DXTC - 95.9 Radyo Natin FM KITFI Cotabato City

DXTC - 95.9 Radyo Natin FM KITFI Cotabato City DXTC- 95.9 Radyo Natin FM KITFI Cotabato City operates in the FM Band.
(10)

Our station is focus on announcing towards peace and unity, that brings stability and development in the area, and promotes moral broadcasting in the 21st Century, informing Inter- community, the right to information.

3 loose fi****ms, nasabat ng tropa ng militar sa Maguindanao del SurCAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Na...
11/09/2024

3 loose fi****ms, nasabat ng tropa ng militar sa Maguindanao del Sur

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga elemento ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ang tatlong loose fi****ms sa mas pinaigting na kampanya ng kasundaluhan laban sa paggamit ng mga illegal na baril.

Ayon kay Lt. Col. Udgie Villan, ang Commanding Officer ng 33IB, nagsagawa ng clearing operations ang tropa ng kasundaluhan sa bahagi ng Sitio Proper, Brgy Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur alas-8:45 ng gabi nitong Lunes (September 9, 2024) ng masabat ang mga loose fi****ms na kinabibilangan ng dalawang M653 5.56mm rifle at isang Armscor 9mm Pistol.

Batay sa ulat, nagresponde ang tropa ng 33IB sa insidente ng pamamaril sa isang residente sa Brgy Nabundas, Shariff Saydona Mustapha sa nabanggit na lalawigan dahilan para masabat ng mga kasundaluhan ang loose fi****ms sa lugar.

“Sa ngayon, kasama ang kapulisan ay isinailalim na natin sa pagsisiyasat ang nasabing mga baril kung ito ba ang ginamit ng mga suspek sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Nabundas,” wika ni Lt. Col. Villan.

Pinuri naman ni Major General Antonio G. Nafarrete, Commander ng 6ID at JTF-Central ang pagkakasabat ng tropa ng 33IB sa mga loose fi****ms. “Patuloy nating iniimbestigahan ang pagkakarekober nitong mga loose fi****ms upang malaman kung sino ang may-ari at para mapanagot natin sa batas. Ang patuloy na pagsisikap natin sa paglansag ng mga loose fi****ms ay napakalaking bagay upang mapanatili natin ang kaayusan at kapayapaan sa ating nasasakupan,” pahayag pa ni Maj. Gen. Nafarrete.

RN Carolyn Abas

6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army

10/09/2024

Si Bangsamoro Government Spokesperson Mohd Asnin K. Pendatun sa isinagawang Usapang Bangsamoro press briefing na ginanap sa Cotabato City, Ika- 10 ng Seytembre, 2024.

10/09/2024

HOT BALITA

MAGANDANG BALITA : Ang KADIWA NG PANGULO-MURANG BIGAS ( P29.00/kg  ) ay ilulunsad  bukas araw ng Miyerkules Ika-11 ng Se...
10/09/2024

MAGANDANG BALITA : Ang KADIWA NG PANGULO-MURANG BIGAS ( P29.00/kg ) ay ilulunsad bukas araw ng Miyerkules Ika-11 ng Setyembre, 2024 na gaganapin sa National Irrigation Administration Region XII, Magiundanao Irrigation Management Office (NIA-MIMO Office) Compound, RH-6, Cotabato City,.

Sa lahat ng gustong maka avail ay maaring magpa lista sa NIA - Magiundanao Kadiwa Store ( 8:00 am ) First Come, First Served, limitado lamang sa 500 bigas ( 10kg/bag) One person, One Bag lamang ang pwedeng bilhin.

RN Carolyn Abas

Ang Army Artillery Regiment Commander ay bumisita sa 6IDBinisita ng Regiment Commander ng Army Artillery Regiment, Phili...
10/09/2024

Ang Army Artillery Regiment Commander ay bumisita sa 6ID

Binisita ng Regiment Commander ng Army Artillery Regiment, Philippine Army, Col. Hubert Acierto ang 6th Infantry (Kampilan) Division Headquarters sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Ika-5 ng Setyembre, 2024.

Si Col. Acierto ay pinagkalooban ng military honors sa harap ng admin building at tinanggap ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central; Col. Jose Ambrocio Rustia, Assistant Division Commander on Reservist and Retiree Affairs kasama ang iba pang mga opisyal at enlisted personnel ng Command.

