The FENIX Channel

The FENIX Channel Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The FENIX Channel, Broadcasting & media production company, Heritage Homes, Binanuan, Catarman.

The FENIX Channel features news, analysis and research resources, in-depth reports on the current local, national and global issues with a tagline of “UNFOLDING THE TRUTH!"

30/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/30/2024]


29/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/29/2024]

27/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/26/2024]

25/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/25/2024]

24/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/24/2024]

23/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/23/2024]


𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟯. 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘯𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (15) 𝘔...
22/07/2024

𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟯. 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘯𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (15) 𝘔𝘪𝘥𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘙𝘦𝘴𝘰𝘭𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘢𝘱𝘳𝘶𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘥𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯.

By: Rommel Ibasco Fenix
July 22, 2024

𝗙𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝟭𝟱 𝗱𝗲𝗰𝗲𝗶𝘁𝗳𝘂𝗹 𝗺𝗶𝗱𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗱 𝗯𝘆 𝗗𝗕𝗠:

Noong Agosto 3, 2023, isang Budget Forum ang isinagawa sa Sangguniang Panlalawigan session hall, dumalo dito ang lahat ng Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigan at tinalakay dito ang napakaraming ipinasang resolutions ng nakaraang komposisyon ng Sangguniang Panlalawigan, ilang araw bago bumaba sa pwesto ang nakaraang administrasyon.

Napakinggan sa nasabing Budget Forum ang sinabi ni Provincial Accountant Imelda Flores na grabe at sobrang laki ng pondo ang kinakailangan para lang mapagbigyan ang nasabing mga resolusyon at ordinansa.

Malinaw din na ipinaliwanag nina Provincial Budget Officer Mercedes Alfuerte at Provincial Accountant Imelda Flores sa naturang budget forum na hindi kakayanin ng Provincial Government na lagyan ng pondo ang nasabing mga ordinansa at resolusyon dahil wala namang pera o pondo na mapagkukunan para dito.

Idinagdag pa ng dalawa na ang naturang mga legislations ay walang pinagbabasehan na batas, jurisprudence o guidelines mula sa national government kaya may ilang transaksyon na may kaugnayan sa ordinansa ang idineklara ng Department of Budget and Management (DBM) na void o walang bisa.

Katulad ng ilang transaksyon na napirmahan ng Provincial Accountant para sa pagbibigay ng insentibo sa may mga latin honors, subalit ang transaksyon ay pinawalang bisa ng DBM at ipinabalik o pinag pull out lahat ng payroll para sa nasabing mga insentibo.

Nanawagan din sa nabanggit na budget forum, kapwa ang Provincial Budget Officer at Provincial Accountant sa mga Board Members na konsultahin muna ng mga ito ang Finance Team ng Kapitolyo at alamin kung mayroong pwedeng mapagkunan ng pondo, bago magpasa at mag-apruba ng kahalintulad na ordinansa.

Sinabi naman ni Atty. Archimedes Yanto, Provincial Legal Officer ng Pamahalaang Panlalawigan, sa nasabing budget forum na may kulang sa inaprubahan na mga resolutions at ordinances dahil wala aniyang nakalagay na source of funds, ayon sa abogado, kailangan na sa pagpasa ng ganitong resolutions ay dapat ay may nakalagay na mga katagang "𝘢𝘱𝘱𝘳𝘰𝘳𝘪𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘶𝘯𝘥𝘴 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦𝘰𝘧" o kaya ay "𝘴𝘶𝘣𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘷𝘢𝘪𝘭𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘰𝘧 𝘧𝘶𝘯𝘥𝘴".

Makikita naman mula sa mga programa ng Kapitolyo sa loob ng nakalipas na 12 taon simula noong 2010 hanggang 2022 ay walang naging programa ang "nakaraang administrasyon"
para sa pagbibigay ng incentives at allowances sa mga SENIOR CITIZENS, PWD, BHW, BNS, TANOD, DAYCARE WORKERS, PUBLIC SCHOOL TEACHERS, TODA, FARMERS, FISHERMEN, MINERS at iba pang sektor.

