
30/04/2025
๏พ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฌ ๏พ
๐ฆ๐ฎ ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ผ ๐ป๐ถ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐
ni Kyla Lansangan
Sa batas na mapaniil,
Sino ang ipipisil?
Walang inosenteng makakalusot
'Ni si Judas ay matatakot!
Mapagkamalan ka man,
Kahit walang kaso, wala kang laban
Pinagsuspetsahan, tinaminan, "nanlaban"
Kinabukasan, may pakape na sa lansangan.
Sang-ayon daw ang mga buwaya sa trono
Kuno'y para raw umano sa maayos na progreso;
Kahit makatapak ng pagkatao,
Basta't para raw sa larangan ng pagbabago.
Sablay na hustiya,
Napigtal na pag-asa.
Makataong polisiya?
O mala-hayop sa gawa.
Sa bayan ng Pilipinas,
Hindi mo kakampi ang mga nasa itaas.
Sila ang dagok, at ang modernong Barabas.
Tulisanโmamamatay ng kalayaan.
Sa trono ni Barabas,
Walang makakaligtas.
Kahit inosente, o tambay sa kalye
Hindi makakapumiglas, โdi makakatakas.
____________
โข Isang taunang pagdiriwang ng panitikan ang Spotlight, na inilulunsad ng The Defender tuwing Buwan ng Panitikan sa Pilipinas. Sa buong buwan ng Abril, bukas ito para sa lahat ng Peninsulares na nais magsumite ng kanilang mga akdang pampanitikan.
โข Ang mga akdang ipapasa sa Spotlight ay dapat na sumasalamin sa prompt ng bawat araw. Maaaring gumamit ng English o Filipino; subalit kinakailangan na ang akda ay orihinal at hindi pa nailathala o naisumite sa ibang patimpalak o publikasyon.
โข Upang mapanatili ang awtentisidad ng bawat akda, kinakailangan na ang mga piyesang isusumite ay hindi ginawa gamit ang mga automated na tool o iba pang teknolohiya.
โข Ang mga napiling akda ay magiging bahagi ng Spotlight: Pilat at ilalathala sa zine ng The Defender na ipopost sa aming page.
โข Ipadala ang inyong mga akda sa [email protected]. Ang subject line ng email ay kinakailangang naka-istruktura bilang:
SPOTLIGHT: [Day #] โ [Titulo ng Teksto] โ [Pangalan ng May-akda]
Halimbawa: SPOTLIGHT: Day 1 โ Mga Yapak sa Alikabok โ Juan Dela Cruz
โข Ang lahat ng isusumiteng akda ay kailangang naka 12-font size gamit ang Times New Roman, single-spaced. I-send ang inyong akda sa PDF o Microsoft Word format lamang.