DZCV Tuguegarao City

DZCV Tuguegarao City oldest and number one (1) local community radio station in Cagayan Valley

04/09/2024

Bahagyang bumaba na kahapon ang wholesale price ng puting sibuyas.
Batay sa ipinalabas na price guide ng Nueva Vizcaya Agricukltural Terminal Inc. bumaba ng hanggang 200 pesos per bag ang lokal na sibuyas na ngayon ang wholesale price nito ay 850 to 950 per bag mula sa 1,000 to 1,050 per bag.
Steady naman sa 550 hanggang 620 ang kada bag ng lokal na pulang sibuyas.
Samantala.. bargain pa rin ang presyo ng wombok na 8 to 10 pesos per kilo, 5 to 7 pesos per kilo ang bella na kalabasa 7 to 9 pesos per kilo ang suprema na kalabasa, 10 to 12 pesos per kilo ang wholesale price ng okra at mahahabang talong .
Ang bunga ng sayote ay 8 to 10 pesos per kilo, 10 to 15 pesos ang per kilo ng 1st class na repolyo, 25 to 30 pesos ang per kilo ng bilog na ampalaya , 18 to 20 pesos ang per kilo ng mahahabang ampalaya, ang siling panigang ay 40 to 50 pesos per kilo samantalang ang malalaking patatas ay 35 to 40 pesos per kilo.

04/09/2024

SEPTEMBER 4, 2024

04/09/2024

SEPTEMBER 4, 2024

03/09/2024

SEPTEMBER 4, 2024-NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED ON THE BACKGROUND MUSIC OF THIS PROGRAM. THE NEWS BED BELONG TO ITS RIGHTFUL OWNER.

03/09/2024

AMBULANCE DRIVER, DRUG USER

Kalaboso ang bagsak ng isang driver ng ambulansiya ng MDRRMO Sta. Ana na nahulihan ng illegal na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o possession of prohibited drugs ang suspek na itinago sa pangalang Victor, 35 anyos residente ng Marede, Sta. Ana.

Mismong kasamahan sa trabaho ni Alyas Victor ang nagpahuli sa kanya sa mga otoridad. Nahulog daw mismo ni Victor ang illegal na droga mula sa bulsa ng kanyang pantalon na maong.

Batay sa report, ang nasamsam na shabu sa suspek ay umaabot ng isang gramo na may standard drug price na 6,800 pesos. Isinailalim sa drug test si Alyas Victor.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa piitan ng Sta. Ana Police Station habang inihahanda ang isasampang demanda laban sa kanya.

03/09/2024

DALAWANG ESTUDYANTE SANGKOT SA V.A.

Dalawang estudyante ang nasugatan matapos masangkot sa vehicular accident sa bahagi ng National Highway, Maddarulug Solana.

Kinilala ang mga biktima na sina Regino Dassun Jr. 22 anyos, residente ng Gagabutan Rizal Cagayan na siyang nagmaneho sa kulay itim at silver na motorsiklo na may plakang 667-BVW at ang angkas nitong si Carlo Jake Anguluan, 20 anyos na taga Batu, Rizal Kalinga.

Isinakay sa ambulansiya ng LGU Solana at dinala sa CVMC sina Dassun at Anguluan para malapatan ng lunas ang kanilang mga tinamong sugat sa katawan.

Batay sa initial report ng Solana Police Station bumangga ang dalawa sa kasalubong na kulay abuhing SUV na may plakang OG 404A na minamaneho ni Jayson Cesar Lingan, 41 anyos, empleado ng isang pribadong banko at residente ng Dassun Solana. Papunta sa isang gasolinahan si Lingan ng sumalpok ang sinasakyang motorsiklo nina Dassun at Anguluan.

Sa lakas ng impact ng aksidente, bumaliktad ang sinasakyang motorsiklo ng dalawang biktima.

TURNOVER CEREMONY SA BAGONG P.D. NG PULISYANakatakda  na  bukas (September 5 ) ang  turn over ceremony  sa pamunuan  ng ...
03/09/2024

TURNOVER CEREMONY SA BAGONG P.D. NG PULISYA

Nakatakda na bukas (September 5 ) ang turn over ceremony sa pamunuan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO)

Itatalaga si COLONEL Mardito Gannaban . Anguluan kapalit ni outgoing Provincial PNP Director COLONEL Julio S. Gorospe Jr. Si Angoluan ang napili ni Governor Manuel Mamba sa hanay ng mga police officers na inirekomenda ng PRO2.

