Subic Broadcasting Corporation

Subic Broadcasting Corporation Subic Broadcasting Corporation is a duly licensed radio and television network that is committed to provide up to date and dependable public service.
(59)

Subic Broadcasting Corporation (SBC) was first founded in 1969 as a daily radio companion of the people of Olongapo in providing news and entertainment. When it was incorporated on July 29, 1969 it began broadcasting on the AM frequency 1557 kHz as DWGO "Radio on the Go". After being temporarily closed during martial law in 1972, it resumed operation in 1976 on a new frequency - DWGO 1008 kHz. SBC

later added a sister station on the FM Band - DWOK 97.5 mHz, which began its regular operation on March 20, 1996. SBC soon acquired a franchise for radio and television operation, which began to broadcast regularly in January 2011 as DWAB TV 22 - the first free TV Channel in Olongapo City. Presently, TV 22 is the only television station in Olongapo while both DWGO AM and DWOK FM maintains their positions as rated Number 1 among the stations in the city. With more than 40 years of experience in the radio and entertainment industry, SBC has remains consistent in providing the following services: media and broadcasting service, local adverts, national adverts, event organizing, barker service, news coverage, special programs / projects and the production of various promotion materials. In the early half of the year 2013, SBC partnered with TV 5 (Philippines) to better serve the viewing public of Olongapo, Zambales, Bataan, and neighboring areas. Subic Broadcasting Corporation is a duly registered corporation under the Securities and Exchange Commission (Philippines) and licensed to install and operate radio and broadcasting stations anywhere in the country by virtue of Republic Act 7511, signed in May 1992. We at Subic Broadcasting Corporation strive to live true our mission and vision as Kaibigan ng Bayan.

Pinasasauli ng Commission on Audit (COA) ang P73.28 milyon na parte ng P125 milyong confidential funds ni VP Sara Dutert...
30/08/2024

Pinasasauli ng Commission on Audit (COA) ang P73.28 milyon na parte ng P125 milyong confidential funds ni VP Sara Duterte na kanya lamang nagastos sa loob ng 11 days noong Disyembre ng taong 2022. Ito ay dahil ang naturang budget ay itinuturing na “disallowed fund” sa ilalim ng panuntunan ng pamahalaan.

Nalantad sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ang “COA’s notice of disallowance” na may petsang Agosto 8, 2024 sa resolusyon ng tanggapan ni VP Sara na P2.037 bilyong pondo para sa taong 2025.

Magugunitang noong Disyembre 2022 ay ginasta ng OVP ang P125 milyong confidential funds sa loob lamang ng 11 days. Masusing hinimay ng mga mambabatas ang pondo ng OVP at inabot ito ng gabi ngunit wala silang nakuhang sagot mula sa bise presidente.

Paglilinaw ni COA Assistant Commissioner Alexander Juliano na ang “notice of disallowed funds” ay nangangahulugang sobra-sobra ang naging paggasta at wala sa item, na kung ihahalintulad sa gamot ay bultuhan at labis sa pangangailangan na nasayang lamang matapos ma-expire.

“The disallowed expenditures, amounting to nearly two-thirds of the total confidential funds, included payments for rewards in the form of goods rather than cash, and the procurement of tables, chairs, desktop compu¬ters and printers — expenses that appeared inconsistent with the intended use of confidential funds,” saad ng COA.

Sinabi naman ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na ang P40-M sa confidential funds ng OVP ay ginasta sa medical at food aid na kinuwestiyon ang mabilisang paggasta sa nasabing halaga.

Ayon naman kay Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, ginamit ang P40-M sa confidential funds ng OVP sa medikal at food aid na kinuwestiyon dahil sa mabilisang paggastos dito.

Dagdag pa ni Castro, “So ang ibig sabihin ito, Madam Chair, konting math, pumapatak na P3.64 million kada araw ang gastos para sa food and medical aid. So hindi natin maintindihan paano ito ginastos in 11 days.”

👀
29/08/2024

👀

Ayan na siya... 👀

  | August 29, 2024Batay sa 1:49 p.m. advisory ng PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may ...
29/08/2024

| August 29, 2024

Batay sa 1:49 p.m. advisory ng PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin sa 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮, 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻, 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮, 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮.

Kasalukuyan naman itong nararanasan sa 𝗭𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗧𝗮𝗿𝗹𝗮𝗰, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗘𝗰𝗶𝗷𝗮, 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲, at iba pang karatig na lugar.

Inaasahang magtatagal ito sa loob ng dalawang oras at maaari ring makaapekto sa mga kalapit na probinsya.

Arestado ang isang lalaking suspek matapos sumalakay sa isang compound nang walang dahilan at sinaksak sa kaliwang binti...
28/08/2024

Arestado ang isang lalaking suspek matapos sumalakay sa isang compound nang walang dahilan at sinaksak sa kaliwang binti ang biktima sa Aratelis St., Prk. 3, New Cabalan, Olongapo City noong Agosto 26, 2024, ganap na ika-7:00 ng umaga.

Mayroon umanong alitan ang dalawa kaya’t may dala itong kutsilyo at saka sumugod sa naturang compound sa New Cabalan at doon nagkainitan.

Agad namang rumesponde ang Purok Leader na siyang nagresulta sa pagkaka-dakip sa suspek at pagkaka-kumpiska ng kitchen knife, at pitakang naglalaman umano ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.47 gramo na may Standard Drug Price na Php3,196.00.

Nahaharap sa mga kasong Trespass to Dwelling, Attempted Homicide at Violation of RA 9165 ang suspek na 24 taong gulang, at residente ng New Cabalan, Olongapo City.