Sa ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Governor D**g Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia ay nagpapatupad na ito ng mga programang nagbibigay ng Cash Gifts, Cash Assistance, Assistive Devices Assistance, Honorarium para sa BASCA Presidents, FSCAP Presidents at OSCA Heads, Incentives para sa mga Centenarians, Maintenance Medicine Assistance, Medical Assistance, Educational Assistance, Alay Eskwela, Bangka mo Gawa mo program, Amihan Subsidy Program, Alaga at Kalinga Alay Pangkalusugan (AKAP), Ugnayan sa SiguraDONG Serbisyong Alay Pambarangay (USSAP), Housing Program, Burial Assistance at Alay Pagdamay Assistance. END.

Para balikan ang mga nakaraang 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 please click the following links:

𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗙𝗮𝗸𝗲 𝗡𝗲𝘄𝘀: https://www.facebook.com/share/p/CkERUHqgMUMw9qCL/?mibextid=oFDknk

𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭: https://www.facebook.com/share/p/UV1453rYePfkTLdm/?mibextid=oFDknk

𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮: https://www.facebook.com/share/p/cY1Pqt4YV7seiGwy/?mibextid=oFDknk

22/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/22/2024]


𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮. 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘯𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (15) 𝘔...
20/07/2024

𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮. 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘯𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (15) 𝘔𝘪𝘥𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘙𝘦𝘴𝘰𝘭𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘢𝘱𝘳𝘶𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘥𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯.

By: Rommel Ibasco Fenix
July 21, 2024

𝗧𝗵𝗲 𝟭𝟱 𝗱𝗲𝗰𝗲𝗶𝘁𝗳𝘂𝗹 𝗠𝗶𝗱𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗮𝗺𝗼𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗼 𝗮𝗹𝗺𝗼𝘀𝘁 𝟭 𝗕𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗲𝘀𝗼𝘀:

1. Monthly allowance para sa mga Barangay Agriculture Extension Workers (BAEW) na nagkakahalagang P16,920,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

2. Monthly allowance para sa mga Barangay Health Workers (BHW) na nagkakahalagang P45,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

3. Monthly allowance para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) na nagkakahalagang P16,920,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

4. Monthly allowance para sa mga Barangay Tanod na nagkakahalagang P170,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

5. Monthly allowance para sa mga Day Care Workers na nagkakahalagang P16,920,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

6. Allowance para sa mga Public School Teachers na nagkakahalagang P25,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

7. Incentives para sa mga Senior Citizens na may edad 70, 80, 90 at 100 years old na nagkakahalagang P150,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

8. Burial assistance na nagkakahalagang P15,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

9. Cash assistance para sa mga TODA na nagkakahalagang P50,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

10. Allowance para sa mga Lupong Tagapamayapa na nagkakahalagang P30,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

11. Monthly cash assistance para sa mga farmers at fishermen P330,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

12. Monthly cash assistance para sa mga miners at gold panners na nagkakahalagang P78,000,000.00 million pesos;

13. Cash incentives para sa mga SP member, Mayor at Punong Barangay na nakakumpleto ng 3 termino na nagkakahalagang P5,000,000.00 million pesos;

14. Cash incentives para sa mga Board/Bar Exam Placer na nagkakahalagang P8,000,000.00 million pesos;

15. Allowance para sa mga PWD na nagkakahalagang 30,000,000.00 million pesos na 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐄𝐱 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨;

Sa kabuuan, umaabot sa halagang 𝗣𝟵𝟴𝟲,𝟳𝟲𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬 ang kinakailangang lagyan ng pondo ng papalit na Administrasyong Padilla-Ascutia, subalit wala namang isinasaad sa resolusyon at ordinansa kung saan manggagaling ang pondo.

Matatandaan na simula 2010 hanggang 2022, sa loob ng 12 taon ay hindi naglaan si Ex Governor Tallado ng ISANG (1) BILYONG PISONG pondo para sa nasabing mga sektor at kung kaylan siya pababa na sa pwesto ay saka niya ito ginawa upang gamitin niyang basehan sa kanyang mga ginagawang paninira sa Administrasyong pumutol sa kanyang paghahari sa Camarines Norte.

