The Guilds

The Guilds "...fill and refill your fountain pens from the spring of courage..."
(7)

๐๐Ž๐’๐„: ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ซ๐ข๐ฌ ๐ข๐ง๐ข๐ญ๐ข๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐ž๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฉ๐ซ๐ข๐๐ž ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐๐’๐”POSE: House of Iris breaks the barriers to create a sa...
29/06/2024

๐๐Ž๐’๐„: ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ซ๐ข๐ฌ ๐ข๐ง๐ข๐ญ๐ข๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐ž๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฉ๐ซ๐ข๐๐ž ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐๐’๐”

POSE: House of Iris breaks the barriers to create a safe haven for the LGBTQIA+ community of Bataan Peninsula State University (BPSU), spearheading the โ€œBPSU Pride: PeninsuLayaโ€ held at BPSU-Balanga Campus, June 28.

Kicking off the first-ever pride month celebration of the university, the loud and proud peninsulares walked with pride from Doรฑa Francisca Park to BPSU-Balanga Campus while screaming the catchphrase โ€œMaki-Beki, โ€˜Wag ma-Shokot! SOGIE BILL, IPASA!''

In addition, keynote speakers Harry Von Atanoza and Miguel Benedict Garcia discussed LGBTQIA+ diversity and mental health during the Pride 101 educational discussions.

Also present as panelists in the educational forum discussion were Atty. Jomar Gaza and Ms. Mylene Hualda, highlighting the rights, freedom, and policies protecting the community.

POSE President Thirdy Armenio said the first-ever BPSU pride month celebration is a statement that the university is ready to embrace a common ground for the LGBTQIA+ community.

โ€œSiyempre, with our vision and mission naman, lagi nating goal is inclusivity and tiyak 'yun palagi ang ating pangunahing platapormaโ€ฆ we are assuring everyone na soon this will be the first but not the last na inclusive [activity] for everyone, at naniniwala tayo na mas kaya pa nating higitan pa ito katulong ng ating mga kaibigan, kapamilya, kapatid outside the institution or the university,โ€ Armenio said in an interview.

Aside from the Pride walk and Pride 101, the event also featured a bazaar of foods, drinks, and products by allies and members of the LGBTQIA+ community, and a discussion about awareness of HIV and AIDS.

Armenio further encourages the community to stay tuned for more equality and inclusivity-driven programs that would create a safe space for everyone.

Moreover, University President Dr. Ruby B. Santos-Matibag, Vice President for Student and Alumni Services Prof. Joerald Gadia, Vice President for Academic Affairs Officer-In-Charge Dr. Lara Velasco-Dela Cruz, and University Student Regent Jasmin F. Rodriguez were present at the event. | via Kurl Ivan Fernandez

Photos taken by John Ray Atienza

๐๐€๐˜๐€๐๐† โ€˜๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐‹๐”๐‹๐”๐๐ˆ๐†Sa ating pagyakap sa kasarinlan, ginugunita natin ang ika-126 na anibersaryo mula noong tuluyang lum...
12/06/2024

๐๐€๐˜๐€๐๐† โ€˜๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐‹๐”๐‹๐”๐๐ˆ๐†

Sa ating pagyakap sa kasarinlan, ginugunita natin ang ika-126 na anibersaryo mula noong tuluyang lumaya ang Pilipinas sa kamay ng mga mananakop. Daang taon na ang lumipas, pero tila marami pa rin sa ating mga kababayan ang hinahanap ang tunay na simbolo ng kalayaan.

Nakikiisa ang Sandigan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at patuloy na makikibaka sa mga Pilipinong hindi nagpapasiil sa mga manlulupig. Ang publikasyon ay kasama rin sa paggunita sa mga bayaning tumindig at nag-alay ng buhay para matamasa ng bansa ang independensiya.

๐‹๐Ž๐Ž๐Š: Here are some of the students who were able to grab their own copies of The Guildsโ€™ Literary Folio and Magazine.Yo...
04/06/2024

๐‹๐Ž๐Ž๐Š: Here are some of the students who were able to grab their own copies of The Guildsโ€™ Literary Folio and Magazine.

You can still get your own copies at The Guildsโ€™ office, first floor OSA building today.

You can still get a copy of The Guilds' Magazine and Literary Folio here at The Guilds office, first floor OSA building ...
03/06/2024

You can still get a copy of The Guilds' Magazine and Literary Folio here at The Guilds office, first floor OSA building today. Grab your copies now!

