PANOORIN||4RTH QUARTER: Brgy. San Nicolas VS. Brgy. Sto. Cristo
ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
YOU TUBE:
https://youtu.be/2Njg2kJoW8g?si=L5ZNqwkW3wYJO-q5
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PANOORIN||3RD QUARTER: Brgy. San Nicolas VS. Brgy. Sto. Cristo
ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
YOU TUBE:
https://youtu.be/VK8fjSLNpV0?si=fjOm6iSMFPmXyyVM
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PANOORIN||2ND QUARTER: Brgy. San Nicolas VS. Brgy. Sto. Cristo
ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
YOU TUBE:
https://youtu.be/r6VuFSoVuk4?si=ngnlYrKlzcjiR-Wt
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PANOORIN||1ST QUARTER: Brgy. San Nicolas VS. Brgy. Sto. Cristo
ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
YOU TUBE:
https://youtu.be/cVI3FTVnB4Y?si=-0q0xylNmPxat_EI
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
MAYOR CRISTY ANGELES AT YORME VIC ANGELES, BUONG BUO ANG SUPORTA SA MGA BASKETBALL PLAYER
TARAC CITY, Philippines - SA isang nagbabagang labanan ng mga koponan sa Finals ng Angel's Cup Super Liga Inter Barangay 2024 noong ika-30 ng July 2024 na ginanap sa Tarlac City Gymnatorium ay pormal na dumalo sina Tarlac City Mayor Cristy Angeles at YorMe Vic Angeles upang manood at pagpapakita ng kanilang buong suporta sa mga manlalaro ng Basketball sa lungsod ng Tarlac.
Punong puno ng mga taong nanood sa bagong bagong Tarlac City Gymnatorium at punong puno ng sigawan at hiyawan habang pinapanood nila ang galing ng mga bawat Koponan sa kanilang paglalaban laban sa Finals.
"This is it, may the best Team win. Kung sino man o ang mananalo, nandito kami, Full support. Ang importante ay ang sportsmanship natin. Ang importante ay nadiscover po ang mga galing at talento ng mga players natin natin" pahayag ni Mayor Cristy Angeles.
Ayon naman kay YorMe Vic Angeles ay patikim pa lamang umano ang naglalagablab na mga laro dahil sa mga susunod ay mag-iimbita ito ng mga Basketball Player na manggagaling sa National katulad ng mga kilalalang Unibersidad sa National Capital Region.
Nakikita na nina YorMe Vic Angeles at Mayor Cristy Angeles na nagiging propesyonalismo at nagkakaroon na ng disiplina ang bawat manlalaro at magiging handa na ang mga ito na makipaglaro sa mga National Basketball Player.
Dahil sa galing ng dalawang Koponan na maglalaban sa Finals ay kapwa naiipit sina YorMe Angeles at Mayor Cristy Angeles dahil pareho nilang mga ka-barangay ang magbabakbakan sa Basketball Court.
Kapwa naman nahirapan ang mga manlalaro dahil naninibago sila sa ganda ng kanilang pinaglalaruan na tila nasa Araneta Coliseum sila.
Patuloy namang nananawagan sina YorMe Vic Angeles at Mayor Cristy Angeles sa kanilang mga kababayan ang kanilang pagkakaisa at pagsasama-sama sa bawat oras.(JBriones)
PANOORIN||ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
4RTH QUARTER: Brgy. Matatalaib vs. Brgy. Maliwalo
YOU TUBE:
https://youtu.be/8tyJkAAyp7k?si=mVRehf31luN3JyWC
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PANOORIN||ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
3RD QUARTER: Brgy. Matatalaib vs. Brgy. Maliwalo
YOU TUBE:
https://youtu.be/gpYXN21gBko?si=78V_LHB6kgCTKcXb
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PANOORIN||ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
2ND QUARTER: Brgy. Matatalaib vs. Brgy. Maliwalo
YOU TUBE:
https://youtu.be/EAYowylNSNE?si=uPbVMsSIeNJitcVn
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PANOORIN||ANGEL'S CUP SUPER LIGA FINALS (7-30-24)
1ST QUARTER: Brgy. Matatalaib vs. Brgy. Maliwalo
YOU TUBE:
https://youtu.be/Nn1qzNmk6eE?si=Newya-QDA_5E0DbQ
DISCLAIMER:
No Copyright Infringement intended.
I do not own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec. 107 of Copyright Act 1979 allow these materials for fair use.
Lyrics and music belongs to the rightful owners.
PAGBAHA SA TARLAC CITY HIGHWAY TUWING TAG-ULAN O MAY BAGYO, HINDI NA NAKAKAPERWISYO!
TARLAC CITY, Philippines - KUNG sa ibang mga bayan ay hindi na madadaanan ang kanilang mga pangunahing kalsada dahil sa pagbaha na dulot ni bagyong Carina pero sa Lungsod ng Tarlac ay no worries na sa mga pagbaha sa mga pangunahing kalsada.