Natapos din ni PD Gorospe ang kanyang two-year tour of duty nitong nakaraang buwan ng Agosto.

Taga Gosi, Tuguegarao City si Colonel Angoluan at nagsilbing head ng Regional Investigation and Detective Management Division (R7), Regional Personnel and Records Management Division (R1) at Regional Plans and Strategy Management Division ng Police Regional Office 2. Naging Deputy Provincial Director for Administration sa CAGAYAN PPO si Angoluan noong 2015.

Nalaman na personal na dadalo sa turn over ceremony si PRO2 Regional Director Christopher Birung.

03/09/2024

SANHI DAW NG BROWNOUT ANG SUV NA BUMANGGA SA POSTE NG KURYENTE

Dahil sa nadisgrasyang SUV na tuluyang bumangga sa isang poste, nawalan ng kuryente kagabi ang malaking bahagi ng sinusuplayang area ng Feeder 22 ng Cagelco 1 partikular mula Bangag Solana hanggang sa Western Amulung.

Ipinakita sa post sa social media ng Cagelco 1 ang kulay brown na SUV na tinumbok ang poste ng kuryente bagaman hindi natumba ang wooden electric post. Wala ng sumunod na advisory kung anong oras naibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nabanggit na lugar.

Nililimitahan lang naman ng Cagelco 1 ang mga member consumer na pwedeng magcomment sa mga FB Post ng D.U.

Samantala… ilang lugar sa Tuguegarao at Iguig ang nakaranas ng power service interruption noong Lunes ng gabi (September 2) na maaaring maiugnay sa pagdaan ng bagyong Enteng.Walang nailabas na anumang public service announcement ang distribution utility o sa panig ng NGCP kung anong dahilan ng naranasang brownout noong Lunes na sinasabing narestore bandang alas diyes na ng gabi.

03/09/2024

NORMAL PA ANG WATER ELEVATION NG MAGAT DAM-NIA

Lagpas na kahapon sa normal operation rule curve ang water elevation ng Magat dam sa Ramon Isabela.

Batay sa inilabas na report ng NIA Flood Forecasting and Warning System Dam Operation (FFWSDO) hanggang alas singko ng hapon kahapon (5pm) September 3, ang Magat Reservoir Water Level ay umaabot na ng 184.81 meters above sea level (masl) Mas mataas na ito ng halos dalawang metro sa normal water elevation ng dam na 182.84 masl.

Para sa kabatiran ng publiko binago na ang terminology ng NIA sa dating tawag na spilling level ng dam at ngayon ay sinasabing normal high water level ang 190 masl.

Samantala… lagpas na sa alert level ang tubig sa Buntun Bridge. Naitala ang 6.1 meters water level ng Buntun kaninang alas siyete ng umaga (7am)

Madadaanan naman ng mga sasakyan ang Pinacanauan Overflow Bridge bagaman umapaw bahagya ang tubig sa ilog kagabi. Ang alert level ng Buntun ay 4 meters, 8 meters ang warning level samantalang 11 meters ang critical level nito.

03/09/2024

MAY PASOK NA SA ESKWELA

Matapos ang dalawang araw na bakasyon, balik klase na ngayong Miyerkoles (September 4) sa lungsod ng Tuguegarao.

Nag-abiso na kagabi ang City Government na magreresume ang klase sa lahat ng antas mula kinder hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod sa araw na ito.

Maghapon kahapon na maganda na ang panahon kahit man may nakataas pa ring typhoon signal sa lokalidad.

Kaninang alas kuwatro ng madaling araw nakalabas na ng PAR ang bagyong Enteng.
Ayon sa PAGASA muling magla-landfall si Enteng sa timugang bahagi ng mainland China. Maaaring maabot daw ng bagyo ang kanyang peak intensity sa Biyernes (September 6) bago ito tuluyang maglandfall.

Sa kabilang dako… umiiral pa rin ang gale warning sa northern at western seaboard ng Northern Luzon at western seaboard ng Central at Southern Luzon. Sobrang mapanganib pa rin ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat partikular ang mga pangisdang bangkang de motor.

03/09/2024

🙌❤️
🇺🇸🇺🇸🇺🇸







03/09/2024

24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST
Issued at 4:00 AM, 04 September 2024

SYNOPSIS: At 3:00 AM today, the center of Severe Tropical Storm "ENTENG" {YAGI} was estimated based on all available data at 275 km West Northwest of Laoag City, Ilocos Norte (18.8°N, 118.2°E) with maximum sustained winds of 100 km/h near the center and gustiness of up to 125 km/h. It is moving West Northwestward slowly. Southwest Monsoon affecting Central and Southern Luzon.

