Jemrsandiego

Jemrsandiego Helow mga ka jemr sandiego wellcome to my pagefb youtube channel pls subscribe follow me🥰☝️💫🔔▶️🔉

30/06/2024

Chapter 209

It's been 3 days after a week. Ang sabi ni Blue sakin ay uuwi siya ng Pilipinas after a week pero hindi yun ang nangyari. Tinadtad ko siya ng messages pero ni tuldok wala akong nakuhang reply mula sa kanya.

Gumastos pa ako sa load para makatawag sa ibang bansa. I mean it's not about nasayang ang pera ko just to contact him, my point is, bakit hindi niya na ako tinatawagan? Mas pinili niya na bang magstay doon?

"Friz! Arat na sa bar kami!" aya ng isang kaofficemate ko.

Dang. Wala akong magawa kundi magpakaladkad sa kanila.

The bar went crazy. Maraming nagsasayawan sa gitna at may nagmamakeout na sa gilid namin. Salitang inuman din ang ginawa ng mga kasamahan ko dito sa table namin.

Kanina pa din nila ako pinipilit uminom pero tumatanggi ako. I just ordered juice.

———

"Claire naman kasi ba't ka ba uminom ng marami ngayon?" I said as I tapped her back.

Panay ang s**a niya sa gilid ng kalye. Kailangan ko pa kasing siguraduhing makakauwi to ng maayos sa kanila.

"Are you okay, Claire? May problema ka ba?" tanong ko.

Umupo siya sa gilid ng daan and so I sat beside her.

"Friz, ang sakit..." she sobbed and rested head on my shoulder.

"Hoy gagi umiiyak ka ba?!"

Sinubukan kong iharap siya sakin pero mas lalo niya lang siniksik ang sarili niya sakit.

Parang gusto ko rin siyang sagutin kanina ng "same" p*ta.

"T*rantado naman pala yun at pinapaiyak ka." I said.

"Nasasaktan ako...k-kasi palagi niya a-akong tinutulak palayo..."

Parang naiiyak din tuloy ako. Bakit kasi kailangang pareho kaming nasasaktan ngayon?

"Sino ba yang g*gong yan ha?! Sabihin mo sakin at reresbakan kita—"

Natigilan ako ng biglang may humila patayo kay Claire.

"Hoy—Gecris?!"

Nagulat ako ng makita kong kinakarga niya na sa likod si Claire.

Anong? Panong—

"What are you doing here?! Ayoko sayo!" sigaw ni Claire at nagwawala.

"Friz, it's not what you think. Wala kaming relasyon—"

"Yun naman pala e! Then put me down!" sigaw ni Claire habang nagpupumiglas.

"G*dd*mmit! Can you stop being stubborn?!" reklamo ni Gecris at inayos ang pagkakarga niya kay Claire sa likuran niya.

Napangiti ako. The way I see it, Gecris been trying to block his self from Claire. In denial pa masyado.

"Her father is one of our valued client. Madalas iniinvite ang band namin para sa iba't ibang events sa resort niya. I swear we are not like that— I just can't... I just overheard one of the staff sa resort nila na namomoblema sila kay Claire at ayaw daw magpasundo that's why—"

"Shhhh no need to explain, Gecris. I totally understand." I said nodding.

"I swear hindi talaga—"

"Alright, alright. Just take her home safely." I said pushing them papasok sa nakapark na kotse.

Looks like Gecris rushed here just to get her. Hindi sa kanya itong kotse.

"Friz! I can't go with him!" sigaw ni Claire ng maibaba ang windshield ng sasakyan.

Bumusina na ang sasakyan hudyat para umalis na ito. I just waved my hand at them.

Hay naku. Those two really...

Napailing na lang ako.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Do you know Mr. Blue Fiel Alviesta? You're his only contact sa phone niya na nakasave."

"Opo. Girlfriend niya ako. Bakit?"

Parang kinakabahan na ako sa susunod na sasabihin niya.

