Express Balita

Express Balita News that matters.
(1)

Sunod-sunod ang naganap na nakawan sa iba't ibang business establishments sa Barangay Sahud Ulan ngayong linggo. Bukod s...
05/07/2024

Sunod-sunod ang naganap na nakawan sa iba't ibang business establishments sa Barangay Sahud Ulan ngayong linggo.

Bukod sa Puremart at Alfamart, nanakawan din ang ilang maliliit na tindahan at sari-sari store sa lugar.

Pinag-aaralan pa ng Barangay kung iisang grupo lamang ang nasa likod ng nasabing mga pagnanakaw.

Isang araw matapos maideklarang Persona Non Grata sa lalawigan ng Palawan, naaktuhan ang Team Malakas kasama sina Rosmar...
19/06/2024

Isang araw matapos maideklarang Persona Non Grata sa lalawigan ng Palawan, naaktuhan ang Team Malakas kasama sina Rosmar at Rendon sa isang sikat na restaurant sa SM City Trece Martires ngayong hapon.

Nangunguna si Sen. B**g Go sa Senatorial Preference ng mga Pilipino, ayon sa isinagawang survey Mission and Development ...
21/08/2023

Nangunguna si Sen. B**g Go sa Senatorial Preference ng mga Pilipino, ayon sa isinagawang survey Mission and Development Foundation, Inc.

18/08/2023

Final ruling ng Korte Suprema sa Taguig-Makati Territorial Dispute, self-executing at hindi na nangangailangan ng writ of Ex*****on.




Iginiit ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang mga programa na nakita nilang mahusay na naipatupad sa Taguig ay buong...
18/08/2023

Iginiit ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang mga programa na nakita nilang mahusay na naipatupad sa Taguig ay buong buo na makukuha ng EMBO residents na ngayon ay Taguig residents.

Ayon pa kay Mayor Cayetano, magtiwala lamang sa proseso at sa kanyang liderato.




18/08/2023

Mga estudyante ng EMBO schools na sakop na ngayon ng Taguig, mainit na sinalubong si Mayor Lani Cayetano sa pagsisimula ng Brigada Eskwela.




Narito ang bagong Toll Prices sa Cavite Expressway simula August 21, 2023. R1 (Seaside to Zapote):- Class 1: P33 to P35-...
15/08/2023

Narito ang bagong Toll Prices sa Cavite Expressway simula August 21, 2023.

R1 (Seaside to Zapote):
- Class 1: P33 to P35
- Class 2: P67 to P70
- Class 3: P100 to P104

R1 Extension, Segment 4 (Zapote to Kawit)
- Class 1: P64 to P73
- Class 2: P129 to P146
- Class 3: P194 to P219

Samantala, mananatili sa lumang toll prices ang jeepneys, modern jeepneys, passenger buses, at UV Express sa loob ng hanggang Nobyembre.

Maligayang Kapistahan, Nuestra Señora de la Asunción!Happy Fiesta, Maragondon!
15/08/2023

Maligayang Kapistahan, Nuestra Señora de la Asunción!

Happy Fiesta, Maragondon!


KINILALA ANG FELIPE CALDERON ELEMENTARY SCHOOL BILANG BEST PERFORMING ELEMENTARY SCHOOL SA BUONG CALABARZON.  FCES LANG ...
15/08/2023

KINILALA ANG FELIPE CALDERON ELEMENTARY SCHOOL BILANG BEST PERFORMING ELEMENTARY SCHOOL SA BUONG CALABARZON.

FCES LANG DIN ANG NANALONG PAARALAN SA BUONG CAVITE.

IGINAWAD ANG PAGKILALA SA GINANAP NA 8TH GAWAD PATNUGOT NG DEPED CALABARZON.

ANG PAGBIBIGAY PARANGAL NA ITO AY ALINSUNOD SA CIVIL SERVICE COMMISSION PROGRAM ON AWARDS AND INCENTIVES FOR SERVICE EXCELLENCE (PRAISE).

Source: Balitang Tanzeño

08/08/2023

DALAWA NA ANG NASAWI SA TANZA DAHIL UMANO SA LEPTOSPIROSIS.

UNANG BINAWIAN NG BUHAY ANG LALAKING 35 GULANG NA TAGA BARANGAY SAHUD-ULAN. MAKALIPAS LANG ANG ISANG LINGGO, SINUNDAN ITO NG BABAENG EDAD 35 RIN NA TAGA BARANGAY MULAWIN.

AYON SA RURAL HEALTH UNIT – TANZA, INAALAM PA KUNG SANHI NGA NG LEPTOSPIROSIS ANG PAGKAMATAY NG DALAWA. PERO KINAKITAAN SILA NG MGA SINTOMAS NG NATURANG IMPEKSYON.


08/08/2023

PABATID.

INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG MGA NAGBABALAK NA TUMAKBO SA BARANGAY AT SK ELECTIONS SA OCTOBER 30, MAY ELECTION BRIEFING NA ISASAGAWA ANG COMELEC TANZA SA DARATING NA AUGUST 10, 9AM SA SAN AGUSTIN COVERED COURT SA BARANGAY POBLACION 1.


07/08/2023

GOOD NEWS | Cavite City is now a DEBT-FREE CITY!

Sa loob ng 20 years ay umutang ang ating lungsod sa Landbank of The Philippines ng mahigit 270 Million Pesos.

At ngayon, masaya kong ibinabalita sainyo na ang Cavite City ay DEBT-FREE City na! Ibig sabihin nito ay ating nabayaran na ang utang na iniwan ng mga nakaraang administrasyon.

Bagama’t milyong milyong utang ang ating hinarap sa ating pag upo ng tayo ay naging mayor, hindi ito naging hadlang upang makagawa tayo ng magaganda at makabuluhang proyekto na mapapakinabangan ng taong bayan gaya ng MeDCare Center, bagong Montano Hall Gymnasium, pagpapaayos ng ating palengke, Cavite City College at ngayong Septermber ay mag bubukas na ang Unlad Pier.

Isang patunay na basta ang namumuno sa ating lungsod ay tapat sa paglilingkod at hindi na ngungurakot ay marami siyang magagawa at kayang kaya paunlarin ang kanyang nasasakupan.

Talagang mapagmalalamaki na natin na UNLAD CAVITE CITY na! 👍🏻

Isang mangingisda sa Cavite ang nakatagpo ng di-umanoy perlas sa loob ng isang talaba. Ang hinala, nagkakahalaga ito ng ...
05/08/2023

Isang mangingisda sa Cavite ang nakatagpo ng di-umanoy perlas sa loob ng isang talaba.

Ang hinala, nagkakahalaga ito ng halos P20,000.

Patay ang isang lalaki sa Tanza matapos umanong ma-infect ng Leptospirosis - isang sakit na makukuha sa maruming tubig d...
03/08/2023

Patay ang isang lalaki sa Tanza matapos umanong ma-infect ng Leptospirosis - isang sakit na makukuha sa maruming tubig dulot ng tubig-baha na kontaminado ng dumi at ihi ng daga.


Impyerno kung maituturing ang pagkamatay ng isang lola matapos masunog ang kanyang tirahan sa Phase 2 Tierra Nevada sa B...
02/08/2023

Impyerno kung maituturing ang pagkamatay ng isang lola matapos masunog ang kanyang tirahan sa Phase 2 Tierra Nevada sa Barangay San Francisco sa General Trias City.

Nag-umpisa ang apoy 4:27 ng madaling araw na agad namang narespondehan at naapula matapos ang kalahating oras.


Sa preso na mararamdaman ni Ronald Velasco ang hangover matapos niyang saksakin ang kanyang kainuman sa GMA, Cavite. Ayo...
01/08/2023

Sa preso na mararamdaman ni Ronald Velasco ang hangover matapos niyang saksakin ang kanyang kainuman sa GMA, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng iringan sa pagitan ng dalawa na siyang naging sanhi ng pagtatalo na nauwi sa saksakan.


Inilabas na ng Commission on Elections ang resulta ng plebisitong ginanap sa Bacoor City kaugnay sa pagpapalit ng pangal...
30/07/2023

Inilabas na ng Commission on Elections ang resulta ng plebisitong ginanap sa Bacoor City kaugnay sa pagpapalit ng pangalan at pagsasama ng ilang mga Barangay sa lugar.

Sa botohan, nakakuha ng 90.44% na "YES" vote ang COMELEC.


TANZEÑO SI IBARRA?Sa trending Tiktok video ni Kapuso Actor Dennis Trillo, Naka-pin ang Tanza, Cavite bilang kanyang curr...
30/07/2023

TANZEÑO SI IBARRA?

Sa trending Tiktok video ni Kapuso Actor Dennis Trillo, Naka-pin ang Tanza, Cavite bilang kanyang current location.

Matatandaang isa ring Caviteña ang asawa nitong si Jennylyn Mercado na mula sa Cavite City.


I Love Cavite wishes Enchanted Kingdom iconic wizard 'Eldar' a happy, magical birthday.
29/07/2023

I Love Cavite wishes Enchanted Kingdom iconic wizard 'Eldar' a happy, magical birthday.




Puspusan na ang karakol at mga aktibidad ng mga deboto sa nalalapit na kapistahan ni Tata Usteng sa bayan ng Tanza. Nags...
29/07/2023

Puspusan na ang karakol at mga aktibidad ng mga deboto sa nalalapit na kapistahan ni Tata Usteng sa bayan ng Tanza.

Nagsagawa ng Karakol ang Barangay Biwas patungong Diocesan Shrine of San Agustin, bilang hudyat ng pagtatapos ng 'Dalaw Patron'.


