Provincial CSO Desk Oriental Mindoro

Provincial CSO Desk Oriental Mindoro DILG Memorandum Circular 083-2022

7 November 2024-Municipal Government Complex,Bansud,Oriental Mindoro-Idinaos ng Local Government of Bansud ang kanilang ...
07/11/2024

7 November 2024-Municipal Government Complex,Bansud,Oriental Mindoro-
Idinaos ng Local Government of Bansud ang kanilang taunang Capacity Development Activity para sa mga CSOs kasama ang members ng Local People's Council of Bansud at mga representante ng accreditadong asosasyon sa bayan.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng Provincial CSO Desk Oriental Mindoro sa pagkakataong maging bahagi ng programa at makapagbahagi ng lecture sa mga CSOs at sa butihing Mayor Ronaldo M. Morada sa mainit na pagtanggap sa mga nagsidalo at pagbibigay ng Inspirational Message.Pagbati din ang ipinaabot sa mga staff ng MPDO ng Bansud at tumatayong CSO Desk Officer ng LGU Bansud,Municipal Planning and Development Officer, Ms. Mediatrix Lusterio,EnP para sa matiwasay na pamamahala sa aktibidad na aktibong sinalihan ng mga CSOs sa Bayan ng Bansud.
Photo Credits:C. Delen

  Meeting with the people behind the TWG of   City of CalapanVenue: Office of the City Mayor,Calapan City Hall,Guinobata...
01/11/2024


Meeting with the people behind the TWG of City of Calapan

Venue: Office of the City Mayor,Calapan City Hall,Guinobatan

31 October 2024Venue: Brgy. ANDRES BONIFACIO,Gloria"Enhancing CSO Participation in Rural Communities" through consultati...
01/11/2024

31 October 2024
Venue: Brgy. ANDRES BONIFACIO,Gloria
"Enhancing CSO Participation in Rural Communities" through consultations with associations.
Layon at ginawang mandato ng Provincial CSO Desk Oriental Mindoro ng Provincial Gov't of Oriental Mindoro sa pangunguna ng Gobernador Humerlito A. Dolor na maabot at makadaupang-palad ang mga munti at nagsisimulang grupo/CSOs mula sa iba't-ibang barangay sa lalawigan.

Photos Credits: C. Delen

E.O. No. 50 series of 2024Suspension of Classes in all Private and Public Schools (all levels) and work in Government Of...
23/10/2024

E.O. No. 50 series of 2024
Suspension of Classes in all Private and Public Schools (all levels) and work in Government Offices and Institutions in Oriental Mindoro

29 Agosto 2024- Isa pong karangalan na magbahagi ng saloobin ukol sa pinagsama-samang adhikain at kolaborasyon ng iba't-...
26/09/2024

29 Agosto 2024- Isa pong karangalan na magbahagi ng saloobin ukol sa pinagsama-samang adhikain at kolaborasyon ng iba't-ibang stakeholders sa pangunguna at inisyatiba ng Kaunsayan Formation for Community Development (KAFCODE)na linangin ang kakayahan at kaalaman ng mga CSOs sa pamamagitan ng isang training na pinamagatang "Civil Society Report Card (CSRC) Orientation and Training of Enumerators" na ginanap sa Nikita
Hotel,Tawiran Calapan City noong 29-20 August 2024. Nasa larawan si Bb. Doris B. Melgar na tumatayong Executive Director ng KAFCODE na isa din sa mga masugid na tagasuporta ng mga CSOs pagdating sa technical training and advocacy. Doris Melgar

Salamat po Tanglaw ng Mansalay at sa pakikiisa ng Sangguniang Bayan ng Mansalay.
06/09/2024

Salamat po Tanglaw ng Mansalay at sa pakikiisa ng Sangguniang Bayan ng Mansalay.

TINGNAN: Ngayong araw, Setyembre 4, 2024, idinaos ang Taunang Pagpupulong at Talakayan ng mga miyembro ng Civil Society Organizations (CSO) sa Municipal Conference Hall ng Mansalay.

Dumalo sa mahalagang pagpupulong na ito ang mga akreditadong miyembro ng CSO, pati na rin ang ilang pangunahing opisyal ng bayan tulad nina Pangalawang Punong Bayan Shernan F. Gamol, Sangguniang Bayan Secretary Geobert De Chavez, at mga Sangguniang Bayan Members na sina Kgg. Ernie Sandoval, Kgg. Leo F. Macaraeg, Kgg. Nomar Maning, at Kgg. Noel Trajico. Kasama rin sa pagtitipon si Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Cidney Pamela Bejasa. Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Atty. Jean Phebie de Mesa, Attorney IV at Provincial CSO Desk Officer Designate, sa pakikipagtulungan kay CSO Desk Officer Eagle Villarosa, CSO Designate.