"Nasa vern convience store po siya at dugoan. Walang malay. Tumatawag na po kami ng ambulance ngayon—"

"Jinojoke time niyo ba ako? Nasa U.S ang boyfriend ko!" sigaw ko.

"Ma'am, kung ayaw niyo po kaming paniwalaan ayos lang po. Pakisabi na lang po sa pamilya niya ang address ng hospital na itetext namin sainyo—"

Napaluhod ako sa daan.

This isn't true, right?

This can't be happening...

30/06/2024

Chapter 208

"Don't challenge me, love. I can be as wild as what you think of..." I whispered back as I slightly bit his earlobe.

I heard him groaned.

I smirked when I felt something poking behind me. Akala mo ikaw lang ang marunong ha.

Dahil medyo lumuwag ang pagkakayakap niya sakin, I quickly get away from him.

Tumakbo ako palayo sa kanya na natatawa. Take note, naka5inches heels ako nyan.

"Love, come back here!" he frustratingly said as he stood up.

"Yan bagay sayo, now we're even." nakangising sabi ko.

"Don't let me catch you."

I laughed hysterically when I saw him running towards my direction.

Gladly, nasa loob ng resto halos lahat ng mga guests kaya para kaming mga s*raulong naghahabulan sa ground.

———

Ngayon, ang flight ni Blue sa U.S. He already explained everything to me. Na kailangan niya munang bumalik sa states para iclose ang deal sa isang kompanya roon.

He will stay there for a week at babalik na siya sa Pilipinas after that. He'll stay here for good. Ang sabi niya ay pinakiusapan niya raw ang dad niya na mas gusto niyang ihandle ang business nila dito sa Pilipinas kaysa ibang bansa. Thankfully, his dad let him be.

Ngayon ay magtitiis na muna kami sa LDR for a week. Siyempre mamimiss ko siya kaya nga dinidistract ko na lang ang sarili ko ngayon sa pagtratrabaho.

I opened my IG account. I was about scroll down ng may magpop-up na message sakin. It was Blue who dmed me. Picture niya na nakasunglases at nasa loob na ng eroplano.

Blue: hey love. I'll send you lots of my pictures when I got there
: Pagtiisan mo muna itong mga gwapong pictures ko

He sent more pictures of him. I saved only one picture yung picture na may silhoutte niya habang papasok ng airport. His employee must have taken pictures of him. Ginawa ko yung wallpaper ko.

Blue: oh baka masyado ka ng inlove sakin nyan
: Go on and fall harder

Natawa ako sa huling message niya. Kaya naman agad akong nagtipa ng mensahe pabalik sa kanya.

: Ul*l

Blue: wow, that's so touching🙄

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong matawa. He literally used an emoji. He wasn't fond of using it but he did it anyway.

: Kidding
: Have a safe trip!
: I love you!

Blue: can I cancel my flight now?

I chuckled a bit. He's really one of my source of happiness. I smiled and laughed just by a single message for goodness sake.

Blue: gotta go, love. They're rushing me to turn my phone to airplane mode.
: I love you too!

That was the last message I got from him. Hindi kasi siya nagprivate plane. Mas gusto niya raw ng ordinary flight yung maraming passengers ang makakasama niya. It'll save him from a boring flight.

I smiled while checking my files. I can't believe those simple messages made my day.

28/06/2024

CHAPTER 75 : MY SHOOTING STAR

Matapos maghapunan ang magasawang Raf at Kevin ay agad nilang pinunthan ang lugar Kung saan sinasabi nito na may pasyalan na malapit lang sa hotel kaya pinuntahan nila ang lugar at nagustuhan naman nila ang lugar kung saan welcome ang bagong kasal

Jhaneth: anu mga kapatid ko na gustuhan nyo ba ang pashalan dito sa new Zealand??? Marami pang pwedeng puntahan dito samahan ko kayo ilang araw Pa at uuwe na kayo sulitin nyo na ang pamamasyal nyo dito. RAF, bakit tila ang lalim nang inisip mo may problema ba pwede mong sabihin samin andito kami makikinig kami Jan sa inisip mo.

