11/10/2025
𝑨𝒏𝒈 𝑶𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒏𝒈 𝑻𝒉𝒆 𝑽𝒐𝒊𝒄𝒆 𝒐𝒇 𝑼𝑷𝑳𝑩 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒖𝒏𝒊𝒄𝒂𝒕𝒐𝒓𝒔’ 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒆𝒕𝒚 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒊 𝑱𝒆𝒏𝒏𝒊𝒇𝒆𝒓 𝑳𝒂𝒖𝒅𝒆
Labing-isang taong paglaban, pakikibaka, at pagsigaw ng hustisya — pagsigaw sa ngalan ni Jennifer “Ganda” Laude, isang trans woman na walang awang pinaslang sa kamay ng isang sundalong Amerikano na si Joseph Scott Pemberton.
Hanggang ngayon, patuloy na humihingi ng hustisya hindi lamang si Jennifer at ang kanyang pamilya, kundi ang buong LGBTQIA+ community na araw-araw na nakikipaglaban sa parehong sistematikong pang-aapi at diskriminasyon. Ang pagkamatay ni Jennifer ay hindi isang hiwalay na kaso, kundi isang malinaw na salamin ng imperyalismo, patriyarkiya, at transphobia na patuloy na bumabalot sa Pilipinas.
Sa paggunita sa kanyang buhay at pakikibaka, buong sigla naming ipinaglalaban: Trans women are Women. Trans Rights are Human Rights.
Hindi kailanman dapat maging normal ang pagpatay, pagtanggal sa karapatan, pang-aapi, o ang pagpapatahimik sa komunidad ng LGBTQIA+. Ang dugo’t buhay ni Jennifer ay patuloy na nananaghoy para sa hustisyang tunay, sistemikong pagbabago, at respeto’t pagtanggap na nararapat. Panahon nang wakasan ang pananahimik sapagkat ang pananahimik ay pakikiayon sa pang-aapi. Sa pagalala kay Laude, ipinagpapatuloy natin ang apoy ng pagkilos.
Kaisa ang UPLB Development Communicators’ Society sa pagtambol sa panawagang wakasan ang mga kasunduang nagpapalaganap ng pang-aapi tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) na patuloy na nagbibigay ng espasyo sa mga dayuhang mapagsamantala ng ating dangal at soberanya. Kasabay nito, iginigiit namin ang agarang pagpasa ng SOGIESC Equality Bill bilang konkretong hakbang upang mapangalagaan ang karapatan ng bawat isa lalo na ang komunidad ng LGBTQIA+ sa Pilipinas.
Ang paglatag ng mga House Bill tulad ng Heteresoxual Act of 2025 ay malinaw na hakbang sa pagkondena at pagkilala sa tunay na danas ng mga LGBTQIA+ sa araw-araw na buhay.
Hangga’t may kababaihan at sangkabaklaang inaapi, may LGBTQIA+ na tinatanggalan ng karapatan, at may sistemang nang-aabuso, mananatili kaming naninindigan: Ang tunay na hustisya ay nasa kamay ng sambayanang lumalaban at patuloy na lumalaban.
𝐇𝐔𝐒𝐓𝐈𝐒𝐘𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀!
𝐇𝐔𝐒𝐓𝐈𝐒𝐘𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐏𝐈𝐍𝐀𝐘𝐒!
𝐄𝐍𝐃 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐅𝐄𝐌𝐈𝐂𝐈𝐃𝐄!