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: Here are some photos taken during the awarding ceremony of SANDIGAN VI: Inter-Collegiate Press Conference, he...
03/06/2024

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: Here are some photos taken during the awarding ceremony of SANDIGAN VI: Inter-Collegiate Press Conference, held at the BPSU-MC University Library, 3rd Floor, May 31.

Ingenium of College of Engineering and Architecture was recognized as the best-performing college of SANDIGAN VI while College of Allied Health Sciences' The Wolves and College of Arts and Sciences' Knights Tribune claimed the overall first and second runners-up, respectively.

Furthermore, John Michael Pascubillo, Harley Cruz, Antonio Arnuncio IV, Kenneth Serrano, and Marx Ongkingco all tied as the highest individual pointers. | via Hannah Grace Bajenting

Photos taken by John Carl Marquez

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: Sandigan VI continued its journalism empowerment through the second day of SANDIGAN VI on May 31. Father of b...
03/06/2024

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: Sandigan VI continued its journalism empowerment through the second day of SANDIGAN VI on May 31.

Father of barefoot journalism, Prof. Ben Domingo Jr. spearheaded the talk for developmental communication writing, and copyreading and headline writing, reminding the participants of what real journalism is all about.

Ms. Jaileen Jimeno of GMA Current Affairs shared her real-time tips and experiences in opinion writing and TV broadcasting.

Mr. Michael Angelo Jugado, assistant sports editor for Malaya Business Insight, taught new ways and trends for sports journalism and shared his insights in editorial writing.

In addition, Ar. Yves Jan Atienza talked about artistsโ€™ importance in journalism with his lecture on literary graphics illustration, editorial cartooning, and comic strip drawing.

In line with the event, The Guilds also held an art exhibit featuring the works of former and current artists of the publication. The Guilds Magazine and โ€œAng Pinakamasarap na Adoboโ€ Literary Folio were also released on that day. | via John Michael Pascubillo

Photos taken by Aron Josh Santos and Drenzoe Torres

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: The Guilds, the official school publication of Bataan Peninsula State Universityโ€“Main Campus, held its SANDIG...
03/06/2024

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: The Guilds, the official school publication of Bataan Peninsula State Universityโ€“Main Campus, held its SANDIGAN VI: Arts and Literary Cum Press Conference at the 2nd floor University Library, May 30-31.

Day one of the event featured the keynote speech of Atty. Mary Ann Reyes, a columnist of Philippine Star about โ€œPress Freedom and Responsible Campus Journalism.โ€ Also, Ms. Rowena Paraan from Bayan Mo, Ipatrol Mo (ABS-CBN News) led the talk about investigative journalism and news writing.

Lectures on Poetry Writing, Photojournalism, Feature Writing, and Infographics by former The Guilds staffers Engr. Mark Angelo Pumares, Tricia Grace Javier, and Engr. Edrin Rimano wrapped up day one of SANDIGAN VI. | via Leslie Palor

Photos taken by Aron Josh Santos

Kasabay ng patuloy na Sandigan VI, maaari nang kumuha ng kopya ng Literary Folio "Ang Pinakamasarap na Adobo" at Magazin...
31/05/2024

Kasabay ng patuloy na Sandigan VI, maaari nang kumuha ng kopya ng Literary Folio "Ang Pinakamasarap na Adobo" at Magazine sa opisina ng The Guilds. Mayroon ding arts exhibit na matatagpuan sa harapan nito.


๐“๐ˆ๐†๐๐€๐: Narito ang mga detalye sa mga lugar ng pampaligsahan ngayong umaga para sa Ikalawang araw ng Sandigan IV: Inter-...
31/05/2024

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐: Narito ang mga detalye sa mga lugar ng pampaligsahan ngayong umaga para sa Ikalawang araw ng Sandigan IV: Inter-Collegiate Press Conference.

Para sa huling programa ng unang araw ng Sandigan VI, aming ipinababatid na ang Feature Writing ay gaganapin sa Medina-L...
30/05/2024

Para sa huling programa ng unang araw ng Sandigan VI, aming ipinababatid na ang Feature Writing ay gaganapin sa Medina-Lacson Building room 201 sa pamumuno pa rin ni Engr. Mark Angelo Pumares, kasabay naman nito ang Layouting/Infographics na pamumunuan ni Engr. Edrin Rimando sa room 203.


