89.3 Brigada News FM Cotabato City

89.3 Brigada News FM Cotabato City In the heart of changing lives, we help and inspire with dedicated, meaningful effort.
(2)

Nagpasalamat si Alibai Kanakan na residente ng Barangay Damabalas, Datu Piang Maguindanao Del Sur matapos tumanggap ng b...
25/12/2024

Nagpasalamat si Alibai Kanakan na residente ng Barangay Damabalas, Datu Piang Maguindanao Del Sur matapos tumanggap ng bigas at mga grocery items mula project TABANG - BARMM,Brigada Cotabato at grupo ng PMR

Dahil sa hirap ng buhay ng kanyang pamilya ay napili ito na makatanggap ng tulong matapos dumulog sa himpilan ng brigada at humingi ng tulong// Nhor Gayak//

Sya si Babo Fatima Banto,isang senior citizen na residente ng Barangay Bagoinged, Ligawasan SGA - BARMM Nagpasalamat sa ...
25/12/2024

Sya si Babo Fatima Banto,isang senior citizen na residente ng Barangay Bagoinged, Ligawasan SGA - BARMM

Nagpasalamat sa Project TABANG -BARMM,Brigada News Cotabato at PMR dahil sa kanyang tinanggap na tulong

Bigas at grocery items ang tinanggap ni babo, walang asawa at tibayo sa matagal ng panahon

Wala na itong inaasahang hanapbuhay kaya napiling bigyan ng tulong// Nhor Gayak//

24/12/2024

PEACE COVENANT SIGNING NG 2 GUBERNATORIAL CANDIDATE SA MAGUINDANAO DEL NORTE ISINAGAWA SA PANGUNGUNA NG MILITAR

NARITO ANG REPORT NI NHOR GAYAK

Nilinaw ngayon ni MILG - BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba na nasa kamay pa rin ng Pangulo ng Pilipinas ang aw...
24/12/2024

Nilinaw ngayon ni MILG - BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba na nasa kamay pa rin ng Pangulo ng Pilipinas ang awtoridad na magtalaga ng mga miyembro ng BTA at ng Interim Chief Minister.

Dahil dito ay walang sino man ang makapapalit sa mga ito maliban kung ang mismong Presidente dahil siya lang ang may kaukulang karapatan o prerogative nito.

Posibleng gamitin ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan upang magtalaga ng mga bagong myembro ng Bangsamoro Transition Authority o BTA kung sakaling matuloy ang resetting ng First BARMM Parliamentary election.

Higit dito maaring tanggalin o palitan ang sinumang MP na hindi alintana kung may panukalang batas o wala dahil labas ito sa hurisdiksyin at prebilihiyo ng mambabatas at tanging ipinagkaloob lamang ang naturang awtoridad sa Pangulo ng bansa.

Ginawa ni Minister Alba ang nasabing pahayag matapos maitanong kung may posibilidad bang magtalaga si Pangulong Bongbong Marcos Jr.,ng mga myembro ng BTA kung maging ganap na batas ang resetting ng First BARMM election na unang itinakda sa susunod na taon. (Jom Dimapalao)

Sinimulan ng itayo ang isang multi-purpose building para sa mga residente ng Barangay Tamontaka 5 ng lungsod matapos ang...
24/12/2024

Sinimulan ng itayo ang isang multi-purpose building para sa mga residente ng Barangay Tamontaka 5 ng lungsod matapos ang isinagawang ground breaking ceremony kanina.

Ayon kay Kapitan Datun “Bapa Doc” Diocolano, isang malaking katuparan para sa kanyang mga kabarangay ang pagkakaroon ng ganitong proyekto.

Nagpasalamat din sya kay MP Datu Romeo Sema dahil napili ang kanyang barangay sa pagtatayuan ng proyekto na mula sa kanyang Transitional Development Impact Fund o TDIF. (Jom Dimapalao)

Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod sponsor sa gaganaping MOSABAQA ng walong mga malalaking Madrasah Handang - handa...
24/12/2024

Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod sponsor sa gaganaping MOSABAQA ng walong mga malalaking Madrasah

Handang - handa na ang lokal na pamahalaan ng Pagalungan Maguindanao Del Sur sa gagaganaping ika 17th Academic and Sports Zone Meet o Mosabaqa na idadaos sa Mahad Abbas Mamasabulod Al - Islamie sa Barangay Damalasak

Walong mga malalaking Mahad ang maglalaban - laban sa nasabing Mosabaqa na kinabibilangan ng