Forecast Weather Conditions

Area: Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Ilocos Norte, and Ilocos Sur
Weather Condition: Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms
Caused By: Trough of STS Enteng
Impacts: Possible flash floods or landslides due to moderate with at times heavy rains

Area: Pangasinan, Zambales, Bataan, and Occidental Mindoro
Weather Condition: Monsoon Rains
Caused By: Southwest Monsoon
Impacts: Possible flooding or landslides due to heavy to intense rains

Area: Metro Manila, La Union, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Oriental Mindoro, Northern Palawan, and the rest of Central Luzon
Weather Condition: Occasional Rains
Caused By: Southwest Monsoon
Impacts: Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains

Area: Quezon, Marinduque, and Romblon
Weather Condition: Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms
Caused By: Southwest Monsoon
Impacts: Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains

Area: The rest of the country
Weather Condition: Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms
Caused By: Localized Thunderstorms
Impacts: Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms

Forecast Wind and Coastal Water Conditions

Area: The western section of Luzon
Wind Speed: Strong
Wind Direction: Southwest to South
Coastal Waters: Rough / (2.8 to 4.5 meters)

Area: The rest of Luzon
Wind Speed: Moderate to Strong
Wind Direction: Southwest
Coastal Waters: Moderate to Rough/ (2.1 to 4.0 meters)

Area: Visayas and Mindanao
Wind Speed: Light to Moderate
Wind Direction: South to Southwest
Coastal Waters: Slight to Moderate / (0.6 to 2.5 meters)

Extremes of Temperature and Relative Humidity for The 24-hour Period Ending 8:00 PM YESTERDAY

Minimum Temperature: 24.4 °C ... 10:00 AM
Maximum Temperature: 28.8 °C... 11:00 AM

Minumum Relative Humidity: 81 % ... 11:00 AM
Maximum Relative Humidity: 96 % ... 2:00 AM

TIDES AND ASTRONOMICAL INFORMATION Over Metro Manila

Low Tide TODAY: 02:48AM ... 0.48
Low Tide TODAY: 06:12PM ... 0.22
High Tide TODAY: 10:37AM ... 1.17
High Tide TODAY: 11:51PM ... 0.6

sunrise today: 5:44 AM
sunset today: 6:06 PM
moonrise today: 6:27 AM
moonset today: 6:53 PM
illumination today: 2%

For other information about weather, please log on to pagasa.dost.gov.ph or bagong.pagasa.dost.gov.ph or call at (02)927-1335/(02)926-4258

03/09/2024
03/09/2024
03/09/2024

SEPTEMBER 3, 2024

03/09/2024

SEPTEMBER 3, 2024

02/09/2024

SEPTEMBER 3, 2024

02/09/2024

SEPTEMBER 3, 2024-NO COPYRIGHT INFRINGEMENT ON THE BACKGROUND MUSIC OF THIS PROGRAM. THE NEWS BED BELONG TO ITS RIGHTFUL OWNER.

02/09/2024

HVT TIMBOG SA ILLEGAL NA DROGA SA BAYAN NG APARRI

Nakaiskor sa isa pang pagkakataon ang mga otoridad sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga sa bayan ng Aparri.

Nakuha nitong weekend sa loob mismo ng kanyang bahay sa ikinasang joint drug buy bust operation ng PNP at PDEA sa bahagi ng Centro 2 Aparri ang suspek na itinago sa pangalang Brendon, 56 anyos. Itinuturing na isang High Value Target (HVT) drug personality si Brendon.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang heat sealed sachet na naglalaman ng shabu, ang ginamit na isang libong pisong marked money, mga remittances at isang kulay asul na branded android phone.

Kakasuhan si Brendon ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nakakulong ngayon ang suspek sa piitan ng Aparri Police Station.

02/09/2024

Narekober na ang nalunod na si Edmar Bacud ng Andarayan Solana.

Nakitang palutang lutang sa Cagayan River sa bahagi ng Zone 3 Dugayung Amulung ang katawan ng biktima na sinasabing nalunod pa noong August 30.

Sinabi ng pulisya na bloated na ang katawan ng 40 anyos na biktima dahil sa matagal na pagkababad sa tubig.

Hindi naman maituturing na biktima ng bagyong Enteng si Bacud. Agad ding kinuha ng kanyang pamilya ang katawan ng biktima.
Pinaglalamayan na ngayon ang biktima sa kanilang lugar.