Abangan bukas July 22, 2024 ang Investigative Series: The Art of Deception Part 3 hinggil sa hindi pagpayag at pagpapawalambisa ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilang transaksyon ng Kapitolyo tulad ng pagbibigay ng insentibo sa ilang sektor. # # #

Balikan ang detalye ng initial presentation ng 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 - 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗙𝗮𝗸𝗲 𝗡𝗲𝘄𝘀 :https://www.facebook.com/share/p/bZtTEynLs7fAm9Ec/?mibextid=oFDknk at ang 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭: https://www.facebook.com/share/p/U4EiGnr2iymaFYXU/?mibextid=oFDknk

20/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/20/2024]


𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭. 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘯𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (15) 𝘔...
19/07/2024

𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭. 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘯𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (15) 𝘔𝘪𝘥𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘙𝘦𝘴𝘰𝘭𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘢𝘱𝘳𝘶𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘥𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯.

By: Rommel Ibasco Fenix
July 20, 2024

Nagsimula ang lahat matapos lumabas ang resulta ng nakaraang May 13, 2022 election:

PADILLA - 162,081 Votes TALLADO - 147,985 Votes

ASCUTIA - 168,782 Votes
PIMENTEL - 121,716 Votes

𝗟𝗮𝗻𝗱𝘀𝗹𝗶𝗱𝗲 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝘆:

Dahil sa epekto ng hindi matanggap na pagkatalo noong nakaraang eleksyon sa kabila ng kumpleto at nakakaangat na makinarya sa pulitika ay humantong ang nakatalikod na administrasyon sa pagsasakatuparan ng planong pagsabotahe sa pagpasok ng Padilla-Ascutia sa Kapitolyo, gamit ang kampanyang gatungan ang mga sektor ng SENIOR CITIZENS, PWD, BHW, BNS, TANOD, DAYCARE WORKERS, PUBLIC SCHOOL TEACHERS at iba pang sektor, upang kapootan ng mga ito ang papalit na administrasyon na pumutol sa labindalawang taon (12) na paghahari sa Camarines Norte.

𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟮𝟮 𝗮𝗻𝗱 𝟮𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟮 𝘀𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗲𝗰𝗲𝗶𝘁𝗳𝘂𝗹 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀:

Resulta ng hindi matanggap na pagkatalo, hindi pa man nakakaupo sa pwesto ang Padilla-Ascutia sa Kapitolyo ay mayroon na silang matinding problema at isyung kakaharapin, sanhi ng mapanlinlang na labinlimang (15) resolusyon at ordinansa na nilagdaan ang iba noong June 22, 2022 at ang iba pa ay noong June 29, 2022 ilang araw bago bumaba sa pwesto ang nakaraang administrasyon noong June 30, 2022, na ang naturang mga inaprubahang resolusyon at ordinansa ay nangangailangan ng umaabot sa halagang ISANG BILYONG PISO (P1B) pondo na dapat ilaan ng papalit na bagong administrasyon.

Abangan ang Investigative Series: The Art of Deception Part 2 bukas July 21, 2024 na naglalaman ng mga mapanlinlang na midnight resolutions. # # #

Balikan ang detalye ng initial presentation ng 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗙𝗮𝗸𝗲 𝗡𝗲𝘄𝘀: https://www.facebook.com/share/p/bZtTEynLs7fAm9Ec/?mibextid=oFDknk

19/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/19/2024]


𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗙𝗮𝗸𝗲 𝗡𝗲𝘄𝘀, (Initial Presentation). IPINALABAS NA FAKE NEWS NG KAMPO NG DATING GOBERNADOR HI...
18/07/2024

𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗙𝗮𝗸𝗲 𝗡𝗲𝘄𝘀, (Initial Presentation). IPINALABAS NA FAKE NEWS NG KAMPO NG DATING GOBERNADOR HINGGIL SA INSENTIBO NG MGA SENIOR CITIZENS ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN AT PANLOLOKO SA PUBLIKO

By: Rommel Ibasco Fenix | July 19, 2024

Malaking KASINUNGALINGAN at PANLOLOKO sa publiko ang ipinalabas na FAKE NEWS ng kampo ng dating Gobernador na noong ito ay nakaupo pa ay mayroon itong ipinamimigay na insentibo sa mga Senior Citizens na P10K sa 70 years old, P20K sa 80 years old, P20K sa 90 years old at P50K sa 100 years old at ng umupo daw ang Padilla-Ascutia ay pinutol dahil sa kakulangan ng budget.

