10.10.2023
SIKLAB RB LIVE AIRING
Sa pagliyab sa larangan ng malayang pamamahayag, handa nang mag-alab ang Ang Siklab.
Likha ni JJ ILUMIN
#AngsiklabDekadaDos
Sa naudlot na bakasyon, tanging kinasasabikan ay ang bagong taon. ๐๏ธ Hudyat ng pagkupas ng minsa'y tahimik na paaralan, at muling pagdomina ng daang-daang boses na iisa ang hiyaw. ๐ซ Back to Lambak ! โฐ๏ธ
โ
#SumisiklabNaBalita
Sanib-Pwersa!: PSHS-CVC, nagbukas-pinto para sa 655 iskolar na magbabalik-eskwela
K.M. TIONGSON
Matapos ang matagumpay na taong panuruan sa nakaraang taon, muling nagbukas ang Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus (PSHS-CVC) sa 655 na iskolar upang pasinayaan ang taong panuruan 2023-2024 sa Multipurpose Gymnasium ng PSHS-CVC noong Agosto 23, 2023.
Nagsimula ang programa sa isang flag raising ceremony na pinamunuan ni Dr. Raymund T. Velasco at sinundan ng bating pagtanggap ni G. Erick John H. Marmol, ang direktor ng kampus.
Pinakilala rin nina G. Raymundo C. Manaligod, Dr. Harold V. Gallo at G. Garry Jun Mayawin ang mga guro at kawani.
Sunod na pinakilala ng mga naatasang koordineytor ang mga seksyon sa homeroom.
Pagkatapos, nagkaroon ng oryentasyon tungkol sa mga handog na kurso, pag-assess sa mga estudyante, paglinaw sa grading system at pag-alala sa PPTG Guidelines.
Pinaliwanag din ang Code of Conduct sa mga iskolar mula sa ika-7 hanggang ika-9 na baitang sa pangunguna ni Dr. Heherson C. Tolentino, ang Discipline Officer ng mga nasabing baitang.
Sa kabilang banda, tumungo sa kani-kanilang seksyon ang mga nasa ika-10 hanggang ika-12 na baitang para sa homeroom orientation na siyang sinundan ng mga nasa ika-7 hanggang ika-9 na baitang kinahapunan.
Tinalakay naman ang Code of Conduct sa mga estudyante mula sa ika-10 hanggang ika-12 na baitang sa pamumuno ni Dr. Orcene Cancino, ang Discipline Officer sa mga nabanggit na baitang.
Nagwakas ang programa sa pagsasagawa ng mga emergency drills bilang pagsasanay. #
#AngSiklabDekadados
Sa likod ng bawat pahina, tinta'y sumisiklab. ๐๏ธ
Mga kuwento'y bumubukas, inspirasyon lumiliyab. ๐ฅ
Abangan ang Bagong Kabanata. ๐
#AngSiklabDekadaDos
Bakuna, bakuna... paano ka ginawa?
Sinong mas angat? ๐ Sinong mas sikat? ๐ Moderna, AstraZeneca, o ang SinoVac ng Tsina? ๐ค Bago sila paghambingi'y alamin muna natin kung paano ba sila nilikha. ๐คฉ
---
Bakuna, Bakunaโฆ Paano Ka Ginawa?
ni Jubz Balonkita
Malamang sa malamang, ang hiling mo rin noong Pasko ay bakuna kontra Covid-19. Lahat tayo nawiwindang na sa social distancing, saradong mga sinehan, at tigidig sa mukha dahil sa pagsusuot ng face mask. Nagsimula ang pandemya sa Pilipinas noong Enero 30, 2020 at isang taon lamang mula na maitala ang unang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ay sa wakas, may bakuna na! Sinasabi kong mabilis ang aksyon ng mga siyentista sa ibaโt ibang panig ng mundo para mapag-aralan ang veerus na SARS-CoV-2 at makagawa ng mabisang bakuna. Pero paano ko nasabi?
Ang pagbuo ng bagong gamot (injection, tablet, capsule, o syrup) ay dumadaan sa isang mahabang proseso na kadalasang tumatagal ng buwan hanggang taon. Ang kadalasang tagal ng prosesong ito ay 10 hanggang 15 taon. Ang bakuna kontra Ebola (isang vayrus na kumalat sa Africa noong 2014) ay nabuo sa loob ng 5 taon mula Phase I ng clinical trials hanggang sa pag-apruba nito para ibenta pang-komersyo. Mabilis na iyon kung tutuusin, ngunit ang bakuna kontra Covid 19 ay ginawa lamang sa loob ng 12 hanggang 18 na buwan. Record breaking nga talaga, walastik! Salamat na lang rin sa bagong kaalaman at teknolohiya sa larangan ng genetics.
Preliminary studies ang unang proseso sa pagbuo ng bakuna. Inaalam ang katangian ng antigen at receptors na tatanggap dito. Maaring gumawa ng mga modelo sa kompyuter tungkol sa kemikal na istraktura ng mga ito upang lubusang maunawaan ang mekanismo nito sa loob ng katawan.
Preclinical studies ang susunod na pagdadaanan. Kaya ito pre-clinical dahil ito ay hindi pa sinusubukan sa mga tao bagkus ay sa mga hayop, cell culture o mga kemikal muna. Isinasagawa ang acute at chronic toxicity test kung saan tinitignan kung may negatibong epekto ang bakuna tulad ng pagkamatas, panging