Tinalakay sa pagbisita nina Maj. Gen. Nafarrete at Col. Acierto ang mga pagsisikap ng Army Artillery Regiment sa pagbibigay ng hindi direktang suporta sa sunog sa nagpapatuloy at hinaharap na mga operasyong militar ng JTFC. Binibigyang-diin ng pulong ang malakas na samahan ng dalawang yunit sa pinagsamang operasyon ng armas upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Bago ang pagkakalagay ni Col. Acierto bilang 10th Army Artillery Regiment Commander, nagsilbi siya bilang Deputy Regiment Commander ng AAR. Siya ay isang ipinagmamalaking miyembro ng Philippine Military Academy “Maalab” Class of 1993.

RN Carolyn Abas

6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army

SC declares Sulu not part of Bangsamoro regionMANILA, Philippines — The Supreme Court (SC) has upheld the constitutional...
10/09/2024

SC declares Sulu not part of Bangsamoro region

MANILA, Philippines — The Supreme Court (SC) has upheld the constitutionality of the Bangsamoro Organic Law, but declared Sulu not part of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) after the province rejected the ratification of the law.

The SC said the Bangsamoro law is constitutional because it does not make BARMM a separate state from the Philippines.

It said the law did not give the BARMM the power to enter into relations with other states, nor did it grant the autonomous region sovereignty.

The high court said matters pertaining to national defense and security, citizenship, foreign policy and trade remain with the national government.

“The BARMM’s autonomy is limited to its internal governance. The greater autonomy given to the region does not imply separation from the national government,” a summary of the ruling released by the SC public information office read.

The high tribunal also upheld the parliamentary form of government of the BARMM, saying an autonomous region is not prohibited from prescribing a form of government that differs from the national government as long as it upholds democratic principles.

The SC, however, ruled as unconstitutional the interpretation of a provision in the law directing provinces and cities in BARMM to vote as one geographical unit, including those that did not vote to be included.

It said only provinces, cities and geographic areas that voted favorably in the plebiscite should be included in the autonomous region.

“As Sulu rejected the Bangsamoro Organic Law in the plebiscite, it was wrong to include the province in the BARMM,” the SC said.

The Bangsamoro Organic Law, enacted in July 27, 2018, provided for the establishment of the BARMM as a political entity and its corresponding basic governmental structure.

In a 2019 plebiscite, Sulu rejected the ratification of the Bangsamoro law. Despite this, the province was included in the autonomous region.

The provincial government of Sulu filed a petition assailing the law.

The BARMM will conduct its first parliamentary elections in May next year, but with the latest SC decision, Sulu will not participate in the electoral exercises (PHILIPPINE STAR, SEPT. 9, 2024, DAPHNE GALVEZ)

CTTO

LOOK: MDS Gov. Bai Mariam Mangudadatu,tatakbo muli sa 2025 ElectionsTatakbong muli bilang Gubernador ng lalawigan ng Mag...
10/09/2024

LOOK:

MDS Gov. Bai Mariam Mangudadatu,tatakbo muli sa 2025 Elections

Tatakbong muli bilang Gubernador ng lalawigan ng Maguindanao del Sur si Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Ito ay kanyang inihayag kasabay ng Pulong Baliitaan na ginanap sa General Santos City ngayon araw, September 10, 2024.

Sa pagbabalik tanaw, naitalagang Governor sa bagong tatag na Maguindanao Del Sur si Bai Mariam alinsunod sa Batas matapos ang paghahati ng nasabing lalawigan.

Binubuo ng labing apat (24) na munisipalidad ang Maguindanao Del Sur kung saan halos lahat ng mga namumunong alkalde, kongresista at lahat ng mga board members ay kaalyado ng tinaguriang Agila ng Maguindanao.

Siya rin ang kauna-unahang Gubernador ng Maguindanao del Sur at kasalukuyang number 1 sa bagong labas na survey bilang Top Performing Governor mula sa anim (6) na mga Gubernador ng BARMM.

