MAPUTIK AT SIRANG DAAN, KALBARYO NG MGA TAGA-SOUTH UPI, MAGUINDANAO
Kalbaryo kung ituring ng mga residente sa ilang mga barangay sa South Upi, Maguindanao ang kanilang sitwasyon tuwing tag-ulan.
Ayon sa isang guro na si Renato Aragon, ito ang araw-araw na nagpapahirap sa kanilang biyahe papunta sa kanilang paaralan sa Brgy. Sanduagan, South Upi, Maguindanao.
Animoy malagkit na tsokolate ang sitwasyon ng ng kanilang mga daan tuwing panahon ng tag-ulan.
Bagamat walang nairereport na sama ng panahon, nakakaranas naman daw sila ng halos araw-araw na ulan sa bayan.
Unti-unti na namang nasisira ang mga daan papasok sa mga interior barangays.
Dahil dito, napeperwisyo na naman ang maraming mga residente lalo na yung mga nagdadala ng mga produkto mula sa kanilang barangay palabas sa poblacion.
Kahit mga motorsiklo at maliliit na sasakyan ay pahirapan na rin sa pagdaan. Kinakailangan pang magbayanihan ang ilang pasahero at residente para hilahin ang sasakyan.
Minsan kailangan pang tumawag ng isang pang malaking sasakyan para irescue ang mga maliliit na sasakyan. ( A.C)
AC video
WATCH: LGU Buldon nanawagan sa Department of Education na aksyonan ang tila ANOMALYA na kinasasangkutan ng ilang guro sa bayan
Sa layuning matugunan ang mga pangangailangan ng mga eskwelahan lalo na ng mga istudyante sa bayan ng Buldon, bumuo ng Inventory Team ang LGU katuwang ang School Board.
Ang inisyatiba ay sa pangunguna ni Mayor Abolais Manalao.
Kaugnay nito bukod sa mga napag-alamang karaniwang problema sa mga pampublikong paaralan, kabilang ang kakulangan sa arm chairs at blackboard, bumulaga naman sa Inventory Team ang tila iregulidad na kinasasangkutan ng ilang paaralan at mga guro.
Sinabing, tila hindi tugma sa tunay na bilang na nairereport sa DEPED mula sa bilang ng mga mag- aaral at mga guro. Nadiskubre din ang pagiging bulakbol ng ilang mga guro. May nakakandado pang mga silid.
Kabilang sa tinukoy ng mga ito ang sitwasyon sa Brgy. Piers at Rumidas.
Kaugnay nito , nakatakdang magpaabot ng opisyal na Report sa DEPED ang LGU at School Board para matugunan ang nasabing usapin.
Sinasabing taon taon ay naglalaan ng pundo ang LGU bilang tulong sa mga eskwelahan at mga -mag aaral. Malaki aniya ang pangarap ni Mayor Manalao para sa mga istudyanye ng bayan. Iginiit din nito na isa ang Edukasyon sa daan sa Kapayapaan at Kaunlaran ng bawat pamilya at komunidad.
Samantala, sa inisyal na pakikipag-ugnayan ng DXMY sa DIVISION Office ng Maguindanao, agad na pinasalamatan ng mga ito ang naging inisyatiba ng LGU at nangakong agad na gagawan na ito ng aksyon.
"We're very thankful din po sa LGU of Buldon kc on our validation marami din talaga sa mga schools natin ang nakakasurvived thru their support po" mensaheng ipinarating sa DXMY mula sa tanggapan ng SDS Maguindanao.