Inaasahan ang pananatili ng mga kalahok ng News Writing sa University Library 2nd floor sa ganap na 2-4 ng hapon na pamu...
30/05/2024

Inaasahan ang pananatili ng mga kalahok ng News Writing sa University Library 2nd floor sa ganap na 2-4 ng hapon na pamumunuan ni Ms. Rowena C. Paraan.

Sa kaparehong oras naman ay gaganapin din ang Poetry Writing sa Medina-Lacson Building room 201 na pamumunuan ni Engr. Mark Angelo Pumares habang ang Photojournalism naman ay gaganapin din sa Medina-Lacson Building room 203 sa pamumuno ni Ms. Tricia Grace Javier.


Ipinagbibigay alam ng Sandigan na ang Talk on Investigative Reporting ay gaganapin sa University Library sa oras na ika-...
30/05/2024

Ipinagbibigay alam ng Sandigan na ang Talk on Investigative Reporting ay gaganapin sa University Library sa oras na ika-1 hanggang ika-2 ng hapon na pamumunuan ni Ms. Rowena C. Paraan.


๐“๐ˆ๐†๐๐€๐: Narito ang detalyadong daloy ng programang binuo nang may kahusayan at dedikasyon na magsisilbing gabay sa mga k...
26/05/2024

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐: Narito ang detalyadong daloy ng programang binuo nang may kahusayan at dedikasyon na magsisilbing gabay sa mga kalahok sa darating na Sandigan VI: Inter-collegiate Press Conference.

Abangan sa mga susunod na anunsyo ang mga silid na paggaganapan ng bawat kategorya.

------
Patuloy na hinihikayat ang mga kolehiyo, departamento, at publikasyon ng pamantasan na makibahagi sa SANDIGAN VI: Inter-collegiate Press Conference.

Maaring i-download ang pre-registration form sa link na ito: https://drive.google.com/drive/folders/1_b2TTLzIip1ycARypC3Bte3TJixeC4RR?usp=sharing

Magfill-out at ipasa ang pre-registration form sa link na ito. (Para sa mga kolehiyo, maaring i-fill out ang registration form ng kahit sinumang representante ng kolehiyo.)
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6

Para sa mga nagnanais lumahok sa mga kompetisyon, ito ang link para sa individual pre-registration. (Isang form bawat kategorya.)
https://forms.gle/1p7qnrYwxzD9ore69
https://forms.gle/1p7qnrYwxzD9ore69
https://forms.gle/1p7qnrYwxzD9ore69

Ngayon ang pre-registration hanggang sa araw ng martes, ika-28 ng Mayo. Maghintay pa ng mga susunod na detalye at impormasyon sa page na ito.

Manindigan, maging isang Sandigan!

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐: Narito ang mga magsisilbing tagapagsalita at hurado para sa darating na SANDIGAN VI: Inter-collegiate Press Conf...
25/05/2024

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐: Narito ang mga magsisilbing tagapagsalita at hurado para sa darating na SANDIGAN VI: Inter-collegiate Press Conference:

๐€๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐Œ๐š๐ซ๐ฒ ๐€๐ง๐ง ๐‘๐ž๐ฒ๐ž๐ฌ
Keynote Speaker

๐‘๐จ๐ฐ๐ž๐ง๐š ๐‚. ๐๐š๐ซ๐š๐š๐ง
News Writing

๐‰๐š๐ข๐ฅ๐ž๐ž๐ง ๐‰๐ข๐ฆ๐ž๐ง๐จ
Column Writing

๐๐ซ๐จ๐Ÿ. ๐๐ž๐ง ๐ƒ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐จ ๐‰๐ซ.
DevCom Writing
Copy Reading and Headline Writing

๐Œ๐ข๐œ๐ก๐š๐ž๐ฅ ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐จ ๐‰๐ฎ๐ ๐š๐๐จ
Sports Writing
Editorial Writing

๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐จ ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐ž๐ฌ
Feature Writing
Literary Writing

๐“๐ซ๐ข๐œ๐ข๐š ๐†๐ซ๐š๐œ๐ž ๐‰๐š๐ฏ๐ข๐ž๐ซ
Photojournalism

๐€๐ซ. ๐˜๐ฏ๐ž๐ฌ ๐‰๐š๐ง ๐€๐ญ๐ข๐ž๐ง๐ณ๐š
Comic Strip Drawing
Editorial Cartooning
Literary Graphics Illustration

๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐„๐๐ซ๐ข๐ง ๐‘๐ข๐ฆ๐š๐ง๐๐จ
Infographics

------
Patuloy na hinihikayat ang mga kolehiyo, departamento, at publikasyon ng pamantasan na makibahagi sa SANDIGAN VI: Inter-collegiate Press Conference.

