The SUN Hong Kong

The SUN Hong Kong News for and about OFWs in Hong Kong. The SUN is the Filipino newspaper the Filipinos trust.

Simula sa Miyerkules ay uumpisahan na ang pagpapasok sa mainland ng mga permanent resident ng HK at Macau na hindi na ka...
16/11/2024

Simula sa Miyerkules ay uumpisahan na ang pagpapasok sa mainland ng mga permanent resident ng HK at Macau na hindi na kailangan magpakita pa ng pasaporte.
Pero para makamit ang benepisyo na ito ay kailangang edad 14 pataas ang bibiyahe, at may hawak nang China travel permit.
Sa mga taga HK, dapat din na sa Shenzhen Port sila tumawid dahil dito muna ipapatupad ang bagong patakaran na ito,

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Umabot sa 36 katao ang inaresto sa apat na raw na operasyon ng HK Immigration Department at HK Police kontra sa illegal ...
16/11/2024

Umabot sa 36 katao ang inaresto sa apat na raw na operasyon ng HK Immigration Department at HK Police kontra sa illegal work.
Kabilang sa kanila ang 7 na nakitaan ng pekeng HKID card, 4 na overstayer at 4 na asylum seeker.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Ipinakulong ng 2 buwan ang isang 60 taong gulang na Pilipinang asylum seeker, matapos umamin sa pagnanakaw ng tsokolate ...
15/11/2024

Ipinakulong ng 2 buwan ang isang 60 taong gulang na Pilipinang asylum seeker, matapos umamin sa pagnanakaw ng tsokolate sa isang grocery nang tatlong beses.
Samantala, nakatakdang litisin ang isang Pilipinang DH matapos sabihin na nataranta lang siya dahil nawala ang kanyang pitaka kaya hindi niya sinasadyang nailabas sa grocery ang dalang mga pagkain na nagkahahalaga ng $433.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Nangako si Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na pag-aralan ang hiling na ayuda ng may 20 OFW sa HK na nagsampa ng ka...
15/11/2024

Nangako si Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na pag-aralan ang hiling na ayuda ng may 20 OFW sa HK na nagsampa ng kasong illegal recruitment laban sa dating councillor sa Cebu na si Nina Mabatid, sampu ng kanyang partner na si Mark Gamallo at OFW blogger na si Bryan Calagui.
Pati si Consul General Germinia Aguilar-Usudan ay nangako na tutulong para mabigyan sila ng tig Php50k na ayuda para sa mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking sa Pilipinas.
May inilaan na Php20 million sa kabuuan ang DMW para dito.
Sabi ng Mission for Migrant Workers, isang malaking tulong ang halaga para sa mga nagreklamo dahil inutang pa nila ang tig HK$18,700 na ibinayad nila kapalit ng di-natupad na pangakong magkaka student visa sila sa Canada.

https://www.sunwebhk.com/2024/11/hk-ofws-in-illegal-recruitment-case.html

Inatras ang kasong illegal work laban sa isang Pilipina, kasabay ng babala na papagmultahin siya ng $2,000 kapag lumabag...
14/11/2024

Inatras ang kasong illegal work laban sa isang Pilipina, kasabay ng babala na papagmultahin siya ng $2,000 kapag lumabag siyang muli sa batas sa loob ng 18 buwan.
Samantala ikinulong ng 9 na linggo ang isang dating domestic helper na nag-overstay ng 3 taon, bago humiling ng asylum noong 2016 kaya pansamantalang nakalaya.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Balik eskwela at opisina na sa HK!Ibinaba na muli sa T3 ang babala matapos lumapit ang bagyong Toraji sa HK kaninang mad...
14/11/2024

Balik eskwela at opisina na sa HK!
Ibinaba na muli sa T3 ang babala matapos lumapit ang bagyong Toraji sa HK kaninang madaling araw, at inaasahang mananatili ito sa buong maghapon.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Nakatakdang itaas ang T8 ngayong 11:10 ng gabi dahil sa  paglapit ng bagyong Toraji.Inaasahan na ibababa ito bukas banda...
13/11/2024

Nakatakdang itaas ang T8 ngayong 11:10 ng gabi dahil sa paglapit ng bagyong Toraji.
Inaasahan na ibababa ito bukas bandang 10am.
Lahat ng mga klase mula kindergarten hanggang high school ay sarado, pero malamang na buksan ang mga opisina sa hapon pagkatapos ibaba ang signal.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Simula sa Nov 19 ay ilalabas na ng HK government ang bagong JN.1 vaccine kontra sa Covid-19. Aprubado ito ng mga ekspert...
13/11/2024

Simula sa Nov 19 ay ilalabas na ng HK government ang bagong JN.1 vaccine kontra sa Covid-19.
Aprubado ito ng mga eksperto na pangontra sa bagong uri ng coronavirus na kumakalat ngayon.
Mahigpit na pinapayuhan ang mga edad 60 pataas, mga may dati nang sakit, buntis, o may kapansanan, na magpabakuna na muli.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Nahatulang makulong ng 9 na buwan ang isang Pilipina na ninakawan ng alahas ang amo na mahigit $45k ang kabuuang halaga....
13/11/2024

Nahatulang makulong ng 9 na buwan ang isang Pilipina na ninakawan ng alahas ang amo na mahigit $45k ang kabuuang halaga.
Samantala, pinayagang makalaya sa bisa ng $50k piyansa ang isa pang Pilipino na nahaharap sa kasong r**e.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Sinentensyahan ng 7 taong pagkabilanggo ang isang negosyanteng Swedish matapos mapatunayang hinalay ang  kanyang domesti...
12/11/2024