1.Tarbiya Pagalungan kung saan 31 na mga madrasah ang sakop nito
2. Tarbiya Pagagawan sa bayan ng Datu Montawal
3. Mahad Abbas ng Barangay Damalasak
4. Mahad Ahlussallaf sa Poblacion Pagalungan
5. Mahad Kadingilan ng Datu Montawal MDS
6. Mahad Pagagawan sa Datu Montawal MDS
7. Mahad Buliok, Pagalungan MDS at
8. Mahad Nourol Wihda,Buliok Pagalungan MDS

Ang programang ito ng mga mag aaral ng arabic ay ikinatutuwa ni Pagalungan Maguindanao Del Sur Mayor Datu Salik Mamasabulod kaya't sinagot na nito kasama si Vice Mayor Datu Abdilah " Ab's " Mamasabulod at Councilor Datu Mohamiden Mamasabulod ang lahat ng pangangailangan ng mga manlalarong estudyante tulad ng pagkain, tulugan,gamot,uniporme at iba pa

Ayon kay Pagalungan Administrator Zhul Payag, magaganap simula December 27 - 29, 2024

Inaasahan namang dadagsain ito ng mga manonood na manggagaling sa ibat - ibang lugar upang manood sa mga patimpalak// Nhor Gayak//

24/12/2024

Ipinaayos ni Barangay Chairman Datu Joven Pangilan ng Barangay Tamontaka 2 ang bahay ng mag inang Maysalam Tasil.

Ayon kay Kap Pangilan, habang umiikot sya noong isang araw ay nakita nya na halos matumba na ang bahay ng mag ina.

Wala na silang padre de pamilya dahil ilang taon nang patay ang asawa ni Babo Maysalam.

Ayon sa kanya, ni minsan ay hindi nya ito inaasahan kaya malaki ang pasasalamat nito sa opisyal. (Jom Dimapalao)

Ipinaayos ni Barangay Chairman Datu Joven Pangilan ng Barangay Tamontaka 2 ang bahay ng mag inang Maysalam Tasil.Ayon ka...
24/12/2024

Ipinaayos ni Barangay Chairman Datu Joven Pangilan ng Barangay Tamontaka 2 ang bahay ng mag inang Maysalam Tasil.

Ayon kay Kap Pangilan, habang umiikot sya noong isang araw ay nakita nya na halos matumba na ang bahay ng mag ina.

Wala na silang padre de pamilya dahil ilang taon nang patay ang asawa ni Babo Maysalam.

Ayon sa kanya, ni minsan ay hindi nya ito inaasahan kaya malaki ang pasasalamat nito sa opisyal. (Jom Dimapalao)

24/12/2024

Terminal ng bus ngayong holiday season, dinagsa ng mga pasahero!

Tuloy-tuloy ang dagsaan ng mga pasahero ng Rural Tours at Mindanao Star Bus para makauwi sa kanilang mga kaanak na nasa karating rehiyon.

Nilahad ngayong araw ni Cyrus Tabagbanwa sa programang Banat Brigada ang sitwasyon ng terminal.

Aniya, nagsimula ang pagdagsa ng pasahero nitong December 20.

Si Cyrus ay isang line inspector ng Rural Tours at nangangasiwa sa pag-alis at pagbalik ng mga bus.

Aniya, aabot sa 250 passengers na ang kanilang nahatid as of 6:35 ngayong umaga ng bisperas ng pasko.

Patungo ang sinasakyan nilang bus sa Dipolog at ang iba naman ay sa Zamboanga City.

Last trip nila sa ganung ruta ay mamayang alas 2:00 ng hapon.

810 ang presyo ng pamasahe patungong Dipolog habang 1,000 pesos naman patungong Zamboanga.

Samantala, nagpapatuloy rin ang bus trip ng Mindanao Star Bus na may biyaheng Cotabato City to Gensan at Cotabato City to Davao City.

400 pesos ang ticket ng bus patungong Gensan habang nasa 500 pesos pataas ang presyo ng ticket ng Cotabato to Davao Route.