Maaring i-download ang pre-registration form sa link na ito: https://drive.google.com/drive/folders/1_b2TTLzIip1ycARypC3Bte3TJixeC4RR?usp=sharing

Magfill-out at ipasa ang pre-registration form sa link na ito. (Para sa mga kolehiyo, maaring i-fill out ang registration form ng kahit sinumang representante ng kolehiyo.)
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6

Para sa mga nagnanais lumahok sa mga kompetisyon, ito ang link para sa individual pre-registration. (Isang form bawat kategorya.)
https://forms.gle/1p7qnrYwxzD9ore69
https://forms.gle/1p7qnrYwxzD9ore69
https://forms.gle/1p7qnrYwxzD9ore69

Bukas ang pre-registration hanggang sa araw ng martes, ika-28 ng Mayo. Abangan ang mga susunod na detalye at impormasyon sa page na ito.

Manindigan, maging isang Sandigan!


๐Œ๐š๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง, ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง!Sa nalalabing anim na araw bago tuluyang malasap ang linamnam na hatid ng malayang pam...
24/05/2024

๐Œ๐š๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง, ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง!

Sa nalalabing anim na araw bago tuluyang malasap ang linamnam na hatid ng malayang pamamahayag, isang paghahanda ang nararapat na agarang mailatag upang masiguradong makuha ang mga inaasam.

Kasabay ng pagbuhos ng mga ensayo at pakikiisa, maituturing na isang napakahalagang rekado ang pagtugon sa mga pangunahing patimpalak tungo sa pagtatag at pagpapatibay ng puso sa pamamahayag.

Patuloy na hinihikayat ang mga kolehiyo, departamento, at publikasyon ng pamantasan na makibahagi sa SANDIGAN VI: Inter-collegiate Press Conference.

Magfill-out at ipasa ang pre-registration form sa link na ito.

https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6
https://forms.gle/LGJd3aL3rTCZ8aSd6

Abangan ang mga susunod na detalye at impormasyon sa page na ito.


๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: College of Engineering and Architecture (CEA) wrapped up their 26th college anniversary celebration in a hype...
24/05/2024

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’: College of Engineering and Architecture (CEA) wrapped up their 26th college anniversary celebration in a hyped-up music festival at the Old CEA Grounds, yesterday night.

The three-day CEA Fest, themed as โ€œIngenium: An Odyssey of Innovation and Excellenceโ€ includes activities like sports and e-games competitions, pageant, and music festival.

Music festโ€™s main guest performer was the Filipino rapper Kiyo, who surprised the crowd with his unreleased and new songs โ€œPambihiraโ€ and โ€œPadayon,โ€ and ended the fest in a mellow vibe with his hit song โ€œIkaw Lang.โ€

Another highlight of the event were Bandang MaCEA which was composed of CEA faculty, and along with them were the tatak peninsulares performances of local bands and solo artists such as Chain Rule, Ivan Baltazar, BPSU Rock Band, and Renz Sanchez. | via John Michael Pascubillo

Photos taken by Aron Josh Santos

๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐ข๐Ÿ๐ญ ๐จ๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐๐ฎ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐งBataan Peninsula State Universityโ€“Main Campus will shift to online clas...
21/05/2024

๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐ข๐Ÿ๐ญ ๐จ๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐๐ฎ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง

Bataan Peninsula State Universityโ€“Main Campus will shift to online classes tomorrow, May 22 as per University Memorandum 2024.1016.

This is due to a scheduled power interruption notice of Peninsula Electric Cooperative Incorporated, to give way on the replacement of a busted transformer and rotten primary poles on some areas in Balanga City.

With this, all transactions of Central and Main Campus offices will also implement a work from home set-up tomorrow. | via John Michael Pascubillo

Habang patuloy na nag-aalab ang diwa ng pamamahayag para sa paninindigan, hindi kailanman tinalikuran ng sandigang ipaha...
18/05/2024

Habang patuloy na nag-aalab ang diwa ng pamamahayag para sa paninindigan, hindi kailanman tinalikuran ng sandigang ipahayag ang katotohanan. At upang mapagyabong pa ang mga nasimulang adhikain at layuninโ€”malugod kaming nagpapaunlak ng paanyaya sa pagpreserba ng umuusbong na peryodismo.

