06/10/2020
Hindi lang sa 8724 ka pwede magsend ng load request mo,
Meron din po tayong 11 digit gateway
Narito ang mga dahilan bakit hindi nagreresponse sayo si 8724.
✍️BAKA MAY SIGNAL PROBLEM KA.
Ano ang dapat gawin?
Tignan mo yung signal bar ng network sa cp mo baka nga nawala, so ang gawin mo hanap ka ng signal sa labas ng bahay nyo,
Kapag meron ka ng signal iresend or double send mo lang ang ung text mo kay 8724
(pwede mo rin restart ang cp mo bago mo resend)
✍️BAKA SA SYSTEM NG CP MO.
Ano ang dapat gawin?
Restart mo lang din ang cp, baka kasi over dutdut ka na kaya naapektuhan din pati messaging mo.
Kapag narestart mo na iresend or double send mo lang ang ung text mo kay 8724.
✍️ kung hindi dahil sa signal or sa cp mo eh baka naman UNDER MAINTENANCE SI 8724.
Si 8724 ay kilala naman natin na mabilis magreply pero kapag napansin mo na nakailang try ka na magload pero hindi ito nagreresponse eh maaari nga pong down ang system nya.
Ano ang gagawin kapag nagload ka at walang confirmation gamit ang 8724 👇
1. icheck ang balance ng number na niloadan mo.
*121 # kung smart
*123 # kung tnt
*143 # kung tm o globe
2. Maghintay muna ng ilang sandali, baka delay lang.. Pwede mo din idouble isend sa gateway na gamit mo or sa ibang gateway basta hindi nababago ang text nito.
3. Pwede mo din ihold muna ang bayad ng nagpapaload sayo, baka kasi delay lang ang confirmation
4.kung lumipas na ang ilang sandali at sinubukan mo ng mag resend pero wala parin gawin mo na ito.👇
Ulitin lang ulit ang text at dagdagan lang ito ng character sa dulo.
Halimbawa:
09123456789 15 A at try mong isend sa 11digit.
NOTE:Gagawin mo lang ang #4 kung nakakasigurado ka na WALA TALAGANG PUMASOK NA LOAD. Minsan po kasi delay lang..ibig sabhin ung request na sinend mo sa 8724 ay maaari ding pumapasok kaya kung gagawin mo ung #4 may chance na madoble ka..
Kaya pagdating sa part na ito "IKAW" ang magdedecide kung iloload mo pa ba ulit or STOP LOADING ka muna.
REMINDER!
Kapag alam mo ng may problema si 8724 WAG MO NG GAMITIN PA ULIT PARA SA SUSUNOD MO NA TRANX. paulit ulit na reminder ito👉ALAM MO NG MAY PROBLEMA si 8724 BAKIT IPIPILIT MO PA?😅
Sa una or dalawang beses naexperience mo na hindi ito smooth gamitin eh wala kang ibang gagawin kundi gumamit ng 11Digit gateways.
✍️11 DIGIT GATEWAY
Ito ay labing isang numero gaya din ng number mo, kaya kung gagamitin mo ito kelangan mo ng personal load (mas maigi kung naka unli text ka para sulit ang gamit mo nito)
Kung hindi ka naman makaload sa sarili mo maaari kang makiusap sa nag activate sayo (baka sakali loadan ka na nya muna ng pangtext mo sa 11digit)
Team! Hindi na po tayo dapat nabbigla kung minsan hindi smooth si 8724
Normal po na dumadaan ito sa MAINTENANCE buwan buwan. pakitandaan po yan para hindi ka balisa pag may maintenance✌
Wag gawin big deal ang maintenance para d ka mapressure hanapin na lang agad ang mga dapat gawin, LESS TALK MORE ACTION ka dapat.
(basahin mo lang ito lagi para nareremind ka)😁