CTTO

10/09/2024

LILANG-LILANG

10/09/2024

LIVE | Bangsamoro Government Spokesperson Mohd Asnin K. Pendatun addresses the local media during today's Usapang Bangsamoro press briefing in Cotabato City, September 10, 2024

09/09/2024

ARANGKADA sa Umaga
ANCHOR Francisco Vélasco jr

09/09/2024

Hits Moro song
Kuya jhong

Korte Suprema, pinagtibay ang Bangsamoro Organic law, pero Sulu idineklarang hindi bahagi ng BARMM Pinagtibay ng Korte S...
09/09/2024

Korte Suprema, pinagtibay ang Bangsamoro Organic law, pero Sulu idineklarang hindi bahagi ng BARMM

Pinagtibay ng Korte Suprema ang Republic Act No. 11054 (Bangsamoro Organic Law), ang batas na nagtatag sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pero idineklara nito na hindi bahagi ng BARMM ang Probinsya ng Sulu.

Sa nagkakaisang boto, sinabi ng mga mahistrado ng Korte Suprema na walang mali sa pagtatag ng BARMM dahil hindi ito lumilikha ng hiwalay na estado, wala itong kapangyarihan na makipag-ugnayan sa ibang mga estado, at wala rin itong soberanya. Nananatiling ang Gobyerno ng Pilipinas ang namamahala sa usaping national defense and security, citizenship, foreign policy, at foreign trade.
�Sabi pa ng desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, limitado ang awtonomiya ng BARMM sa panloob na pamamahala at maaari itong magtakda ng ibang anyo ng gobyerno gaya ng pagtayo ng parlyamento basta sumusunod ito sa mga demokratikong mithiin.

Gayunpaman, idineklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang interpretasyon sa probisyon sa Bangsamoro Organic Law na nag-uutos sa mga lalawigan at lungsod ng ARMM na bumoto bilang iisang heograpikal na yunit. Nilalabag nito ang Article X, Section 18 ng 1987 Constitution na nagsasaad na tanging mga lalawigan, lungsod, at mga heograpikal na lugar na bumoto ng pabor sa plebisito ang dapat isama sa awtonomong rehiyon.

Dahil tinanggihan ng Sulu ang Bangsamoro Organic Law sa plebisito, mali na isama ang lalawigan sa BARMM.

CTTO: Supreme Court PH

09/09/2024

ARANGKADA BALITA

𝙆𝘼𝙏𝘼𝙏𝘼𝙂𝘼𝙉 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝙆𝘼𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼 Susi sa Patuloy na Pag-Unlad ng Maguindanao Del Norte," ito ang tema ng Ika dalawang taong pagka...
09/09/2024

𝙆𝘼𝙏𝘼𝙏𝘼𝙂𝘼𝙉 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝙆𝘼𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼 Susi sa Patuloy na Pag-Unlad ng Maguindanao Del Norte," ito ang tema ng Ika dalawang taong pagkakatatag ng Probinsya ng Maguindanao del Norte na ginanap sa bayan ng Sultan Mastura, araw ng Lunes Ika- 9 ng Setyembre, 2024.

Ang programa ay pinangunahan ni Provincial Gobernador Abdulraof A. Macacua ang kasama ang mga mahahalagang panauhin tulad ni MILG-BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, Bise Gobernador Abdul Nasser Abas, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga alkalde ng bawat bayan, mga konsehal, at iba pang mahahalagang personalidad.

📷: Credit to the Owner

AKSIDENTE SA TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SURIsang malaking van-type, ten-wheeler hauler truck ang lumihis lumagpak ng patagil...
09/09/2024

AKSIDENTE SA TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR

Isang malaking van-type, ten-wheeler hauler truck ang lumihis lumagpak ng patagilid sa tabi ng highway sa Barangay Kamanga sa Tukuran, Zamboanga del Sur nitong umaga ng Lunes, September 9, 2024.

Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials ng Kamanga at mga kasapi ng Tukaran Municipal Officials na nagresponde sa insidente, nakatulog ang driver ng truck sa labis na pagod kaya nawalan ng control sa manibela na siyang nagsanhi ng aksidente.

Wala namang naiulat na nasaktan ng malubha, o nasawi sa aksidente. (Sept. 9, 2024, handout photo, Analyn Teves Calunod)

CTTO

PNP MAY BAGONG OFFICER - IN- CHARGE, MARBIL OUT NA May bagong officer-in-charge na ang Philippine National Police, sa ka...
09/09/2024

PNP MAY BAGONG OFFICER - IN- CHARGE, MARBIL OUT NA

May bagong officer-in-charge na ang Philippine National Police, sa katauhan ng Lt. Gen. Michael John Dubria, kapalit ni Lt. Gen. Rommel Marbil.