Raf: para kasing gusto ko nang umuwe nang pilipinas naiisip ko kase si Mama rose, kailangan ko siyang makasama di ko alam kung bakit pero ilang araw na akong kinakabahan kahit Pa araw araw ko siyang kinakausap parang di ako mapakali. BABE, pwede na ba tayo umuwe nang pilipinas mis ko na silang lahat eh.. Lalo na ang mga parents natin. Cge na plz plz plz Babe uwe na tayo nang pilipinas.

Kevin: Ok lang naman sakin Babe kase ilang araw na din naman tayong andito kaya pwede na tayo umuwe isurprice na lang natin sila dapat walang makakaalam na pauwe na tayo ha. Kaya ate plz lang wag kang magsasabi sa kanila na uuwe na kami dahil alam namin na di papayag sila mama saka para malaman natin Kung kailan target nila Dew at nani kung kailan sila ikakasal no para makatulong naman tayo kahit papano. Need Pa namin tuparin ang mga pangako natin sa kanila na tayo na ang bahala sa kasal nila diba Babe.

Raf: Yes, salamat Babe, sa pag payag mo na umuwe na tayo di kasi ako masaya nang di natin kasama ang buong pamilya natin habang sila nag hihirap sila dun sa Laguna. Ooh nga pala ngayon taon din pala ang kasal nila Dew at Jewell kaya mas lalo tayong dapat umuwe na nang pilipinas Babe. Para makahanap tayo nang reception nila sa wedding. Pasencia kana ate jhaneth kung bigla ako nagyaya umuwe sana ate di ka magtampo sakin ha... Lahat naman nang ginawa mo alam kung para samin kaya wag ka magalala next time babae ako sayo ate promise basta ngayon gusto ko nag umuwe sa philipinas.

Kevin: Ok ok Babe, para mas maging happy kana uuwe na tayo today kaya halikana at mag empaki na tayo,.ikaw ba ate sasabay ka ba samin or maiiwan ka dito sa hotel mo or baka naman wala manang gagawin dito sumabay kana pauwe sa philipinas sigurado akong mis na mis kana nila Mama at Papa. Wag kana malungkot teh alam kung tutuparin ni Raf ang pangako niya sayo sa ngayon need natin siyang intindihin dahil di talaga siya sanay nang malayo at di kasama ang parents niya kaya pagbigyan na lang natin ok. Saka alam na alam mo un pag si Raf ang bumawe talagang magugistuhan mo kaya halikana mag impake kana din nang gamit mo.

Jhaneth: Ok sige na halikana na nga tapos naman na ako sa Gawain ko dito kaya sabay na ako sa inyo pauwe nang pilipinas halikana at baka magtampo Pa ang sister in law ko pag nagbagal Pa tayo excited na un pauwe nang pilipinas. Masarap naman talagang umuwe nang philipinas lalot pamilya ang unang makikita mo pag dating nang airfort. Masaya ako dahil nagkakasundo na kayo ni Raf sa mga bagay bagay na gusto nyo kaya sana di kayo magbagong dalawa ha. Sige na puntahan muna asawa mo dahil sigurado ako na tapos na un magayos nang gamit ninyong dalawa at magbibihis kana lang.

Kevin: Ok sige ate see you later, Babe ok na ba mga gamit mo nakaready kana?? Yung mga pasalubong naayos muna din ba sa maleta natin?? Oh ok na pala ang lahat pwede na tayong bumababa sa baba eh.. Teka wait lang magbibihis lang ako naready mo ba yung susuotin natin. BABE, now ko lang ulit nakitang ngiti mong yan parang nanalo ka sa luto ah... Sa sobrang happy at excited mo paguwe nang pilipinas. Pero Babe, sana di mo makalimutan ang promise mo kay ate jhaneth na babae ka ha.. Kasi alam mong matampuhin yun at mahirap suyuin.