02/09/2024

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO SUMIRIT SA UNANG MARTES NG SETYEMBRE

Bawi na naman ang kompanya ng langis ngayong unang Martes ng Setyembre.

70 centavos per liter ang itinaas kada litro sa presyo ng gaas o kerosene, 50 centavos per liter ang itinaas sa presyo ng gasolina samantalang 30 centavos ang naidagdag kada litro sa presyo ng krudo o diesel.

Ang presyuhan ngayon ng gaas sa Tuguegarao ay 64.97 per liter samantalang 59.75 per liter sa premium gasoline, 58.75 per liter sa unleaded gasoline,55.75 per liter sa diesel max at 57.75 per liter sa turbo diesel.

Unang nagtaas ang presyo ng cooking gas noong Linggo (September 1) ng dalawang piso per kilo.

02/09/2024

PRESYO NG PUTING SIBUYAS PUMALO NA SA MAHIGIT ISANG LIBO ANG BAWAT BAG

Patuloy ang paglobo ng presyo ng puting sibuyas.

Batay sa inilabas na price guide ng Nueva Vizcaya Agricultural Teminal Inc. (NVAT) kahapon, ang wholesale price ng lokal na puting sibuyas ay nasa 1000 hanggang 1,050 na kada bag.

Noong August 30 ay 900 to 1000 pa lamang ang kada bag ng puting sibuyas. Nagsimulang sumirit ang presyo nito noong August 29. Base sa naunang presyo ay 800 to 850 lamang bawat bag sa mga nakaraang araw sa buwan ng Agosto.

Sa kabilang banda, 550 to 620 naman bawat bag ang wholesale price ng pulang lokal na sibuyas. Ang bawang na kanso ay 600 to 650 bawat bag, ang superwhite na bawang ay 630 to 670 bawat bag, Ang native na luya ay 60 to 70 pesos per kilo, ang luyang imported na galing Taiwan ay 110 hanggang 120 pesos per kilo, ang jumbo o malalaking luya galing Hawaii ay 160 to 170 per kilo, ang Hawaii gadang na luya ay 70 to 80 pesos per kilo.

Bargain naman ngayon ang kalabasa na bella na ibinebenta ng wholesale ng 5 to 7 pesos per kilo, 8 to 10 pesos ang suprema na kalabasa, 8 to 10 pesos ang kada kilo ng bunga ng sayote at mahahabang talong. Ang okra at wombok at 1st class na repolyo ay pare-parehong 10 to 12 pesos per kilo, 18 to 20 pesos ang kada kilo ng mahahabang ampalaya, 20 to 22 pesos per kilo ang bilog na ampalaya, 15 to 18 pesos per kilo ang pipino samantalang 40 to 50 pesos per kilo ang siling panigang.

Ang gisantes o sweetpeas ay 150 to 160 pesos per kilo, parehong 30 to 35 pesos per kilo ang avatar at diamante na kamatis. Ang malalaking patatas ay 35 to 37 pesos per kilo.

02/09/2024

KLASE SA BUONG QUIRINO, SUSPENDIDO

Walang pasok sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Quirino ngayong Martes (September 3)

Nakapaloob sa Executive Order Number 13 series of 2024 na pinirmahan ni Governor Dakila Carlo E. Cua pinagbasehan niya sa kautusan ang tropical cyclone bulletin number 11 na inisyu ng PAGASA bandang alas singko ng hapon kahapon na kasama sa tinumbok ng bagyong Enteng ang Quirino Province matapos itong maglandfall sa Casiguran Aurora.

Base sa Tropical cyclone Bulletin number 15 na inisyu ng PAGASA kaninang alas singko ng umaga, kasama sa nasa ilalim ng signal number 1 ang apat mula sa anim na bayan ng Quirino Province na kinabibilangan ng Aglipay, Saguday, Diffun at ang capital town na Cabarroguis.

02/09/2024

MAY PASOK NA SA BAGGAO NGAYONG ARAW

Magreresume na ang klase sa bayan ng Baggao ngayong Martes (September 3)

Naglabas ng public advisory si Mayor Leonardo Pattung na ipinapaalam na balik klase na sa lahat ng antas mula sa mga pribado at pampublikong paaralan ngayong araw.

Naunang naglabas ang LGU ng pabatid publiko sa implementasyon ng liquor ban kahapon base sa Executive Order 56 series of 2024 na pinirmahan ni Mayor Pattung.