May mga opisyal ng PNP sa Camp Crame na nagpahayag na ito ay pansamantala lang dahil out for an official function lang pansamantala si Marbil at babalik din sa naturang puwesto.

Na-designate na OIC ng PNP si Dubria nito lang September 8, 2024. (Sept. 9, 2024)

CTTO

𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐁𝐑𝐔𝐂𝐄 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀𝐎 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐌𝐀𝐃𝐀𝐆, 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐈𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐓 𝐕𝐈...
09/09/2024

𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐁𝐑𝐔𝐂𝐄 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀𝐎 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐌𝐀𝐃𝐀𝐆, 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐈𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐓 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑

Mismong si UBJP President Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, Party Vice President at VP for Central Mindanao Mohagher Iqbal at City Executive Officer Zul Qarneyn Abas ang nagtaas ng mga kamay nina Mayor Matabalao at Kapitan Madag bilang mga opisyal na kandidato ng UBJP sa Lungsod sa pagka Mayor at Vice Mayor.

CTTO: UBJP Regional Headquarters
UBJP-United Bangsamoro Justice Party

SUNDALO NASAWI SA PAMAMARIL SA DUMALINAO, ZAMBOANGA DEL SUR Nasawi on the spot ang isang off-duty na sundalo, si Private...
09/09/2024

SUNDALO NASAWI SA PAMAMARIL SA DUMALINAO, ZAMBOANGA DEL SUR

Nasawi on the spot ang isang off-duty na sundalo, si Private First Class Mark Leo Capute, ng tambangan ng mga armado habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Tina sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Sabado, September 7, 2024.

Si Capute ay kasapi ng 44th Infantry Battalion ng 1st Infantry Division, at nag weekend pass lang upang dumalaw sa kanyang pamilya sa naturang bayan.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Dumalinao Municipal Police Station kung sino ang responsable sa pag-ambush kay Capute na mabilis na nakatakas matapos maisagawa ang naturang krimen. (Sept. 8, 2024, Photos from Dumalinao Municipal Police Station)

CTTO

TATLONG ARAW NA TRAINING OF TRAINERS NG NAMFREL MAGING BANTAY NG BAYAN MATAGUMPAY NA NAISAGAWA COTABATO CITY, BARMM - Ma...
09/09/2024

TATLONG ARAW NA TRAINING OF TRAINERS NG NAMFREL MAGING BANTAY NG BAYAN MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

COTABATO CITY, BARMM - Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na training of Trainers ng NAMFREL maging Bantay ng Bayan na pinagunajan Ng NAMFREL National. Ang programa ay nagsimula noong Ika-3 hang Ika-5 ng Setyembre, 2024 na ginanap sa Pagana Netive Restaurant, Cotabato City.

May kabuuang limampung (50) partisipante ang lumahok sa nasabing aktibidad na mula sa ibat-ibang Civil Society na nagmumula sa Marawi City, Magiundanao Del Sur, Magiundanao Del Norte at Cotabato City.

Ayon kay (NAMFREL) National Chairperson Angel S. Averia, Jr. ang misyon ng Organization nasa kabuuang pangalan ng NAMFREL, na ang register name ng NAMFREL ay NAMFREL bantay ng bayan. Kilala aniya ang NAMFREL sa pagbabantay ng halalan, ito ay hindi masyado kilala ang NAMFREL doon sa pagbabantay sa pamahalaan pero matagal na aniya itong inumpisahan.

Dagdag pa nito bukod doon sa malinis, tapat na halalan ay siguraduhin na iyong pagtatakbo ng pamahalaan e-ayon narin sa batas, maging tama naman.

Ang NAMFREL MBnB BARMM ay komprehensibong muling idinisenyo upang matugunan ang mga isyung partikular sa BAMM at maging angkop sa kultura at konteksto para sa mga komunidad ng BARMM.

Ito ay isang consortium partner ng PARTICIPATE BARMM na kinabibilangan din ng Ateneo School of Government, La Salle Institute of Governance, at ang Caucus of Development NGO Networks..

08/09/2024

"HOT BALITA"
News Anchors: BCTR. CAROLYN S. ABAS & RAIHANA D. BANGCULA
7:00-8:00 a.m. (Monday - Friday)
September 9, 2024 || 6th Rabi'ul awwal 1446 AH

TAWII-TAWI AIRPORT PERSONEL MAY BAGONG SATFF HOUSE Masaya ang mga government employees na nagseserbisyo sa Sanga-Sanga A...
08/09/2024

TAWII-TAWI AIRPORT PERSONEL MAY BAGONG SATFF HOUSE

Masaya ang mga government employees na nagseserbisyo sa Sanga-Sanga Airport sa Bongao, Tawi-Tawi sa pagkakagawa ng kanilang P8.7 million na two-storey staff house kung saan sila magpapahinga tuwing matapos ang kanilang trabaho araw-araw.