Raf: Oo Babe, reading ready na ako bumalik nang philipinas anu kaya ang magiging reaction nila pag nakita nila tayo. Ay ooh naman Babe, ako Pa ba makakalimutan ko ba yun alam mo naman yung mga friends natin gusto nang palubong kaya naready ko nang lahat at ready na din ang passfort natin dalawa kaya halikana bilisa mo mag bihis kung hindi maiiwan kita dito uuwe ako nang philipinas mag isa. Tapos pag hinap kanila sasabihin ko nagasawa kana nang iba hahaha joke lang Babe basta kumilos kana Jan at pakibilisan po nang konti ayaw kung pinagiintay ako alam mo yan.

Kevin: Ay ang bilis mo naman talaga magimpake ha di halatang excited kang umuwe nang philipinas Babe, ok sige na agbibihis na ako nang mabilisan bago mo Pa ako iwanan ok saka Babe di ko gusto yung joke mo dahil alam mo naman na kahit anung mang yari di kita ipagpapalit sa iba lalo na ngayon na kasal na tayo di na uso ang pag luluko no saka wala un sa isipan ko. Ok sige na saglit lang ako ok wait ka lang Jan. Oh eto na ako Babe tapos na ako magbihis halika na.

Jhaneth: Raf at kevin anjan Pa ba kayo tayo na at baka maiwan tayo nang plane papuntang philipinas konting bilis naman magbibiyahe Pa tayo papuntang airfort.

Raf: eto na po ate anu ate ako lang ba yung excited umuwe nang philipinas mak**adali kala mo maiiwan. Pero sige na eto na kami Babe, halikana dito alis na tayo agad si ate nagmamadali na oh..

Kevin: ayana na tayo na para makarating na tayo agad sa airfort, Babe, check mo mabuti ang gamit natin baka may na iwan ka di na tayo makakabalik nyan kasi nasa airfort na tayo. Babe, pag nasa airplane na tayo at habang nasa biyahe tayo pwede bang matulog ka muna kasi ilang gabi ko na din napapansin na di ka makatulog nang maayos paikot ikot ka Pa sa higaaan tapos ang limit mo atang sikmurain sa umaga at madaling araw nag sus**a ka kaya kung ok lang pahinga ka din pag may time Babe.

Raf:Wag kang magaalala Babe, ok na lahat nang gamit natin di ko nakalimutan. Opo po boss matutulog na po basta nasa tabi lang kita ha wag kang tatayo kahit naiihi ka di ako makakatulog niyan. Di ko din alam Babe kung bakit ganun ang pakiramdam ko minsan nga kung iisipin ko baka buntis na ako dahil sa mga nga sentomas nang buntis na sakin na eh.. Nahihilo nag sus**a at madalas nagugutom ako pero tinitiis ko na lang. Gusto ko nga sana pag nasa philipinas na tayo baka pwede mo kung samahan mag Pa check-up sa doctor natin para malaman natin kung anu ba tong nararamdaman ko kung normal lang ba sakin ag ganito.

Kevin: Mas mabuti Pa nga na magpacheck na tayo kase natatakot na ako sayo eh.. Lagi kana lang nawawala sa tabi ko sa madaling araw kaya minsan naisip ko na din napara kang asawang kase lagi kang nawawal sa k**a eh... Cge sasamahan kita agad agad pag uwe natin nang philipinas para malaman natin kung may sakit ka ba or kung anu ba Yang nararamdaman mong yan kasi kinakabahan na ako sayo eh.... Ang bilis naman nang biyahe natin andito na agad tayo sa airfort parang nilipad nang driver mo ate ang daan papunta dito ah..

Jhaneth: Wag kayo magalalaa may alam lang siyang masa madaling daan para madali tayong makarating dito at para di tayo malate sa biyahe. Saka nga paka private plane na ang kinuja ko para solo natin yung plane nanf makatulog tayo nang maayos lalo kana Raf ang lalim na nang mata mo parang di ka nakakatulog nang maayos at ok lang din naman kung gusto nio din magkatabi matulog walang sasaway sa inyo.