Samantala inihayag naman ng DPWH na lahat ng national road at mga tulay sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino ay passable.

Passable din ang lahat ng mga pambansang lansangan sa mga lalawigan ng Abra, Apayao,Mountain Province kasama na ang siyudad ng Baguio.

Noong August 30 may advisory lang ang DPWH Cordillera na limitado lamang sa light vehicles ang Kennon Road maging ang Manuel S. Agyao Boulevard sa Nambaran Tabuk City Kalinga ay limitado sa light vehicles lamang dahil sa nasirang bridge deck at center span nito.

02/09/2024

CAGAYANO COPS ALERTO SA BAGYO

Hindi man naging malakas ang bagyong Enteng, ipinakita ng mga Cagayano Cops ang kanilang kahandaan sa panahon ng kalamidad.

Kanya kanyang post sa social media ang mga police stations sa Cagayan para ipabatid publiko ang kanilang pagiging alerto at handang tumugon sa anumang kaganapan sa kanilang area of responsibility na maaring idulot ng bagyo.

Humupa na kagabi ang mga pag-uulan at hangin na dala ng bagyo na ngayon ay binabaybay na ang coastal area ng Paoay, Ilocos Norte.

Naglabas din ng gale warning ang PAGASA sakop ang seaboard ng Northern Luzon at eastern seabord ng Central Luzon. Mapanganib na pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat kasama ang mga bangkang de motor.

Batay sa forecast ng PAGASA maaaring maabot ng bagyong Enteng ang kategoryang severe tropical storm hanggang mamayang hapon o mamayang gabi at typhoon category naman sa Huwebes (September 6)

02/09/2024

WALANG KLASE SA TUGUEGARAO NGAYONG ARAW

Suspendido pa rin ang klase sa pribado at mga pampublikong paaralan sa Tuguegarao ngayong Martes (September 3)
Ang suspension of classes ay sumasaklaw lamang mula Kinder hanggang Senior High School at Alternative Learning System (ALS)
Sa kanyang FB Post sinabi ni Mayor Maila Ting Que, ipapaubaya na nila sa desisyon ng mga school administrators sa tertiary level kasama ang law at graduate schools kung magsususpinde din sila ng klase ngayong araw.
Bandang ala una kahapon ng mag-abiso ang City Hall na kanselado na rin ang
Batay sa Tropical Cyclone Bulletin Number 15 na ipinalabas kaninang alas singko ng umaga (5am) nasa area na ng West Phil. Sea ang bagyo na may pagbugso ng hangin na aabot ng 75 kms. Per hour at lakas ng hangin na aabot ng 125 kilometers per hour.
Nasa ilalim pa rin ng signal number 2 ang kanlurang bahagi ng Cagayan partikular sa mga bayan ng Aparri, Ballesteros,Abulug, Allacapan,Sanchez Mira, Sta. Praxedes, Piat, Sto. Nino,Camalaniugan, Tuao,Pamplona, Alcala, Amulung, Buguey, Solana,Rizal, Claveria, Iguig, Lasam, Babuyan, Calayan, Dalupiri at Fuga Island sa Calayan.
Nasa ilalim naman ng signal number 1 ang natitirang bahagi ng Mainland Cagayan, bahagi ng Babuyan island, Isabela at Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya. Inaasahang makakalabas ng PAR ang bagyo sa araw ng Sabado sa direksiyon ng Hainan China.

ANUNSIYO MULA SA NIA REGION 2
02/09/2024

ANUNSIYO MULA SA NIA REGION 2

02/09/2024

WALA PA RING PASOK SA MGA PAARALAN SA TUGUEGARAO NGAYONG MARTES (SEPT.3)

Classes from 𝐊𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐚𝐫𝐭𝐞𝐧 𝐭𝐨 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟏𝟐 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐋𝐒, both in public and private schools, are suspended today September 3, 2024.

Meanwhile, the suspension of classes at the 𝐭𝐞𝐫𝐭𝐢𝐚𝐫𝐲 (𝐜𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞) 𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥, including law and graduate studies, is left to the discretion of the concerned higher education institutions. However, classes are automatically suspended if 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐍𝐨. 𝟑 is raised in Tuguegarao, pursuant to CHED Memorandum Order No. 15 series of 2012.

For your guidance.
FROM THE CITY GOVERNMENT OF TUGUEGARAO

Address

Maribbay Street , Ext. Ugac Norte
Tuguegarao City
3500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZCV Tuguegarao City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZCV Tuguegarao City:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Broadcasting & media production in Tuguegarao City

Show All