RH

23/12/2024

Datu Blah Sinsuat Mayor at Maguindanao Del Norte Gubernatorial Aspirant Datu Marshall Sinsuat kasama ang mga alkalde ng probinsya lubos ang pasasalamat kay Governor Abdulraof Macacua sa kanilang tinanggap na bus// Nhor Gayak/ JOMD//

23/12/2024

BRIGADA BALITA ALAS 7 WITH JOM DIMAPALAO & ROY HOLGADO

23/12/2024

PANOORIN: Si Gov Sam ng Maguindanao del Norte sa isinagawang Ceremonial turnover ng sampung unit ng coaster bus sa mga bayan ng lalawigan. (Nhor Gayak/Jom Dimapalao)

Dead on the spot ang isang lalaki matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo, hita at ibang bahagi ng kanyang katawan sa pan...
23/12/2024

Dead on the spot ang isang lalaki matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo, hita at ibang bahagi ng kanyang katawan sa panibagong kaso ng pamamaril na naitala sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Janjan Tubaga Adal, nasa tamang edad na residente ng Sitio Lomboy, barangay Awang.

Nangyari ang insidente alas 8:45 ng gabi kagabi sa Sitio Daiwan, Barangay Tanuel kung saan sakay ang biktima ng walang plakang motorsiklo nang paputukan ng dipa nakikilalang suspek.

Narekober sa crime scene ang nasa limang basyo ng bala mula sa 5.56mm na syang pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril sa biktima.(Jom Dimapalao)

23/12/2024

BRIGADA BALITA NATIONWIDE SA UMAGA - DECEMBER 24, 2024
Kasama sina Brigada Glenn Parungao at Brigada Gab Dalisay
================================
◍ HEADLINES:
=================================
◍ Daan-daang libong mga byahero naitala ilang araw bago ang Pasko

◍ Mga pasaherong humabol sa pag-uwi bago ang Pasko, dumagsa sa PITX; Byahe patungong Bicol, balik-normal na // JIGO CUSTODIO

◍ Senate Committee on Public Services - pinatitiyak sa NLEX ang maayos na daloy ng trapiko ngayong Holiday season // ANNE CORTEZ

◍ PNP, magpapakalat ng mga pulis sa mga barangay para maiwasan ang akyat-bahay modus ngayong mahabang bakasyon// CATH AUSTRIA

◍ DOH, nakagtala na agad ng 17 indibidwal na naputukan ilang araw bago ang Bagong Taon

◍ Mataas na popularity ratings, hindi basehan ng epektibong pamamahala, ayon sa Malacañang// MARICAR SARGAN

◍ Motu proprio inquiry, ikakasa ng Kamara laban sa prangkisa ng NGCP dahil umano sa lapses at hindi makatwirang practices // HAJJI KAAMIÑO

◍ BI, muling ipinaalala sa mga foreign POGO workers na i-donwgrade na ang kanilang mga visa // SHEILA MATIBAG

◍ COMELEC naghahanda na para sa 'Super Election Year' sa 2025

◍ Pamilyang binaha at nasunugan, nabigyan ng housing materials ng Brigada News FM Naga at 1Tahanan party-list
================================



TEXTLINE: 0954-340-7430
LISTEN VIA:
🌐 www.brigadanews.ph
📻 105.1 MHz (Mega Manila)
Facebook and YouTube: 105.1 Brigada News FM Manila
Tiktok and Twitter:
================================
================================
================================

Isang daang pabahay ang magkasabay na itinurnover ng Ministry of Human Settlements and Development – BARMM sa mga bayan ...
23/12/2024

Isang daang pabahay ang magkasabay na itinurnover ng Ministry of Human Settlements and Development – BARMM sa mga bayan ng Sumisip at Akbar sa probinsya ng Basilan.

Sinabi ni MHSD-BARMM Director General Esmael Ebrahim na tig limampung bahay sa bayan ng Sumisip kung saan karamihan sa mga nakatanggap ay mga myembro ng M**F habang sa Akbar naman ay mga mahihirap na kababayang IDPs.

Natukoy ang mga ito sa tulong narin ng Lokal na Pamahalaan at inaasahan na mas marami pang housing project mula sa Ministry ang itu-turnover sa unang bahagi ng susunod na taon, ayon pa kay Ebrahim.(Jom Dimapalao)

23/12/2024

BANAT BRIGADA BALITA

23/12/2024

LARGA BRIGADA WITH ROY HOLGADO

23/12/2024

LARGA BRIGADA NATIONWIDE - DECEMBER 24, 2024
kasama sina BRIGADA LEO "Mommy L" NAVARRO-MALICDEM & BRIGADA Mark Mercano

===========



TEXTLINE: 0954-340-7430
LISTEN VIA:
🌐 www.brigadanews.ph
📻 105.1 MHz (Mega Manila)
Facebook and YouTube: 105.1 Brigada News FM Manila
TikTok:
Twitter:
===========

Address

2nd Floor, Hands Building, Sinsuat Avenue
Cotabato City
9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 89.3 Brigada News FM Cotabato City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share