Tula ni Clarisa

Tula ni Clarisa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tula ni Clarisa, Digital creator, Camilmil, Calapan.

05/02/2024
03/02/2024

Tatay(Guillermo)

Ngayong Pebrero
Isa lang pinaghahandaan ko
Di ang magiging Valentino
Kundi ang kaarawan ng tatay ko..

Ang tulang ito'y bago ko simulan
Nais kong inyong malaman
Kung sino ang magiging bidang tauhan
Walang iba kundi Guillermo ang ngalan.,

Bakit ko nga ba siya ipagmamalaki?
Eh yaong kanyang height ay pangduwende
Pero siya'y sa buhay ko'y napakaimportante,
Dahil ako'y sa kanya'y sobrang suwerte.

Nawala si papa siya ang umagapay
Pilit sa tamang landas ako'y inakay
Ngunit sadya na akong pasaway
Kaya niluwagan ang pag-alalay..,

Kaya nung pagluwag ng kapit
Nagkamali ako ng paulit ulit
Kaya ang kapit ay lalong hinigpit
At sa masama'y inilalayo niya akong pilit.

Kaya tatay salamat sa suporta
Napasama man o sa akin ay napaganda
Mali man o tama ay nariyan ka
Upang umagapay sakin tuwina..,

Tatay bali-baliktarin man ang Mundo
Hindi man ikaw ang tunay na ama ko,
Pero marami talagang salamat sa iyo
Lalo na sa mga payo at naging sakripisyo

Kaya sa darating na kaarawan mo
Sana'y magustuhan mo ang munting regalo
Tulang sulat para sa iyo
Galing sa puso at pinag-isipan ko.

Sa aking pagkatapos ng tulang ito
Hindi ko man tatay nasasabi lagi sa'yo
Na sa inyo'y sobrang saludo ako
Dahil sa pagiging tiyong ama ko.

Sariling sulat
Ps.Advance Happy B-day tatayπŸŽ‰

30/01/2024

πŸƒ

30/01/2024

Send a message to learn more

30/01/2024

Inay(JUANA)
πŸ˜­πŸ˜”πŸ˜Ά

Inay sayong paglisan,
Sakit Ang naramdaman
D man tunay na magulang
Pagmamahal iyong pinaramdam,

Tawagin man nilang iyong ampon
Pilit Kong sa puso't isip binabaon
Ilang taon pag aaral ikaw naman nagpabaon
Upang di tumigil,madagdagan pa ang dunong...

Ngunit ako'y nagkamali
Iyong pangaral isinantabi
Sariling kaligayahan pinaghari
At sa huli ako'y nagsisi.

Kahit naman nagkaganon
Pagsuporta sakin parating nandon
Pagmamahal ay palaging nakatuon
Kaya maraming salamat ang aking tugon

At kahit may asawa't anak na
Talagang matatakbuhan ka
Lalo na pag ako'y may problema..
Oh aking tiyang Ina...

Kaya sayong paglisan
Pag iisa ang aking naramdaman
Sapagkat wala na akong matatakbuhan
Sa oras ng aking pangangailangan.

Di man lang nakabawi
Sa iyong pagpupursige
At sa lahat ng pag iintindi
Sa ugali kong napakatindi...

Kaya maraming salamat inay
Sa pagmamahal at gabay
Na iyong ibinigay
Di man anak na tunay...

Inay sa iyong paglisan
Nais kong iyong malaman
Di kita makakalimutan
Kahit nasaan ka man.,

At bago ko tapusin ang tulang ito
Nais kong malaman ng buong mundo
Na Juana ang pangalan mo
Ang tiyahing naging Ina ko..

πŸ˜­πŸ˜”πŸ˜Ά
Sariling Sulat

Send a message to learn more

Address

Camilmil
Calapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tula ni Clarisa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Calapan

Show All