Ang maling balitang ito ay mapatutunayan sa mga records ng Pamahalaang Panlalawigan dahil simula noong 2010 na maupo sa pwesto ang dating Gobernador hanggang sa bumaba ito sa pwesto noong Hunyo 30, 2022 ay walang makikitang records sa Kapitolyo na namahagi ito ng insentibo sa mga Senior Citizens sa loob ng 12 taon.

Kung meron mang dokumento na makikita ay ang pinirmahan ng dating Gobernador na mapanlinlang na resolusyon at ordinansa noong June 22 at June 29, 2022 ilang araw bago siya bumaba sa pwesto upang e-sabotahe ang pagpasok ng Padilla-Ascutia sa Kapitolyo, gamit ang kampanyang gatungan ang sektor ng SENIOR CITIZENS upang magalit ito sa bagong administrasyon na pumutol sa kanilang paghahari sa Camarines Norte.

Ang katotohanan ay ngayon lang panahon ng Padilla-Ascutia nagkaroon ng mga regalo, insentibo at suporta sa hanay ng mga Senior Citizens, PWD at iba pang sektor ang Pamahalaang Panlalawigan, at ito ay sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng Cash Gifts, Cash Assistance, Assistive Devices Assistance, Honorarium para sa BASCA Presidents, FSCAP Presidents at OSCA Heads, Incentives para sa mga Centenarians, Maintenance Medicine Assistance at Medical Assistance.

Samantala, hinggil naman sa iba pang kasinungalingan tungkol sa Incentives, Honorarium at Benepisyo ng PWD, BHW, BNS, TANOD, Daycare Workers, Public School Teachers na ayaw rin daw ibigay ng PADILLA ASCUTIA administration ay salat na salat rin ito sa katotohanan dahil simula noong 2010 hanggang 2022 sa loob ng 12 taon ay hindi naman ito ginawa ng natalong Gobernador.

Lumitaw lamang ang pangalan ng mga sektor na ito sa panahon ng pababa na sa pwesto ang dating Gobernador at gagamitin ang nasabing mga sektor sa isang kampanya na pagsobatahe sa bagong administrasyon na pumutol sa 12 taon na paghahari nito sa Kapitolyo.

Matutunghayan ang buong detalye sa isang serye ng investigative presentation hinggil sa naturang isyu, na may titulong 𝙏𝙝𝙚 𝘼𝙧𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙚𝙘𝙚𝙥𝙩𝙞𝙤𝙣 simula bukas July 20, 2024.

Kung saan, dito malalaman ang katotohanan sa likod ng mapanlinlang na labinlimang (15) Midnight Resolutions at Ordinances na nangangailangan ng pondong umaabot sa halagang halos ISANG BILYONG PISO, na inaprubahan isang linggo bago bumaba sa pwesto ang nakaraang administrasyon upang gamitin sa planong pagsabotahe sa pagpasok ng Padilla-Ascutia sa Kapitolyo.

Makikita din sa inilabas na panlolokong impormasyon ng kampo ng dating Gobernador ang larawan ng mga Senior Citizens na ginamit sa kanilang Fake News article, na ito ay kinuha ng walang pahintulot mula sa isang inilathalang balita ng Morning Standard website na may titulong "𝘚𝘦𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘤𝘪𝘵𝘪𝘻𝘦𝘯𝘴, 𝘪𝘮𝘮𝘶𝘯𝘰 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘳𝘰𝘮𝘪𝘴𝘦𝘥 𝘦𝘯𝘤𝘰𝘶𝘳𝘢𝘨𝘦 4𝘵𝘩 𝘥𝘰𝘴𝘦", na isinulat ni Jon Gauzon noong March 24, 2022, at ito ay makikita mula sa sumusunod na link: https://www.morningstandardph.com/index.php/2022/senior-citizens-immunocompromised-encourage-4th-dose-expert/

18/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/18/2024]


17/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/17/2024]


16/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/16/2024]


15/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/15/2024]


𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 (𝟱) 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗜 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥 ...
14/07/2024

𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 (𝟱) 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗜 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗝𝗢𝗘𝗟 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔

CAMARINES NORTE | Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat sa tanggapan ni SENADOR JOEL VILLANUEVA ang mga opisyal at mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Cash Assistance PAY-OUT sa mga bayan ng Daet, San Lorenzo Ruiz, Talisay, Vinzons at Labo, Camarines Norte.