Ang layunin ng pulong na ito ay talakayin ang mga bagong alituntunin sa akreditasyon ng mga Civil Society Organizations, pati na rin ang personal na pagkikilala ng Provincial CSO Desk Officer sa mga miyembro ng CSO.

Isinagawa ang isang pulong na dinaluhan ng mga Civil Society Organizations na bahagi ng councils na representante ng kan...
23/08/2024

Isinagawa ang isang pulong na dinaluhan ng mga Civil Society Organizations na bahagi ng councils na representante ng kani-kanilang sektor ayon sa mga naipasang Atas Pangehekutibo ng Provincial Governor.

22 August 2024- The NBI-MIMAROPA Turn-over Ceremony and  Change of Command from outgoing Regional Director Atty. Gelacio...
23/08/2024

22 August 2024- The NBI-MIMAROPA Turn-over Ceremony and Change of Command from outgoing Regional Director Atty. Gelacio D. Bonggat to incoming RD Atty. Emeterio Dongallo Jr.
Ctto:kbr

CAPDEV para sa mga CSO DESK OFFICERS sa MIMAROPA
06/08/2024

CAPDEV para sa mga CSO DESK OFFICERS sa MIMAROPA

31 July 2024- Isang pagpupugay sa Sangguniang Bayan ng Baco sa Pangunguna ng Vice-Mayor Reynaldo Marco at mga SB members...
31/07/2024

31 July 2024- Isang pagpupugay sa Sangguniang Bayan ng Baco sa Pangunguna ng Vice-Mayor Reynaldo Marco at mga SB members na nagbigay patotoo sa kanilang suporta bilang Sangguniang Bayan sa mga Civil Society Organizations (CSO) ng LGU Baco.Sa ating record, ang People's Council (PC)ng Baco ang kauna-unahang PC na nabigyan ng recognition ng kanilang sanggunian sa taong 2024. Sa okasyong ito ay naging saksi ang Provincial CSO Desk Oriental Mindoro, ang People's Council President ng LGU Calapan-Ms. Doris Melgar, MPDO -OIC & CSO Desk Focal Ednalyn Aniel, mga SB Members at opisina ng Sanggunian Secretary ng LGU Baco sa paggawad ng Sanggunian ng Certificate of Recognition sa People's Council of Baco bilang pagkilala sa Council ayon sa takda ng Municipal Ordinance No. 02-2023.
Mahahalagang kataga ng pagsuporta ang binitiwan ni SB Member Victor Valenzuela as head ng Committee ng People's Organizations na tuloy ang kanilang suporta sa CSOs sa aspeto ng recognition at accreditation.
Tuloy-tuloy po ang suporta ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng CSO Desk sa hangarin na mapalakas ang Participatory Governance para sa mga CSOs at kaisa ng DILG at component LGUs sa hangarin mabuo ang People's Council of Oriental Mindoro.

19 July 2024. Isang karangalan po na mabigyan ng pagkakataon na makapagbahagi sa mga Vice-Mayors ng lalawigan sa ginanap...
20/07/2024

19 July 2024. Isang karangalan po na mabigyan ng pagkakataon na makapagbahagi sa mga Vice-Mayors ng lalawigan sa ginanap na 2nd Quarterly Meeting ng Vice-Mayors League-Oriental Mindoro Chapter sa Bahay Tuklasan, Naujan.Natalakay po ang piling paksa tungkol sa Gender and Development at maging ang mga paksa ng gampanin ng mga CSO Desk Officers, akreditasyon, at pagtatag ng People's Council. Isa pong patunay na nakikita ng administrasyon ang kahalagahan ng Civil Society Organizations at kasama dito ang pag-agapay sa mga samahan na nais makipagtulungan sa local government.
Photo Contributor: Robinson Macatangay

29/06/2024
29/06/2024

People's Council of Baco.

4 June 2024. Talaga namang Aktibo ang People's Council of Baco (PC Baco)! Nasaksihan natin ito nang muling naimbitahan a...
28/06/2024

4 June 2024. Talaga namang Aktibo ang People's Council of Baco (PC Baco)! Nasaksihan natin ito nang muling naimbitahan ang Provincial CSO Desk Oriental Mindoro na makibahagi sa muling pagsasama-sama ng CSO Community ng Baco,Oriental Mindoro sa "CSO Strengthening and Capacity Development" activity na ginanap sa Cafe de Baco na dinaluhan ng mga Presidente at representatives ng iba't-ibang CSOs ng naturang bayan.Naging bahagi ng aktibiti ang paghalal sa mga bagong opisyales ng council na sina:

President: G. MArino Badal
Vice Pres: G. Rodolfo Castillo
PIO: Bb. Marieta Salome
Secretary,alternate: Bb. Roberta Ronquillo

Nakibahagi din ang DILG sa pamamagitan ng pagbibigay ng guidance ng Bb. Amie Ramos na MLGOO ng Baco LGU sa mga panuntunan sa pagbuo nga council.Naisagawa din ang pagpresenta sa Accomplishment Report ng PC Baco for 2023, at maging ang paglalahad ng mga nakalaang mga programa at aktibidades ng PC Baco for 2024 ayon na rin sa CSO Desk Officer at MPDO OIC Bb. Edz Aniel ng LGU Baco. Nagbahagi naman ng kanyang oras si Bb. Doris Melgar ng Kaunsayan Formation for Community Development(KAFCODE). Nagparamdam din ng suporta sa PC Baco ang Mayor's Office, taga-Sangguniang Bayan sa presensiya ni SB Member Victor Valenzuela ng Committee on Cooperatives and People's Participation at Bb. Cecilia Zulueta na kinatawan ng Office of the Vice-Mayor sa mga gawain ng People's Council of Baco.

