06/09/2024
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
๐๐๐จ๐๐๐ก๐, ๐ข๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ ๐๐๐ช๐ก๐ช๐๐๐ฃ โ ganito inilarawan ang matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Muir Woods Academy Inc. noong Agosto 30.
Sa ilalim ng temang โ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ: ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ,โ itinanghal ang yaman ng kulturang Pilipino at ang kahalagahan ng wika bilang sandigan ng kalayaan at identidad ng bawat Pilipino. Ang okasyong ito ay nagsilbing buklod ng mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang baitang na ipinamalas ang kanilang talento at pagpapahalaga sa sariling wika sa pamamagitan ng ibaโt ibang pagtatanghal.
Binuksan ang programa sa isang masiglang pambungad na pananalita mula kay Gng. Narcisa M. Purin, g**o ng Muir Woods Academy Inc. kung saan binigyang-diin niya ang di-mapapantayang halaga ng wikang Filipino sa pagtataguyod ng kalayaan, karunungan, at pagkakaisa. Inilahad din niya ang mahalagang papel ng mga kabataan sa pagpapanatili ng wika at kultura sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon.
Sinimulan ang serye ng pagtatanghal ng mga masisipag na mag-aaral ng unang baitang na buong siglang ipinakita ang kanilang sayaw na Pinoy Ako. Sa bawat galaw, sumasalamin ang kanilang pagmamalaki at pagkilala sa pagiging tunay na Pilipino. Sumunod naman ang mga mag-aaral ng ikalawang baitang na bumighani sa mga manonood sa pamamagitan ng Itik-Itik, isang tradisyunal na sayaw mula sa Luzon. Ang kanilang maingat na pag-indak ay nagbigay-buhay sa kasaysayan at kulturang Pilipino na nagpapakita ng masiglang pamumuhay ng ating mga ninuno.
Mula sa mga sayaw na nagpapakilala ng kulturang Luzon, dinala ng ikatlong baitang ang mga manonood patungo sa timog na bahagi ng bansa sa kanilang pagtatanghal ng sayaw sa Davao, isang makulay na presentasyon na nagpakita ng makalumang tradisyon ng Mindanao. Sa likod ng mga galaw at musika, dama ang matinding pagmamalaki sa kanilang kasaysayan at ang pagkakakilanlan ng kanilang rehiyon.
Nagbigay naman ng kasiyahan ang Nursery sa kanilang simpleng ngunit kaaya-ayang sayaw na Tatlong Bibe. Sa kanilang kabataan, nagpakita sila ng inosente ngunit makulay na pagdiriwang ng wika at kultura na nagpapaalala ng halakhak at saya sa bawat tahanan. Hindi rin nagpahuli ang Kindergarten sa kanilang pagtatanghal ng kantang Ako'y Isang Pinoy, isang awit na nagpapaalala sa bawat isa ng kahalagahan ng pagiging Pilipino at ang pagmamahal sa sariling lahi. Ang kanilang masiglang pag-awit ay nagbigay-inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral at magulang na patuloy na ipagmalaki ang wikang Filipino.
Samantala, ang Pre-Kindergarten ay buong saya ring nagpakitang-gilas sa kanilang sayaw na Sampung Palaka. Ang kanilang musika at simpleng galaw ay muling nagbigay-aliw sa mga manonood na tila sumasalamin sa kabataan ng mga Pilipino na puno ng kasiyahan at kalayaan. Isa rin sa mga tampok na pagtatanghal ay ang pag-awit ng ikaapat na baitang ng Salidumay, isang awiting katutubo mula sa Kordilyera. Ang kanilang mahinahon ngunit makapangyarihang tinig ay nagbigay ng kakaibang pagdama sa mga manonood na tila binabalikan ang payak na pamumuhay ng mga ninuno sa kabundukan.
Pinalakas naman ng ikalimang baitang ang pagdiriwang sa pamamagitan ng kanilang sabayang pagbigkas, kung saan binigkas nila ang mga makabayang mensahe na tumatalakay sa kahalagahan ng wika, bayan, at kalayaan. Ang kanilang mahusay na pagkakaisa at tinig ay nagbigay inspirasyon sa lahat ng dumalo na nagpapaalala sa malalim na ugnayan ng wika at kasaysayan ng bansa.
Bilang panghuling pagtatanghal, muling pinalakas ng ikaanim na baitang ang saya ng programa sa kanilang masiglang Bayle Kalye ng Samar. Ang kanilang pagtatanghal ay nagpakita ng masaya at masiglang pamumuhay ng mga taga-Samar, isang simbolo ng lakas at katatagan ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamon ng panahon.
Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng programa ay ang panunumpa ng mga bagong halal na Supreme Elementary Learner Government (SELG) Officers para sa taong ito. Pinangunahan ni Gng. Ma. Christina A. Ramel, Punong-Guro ng Preschool at Elementary Department ang panunumpa ng mga bagong halal na SELG Officers. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kabataang lider na handang maglingkod at maging inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay isang patunay na sa kabila ng modernisasyon at pagbabago sa lipunan, ang wikang Filipino at kulturang Pilipino ay mananatiling buo, buhay, at patuloy na magpapalaya sa pusoโt isipan ng bawat Pilipino.
---------------------------------------
๐๐ข๐ฌ๐ด๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฃ๐ฐ๐ญ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ด๐ข ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐๐๐๐๐๐. ๐-๐๐ค๐ก๐ก๐ค๐ฌ ๐๐ฉ ๐-๐ก๐๐ ๐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ด ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ช๐ณ ๐๐ฐ๐ฐ๐ฅ๐ด ๐๐ค๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐บ ๐๐ฏ๐ค. (๐๐ญ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ณ๐บ ๐๐ฆ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต) ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ต ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐บ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ช๐ฏ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ.