09/07/2024
ISANG BINATILYO MULA NAIC CAVITE, HUMIHINGI NG TULONG PARA SA KANYANG KAPATID
Magandang araw.
Ako po si Reyan Catibayan, mayroon po akong story na gusto ko pong ibahagi, ito ay patungkol sa aking kapatid na si Jinkie Catibayan-31 years old. Kami ay pawang taga Barangay Halang Naic, Cavite.
Binatilyo pa lamang po ako noong namatay ang aking ina sa sakit na Diabetis, ang aking ama ay nagtatrabaho bilang isang construction worker..halos pag sakluban kami ng langit at lupa noong sumunod na mamatay ang aking ama habang nagbubuhat ng buhangin at grava nang inatake sa puso sa sobrang pagod. Sa makatwid ay ulila na po akong lubos. Tatlo kaming magkakapatid. Sina Janice Catibayan - panganay, si Jinkie Catibayan - pangalawa at ako ang bunso. Tila may sumpa ang aming pamilya sapagkat lahat ng kamalasan ay nasa amin na. Ang aking kapatid na si Jinkie ay tila nawala sa tamang pag iisip. Noong siya ay nasa high school pa lamang ay tunay na nangunguna sya sa kanilang kanilang klase sa school. Kung hindi ako nagkakamali ay kalagitnaan ng 2nd year high school ay nagpamalas na ng kakaibang kilos ang aking kapatid, dumating sa puntong sinasagot na nya ng hndi kanais nais ang kanyang g**o kaya naman napa hinto siya sa kanyang pag aaral. Napag alaman namin na nagkakaroon siya ng problema sa pag iisip..ito ay sumusumpong, tumitinino, nawawala sa katinuan, saka ulit babalik sa katinuan. Dumating sa punto na umaalis sya ng bahay at nag paskil kami ng "MISSING" kalakip ang kanyang larawan dahil sa aming pag aalala.. isang araw ay umuwi sya ng maayos, maganda ang pangangatawan at nasa katinuan, ayon sa kanya ay may kumupkop raw sa kanyang isang lugar na ampunan at doon sya namalagi at ginamot.. panandaliang naging maayos ang lahat ngunit dumating sa punto na wala o hindi na sya nakaka inom ng gamot..mas lumala pa ang nangyari dahil dumating na sa point na nananakit na sya ng ibang tao, naninigaw at nambabato. Maraming beses syang nawala at nakatakas. Dahil sa kapaguran sa mura kong edad ay tila hindi ko na alam ang aking gagawin. Tikom rin ang palad ng iba kong kamag anak sa kalagayan ng aking kapatid dahil na rin sa hirap sila sa buhay. Isang araw na umuwi ang aking kapatid at nagpagala gala sa aming barangay ngunit sya ay umuuwi rin noong mga oras na iyon ay naisipan ng mas nkakatanda saaking kamag anakan na dapat ay namamalagi lamang sya sampoob ng bahay. Sa madaling salita ay ikinulong ang aking kapatid sa loob ng aming bahay..dinadalahan lamang siya ng pagkain at pinapaliguan namin doon na rin sa kanyang silid. Lumipas ang mga buwan ganon ang naging araw araw na routine. Isang umaga. Isang umaga noong December 12, 2016 nagulantang ang lahat sa isang pangyayari, tila may umiiyak na isang sanggol na nanggagaling sa kinaroroonan ng silid ng aking kapatid. Agad naming silip at tumambad saamin ang isang maliit na sanggol na bagong silamg, putol na ang pusod nito at katabi ito ng aking kapatid. Naka lock ang silid na kinaroroonan ni ate Jinkie kaya't pawnong magkakaroon ng sanggol roon.. kinalaunan ay napag alaman namin na siya ay nanganak. Ni hindi namin alam na sya ay nag dadalang tao dahil hindi halata sa kanya na siya ay buntis. Ayon kay Jinkie ay pinutol nya raw ang pusod sa pamamagitan ng pag kurot rito. Sa ngayon pp ay pala isipan saaming lahat kung sino ang ama ng bata, hindi na rin namin inalam sapagkat ilanb beses na nagpa gala gala ang aking kapatid sa amjng barangay. Sa ngayon ay inako ko na ang resposibilidad ng sanggol dahil wala na rin naman mag aalaga kundi ako lamang..inako ko na parang isamg tunay kong anak ang anak ni ate Jinkie. Sa ngayon ay naka kulong parin siya sa silid na iyon. Inaamin kong wala akong sapat na kakayahan upang alagaan ang aking ate. Nahihiya rin akong lumapit sa aking mga kamag anak dahil hirap rin sila bagamat nakakapag bigay bigay sila ng pagkain para kay ate. Nais ko po sanang maging tulay kayo upang malaman ng iba namin kamag anakan sa Liliw Laguna ang kalagayan ni ate. Maraming salamat at God bless po.
Pakishare nalang po maraming salamat
๐ธ Rey-An Valencia Catibayan/one cavite