Sa pahayag nitong Linggo, September 8, 2024, ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago, kanilang pinasinayaan nito lang nakalipas na linggo ang bagong staff house, nagawa gamit ang P8.7 million na pondo mula sa General Appropriations Act of the Bangsamoro of 2003.

May walong living rooms, o mga silid ang naturang bagong tayo na staff house, ayon kay Tago.

Ang Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pinamumunuan ng account-lawyer na si Tago ang namamahala ng Sanga-Sanga Airport sa Tawi-Tawi sa pamamagitan ng kanilang Bangsamoro Airport Authority (BAA) office sa naturang probinsya.

Sa kanilang pinag-isang press statement nitong Sabado, pinasalamatan ng mga kawani ng BAA na sakop ng MoTC-BARMM ang kanilang ministry regional office at si Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa proyektong staff house na kanila ng na-okupa mula pa nitong nakalipas na linggo. (Sept. 8, 2024)

MALAKING BALITA: Pastor Apollo Quiboloy arestado na ngayong Linggo ng gabi, September 8, 2024, nasa kustodiya na ng puli...
08/09/2024

MALAKING BALITA: Pastor Apollo Quiboloy arestado na ngayong Linggo ng gabi, September 8, 2024, nasa kustodiya na ng pulisya.

Photo from office of DILG Sec. Benhur Abalos (Sept.8, 2024)

TAWI-TAWI AIRPORT OFFICE, NABIYAYAAN NG UTILITY PICK -UP TRUCKTumanggap nitong nakalipas na linggo ang provincial office...
08/09/2024

TAWI-TAWI AIRPORT OFFICE, NABIYAYAAN NG UTILITY PICK -UP TRUCK

Tumanggap nitong nakalipas na linggo ang provincial office ng Bangsamoro Airport Authority (BAA) ng Ministry of Transportation andBCommunications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MoTC-BARMM) ng Mitsubishi pick-up truck mula sa tanggapan ni Regional Parliament Member Suharto Ambolodto

Ibinalita sa mga reporters nitong Linggo, September 8, 2024, ni Minister Paisalin Pangandaman Tago ng MoTC-BARMM na na-turn over na sa mga opisyal ng kanilang Bangsamoro Airport Authority sa Tawi-Tawi ang naturang sasakyan, nabili gamit ang alokasyong mula sa Transitional Development Impact Fund ng tanggapan ni Parliament Member Ambolodto.

Magagamit ng Tawi-Tawi provincial BAA office bilang utility vehicle, employees shuttle at emergency response operations vehicle ang naturang brand new na pick-up truck na special grant ng tanggapan nila Parliament Member Ambolodto, na kasapi ng 80-member BARMM parliament.

Nagtutulungan ang accountant-lawyer na si Transportation and Communicatons Minister Tago at kapwa abugadong si Parliament Member Ambolodto sa pagpapalaganap na masigasig na serbisyo ng Bangsamoro Airport Authority, ng Bangsamoro Ports Authority, ng Bangsamoro Land Transportation Office, ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board at iba pang mga ahensyang sakop ng MoTC-BARMM. (Sept. 8. 2024)

DIUMANO LASING NA CAR DRIVER , NAKABANGGA NG 2 TRICYCLE Nakikipag-ayos na ang isang may-ari ng kotse sa may-ari ng dalaw...
08/09/2024

DIUMANO LASING NA CAR DRIVER , NAKABANGGA NG 2 TRICYCLE

Nakikipag-ayos na ang isang may-ari ng kotse sa may-ari ng dalawang tricycles na kanyang nabangga habang nagmamaneho ng lasing sa isang bahagi ng highway sa sentro ng Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato madaling araw nitong Huwebes.

Naganap ang aksidente bandang 3:00 a.m. nitong nakalipas lang na Huwebes, September 5, 2024, ayon sa Kidapawan City Police Office.