We are proud Caviteños here!Kahanga-hanga ang ipinamalas na determinasyon ng Novo Ecijano na si Jof Remoroza o mas kilal...
29/07/2023

We are proud Caviteños here!

Kahanga-hanga ang ipinamalas na determinasyon ng Novo Ecijano na si Jof Remoroza o mas kilala sa tawag na ‘Kisig’, pinaikling salita ng Makisig.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagawa niyang magtapos ng Grade 10 sa D. Ramon de Santos National High School sa bayan ng Cuyapo.

Ipinangak si Kisig na walang mga kamay at paa, isang pambihirang kondisyon na kung tawagi’y phocomelia syndrome.

Ipagpapatuloy ni Kisig ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos nang kolehiyo.

Sa mga nais magpaabot ng tulong kay Kisig:

GCash
Yvone Garcia Remoroza
09638543649



TINGNAN. Binatilyong walang mga kamay at paa, nagtapos ng Grade 10 sa Nueva EcijaKahanga-hanga ang ipinamalas na determi...
29/07/2023

TINGNAN. Binatilyong walang mga kamay at paa, nagtapos ng Grade 10 sa Nueva Ecija

Kahanga-hanga ang ipinamalas na determinasyon ng Novo Ecijano na si Jof Remoroza o mas kilala sa tawag na ‘Kisig’, pinaikling salita ng Makisig.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagawa niyang magtapos ng Grade 10 sa D. Ramon de Santos National High School sa bayan ng Cuyapo.

Ipinanganak si Kisig na walang mga kamay at paa, isang pambihirang kondisyon na kung tawagi’y phocomelia syndrome.

Ipagpapatuloy ni Kisig ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos nang kolehiyo.

Proud kaming mga Caviteño sa’yo, Kisig!

Sa mga nais magpaabot ng tulong kay Kisig:

GCash
Yvone Garcia Remoroza
09638543649



"MAKAKABUSOG BA NG TIYAN?"Pinuna ni Sen. Imee Marcos ang talumpati ng kanyang kapatid na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. s...
28/07/2023

"MAKAKABUSOG BA NG TIYAN?"

Pinuna ni Sen. Imee Marcos ang talumpati ng kanyang kapatid na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang Ikalawang State of the Nation Address.


BABALA. Muling umatake ang budol-budol gang sa Tanza, Cavite.Natangay ng grupo ang mga alahas at pera ng dalagitang bikt...
26/07/2023

BABALA.

Muling umatake ang budol-budol gang sa Tanza, Cavite.

Natangay ng grupo ang mga alahas at pera ng dalagitang biktima na aabot sa isandaang libong piso.

Sa police blotter, may tumawag sa dalagita kaugnay sa umano'y nanay niyang malala raw ang lagay matapos maaksidente.

Nanghingi raw ng pera na dali-dali namang ibinigay ng dalagita matapos makipagkita sa labas ng isang ospital.

Paalala ng pulisya, huwag agad maniniwala sa tawag nang taong hindi naman personal na kakilala.

Ipagbigay-alam agad sa pulisya kung may kahina-hinalang kilos o galaw ang isa o grupo ng mga indibiduwal.


  sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, kasama na ang mga tanggapan ng Pamahalaan sa mga sumusunod na b...
26/07/2023

sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, kasama na ang mga tanggapan ng Pamahalaan sa mga sumusunod na bayan sa lalawigan ng Cavite:

• Kawit
• Imus
• Amadeo (Pre-school hanggang Highschool)

Sundan ang post na ito sa latest updated kaugnay sa suspensyon ng klase sa mga karatig-bayan.

Inaasahang matatapos ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang natitirang dalawang seksyon ng LRT-1 Cavite extension project...
25/07/2023

Inaasahang matatapos ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang natitirang dalawang seksyon ng LRT-1 Cavite extension project sa pagdating ng taong 2027.

Ayon sa datos ng kumpanya, nasa 88% completion rate na ang unang bahagi ng proyekto, habang may 55% completion rate naman ang limang estasyon.

Sakop ng unang segment ang MIA Station, Ninoy Aquino Station, Redemptorist Station, Asia World Station, at Dr. Santos Station habang ang nalalabing mga segments naman ay magtatapos sa Las Piñas, Zapote, at Niog stations.

TEJERO TRAFFIC NO MORE?Binuksan na sa publiko ang pinakabagong Tanza - General Trias bypass road na magkokonekta mula sa...
25/07/2023

TEJERO TRAFFIC NO MORE?

Binuksan na sa publiko ang pinakabagong Tanza - General Trias bypass road na magkokonekta mula sa Barangay Bucal (Tanza) patungong Barangay San Juan (General Trias).

Isa ito sa mga tinitingnang solusyon sa lumalalang traffic sa Umboy-Tejero intersection na sakop ng dalawang nasabing bayan.


Address

Tanza

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Express Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other News & Media Websites in Tanza

Show All