Dito nagtatapos ang chapter 75 abangan po natin ang chapter 76 anu kaya ang magiging resulta nang checkup ni Raf ngayon pauwe na sila nang pilipinas anu kaya ang surprising ng iinatay sa mag asawa.

Maraming salamat po.

27/06/2024

Chapter 207

Nakaupo ako ngayon dito sa isang bench. This place used to be where our break-up scene happened.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Gayunpaman ay pinili ko pa ring manatili rito.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay di pa rin ako makapag-isip ng maayos. It was so dumb of me na hindi ko man lang napansin na may pagtingin pala sakin si Shu. Ganun na ba ako k**anhid?

Naramdaman kong may pumatong na coat sa balikat ko.

"What's bothering you, hmm?"

It was Blue.

Umusog ako ng kunti para makatabi siya sakin sa pag-upo.

"Pano mo nalamang nandito ako?" I asked.

"I asked around at ang sabi nila ay dito ka raw tumungo. May problema ba?"

Dapat ko bang sabihin sa kanya na may gusto ang pinsan niya sakin? Pano kung pagsimulan ito ng away nila?

Tipid akong ngumiti sa kanya at umiling. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

I decided not to tell him for now.

"Are you sure?"

I intertwined our hands together. Sa bahaging ito ng lugar ay walang masyadong taong pumupunta.

"Yeah. Napagod lang siguro." sagot ko.

"Fine. Do you want me to tell you a story about what happened after you left me here on that day instead?"

Bahagya kong inangat ang tingin ko sa kanya pero nanatili siyang nakangiti at nakatitig sa harapan.

"What about it?" I responded quickly.

"Remember the cookies you baked for the first time for me?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Anong cookies—

"Ahh yung cookies na nabitawan ko sa ground!" sabi ko ng matandaan ito.

"I..." he paused.

Parang iniisip niya pa kung sasabihin niya ba o hindi.

"I ate the cookies—"

"Ano?! Sira ka ba? Ba't mo kinain yung durog na cookies na yun?!" gulat na sabi ko.

Sealed naman yung nilagyan ko sa cookies na yun that time. But still, why would he eat that?

"You've made it for me. At isa pa, it was your first time baking cookies for me. How could I just throw them away? I can't do that." saad niya.

Napatampal ako sa noo ko. I can't help but smile. For pete's sake, he came from a rich family. He can buy cookies from anywhere that is way more tasty and expensive than those cheap baked cookies I made for him.

"Why are you smiling?" he asked.

I turn my gaze at him.

"Ang cute mo kasi. Pwede mo namang itapon na lang yun hindi naman yun masarap." natatawang sabi ko.

"Masarap kaya." he said smiling.

"Alin? Yung cookies? O yung nagbake?" pabirong tanong ko.

Agad namang napakunot ang noo niya sa tanong ko.

Tumawa ako at hinampas siya sa braso.

Tumayo na ako at inayos ang dress ko.

"Tara na. Nilalamok na tayo dito—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hilain ang bewang ko kaya napaupo ako sa kandungan niya.

"Blue, ano bang ginagawa mo?! Baka may makakita satin!" pabulong na sabi ko at napalingon sa buong paligid.

Akmang tatayo ulit ako pero niyakap niya ako sa bewang. He rested his chin on my shoulder blade.

Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit niya sakin.

"Both." he whispered in my ear.

Parang tumindig lahat ng balahibo ko dahil sa pagtama ng labi niya sa tenga ko.

"Ah ha ha binibiro lang kita kanina, Blue. Oh tara n-na may p-puntahan ka pa di ba?" nauutal na sabi ko.

Pinipilit kong tanggalin ang k**ay niya mula sa pagkakayakap sakin pero mas lalo niya lang itong hinigpitan.