Sa ulat ng mga opisyal ng Kidapawan City Police Office nitong Linggo, September 8, 2024, nagkasundo na ang may-ari ng kotse at ng dalawang tricycles na pag-usapan na lang upang tuluyan na silang ma-areglo at maipaayos na agad ang nasirang tricycles na nasangkot sa aksidente.

Sa salaysay ng mga saksi at mga pulis na nagresponde sa insidente, lango sa alak ang driver ng kotse ng kanyang mabangga ang dalawang tricycles. (September 8, 2024, handout photo, R. Patches)

CTTO

4 CHINESE KINIDNAP SA PASAY, NASAGIP SA BATANGASMANILA, Philippines  — Apat na Chinese nationals na umano’y dinukot sa P...
08/09/2024

4 CHINESE KINIDNAP SA PASAY, NASAGIP SA BATANGAS

MANILA, Philippines — Apat na Chinese nationals na umano’y dinukot sa Pasay City ang matagumpay na natagpuan na ng mga awtoridad sa Batangas City nitong Biyernes, ayon sa ulat nitong Sabado.

Ligtas na nakita ang mga biktima na kinilalang sina Wang Qing Feng, 23-anyos; Nang Ze Cheng , 31; Wang Lan Lai, 32, at Chen Wei Wei.

Sa report ng CALABARZON Police, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang matagpuan ng isang security guard ang apat na Chinese nationals habang naglalakad sa Bypass Road sa Brgy. Balagtas ng lungsod na ito.

Hindi umano alam ng nasabing mga Chinese kung saang lugar sila napadpad matapos na umano’y dukutin sa isang lugar sa Pasay City.

Ang mga biktima ay pagod na pagod sa paglalakad, nauuhaw at gutom na gutom nang matagpuan ng security guard na siyang nag-turnover sa mga dayuhan sa pulisya.

Sa salaysay ng mga biktima, piniringan umano sila, iginapos ang mga kamay, nilagyan ng duct tape sa bibig para ‘di makasigaw kung saan nagawa nilang tumakas matapos na makalingat ang mga kidnappers.

SOURCE: PHILIPPINE STAR, SEPT. 8, 2024, JOY CANTOS & ED AMOROSO

CTTO

08/09/2024

𝙁𝙊𝙍𝙈𝙀𝙍 𝘾𝙊𝙉𝙂𝙍𝙀𝙎𝙎𝙒𝙊𝙈𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙂𝙐𝙄𝙉𝘿𝘼𝙉𝘼𝙊 𝙒𝙄𝙏𝙃 𝘾𝙊𝙏𝘼𝘽𝘼𝙏𝙊 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘽𝘼𝙄 𝙎𝘼𝙉𝘿𝙍𝘼 𝙎𝙀𝙈𝘼 𝙋𝘼𝙈𝘽𝘼𝙏𝙊 𝙉𝙂 𝙐𝘽𝙅𝙋: Kasabay ng isinagawang BARMM Assembly at Mass Oath Taking ng Partido Federal ng Pilipinas na ginanap sa Cotabato State University ( CSU ) araw ng Sabado Ika-7 ng Setyembre 2024. Pormal ng inanunsyo ni United Bangsamoro Justice Party UBJP President at BARMM Chief Minister Ahod Murad Balawag Ebrahim na tatakbo muli si former Congresswoman ng Magiundanao with Cotabato City, Ina ng BOL Bai Sandra Sinsuat Ampatuan Sema sa darating na 2025 Midterm Elections.

RN Carolyn Abas

Video Credit: Ella Dayawan

08/09/2024

"PAKAT" Patuntay nu Kangudan Kanu Tempo
Program Host: SM RODJIPAY A. MANGULAMAS
3:00-5:00 PM (Sunday)
September 8, 2024 || 5th Rabi'ul Awwal 1446 AH

08/09/2024

Si Cotabato City Vice Mayor Johari " Butch " C. Abu sa kanyamg mensahe kaugnay sa isinagawang Kumustahan sa Barangay na isinagawa sa Brgy. Kakar, Poblacion 8, Cotabato City na ginanap araw ng Sabado Ika-7 ng Setyembre 2024.

Address

PC Hill, Zone 7, Rosary Heights 1
Cotabato City
9600

Telephone

+639066502967

Website

https://radyonatinfm.com/cotabato

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXTC - 95.9 Radyo Natin FM KITFI Cotabato City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXTC - 95.9 Radyo Natin FM KITFI Cotabato City:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Cotabato City

Show All