Sa pagtimpla ng mga kasangkapang ilalagak sa mabangong bunga ng pakikibaka sa malayang dyornalismo, kasama ang Sandigan, muling binuksan ang pintuan para sa malawak na pagkakataong ilantad ang matabang na tiranyang pumipigil sa pagbulgar ng mga karapat-dapat.

Narito ang mga kategorya sa darating na SANDIGAN VI: Inter-collegiate Press Conference na paglalabanan sa Ingles at Filipino.

News Writing
Editorial Writing
Opinion/Column Writing
Development Communication Writing
Feature Writing
Sports Writing
Poetry Writing
Copy Reading and Headline Writing
Comic Strip Drawing
Editorial Cartooning
Literary Graphics Drawing
Photojournalism

Kabilang din ang infographics sa mga kategoryang paglalabanan.

Maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga College Student Government para sa proseso ng pagsali sa kompetisyon.

Manindigan. Maging isang Sandigan!

Abangan ang mga susunod na detalye at impormasyon sa page na ito.


๐€๐ฅ๐ข๐ฆ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ ๐ก๐จ๐ฌ๐ญ๐ฌ โ€œ๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐ข๐ ๐ฆ๐šโ€ ๐‡๐ˆ๐•, ๐€๐ˆ๐ƒ๐’ ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ฌ๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซAlimbukad conducted "Breaking Stigma: HIV (Human Immunodefi...
18/05/2024

๐€๐ฅ๐ข๐ฆ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ ๐ก๐จ๐ฌ๐ญ๐ฌ โ€œ๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐ข๐ ๐ฆ๐šโ€ ๐‡๐ˆ๐•, ๐€๐ˆ๐ƒ๐’ ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ฌ๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ

Alimbukad conducted "Breaking Stigma: HIV (Human Immunodeficiency Virus) and AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) Awareness Seminar'' in partnership with Balanga City Health Office held at Learning Commons, University Library, May 17.

Led by Alimbukad President Alfer Palabyab, the first-ever seminar in Treyd includes free HIV screening and testing, and provides insights about HIV, AIDS, and STIs.

Balanga City Health Officer Hennesse Canare-Olegario served as the keynote speaker, discussing the misconceptions, stigma, as well as the rights of PLHIVs (People Living with HIV).

"So sabi natin, start young, start now. We are now starting to educate elementary, junior, and senior high school students. Kasi based on our data collected last 2019, medyo high risk na po โ€˜yung behavior ng ating mga kabataan ngayon.โ€ Olegario shared.

Oligario also introduced the five HIV infection prevention ways through ABCDEโ€”Abstinence, Being mutually faithful to partner, Correct and consistent condom use, Donโ€™t do drugs and share needles, and Education and early diagnosis, in addressing almost half of the total cases recorded infections of โ€œ15 to 24 yearsโ€ old bracket.

Moreover, Olegario highlighted the effects of destigmatizing misconceptions about HIV transmissions along with the R.A. 11166 or the Philippine HIV and AIDS Policy Act against discrimination and others that matter for PLHIVs.

โ€œTayo ang mag-provide ng safe space sa ating mga PLHIVsโ€ฆ palaganapin po natin โ€˜yung mga edukasyon na 'to. Let's be the energizer of this program. Hindi lang tayo passive na tanggap nang tanggap ng information, maging active din tayo for being an energizer to advocate about this kind of program,โ€ Olegario said. | via Leslie V. Palor

Photos taken by Kurl Ivan I. Fernandez

๐Œ๐š๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง, ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง.Sa loob ng maraming taon, malaon nang sinilaban ng Sandigan ang kawa ng malayang pamam...
16/05/2024

๐Œ๐š๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง, ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง.

Sa loob ng maraming taon, malaon nang sinilaban ng Sandigan ang kawa ng malayang pamamahayag. Patuloy nitong binibigyang lasa ang pagbabalita sa mga mag-aaral ng pamantasan sa kabila ng pagpapatabang ng mga napapanahong tiranyang dumadagok sa tapat at kalidad na pagsisiwalat ng katotohanan.

Muling bubuksan ng The Guilds ang pintuan bilang oportunidad sa mga mamamahayag na Peninsulares at upang bigyang alab ang peryodismo sa SANDIGAN VI, inter-collegiate press conference.