Isinagawa ang dalawang araw na pamamahagi ng tulong nitong nakaraang July 10 at July 11, 2024 sa pamamagitan ng DSWD at ng Political Officer ni Senador Joel Villanueva na si Mr. Cris Sarmiento at iba pang katulong sa paghahatid ng serbisyong panlipunan sa lalawigan tulad nina former Talisay Municipal Councilor Febes Rosales at aspiring 2nd District Board Member KuyaTol Dennis Riel

Dahil dito ay lubos na pasasalamat ang ipinarating nina Daet Mayor Benito Ochoa, San Lorenzo Ruiz Mayor Nelson Delos Santos, Talisay Mayor Donovan Mancenido, Vinzons Mayor Dr. Nory Segundo at Labo Mayor Jojo Francisco kay Senador Joel Villanueva dahil sa biyayang ipinagkaloob nito sa kanilang mga kababayan partikular sa mga PWD's, Senior Citizens, Tricycle Drivers, Padyak Drivers at iba pang mahihirap na mamamayan na nangangailangan ng pagkalinga mula sa pamahalaan.

Mula po sa mamamayan ng Camarines Norte, "𝗗𝗶𝗼𝘀 𝗠𝗮𝗯𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗝𝗼𝗲𝗹 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮".

Happy Birthday "Boss Cesar Barcelona". On your birthday, I just want to say how grateful I am to have you as my boss. .....
13/07/2024

Happy Birthday "Boss Cesar Barcelona". On your birthday, I just want to say how grateful I am to have you as my boss. ...

13/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/13/2024]


PAGBUO AT PAGLAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT PARA SA LABO RIVER WATERSHED MANAGEMENT COUNCIL NA SUMASAKOP SA TATLONG PR...
12/07/2024

PAGBUO AT PAGLAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT PARA SA LABO RIVER WATERSHED MANAGEMENT COUNCIL NA SUMASAKOP SA TATLONG PROBINSYA ISINAGAWA SA PANGUNGUNA NG DENR

CAMARINES NORTE (July 12, 2024) |Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbuo at paglagda sa Memorandum Of Agreement (MOA) para sa Labo River Watershed Management Council na siyang sumisimbolo sa kolaborasyon, pagtutulungan, at sama-samang pagsisikap ng mga Local Government Units, National Government Agencies, Non-Government at People's Organization upang protektahan at mahusay na pamahalaan ang Critical Watershed Area na tumatawid sa mga bayan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Quezon province.

Bilang host province para sa nasabing aktibidad, pinangunahan nina Governor Ricarte “D**g” R. Padilla at Labo Municipal Mayor Severino “Jojo” Francisco ang malugod na pagtanggap sa mga kalahok at binigyang diin ang kahalagahan ng paglagda sa Memorandum Of Agreement. Kung saan, dumalo rin sa aktibidad sina Mayor Melanie Abarientos-Garcia ng Del Gallego, Camarines Sur at Mayor Luis Oscar Eleazar ng Tagkawayan, Quezon.

Samantalang kinatawan naman ni DILG Camarines Norte Provincial Director Melody E. Relucio si DILG Region V Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober Jr. sa nasabing aktibidad.

Batay naman sa pahayag ni Camarines Norte Governor D**g Padilla, na sa pagbuo at paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Labo River Watershed Management Council,
ay umaasa siya na hindi ito ang magiging una at huli na pagtulungan ng tatlong probinsya partikular sa mga darating pang programa para sa kaayusan, kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan para sa kapakanan ng mga mamamayan sa tatlong probinsyang nasasakupan ng binuong konseho.

Today's Prayer | July 12, 2024
12/07/2024

Today's Prayer | July 12, 2024

12/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/12/2024]


𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗗𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 (𝟮) 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣...
11/07/2024

𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗗𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔
𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 (𝟮) 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟

CAMARINES NORTE (July 11, 2024) | SINIMULAN na ang proseso ng bidding para sa dalawang malalaking proyekto sa lalawigan ng Camarines Norte, ayon sa naging resulta ng pagpupulong sa pagitan ni Working Camarines Norte Governor D**g Padilla at ng mga kawani ng DPWH Regional Office 5.

