10/12/2023
CASians, alin kayo rito?
TOP 10 NA MGA ESTUDYANTENG PUMUNTA SA PASKUHAN 2023
Sino ka rito?
1. Estudyanteng may kasamang jowa
Una sa listahan ang mga estudyanteng magjowa o "by pair" na pumupunta sa Paskuhan, "holding hands while walking" ang tema ng mga estudyanteng ito, sila iyong mga estudyanteng makikita mong nakaupo lamang sa mga bench habang nakasandal ang isa sa balikat ng kasintahan.
2. Estudyanteng bitter
Pumapangalawa naman ang mga estudyanteng "bitter" o iyong mga panay sigaw ng "sanaol, may jowa!", "Magbe-break din kayo", "Walang forever, 'wag niyo na paabutin ng 11 years tulad ng Kathniel!" Ito iyong mga estudyanteng bigo o sawi sa pag-ibig o 'di kaya naman ginhost ng kanilang mga ka-talking stage kaya ayaw nakakikita ng masasayang couple.
3. Estudyanteng pumupunta lang para sa attendance
Nasa listahan din ang mga estudyanteng pumupunta lamang para sa attendance. Ito iyong mga estudyanteng pupunta lamang kapag mag-attendance tapos uuwi rin agad dahil ayon sa kanila, nakaaakit ang mga food stalls na nakahilira at baka gumastos lang sila kapag tumagal pa sila.
4. Estudyanteng member ng iba't ibang organization
Ito naman iyong mga estudyante na hindi magkamayaw sa dami ng gagawin sa Paskuhan. May mga tumutulong sa technical, may nag-aayos ng stage, nagpapa-attendance, may mga photographer, writers, at iyong iba naman ay nagiging taga-hatid ng meryenda para sa mga judges. Kaya sa tuwing makakasalubong mo sila ay talaga namang hulas ang kanilang mga pagmumukha dahil sa matinding pagod. Saludo sa mga student leaders!
5. Estudyanteng picture dito, picture doon
Ikalima naman ang mga estudyanteng "picture dito, picture doon", ito iyong mga estudyanteng suki ng mga photo booth at handang gumastos ng sampung piso para sa photo booth, sisigaw ng “kuya papitik!”at tutok sa page ng mga photographer para sa kanilang mga pictures sabay sabing "ang tagal naman nilang mag-upload."
6. Estudyanteng bored sa Paskuhan
Sa kabilang banda, ika-anim sa listahan iyong mga estudyanteng bored na bored sa mga kaganapan sa Paskuhan na para bang wala nang bagay na makapagpapasaya sa kanila, hindi na sila natutuwa sa mga pailaw at mga palaro sa mga booth, ayon sa kanila, ganoon daw talaga kapag tumatanda na.
7. Estudyanteng nag-aaral pa rin kahit sa Paskuhan
Sumunod sa listahan ay ang mga estudyanteng "study hard" mga isko at iska ng bayan na kahit nasa paskuhan ay nagre-review at nag-aaral pa rin. Laptop ang hawak at hindi nagpapatinag sa ingay ng paligid at tuloy pa rin sa paggawa ng kanilang mga school works, tunay ngang pag-asa ng bayan.
8. Estudyanteng nagtitinda sa mga booth
Sa kabilang banda, mayroon namang mga estudyanteng nag-ala-tindero at tindera sa kanilang mga booth, kaniya-kaniyang pakulo para lang makabenta, may nagtitinda ng street foods, may nagpa-videoke, disco, perya, at iba pa na tiyak namang nakawiwili.
9. Estudyanteng ginawang fashion show ang Paskuhan
Meron pa, ang pang-siyam sa listahan ay iyong mga estudyanteng ginawang "fashion show" ang Paskuhan, literal na "crop top supremacy" ang ganap dahil sa mga estudyanteng model ng Shein at Zara, pero mas litaw pa rin ang porma ng mga estudyanteng suki ng Ukay-ukay. Iragdag mo pa iyong mga estudyanteng naka-shades kahit gabi na at iyong mga tinitiis ang matataas na takong para hindi masira ang porma.
10. Estudyanteng update is life
At syempre, hindi mabubuo ang listahan kung wala iyong mga estudyanteng "update is life", iyong mga estudyanteng may istriktong mga magulang kaya minu-minuto ang pag-update sa mga magulang kung anong oras uuwi at kung anong mga kaganapan sa Paskuhan, kasabay rin nito ang pag-update sa kanilang mga jowa na nasa ibang university, magse-selfie sabay send sa kanilang mga kasintahan, ayon sa kanila ginagawa nila ito para daw hindi "nag-o-overthink" ang kanilang mga jowa, sana lahat 'di ba?
Ito ang iba't ibang uri ng mga estudyante na pumupunta sa Paskuhan sa WPU.
Kaya, ikaw. Saan ka rito kabilang?
✍🏻 | : Shiela Wina Jajim
Photo edited by : Harry Meana