"Stop provoking me, love. If I ever heard you again with those kind of questions even as a joke, I'll let you taste heaven wherever we are." he whispered as he lightly kissed the side of my neck.

I can feel my whole body heat up with that sensation.

P*ta. Bad joke, Friz.

27/06/2024

Chapter 206

Hindi na rin nagtagal sina Carlyn at Pierce dahil may isa pang event na kailangan nilang puntahan. Kaya I decided na pumunta na lang sa ikalawang palapag ng building.

Dito nakalagay ang paintings na gawa ng ilan sa mga sikat na artist sa Pilipinas. Lahat ng paintings ay patungkol sa buong lugar. They're not for sale, they're just made originally for displays.

I decided na pumunta sa veranda. Tanaw ko na naman dito sa kinatatayuan ko ngayon ang mga bisitang nagkakasayahan sa baba. Mula din dito ay tanaw ko ang makapigil-hingang tanawin sa harapan. The view just somehow calms my soul. Lalo na't nagsisimula ng lumubog ang araw.

"The view from here is really eye-captivating, right?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It was Shu holding a glass of wine. He looked good in black tux. Isama mo pa yung kumikinang na piercing sa kaliwang tenga niya. Mukha siyang bad boy na mayaman. Can be a mafia boss too? Parang ganun yung datingan niya. Iba talaga ang karisma ng mga Alviesta.

"Uy Shu kamusta? Ngayon lang ulit kita nakita ah." bati ko.

He scoffed.

"Been quite busy lately. Bakit? Namiss mo ako?" he asked playfully.

"Sira. Hindi no." I slightly punched his arm.

Pareho naming binaling ang tingin sa harapan.

"How are you and my cousin?"

Natigilan ako sa tanong niya.

Sandali. Alam niya ang tungkol samin ni Blue? Paanong— hindi naman ako maniniwalang sinabi ni Blue sa kanya.

"Don't worry, he didn't tell me anything. Let's just say that I have good senses. Magaling akong makiramdam, Friz." he casually said.

I sighed. I can't help but be worried. Baka ipagkalat niya ang tungkol sa relasyon namin ni Blue.

"Kita mo nga naman. I don't need to use up my energy and plans to full extent. Nagpakalalaki ka na talaga this time around, Fiel..." mahinang sabi niya na hindi ko marinig pero napangiti siya.

"Are we that obvious, Shu?" tanong ko.

There's no use of making an excuse na para itanggi pa sa kanya. Mas matagal niyang nakasama si Blue kaysa sakin. They grew up together so of course he can sense it through him.

"To me? Yes. But to other people, it may take them a while to do so." he answered as he take another sip of his wine.

Nakapamulsa ang isang k**ay niya.

"Anyway, this will be the last time na makikipag-usap ako sa iyo ng ganito katagal, Friz."

I turned my gaze at him.

"What do you mean—"

"Kailangan kong magmoveon sayo, Friz. I may do illegal work at some point but I cannot betray my family, my cousin. May prinsipyo akong pinaninindigan." sabi niya at binaling ang tingin sakin.

Come to think of it, nung una kaming magkakilala bugbog sarado siya? How come hindi niya alam makipaglaban kung gumagawa siya ng illegal?

As the wind blows, his other eye was slightly covered by his bangs.

He smiled. But it didn't reached his eyes.

I was stunned for a moment. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

"Kaya kung sakaling magloko sayo yun, sabihin mo lang sakin. Ako mismong sasapak sa kanya para sayo." he chuckled a bit.

D*mn. This is supposedly one of the most happiest day of my life.

"I wish you best luck in life, Friz. Congrats ulit." he said as he raised his glass.

He tapped my shoulder before he walked away.

Bakit ngayong araw mo pa napiling sabihin sakin to, Shu?

Why is it today of all days?

Address

San Fernando

Telephone

+639454990231

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jemrsandiego posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Jemrsandiego:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in San Fernando

Show All