Leilani P. Tagulao-Marquez Graft Investigation and Prosecution Officer III at ni PilaritaT. Lapitan, Assistant Ombudsman, OMB -Proper.

Ang naturang desisyon ay aprubado ni Ombudsman Samuel Martires noong December 16,2024.

28/01/2025

Yan si Congw. " Nay Josie"Tallado agad umaaksyon sa kahilingan ng kanyang kababayan.

Hindi kailangan maging isang doktora para tulongan sa pangangailangan g pangkalusugan ang kanyang kababayan.

Serbisyong may puso at Malasakit.

Hindi masalita,higit naman sa gawa

Damang dama ang
Kaya

🎥Agnes Ella

28/01/2025

122nd Regular Session
Sangguniang Panlalawigan of Camarines Norte
January 28,2025

27/01/2025
26/01/2025
26/01/2025

Padagos band Pdagos Girls at Brgy.Visitation of Congw.Rosemarie Panotes Brgy.Alawihao Urban Pooor ,putok 8-10.

Look👇Blessing ang Turn Over of Multi Purpose Building, Sta. Elena, Jose Panganiban.Isinagawa kahapon ang Blessing and Tu...
25/01/2025

Look👇

Blessing ang Turn Over of Multi Purpose Building, Sta. Elena, Jose Panganiban.

Isinagawa kahapon ang Blessing and Turn Over ng bagong Multi Purpose Bldg.ng Brgy.Sta.Elena Jose Panganiban.

Ang naturang multi purpose Bldg. ay nakalagay sa Local Infrastructure Progran sa ilalim ng General Appropriatiobs Act Fund na pinondohan ni First District Congw.Josie Baning Tallado na nag kakahalaga ng P3M.

Laking pasasalamat ni PB analyn Manzon dahil sa malaking tulong at kapkipkinabang ang naturang multi purpose bldg. sa pag hahatid ng serbisyo sa kanilang mga kababayan.

Address

Daet

Opening Hours

Monday 7am - 7pm
Tuesday 7am - 7pm
Wednesday 7am - 7pm
Thursday 7am - 7pm
Friday 7am - 7pm
Saturday 7am - 7pm

Telephone

+63548756260

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dateline Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

ABOUT DATELINE CAMARINES NORTE

Dateline Camarines Norte is the pioneer news program on cable television in Camarines Norte since 2002. It has covered leading personalities from different fields —politics, economy, religion, education, environment and public utilities — and events happening in and around the province that affect the life of the Camarines Norteños.

In 2014, Dateline Camarines Norte has turned to another medium of communication — to FM radio — to better reach the people in far-flung barangays in the province to inform them about the programs and projects of the local government units that can help improve their quality of life.

Recently, Dateline CamarinesNorte has ventured into the social media, facebook live, so that Camarines Norteños in other parts of the world can keep abreast with the issues and events in their home province.

And now this new venture, Dateline Camarines Norte on the web, still adhering to its tagline, “We Inform, You Analyze”.