Sinentensyahan ng 7 taong pagkabilanggo ang isang negosyanteng Swedish matapos mapatunayang hinalay ang kanyang domestic helper na Nepalese 2 taon na ang nakakaraan.
Napababa ang sentensya dahil ayon sa ilang medical report na isinumite sa korte ay wala sa sarili ang akusado noon dahil iniwan siya ng kanyang asawa, kasama ang 2 nilang anak, sa mismong araw ng insidente.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Ikinulong ng 12 buwan ang isang Pilipina na kinasuhan ng money laundering matapos makitang dumaloy ang $444k na mula sa ...
12/11/2024

Ikinulong ng 12 buwan ang isang Pilipina na kinasuhan ng money laundering matapos makitang dumaloy ang $444k na mula sa love scam sa kanyang bank account.
Ayon sa kanyang abugado, ipinahiram lang daw ng akusado ang kanyang bank account sa isang kakilala, kapalit ng pabuyang $1k, pero hindi ito natupad.
Hindi naman nakumbinsi ang huwes na sapat itong dahilan para ibaba ang sentensya ng Pilipina.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Inutos ng korte na ipasok sa isang drug rehabilitation center ang isang Pilipinong waiter na nakitaan ng droga sa katawa...
11/11/2024

Inutos ng korte na ipasok sa isang drug rehabilitation center ang isang Pilipinong waiter na nakitaan ng droga sa katawan matapos umamin sa kasong pananakit sa isang lalaki sa Lantau noong Hunyo.
Ayon sa hukom, aabot ng hanggang walong buwan bago makalabas sa rehab ang akusado, at isang taon na masusing pagbabantay sa kanya sa labas bago siya tuluyang makakawala sa epekto ng droga.
https://www.sunwebhk.com/2024/11/drug-rehab-for-pinoy-who-admitted.html

Hindi napigilan ng pagtaas ng T3 sa HK noong Sabado ang pag-iipon ipon sa Repulse Bay ng mga alumni ng 4 na pinakasikat ...
11/11/2024

Hindi napigilan ng pagtaas ng T3 sa HK noong Sabado ang pag-iipon ipon sa Repulse Bay ng mga alumni ng 4 na pinakasikat na unibersidad sa Pilipinas, para idaos ang 'Rambulan 2024.'
Layunin ng mga grupo na magkaisa at tumulong sa mga kapwa Pilipino, katulad ng paglikom ng pondo para sa mga migranteng nahaharap sa pagsubok, o mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.
Nakamit ng UP Alumni Association HK ang pangunahing premyo matapos ang 8 paligsahan, sumunod ang One La Salle, at pangatlo ang UST Alumni Association.
Kahit hirap dahil sa kakulangan ng miyembro ay buong sigla pa ring nakipag kumpetensya ang ilang taga Ateneo University, na nauwi sa pang-apat na pwesto.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Nakatulong na sila sa kalikasan, nakakalap pa sila ng halos $6,000 para sa isang dating OFW na nakikibaka sa cancer. Ito...
10/11/2024

Nakatulong na sila sa kalikasan, nakakalap pa sila ng halos $6,000 para sa isang dating OFW na nakikibaka sa cancer.
Ito ang kapuri-puring resulta ng isinagawang paglilinis ng pampang sa Clearwater Bay second beach kamakailan, ng isang grupo ng mga Pinoy sa pangunguna ng Freelancer Volunteers and Hikers.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Tatlong Pilipino ang humarap sa korte noong Biyernes matapos mahuling nagtatrabaho nang ilegal sa restaurant o grocery. ...
10/11/2024

Tatlong Pilipino ang humarap sa korte noong Biyernes matapos mahuling nagtatrabaho nang ilegal sa restaurant o grocery.
Ang isa na overstayer ay nasentensyahan ng 14 na buwang pagkakulong matapos umamin sa kasalanan, samantalang ang isa pa na may kontrata bilang DH ay 6 na linggong kulong naman ang sentensya.
Ang pangatlo ay hindi umamin sa sakdal at nakatakdang bumalik ulit sa korte.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Itinaas ang T3 sa Hong Kong kanina bago mag 4pm dahil sa paglapit ng super typhoon Yinxing.Pero ayon sa Observatory, mal...
09/11/2024

Itinaas ang T3 sa Hong Kong kanina bago mag 4pm dahil sa paglapit ng super typhoon Yinxing.
Pero ayon sa Observatory, malamang na ibaba ang signal bukas ng 10 am, liban na lang kung lumihis ang bagyo, at mas lumapit sa HK.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Nagpalabas ng babala ang Department of Health ng HK laban sa isang uri ng herbal medicine na madalas ginagamit ng mga gu...
09/11/2024

Nagpalabas ng babala ang Department of Health ng HK laban sa isang uri ng herbal medicine na madalas ginagamit ng mga gustong pumayat, pero nakakasama pala dahil sa taglay nitong lead o tingga.
Ang produktong Garcinia Cambogia na gawa sa Nepal ang tinuturong nagsanhi ng pagkawalang gana ng isang babae, na nung ma checkup ay nakitaan ng lead poisoning.

Basahin ang detalye sa The SUN Hong Kong.

Address

Hong Kong

Opening Hours

Monday 09:00 - 17:00
Tuesday 09:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 17:00
Friday 09:00 - 17:00
Saturday 09:00 - 17:00

Telephone

+85225446536

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The SUN Hong Kong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The SUN Hong Kong:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Hong Kong media companies

Show All