Kailangang palakasin ang partisipasyon ng mga Civil Society Organizations ng Oriental Mindoro. Kaya bahagi ng programa n...
28/06/2024

Kailangang palakasin ang partisipasyon ng mga Civil Society Organizations ng Oriental Mindoro.

Kaya bahagi ng programa ng Provincial Civil Society Desk (CSO Desk) na makipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Office upang makapagsagawa ng dalawang (2) araw na conference para sa mga CSO Desk Officers ng component LGUs ng lalawigan na ginanap nitong 24 -25 Hunyo 2024 sa El Pueblo Rhizort,Mahal na Pangalan,Calapan City,Oriental Mindoro.Layunin ng aktibiti na dagdagan ang kasanayan ng mga CSO Desk Officers sa proseso ng Accreditation,pagbibigay ng assistance sa mga CSOs upang makumpleto ang kani-kanilang Documentary requirements, pagtatatag ng People's Council sa bawat LGU, at iba pang usapin na may kinalaman sa CSOs. Dumalo din sa aktibiti ang mga tumatayong Presidente at representatives ng mga naitayong local People's Councils ng mga bayan.

Dumalo at nagbahagi naman ng kanyang panahon at mensahe si Provincial Director Maria Victoria J. del Rosario ng DILG Oriental Mindoro at hinimok ang mga CSO Desk Officers na palakasin ang participatory governance sa pamamagitan ng pagsiguro sa aktibong kooperasyon at pakikibahagi ng mga CSOs sa mga aktibidad na nakakaapekto sa kanila.

Ang conference din ang naging pagkakataon para sa mga CSO Desk Officers na magbahagi ng kanilang good practices ng CSO Desk sa kanilang LGU sa pagtupad sa kanilang tungkulin na pag-agapay sa mga CSOs. Naging resource speaker at facilitator ng conference sina Bb. Lorna Santos (LGOOII), Bb. Doris Melgar-Kaunsayan Formation for Community Development(KAFCODE), at ang tumatayong Provincial CSO Desk Officer na si Atty. Jean Phebie G. De Mesa.

Ang Provincial Development Council (PDC) ay binuo ayon sa Executive Order No. 38, Series of 2022 ng Gobernador Humerlito...
12/10/2023

Ang Provincial Development Council (PDC) ay binuo ayon sa Executive Order No. 38, Series of 2022 ng Gobernador Humerlito "Bonz" Dolor. Ang Council ay inaatasang magsagawa at manguna sa pagpapalago ng mga long-term, medium term, at socio-economic plans upang unahin ang socio-economic development at mga polisiya sa Pamahalaang Panlalawigan.

Nakapaloob sa Executive Order ang komposisyon ng PDC, kabilang na rin ang mga Civil Society Organizations (CSOs) na inihalal sa Council. Para sa karagdagang kaalaman, like, follow and subscribe.

Agosto 3,2023: Bilang pagtugon sa paanyaya ng Pamahalaang Bayan ng Naujan, tayo ay nakiisa bilang 'Guest Speaker' sa kan...
07/08/2023

Agosto 3,2023: Bilang pagtugon sa paanyaya ng Pamahalaang Bayan ng Naujan, tayo ay nakiisa bilang 'Guest Speaker' sa kanilang natatanging araw ng selebrasyong tinaguriang People's Council of Naujan (PCN) Day. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan Ms. May Castillo Manibo kung saan ating naibahagi ang ilang mga proseso sa akreditasyon at upang matugunan ang ilang katanungan ng mga Civil Society Organizations sa nasabing bayan.

Naganap noong Hunyo 30, 2023 ang pakikipag-ugnayan ng Provincial CSO Desk Oriental Mindoro  sa Pamahalaang Bayan ng Bong...
03/07/2023

Naganap noong Hunyo 30, 2023 ang pakikipag-ugnayan ng Provincial CSO Desk Oriental Mindoro sa Pamahalaang Bayan ng Bongabong upang pasimulang buuin ang People's Council sa nasabing bayan.

Address

Provincial Capitol Complex, Camilmil
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639171148017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial CSO Desk Oriental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Provincial CSO Desk Oriental Mindoro:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Social Media Agencies in Calapan

Show All