Layon ng Sandigan na punan ang gutom ng komunidad sa malaya at mapagpalayang pamamahayag gamit ang mga talento sa pagsulat, sining, at literatura.

Sa nalalapit na Mayo 30-31, makiisa sa pagluluto ng Sandigan upang punan ang sikmura ng gutom sa mga rekadong binubuo ng matapat at malayang dyornalismo.

Abangan ang mga susunod na detalye at impormasyon sa page na ito.


๐๐๐’๐”-๐’๐Ž๐ ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐ญ๐ข๐ฆ๐ž ๐ญ๐š๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ซ๐ž๐œ๐จ๐ซ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ% ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ซ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐ง ๐ง๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐›๐จ๐š๐ซ๐๐ฌBataan Peninsula State University-School of Nursing...
14/05/2024

๐๐๐’๐”-๐’๐Ž๐ ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐ญ๐ข๐ฆ๐ž ๐ญ๐š๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ซ๐ž๐œ๐จ๐ซ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ% ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ซ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐ง ๐ง๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐›๐จ๐š๐ซ๐๐ฌ

Bataan Peninsula State University-School of Nursing (BPSU-SON) recorded a 100% passing rate from 56 first-time takers in the May 2024 Philippine Nurses Licensure Examination as released by the Professional Regulation Commission, May 14.

Also, 32 retakers passed the exam with 43.75% to complete the 88 newly licensed nurses from BPSU-SON, accumulating an 86.27% institutional rate against the 69.72% national passing rate.

Meanwhile, Ejay Gulapa ranked fifth in the examination with a 91.00 mark. | via Justin Paul Punzalan

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐: Bataan Peninsula State University (BPSU)-Main Campus graduate Ejay Gulapa placed in the topnotcher list of the ...
13/05/2024

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐: Bataan Peninsula State University (BPSU)-Main Campus graduate Ejay Gulapa placed in the topnotcher list of the May 2024 Philippine Nurses Licensure Examination, ranking fifth with a 91% mark.

In addition, BPSU School of Nursing recorded a 100% passing rate for first-time takers. | via Clyde Justine Repollo

Being a mother involves more than just a woman's household duties; it also entails unwavering courage, empathy, and self...
12/05/2024

Being a mother involves more than just a woman's household duties; it also entails unwavering courage, empathy, and selflessness in raising and molding their children.

Today let's honor and cherish the remarkable people who have shaped us into who we are.

Let's celebrate and recognize all of the love and sacrifices of our mothers, and also to those who stood up as a mother to their child. To all the mothers in the world, Happy Mother's Day!

๐๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐๐ž๐ง๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐๐’๐”) ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ž ๐€๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐“๐ž๐ฌ๐ญ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฌ ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ๐ฐ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“. You...
10/05/2024

๐๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐๐ž๐ง๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐๐’๐”) ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ž ๐€๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐“๐ž๐ฌ๐ญ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฌ ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ๐ฐ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“.

You may view the list of passers through this link:
https://tinyurl.com/BPSUadmission

On the other hand, non-passers are advised to apply from May 13-15, 2024 (Monday-Wednesday) for reconsideration.

Also, the extended admission online application for second coursers, transferees, and old returning students is scheduled on May 20-27. The exam will start on May 27 until June 16 as results set to be released on July 5.

For further details and announcements, you may check the official page of BPSU Admission Center. | via Eleazar Estrella

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐: Bataan Peninsula State Universityโ€”Main Campus School of Midwifery topped the April 2024 Licensure Examination f...
06/05/2024

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐: Bataan Peninsula State Universityโ€”Main Campus School of Midwifery topped the April 2024 Licensure Examination for Midwives accumulating 98.46% passing rate.

In addition, Raiza Jezryl Pantino ranked ninth in the examination with 89.75% mark. | via Eleazar Estrella

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐: Bataan Peninsula State Universityโ€“Main Campus Electrical Engineering graduate Raymond Nisay ranked ninth in Apr...
02/05/2024

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐: Bataan Peninsula State Universityโ€“Main Campus Electrical Engineering graduate Raymond Nisay ranked ninth in April 2024 Master Electrician Licensure Examinations. | via Eleazar Estrella

[๐ƒ๐„๐•๐‚๐Ž๐Œ] ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐จ๐ญ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ ๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐งMaagang gumigising si Ka Fred* sa tahimik na baybay ng Siti...
01/05/2024

[๐ƒ๐„๐•๐‚๐Ž๐Œ] ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐จ๐ญ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ ๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Maagang gumigising si Ka Fred* sa tahimik na baybay ng Sitio Pex Site, hindi para salubungin ang umaga ng mainit na usok ng kape, kung hindi para suungin ang kumukulong karagatan at manghuli ng mga isdang tila ilap na sa kaniyang lambat at bangka.