Isa sa mga naging proyekto ni Mayor Cristy Angeles ng Tarlac City ay ang masolusyunan ang pagbaha sa lungsod tuwing tag-ulan at lalo na kapag may mga bagyo o LPA ay ang pagpapagawa nito ng Pimping Station at ang pagpapagawa nito ng mga malalaking kanal sa Mac Arthur Highway.
Ang Pumping Station na pinagawa ni Mayor Cristy Angeles na kung saan ang mga tubig na dulot ng malalakas na ulan ay papunta sa Masalasa Creek sa tulong ng mga lateral canals sa Tarlac City at diretsong pumapasok sa malalaking drainage canal sa Manila-Northroad o MacArthur Highway.
Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan mula pa noong Lunes (July 22, 2024), ang tubig baha sa Tarlac City Highway ay wala ring tigil na inilalabas ng pumping station papunta sa Masalasa Creek sa tulong ng mga lateral canals sa Tarlac City at diretsong pumapasok sa malalaking drainage canal sa Manila-Northroad o MacArthur Highway.
Ang Tarlac City Pumping Station ay may kabuuang tubig na itinapon na 5,424 cu. m. o 5,424,000 milyong litro mula pa kahapon (July 24, 2024) sa ganap na 4:50pm.
Nakatutok naman sa normal na operasyon ng pumping station ang City Engineerโs Office dahil sa utos ni Mayor Cristy Angeles.
Pagbaha sa Tarlac City Highway tuwing umuulan, Hindi na nakakaperwisyo sa mga motorista at mga tao! (MAPNO with CIO)
PANOORIN|| Nananatili pa ring NOT PASSABLE ang Romulo Highway sa Barangay Cacamilingan Sur at Norte (Amigo Gas Station) at Barangay Sawat โ Bilad Road sa bayan ng Camiling, Tarlac.
Mapapanood sa video ang mga sitwasyon ng naturang lugar as Juky 25, 2024 @ 6:30 ng umaga.
videos courtesy of Mayor Erlon Agustin
PANOORIN||Ibinahagi ng isang netizen na si Alex Rellosa ang matinding kalagayan ng ilog sa Caruncho Bridge sa Barangay Bagumbayan, Quezon City kaninang alas kwatro katorse (4:14) ng hapon (July 24, 2024) dahil sa malakas na buhos ng ulan na dulot ni Bagyong Carina.
Mapapanood sa video na may mga barge ng tumatama sa nasabing tulay.
Nasira ang bahagi ng naturang tulay dahil sa pagtama ng mga malalaking barge na tinangay ng tubig dahil sa malakas na agos ng tubig.
Ang Caruncho Bridge ay nagdudugtong sa Manggahan Pasig at Bagumbayan, Quezon City.
Video Credit: Alex Rellosa FB
PANOORIN|| Ikinagulat at na-trigger ang sakit sa Puso ni Artemio Ulep ng malaman nito na pinost siya sa social media na "HIRED KILLER" daw siya nina VM t BM para patayin si Gerona Mayor Eloy Eclar at dating Vice Mayor at dating konsehal ng bayan ng Gerona, Tarlac
You Tube Channel:
https://youtu.be/dvEatPjOA00?si=ItbXuEayrR9Alnk0
PANOORIN||MSgt. Roberto Baysa, Dating miyembro ng AFP, Scout Renager, Inalmahan ang pagkakapost ng kanyang pangalan at picture sa social media na binayaran daw siya ng isang Pulitiko para patayin ang 2 Pulitiko sa bayan ng Gerona, Tarlac
You Tube Channel:
https://youtu.be/JUOCnJqQzPI?si=yHgRo8RHRaDKwoau
MAYOR CRISTY ANGELES, PINAUNLAKAN ANG IMBITASYON NG DIE HARD SUPPORTER NG NAKATUNGGALI SA PULITIKA SA PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NITO
TARLAC CITY, Philippines - PINAUNLAKAN at pormal na dinaluhan ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles kasama ang buong line - up ng "Kaisa Team Angeles" sa imbitasyon ni Jun Mallari o mas kilala sa tawag na JM sa pagdiriwang ng kaarawan nito noong ika-11 ng July 2024.
Si JM ay isang negosyante sa Lungsod ng Tarlac at kilalang "Die Hard Supporter" ng yumaong dating Tarlac City Mayor Ace Manalang na nakatunggali ni Mayor Cristy Angeles sa pagka - Alkalde ng Lungsod ng Tarlac.
Si Mayor Cristy Angeles ay may isinusulong na isang kampanya na "Friendship Beyond Politics".
Sa pagdalo at pagpapaunlak nito ng imbitasyon ng Die Hard Supporter ng nakatunggali niya sa pagka Alkalde sa naturang Lungsod ay nagpapakita lamang na totoo itong si Mayor Cristy Angeles sa kanyang isinusulong na "Friendship Beyond Politics".
Sa maikling mensahe ni Mayor Cristy Angeles ay sinabi nitong iwasan na ang lumang istilo ng pamumulitika at ang kanilang dala-dala ay bagong mukha ng pulitika, ito ang tinatawag niyang "Christian Politics".
