11/12/2019
AKO PARA SA PAMILYANG PILIPINO
THE STORY OF MY LIFE
THE STRONGER ME
DAY FIVE
Grabe ang mga pagsubok na dumating sa buhay namin at alam ko na need kong maging matatag. Si Rose Ann na ex ng asawa ko ang siyang naging takbuhan ko sa mga oras na iyon.
Umuiwi na kami sa bayan at doon tumira sa manugang ko at binibisiya din kami hi Ann doon every weekend hanggang sa nakasanayan na rin namin ang ganoong tagpo.
Doon ko naramdaman ang pahihirap bilang isang asawa, sa nakikita kong kondisyon ng asawa ko, at sa pagiging isang ina na hindi makakayang nakikitang naapektuhan ang mga anak ko.
"Mga anak, sige na kain na kayo" ang aya ko sa kanila isnag umaga.
"Ayoko mama. Ginisang sardinas na naman ang ulam natin." ang sagot ng bunso kong anak. " Dati masarap naman yong ulam natin. Namiss ko na po yong fried chicken" ang dagdag na sabi nito na naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.
"Pagpasensiyahan na muna ninyo ang ulam ngayon ha. Huwag kayong mag alala mamaya babawi ang mama ha. Ipagluluto ko kayo ng masarap na hapunan." ang ganging nasabi ko na lamang sabay ngiti sa kanila.
Hindi ako sanay sa nakikitang paghihirap ng mga anak ko. Kaya doon ko nilabas ang mga luha ko sa likod ng bahay. Ayoko na makita nila akong umiiyak at mahina.
" Umiiyak ka ba ma? " ang gulat ko sa tanong ng panganay ko.
"Hindi anak. Napuwing lang ako Kaya naghilamos ako." ang dahilan ko na Lang sabay hilamos ulit ng tubig.
"Sige na ma, halika. Kain na tayo" Yaya nito sa akin at tumango nalang ako.
Hindi sanay sa ganoong sitwasyon lalo pat naranasan ko kung paano mamuhay na parang isang prinsesa pero sadya Lang na dumadating sa point ang buhay na ganito sa isang tao. Tuloy pa rin sa maintainance ng gamot ang asawa ko at tumigil na rin ito sa pagtuturo. Dalawang lote namin nabenta ko noong sa pag papa ospital niya at nabaon na rin kami sa utang. Ibig ko na sanang sumuko pero sa tuwing makikita ko ang mga anak ko, Alam kong hindi dapat at kailangan kong maging malakas.
Nag apply ako ng trabaho as secretary sa registrar office ng munisipyo namin at sa kabutihang palad ay natanggap naman ako. Pinagsabay ko ang pag aalaga sa asawa ko at mga anak at pati na rin ang pagtatrabaho. Admitted ako na noong una nahihirapan ako pero hanggang sa unti unti na ring nasasanay at unti unti na ring bumabalik sa sigla ang asawa ko at kinuha siya na tumakbo na kagawad sa baranggay namin.
" Ma. Kinukuha ako ng baranggay na tumakbo bilang kagawad" ang narinig kong sabi ng asawa ko.
"Sigurado ka ba na kaya mo?" ang tanong ko dito.
"Oo naman ma. Manalo man o matalo. Walang problema" ang sagot naman nito.
"Okay. Alam mo naman na susuportahan kita" ang naging sagot ko nalang.
Sa awa ng diyos ay nanalo ang asawa ko. Pangalawa sa kagawad at ako naman ay nagpaptuloy pa rin sa pagta trabaho pero kahit na ganoon hindi pa rin sapat para maibigay Ng pangangailangan ng mga anak namin at pati na rin sa gamot ng asawa ko lalo pat sunod sunod ang paniningil ng utang sa amin. Mas ako ang siyang nahihirapan sa bagay na iyon.
"Pasensiya na Laine pero kailangan din kasi namin yong Pera" ang sabi ng kaibigan ko.
"Naiintindihan ko naman. Hamp, hahanap an ko ng paraan para makabayad sa inyo" ang naging tugon ko nalang.
" Salamat at pasensiya na ulit. Alam ko na kailangan mo rin iyon para sa pamilya mo."
"Okay lang.Ako ang dapat na mag pasalamat sa inyo" ang tnaging nasabi ko nalang kahit hindi ko Alam kung saan na naman ako maghahanap ng pera sa pambayad nito.
Iyon ang naging dahilan kung bakit nakapag desisyon akong mag abroad. Sa kagustuhan ko na rin na ibalik ang lote na nabenta ko, naisip ko na iyon alamng ang tangling paraan para makabangon kami ulit.
Masinsinan kong kinausap ang asawa ko.
"Ma. Sigurado ka na ba sa desisyon mo.? Mahirap ang buhay sa abroad. Mag isa ka pang doon at wala Kang kasama" ang agad na sabi ng asawa ko.
"Alam ko naman pero ito Lang ang ranging paraan Para makabangon tayo pa" ang tnaging nasabi ko.
"Yang obligasyon na iyan ay dapat ako ang gumagawa, pero ikaw nag on ang nahihirapan" ang mapait nitong sabi.
"Pa. Hindi ka nag kulang sa amin ng mga anak mo. Binibigay mo rin naman lahat ng makakaya mo para sa pangangailangan namin. Pero sa ngayon, dapat nalang tayong magtulungan."
"Pag isipan mo muna ng mabuti ang desisyon mo Ma. Isang sugal ang buhay sa abroad" ang sabi niya na tumatak sa isip ko.
Pero kahit alam ko na hindi biro ang buhay sa abroad ay Alam kong iyon lang ang tanging magagawa ko sa pamilya ko. Kailangan ko to Para sa mga anak ko. Para sa pamilya ko at handa akong magsakripisyo maibigay ko lang ang pangangailangan nila.....
Tunghayan po natin ang huling araw ng totoong buhay ng ating sender bukas...
ITUTULOY.....
--THE WRITER--