Unti-unti nang naglalaho ang natitirang isda sa pampang bunga ng nakatirik na planta sa gitna ng dalampasigan na pumapaso sa yamang dagat at sa karapatan ng mga mangingisda.

At ang dating mayayaman sa likas na yamang-tubig na baybayin ng Bataan, ay ngayoโ€™y napapaligiran na ng industriyalisasyon na nagtataboy hindi lamang sa mga isda kundi na rin sa lahat ng mangingisdang umaasa dito.

๐€๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง

Mula nang buksan ng Bataan ang pinto nito sa industriyalisasyon noong taong 1968 sa ilalim ng panukala ng dating pangulong Marcos, nagkaroon ng walong planta sa ibaโ€™t-ibang bahagi ng probinsya. Kabilang dito ang 600 MW Coal Power Plant sa Limay ng isang kilalang kumpanya na itinayo noong 2013.

Isang pangitain ng pag-unlad kung susumahin ang pagpapatayo ng mga planta sa probinsya sapagkat batay sa datos ng Kagawaran ng Enerhiya, 53% ng supply ng kuryente sa bansa ay nagmumula sa mga planta ng coal, kung saan naging daan din sa pag-unlad ng ekonomiya sa munisipalidad ng Limay.

Subalit sa kabila ng utos ng kagawaran na hindi na muling magtatayo ng mga coal power plant sa bansa, tuloy pa rin ang operasyon ng planta sa pagsusunog ng fossil fuel kung saan batay sa datos ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman, 65% ng polusyon sa hangin at karagatan ng bansa ay dahil sa mga vehicular sources kagaya ng coal power plant.

Naging saksi naman sa mga pagsubok na ito si Ka Fred, 68 taong gulang, dahil magmula noong itayo ang planta sa lugar ay lalong naging mahirap ang pangingisda na halos dalawang dekada na niyang hanapbuhay.

Bago pa man simulan ang proyekto, batid na ni Ka Fred na may panganib na kaakibat ang pagtatayo ng planta sa kanilang karagatan. Sa bawat araw kasi na lumipas noon ay unti-unti ng nagpapakita ng paglabag sa kanilang karapatan at kabuhayan bilang mangingisda ang planta.

Sinubukan nina Ka Fred, kasama ang mga residente ng Sitio Pex Site, na ipaglaban ang kanilang lupain laban sa pwersa ng planta na patuloy na sumasakop sa karagatan. Gayunpaman, ang alon ng kanilang mga hinaing at panawagan ay hinaharangan lamang ng naglalakihang pader ng pagsasawalang bahala ng mga namumuno dito.

โ€œ2014 noong nagsimula kami mag-rally diyan. Nag-rally kami diyan nung naghuhukay na sila. Nag-barigada kami diyan tinanggal nila. Nagbarigada din sila ng mga pulis, ang daming pulis nakakatakot nga, naka riot gear pa sila at may mga pansalag. Kami wala kaming hawak na armas kung โ€˜di โ€˜yung katwiran lang namin,โ€ ani ni Ka Fred.

Sa kabila ng kanilang panawagan, nagpatuloy pa rin ang pagtayo ng planta kung saan taong 2017 nang itoโ€™y nag umpisa sa operasyon. Kasabay nito ay lumutang ang mas malalang mga problema na haharapin ng mga mangingisda dulot ng nasabing planta.

๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ซ๐š๐ ๐š๐ญ

Magmula nang magsimula ang operasyon ng planta ay naging malaki ang epekto nito sa yayamaning dagat dulot ng mga water waste na itinatapon sa karagatan.

Bunga nito, masisilayan ang maghapong pagkulo ng pampang dulot ng init na dala ng planta na nagpaunti ng mga isdang nahuhuli nila Ka Fred, isang sitwasyon kung saan lubhang nakakaapekto sa kanilang pamumuhay bilang mandaragat.

Ang dating 15 kilong huli na nakukuha lang sa loob ng ilang oras ay bumaba na lamang ngayon sa tatlong kilo sa maghapong pamamalaot. Dahil dito, napipilitan na rin sila Ka Fred na huliin kahit ang maliliit na uri ng isa sa pampang.

