14/02/2025
Huwag mong agad huhusgahan ang iyong kapatid dahil sa sumbong dumating sayo, ang payo at turo ng Islâm ay patunayan mo muna bago paniwalaan ito. Tandaan! Hindi lahat ng sumbong o balita ay lahat totoo.
قَالَ تَعَالٰى : ﴿ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِن جَاءَكُمْ فَاسِقٌ بِنَبَإٍ فَتَبَيَّنُوا أَن تُصِيبُوا قَوْمًا بِجَهَالَةٍ فَتُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا فَعَلْتُمْ نَادِمِينَ ﴾ سورة الحجرات ، رقم الآية ٦
Sabi ng Allâh: ﴾O kayong mga naniwala sa Allâh at sumunod sa Kanyang Sugo! Kapag dumating sa inyo ang masamang tao na may dalang balita ay siguruhin muna ninyo ang kanyang balita bago ninyo ito paniwalaan at ipaalam sa iba hanggang sa matiyak ninyo ang katotohanan hinggil dito, dahil nakatatakot na mapinsala ninyo ang mga tao na walang kasalanan dahil sa kagagawan ninyo at ito ay inyong pagsisihan sa bandang huli.﴿ Qur’an 49:6
Ilan na ang pamilya ang nawasak, ilan na ang magkakaibigan ang nasira, ilan na ang magkakamag-anak ang nag-aaway-away, ilan na ang magkakapitbahay ang nauwi sa away at tampuhan at ilan na ang samahan ang nagkawatak-watak dahil lamang sa maling balitang natanggap o maling impormasyon ang dumating pinaniwalaang agad.
Nasa huli lagi ang pagsisisi, kaya suriing mabuti ang mga balitang dumating sayo ito ang higit at pinakamainam na paraan upang maagapan at mapangalagaan ang mga di pagkakaunawaan lalo na sa mag-asawa. Dahil si Shaytan hindi masaya kapag nakita niya ang pamilya, magkakamag-anak, magkakaibigan nagmamahalan, nagtutulungan sa isa’t isa at nagdadamayan.
_______________
By
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)