Pinasalamatan din ni Mayor Angeles si JM sa lahat ng kabutihang pinapakita nito.
Labis labis naman ang kasiyahan ni JM sa pagpapaunlak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles sa kanyang imbitasyon.(JBriones)
LALAKENG 1 TAON PA LANG NAKALAYA MULA SA KULUNGAN, MULING NAHULI SA ILIGAL NA DROGA
MONCADA, Tarlac, Philippines - DALAWANG (2) lalake ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Moncada Municipal Police Station sa kanilang ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Tolega, Moncada, Tarlac noong ika-2 ng Hulyo 2024.
Ayon kay Police Major Jose L Natividad, Jr., Hepe ng Moncada Municipal Police Station ay pagkatapos makapagsagawa ng koordinasyon sa PDEA ang kanyang mga tauhan sa SDEU ay agad silang nagsagawa ng isang drug buy bust operation na nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawang lalakeng suspek.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas "Mitch", 40 anyos, binata, residente ng Barangay Mabini, Moncada, Tarlac (Drug Watched Listed) at alyas "Nilo", 37 anyos, binata at residente ng Barangay San Leon, Moncada, Tarlac.
Ayon sa ulat ni Police Major Natividad, Jr., nagawang magbenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu itong si alyas "Mitch" sa isang operatiba ng SDEU na naka transaksiyon nito na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng limandaang piso at ng malaman na Pulis pala ang katransaksiyon nito ay sinubukang tumakbo si alyas "Mitch" kasama ang kanyang kasamahan na si alyas "Nilo" ngunit agad din silang nahuli ng iba pang mga operatiba ng SDEU na nakaposisyon malapit sa lugar ng pinangyarihan ng Drug buy bust operation.
Nakuha mula sa pag-iingat ni alyas Mitch ang isa pang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, ang limandaang piso na ginamit bilang marked money, isang piraso ng Redmi Android Cellular Phone at nakuha rin sa pag-iingat ni alyas "Nilo" ang isa pang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at isang Vivo Android Cellular Phone na kulay asul at ang isang motorsiklo na RUSI na ginamit ng mga ito sa kanilang iligal na transaksiyon.
Ayon kay alyas "Mitch" ay pangatlo na niyang nahuli dahil sa ipinagbabawal na gamot. Una siyang nahuli ng San Manuel Municipal Police Station na nakulong sa BJMP P
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก|| Sitwasyon ngayong Gabi (July 9, 2024) sa Barangay Igabay, Balabagan, Lanao Del Sur dahil sa matinding pagbaha.
Video Courtesy Lettle Rose Ann Narval
132 KATAO MULA SA BRGY. SAN ISIDRO, PANIQUI, TARLAC, PINAGKALOOBAN NG BIGAS NI MAYOR MAX ROXAS
PANIQUI, Tarlac, Philippines - UMABOT sa 132 katao na mga residente ng Barangay San Isidro, sa bayan ng Paniqui Lalawigan ng Tarlac ang pinagkalooban ni Mayor Max Roxas ng tigli limang (5) kilong bigas noong ika-3 ng Hulyo 2024 sa magkasunod na batch.
Pormal na sinamahan ni Kapitan Rose Marie Melchor ang 132 katao mula sa kanyang Barangay na nasasakupan sa opisina ni Mayor Max Roxas upang personal nilang tanggapin ang mga libreng bigas.
Habang pumapasok pa lamang ang mga ito sa loob ng opisina ni Mayor Max Roxas ay inaabutan na sila ng mga tinapay at paglabas naman nila sa loob ng opisina ni Mayor Max Roxas ay masayang masaya ang mga ito dahil may bitbit na silang mga tigli limang kilong bigas bawat isa.
Ang mga bigas na pinamimigay nina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ay hindi ito galing sa pondo ng Munisipyo kundi galing ito sa kanilang sariling bulsa.
Bigas ang pinamimigay nina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas upang makatulong at may pagkaing pagsalu-saluhan ng bawat pamilyang kanyang nasasakupan dahil sa mahal na presyo ng bigas.
Ang pamimigay ng bigas nina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ay dati na nila itong ginagawa kahit walang eleksiyon dahil normal na sa kanila ang pagtulong sa kanilang mga kababayan sa abot ng kanilang makakaya.
Araw Araw ay may mga taong pumupunta sa opisina nito para humingi ng bigas kaya't nag order at naghanda na ng maraming bigas si Mayor Max Roxas sa loob ng opisina nito na gamit ang sarili nitong Pera.
Hindi biro at milyon ang ginagastos ng pamilya Roxas sa pagbili ng mga masasarap o 1st class na bigas para lamang maipamigay nila ito sa kanilang mga kababayan.
Kaya labis labis ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Paniqui, Tarlac kay Mayor Max Roxas at sa buong Pamilya Roxas dahil sa walang sawang pagtulong ng mga ito.
Ang ginagawang pagtulong ni Mayor Max Roxas ay walang halong pulitika dahil wala pa ma