Sa isang araw, umaabot na lamang ang kinikita nila ng isang daan hanggang tatlong daang piso na hindi sapat para punan ang araw-araw na pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Dagdag pa rito, peligro rin sa mga yamang dagat ang ibinubuga ng planta sa karagatan dahil sa dala nitong carbon na nakakain ng mga isda at sumisira sa mga coral reefs na tahanan ng mga ito.

Batay sa pag-aaral ng Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig, natagpuan na kontaminado ng heavy metals tulad ng chromium, mercury, at cadmium ang katubigan na malapit sa mga planta.

โ€œDati dito sa amin, punta ka lang diyan at kumuha ng tahong o talaba, walang lasa. Ngayon manguha ka diyan at lasang coal, lasang langis, lasang krudo na,โ€ diin ni Ka Fred.

Sa kasalukuyan, mayroon na lamang humigit kumulang 100 na mangingisda sa Sitio ayon kay Ka Fred, tinalikuran na ng ilan sa kanila ang kinagisnang pamumuhay sa karagatan dahil sa hindi sapat na kita.
Kasabay ng pagkaunti ng nahuhuling isda ay ang pagliit din ng bilang ng mga mangingisda dahil sa kakulangan ng suporta at atensyon mula sa pamahalaan.

๐๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ 

Ang patuloy na operasyon ng planta ay senyales rin para kila Ka Fred na ipagpatuloy ang pakikibaka upang mabigyang aksyon ang kanilang mga hinaing at ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang mangingisda.

Ngunit madalas daw na wala silang natatanggap kundi mga salita ng pangako lamang mula sa mga nagsasabing tutulong sa kanila.

โ€œMarami na kaming panawagan, nakarating na rin kami sa Manila pero parang wala atang pagkilala ang gobyerno natin sa mga mangingisdang Pilipino, talagang pilit kang binabaon, pilit kang nilulubog,โ€ hinaing pa ni Ka Fred.

Isang malaki at kilalang kumpanya din kasi ang kanilang nakakatapat kung kayaโ€™t kadalasan ay nabibigo sila na mapagtagumpayan ang kanilang laban dahil sa dala nitong impluwensiya at yaman.

โ€œKung simpleng mamamayan ka lang, mahirap talagang i-push โ€˜yung rights mo kasi pag ikaw โ€˜yung kinampihan nila ay sisingilin ka naman ng docking fee mo. Saan kami kukuha ng docking fee na milyon-milyon ang presyo? Paano namin babayaran โ€˜yun?,โ€ pagpapahayag ni Ka Fred.

Sa kadahilanang ito ay marami daw sa mga mangingisda ang pinipili na lang din hayaan ang planta sa ginagawa nitong paninira sa karagatan at kabuhayan nila. Rason nila ay kung hindi sila papakinggan ng nasa taas ay sino pa daw ang makikinig sa kanila.

Paninindigan naman ni Ka Fred na hindi dapat silang panghinaan ng loob. Ayon sa kanya, nararapat lang na ipaglaban nila ang kanilang karapatan sa karagatan. Ipinunto niya na walang nagmamay-ari sa mga katubigan at ang tunay na may-ari nito ay ang mamamayang Pilipino.

โ€œPagtulong-tulungan natin na i-wash out itong coal plant at โ€˜saka itong mga nakakasira sa karagatan. Sana mapakinggan tayo ng gobyerno natin na tigilan na โ€˜yan dahil pare-parehas naman tayong mga Pilipino,โ€ panawagan ni Ka Fred.

***
Para sa mga mandaragat ng Sitio, imposible pa na matigil ang operasyon ng planta at ginagawang paninira nito sa karagatan. Ngunit, habang itoโ€™y nakatayo ay patuloy lang din nagniningas ang paglaban nila sa kanilang karapatan.

Patuloy nilang dadalhin ang pag-asa na mapakinggan sila at baka sakali na ang mahihirap at nasa laylayan naman ang pakinggan ng mga nasa taas.

Panulat ni John Michael Pascubillo
Larawang kuha ni John Carl Marquez at Aron Josh Santos

Address

1F Old Library Bataan Peninsula State Universityโˆ’Main Campus
Balanga
2100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Guilds posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Guilds:

Videos

Share

Category


Other Newspapers in Balanga

Show All