Ang dalawang malalaking proyekto ay kinabibilangan ng MANGUISOC ICONIC BRIDGE sa bayan ng Mercedes at ang MULTI-PURPOSE COLISEUM na tatawaging "Governor Roy Padilla Sr Memorial Stadium" sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa working Governor, kasunod na nito ang mga seremonya ng Groundbreaking ng mga nabanggit na malalaking infrastructure projects.

Batay sa inilabas na detalye ni working Governor Padilla, ay personal na bumisita kahapon, Miyerkules, July 10, 2024 sa kanyang tanggapan ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways Region V kung saan kanilang natalakay ang Detailed Engineering Design ng naturang dalawang malalaking proyekto.

Sinabi ng workaholic na Gobernador, na ang nabanggit na development ay isang magandang balita para sa mamamayan ng Camarines Norte, kaya't dahil dito ay binigyang diin nito ang pasasalamat sa kababayan nating Senador Robinhood Padilla dahil sa paglalaan nito ng pondo sa mga pagawaing bayan sa Probinsiya ng Camarines Norte.

Ang pagtayo ng MANGUISOC ICONIC BRIDGE ay kauna-unahang icon bridge na maitatayo sa Rehiyong Bicol, kung saan ang itsura nito ay maihahalintulad sa mga pangunahing iconic na mga tulay sa Pilipinas na matatagpuan sa mga mauunlad na lugar sa bansa.

Evening Prayer | July 11, 2024
11/07/2024

Evening Prayer | July 11, 2024

11/07/2024

SERBISYONG DEKALIBRE
Monday to Saturday/9:00am to 10:30am
Program Host: ROMMEL FENIX

[7/11/2024]


Morning Prayer | July 11, 2024
10/07/2024

Morning Prayer | July 11, 2024

ISANG LALAKI NA TAGALINIS SA EROPLANO, ANG NAGLILINIS SA COCKPIT NG PILOT, NANG MAKITA NIYA ANG ISANG LIBRO NA PINAMAGAT...
10/07/2024

ISANG LALAKI NA TAGALINIS SA EROPLANO, ANG NAGLILINIS SA COCKPIT NG PILOT, NANG MAKITA NIYA ANG ISANG LIBRO NA PINAMAGATANG, ”HOW TO FLY AN AEROPLANE FOR BEGINNERS (VOL.1)”

Binuksan niya ang unang (1st) na pahina na nagsasabing: ”Upang simulan ang makina, pindutin ang pulang pindutan.” Ginawa niya iyon, at nagsimula ang makina ng eroplano.

Masaya siya at binuksan ang susunod na pahina: ”Upang gumalaw ang eroplano, pindutin ang asul na button.” Ginawa niya ito, at nagsimulang gumalaw ang eroplano sa napakabilis-bilis.

Gusto niyang lumipad, kaya binuksan niya ang pangatlo (3rd) na pahina na nagsasabing: Para hayaang lumipad ang eroplano, maaring pindutin ang berdeng button. ”Ginawa niya iyon at nagsimulang lumipad ang eroplano.”

EXCITED NA EXCITED talaga siya.

Pagkaraan ng dalawampung (20) minutong paglipad, siya ay nasiyahan, at nais na lumapag, kaya nagpasya siyang pumunta sa ikaapat (4th) na pahina. At ang pahina apat (4) ay nagsasabing: ”Para malaman kung paano magpalapag ng eroplano, maaring bumili ng Volume 2 sa pinakamalapit na bookshop!”

MORAL LESSON▫️

Huwag subukan ang anumang bagay nang walang kumpletong impormasyon.

(Ctto)

Night Prayer | July 10, 2024
10/07/2024

Night Prayer | July 10, 2024

Address

Heritage Homes, Binanuan
Catarman
4602

Telephone

+639667164871

Website

https://youtube.com/@thefenixchannel8711

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The FENIX Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The FENIX Channel:

Videos

Share