20/09/2024
Masarap pakinggan at masarap sa pakiramdam na may manukan o Farm pero sa likod nito ay ang mga sumusunod:
1. Araw araw na gastos sa patuka, pasahod, maintenance at utilities. Hindi ka tatagal kung wala kang malalim na balon ng pera sa loob ng maraming taon
2. Stress kung may problema sa farm, aksidente sa mga tao, nagkakasakit na mga Sisiw at mga nadidisgrasyang importanteng mga manok.
3. Kailangan mo maging arkitekto at inhinyero sa pagdesign ng farm, paglalagay ng facilities at maging veterinary sa pagbibigay ng gamot at vitamins saka maging accountant sa pagbabudget ng farm expenses.
4. Buwanan o lingguhang bill sa feeds, kuryente, tubig at iba pa.
5. Unpredictable na takbo ng industriya at pahirapan gawing negosyo kung gagawin mo ito dahil matagal ang balik at malulubog ka muna ng husto bago ka makakabawi.
6. Kada panalo madami kang kahati at kada talo solo mo.
7. Pahirapan gumawa ng sariling bloodline na matatawag mong iyo at dadaan ka sa napakadaming trial and error.
8. Mabilis na turn over ng manpower o mga tauhan depende sa pamamalakad mo.
9. Bago ka sumikat siguradong mag uubos ka muna ng madaming pera kung gusto mong makasali sa mga Big events sa laki ng Entry Fees at mga minimum bets.
10. Kailangang masiguro ang farm laban sa mga magnanakaw at masasamang loob. Masakit manakawan ng manok.
11. Bantay sarado pag mapipisa na ang mga Sisiw at sakit sa ulo pag nagloko ang incubator at hatcher.
12. Puyatan at paguran sa pagmamarking.
13. Aligaga at walang tulog kung may kalamidad o bagyo
14. Napakalaking gastusan at paguran kapag tinamaan ng sakit ang mga sisiw.
15. Hindi mo alam kung papaano mababawi ang investment dito at di mo rin alam kung kelan ka tatagal at saka mo malalaman kung kelan nakabaon ka na.
Ilan lamang ito sa katotohanan sa pagmamanok na ikinukubli ng tinatawag na "Passion o kasiyahan" sa pagmamanok.