Dinala sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGHM) ang biktima habang ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PS4 para sa wastong proseso.

Dalawang kaso ng mpox ang muling naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa, at taglay ng mga ito ang mahinang uri n...
27/08/2024

Dalawang kaso ng mpox ang muling naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa, at taglay ng mga ito ang mahinang uri ng mpox na kung tawagin ay Clade II.

Ito na ang ika-11 at 12 na mpox cases sa bansa mula nang maitala ang unang kaso noong 2022.

Ayon sa DOH, ang pang-11 na kaso ng mpox ay isang 37 taong gulang na lalaki mula sa National Capital Region (NCR), na unang nakaranas ng sintomas noong ika-20 ng Agosto, tulad ng pagkakaroon ng rashes sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Isang kapansin-pansing pantal ang unang nakita sa kanyang mukha, dibdib, braso, palad at talampakan. Ayon sa DOH, walang naging exposure ang case 11 sa ibang taong may kaparehong sintomas, ngunit inaming nagkaroon ng close, intimate, at skin-to-skin contact sa loob ng 21 days bago nakaranas ng mga sintomas.

Dinala sa government hospital ang pasyente ng mpox noong ika-22 ng Agosto, kung saan kinuhanan siya ng skin sample at idinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Samantala, ang ika-12 kaso naman ay isang lalaking 32-year-old na taga-Metro Manila rin. Nakaramdam naman ito ng sintomas na pagtubo ng mga butlig sa kanyang pribadong parte ng katawan simula noong ika-14 ng Agosto, at saka sinundan ng lagnat. Inamin ng pasyenteng nagkaroon siya ng skin-to-skin contact sa isang sexual partner.

Nagpa-check up ang nasabing pasyente sa isang clinic at sinabi sa kanya na mayroon siyang bacterial infection. Ngunit nabahala ito nang sa mga sumunod na araw ay nagkaroon na siya ng sugat sa mukha, noo, at anit.

Inabisuhan ang pasyente na magpa-konsulta sa isang DOH hospital kung saan isang skin sample ang nakuha noong ika-23 ng Agosto. Inabisuhan din itong na magsagawa muna ng home isolation habang hinihintay ang resulta.

OIL PRICE ROLLBACK EFFECTIVE TUESDAY, AUGUST 27, 2024. ⛽️
26/08/2024

OIL PRICE ROLLBACK EFFECTIVE TUESDAY, AUGUST 27, 2024. ⛽️

Inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin sa 𝗭𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻,...
26/08/2024

Inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin sa 𝗭𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮, 𝗧𝗮𝗿𝗹𝗮𝗰, 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮, 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, 𝗮𝘁 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲. Ito ay batay sa 10:46 a.m. advisory ng PAGASA ngayong Lunes, ika-26 ng Agosto, 2024.

"𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀'𝐘𝐎."Maraming salamat sa mga Bayaning Pilipino! 🇵🇭
26/08/2024

"𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀'𝐘𝐎."

Maraming salamat sa mga Bayaning Pilipino! 🇵🇭

ADVISORY: We are currently OFF-AIR due to TECHNICAL DIFFICULTIES. But don't worry! Good news is you can still tune-in ON...
24/08/2024

ADVISORY:
We are currently OFF-AIR due to TECHNICAL DIFFICULTIES.
But don't worry! Good news is you can still tune-in ONLINE via our WEBSITE. Click the link below and you will automatically be redirected to our ONLINE RADIO platform. Happy listening! 🎶📻🎙✨

The best online radio

Among the notable categories are Song of the Year, Album of the Year, Best Performance by a Group, and Music Video of th...
23/08/2024

Among the notable categories are Song of the Year, Album of the Year, Best Performance by a Group, and Music Video of the Year. Their latest hit single, "Gento," is a frontrunner in several major categories, further showcasing their dominance in the industry.

Their other nominations include Record of the Year, Best Dance Recording (2 entries) , Best Pop Recording, Best Engineered Recording, Best Ballad Recording, and Best Global Collaboration.

The P-pop Kings have once again solidified their place in history as they garnered an astounding 12 nominations at the 37th AWIT Awards, one of the...

𝐄𝐕𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟒 🙏Panginoon, maraming salamat po sa naging matagumpay na linggong ito. Hinihiling po nam...
23/08/2024

𝐄𝐕𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟒 🙏

Panginoon, maraming salamat po sa naging matagumpay na linggong ito. Hinihiling po namin ang Iyong kalinga at pagyakap sa aming pagpapahinga ngayong gabi. Amen.

𝐋𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐄𝐍𝐃 𝐁𝐄𝐆𝐈𝐍! 🥰Natuloy na ba ang mga plano? 😜
23/08/2024

𝐋𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐄𝐍𝐃 𝐁𝐄𝐆𝐈𝐍! 🥰

Natuloy na ba ang mga plano? 😜

𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐖𝐀𝐕𝐈𝐍𝐆! 🤩

Ito ay matapos ilipat ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-alala ng Ninoy Aquino Day sa August 23, 2024, araw ng Biyernes.

Ituloy na ang drawing guys! 🥳

Batay sa latest epidemiologic data ng Department of Health, tumaas ang mga kaso ng dengue sa bansa ng 39%.Umaabot na sa ...
22/08/2024

Batay sa latest epidemiologic data ng Department of Health, tumaas ang mga kaso ng dengue sa bansa ng 39%.

Umaabot na sa 150, 354 ang kaso mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2024, na mas mataas kung ikukumpara sa bilang noong 2023 na nasa 107,953.

Mayroon ding 396 na nasawi dahil sa dengue sa naturang taon, na mas mababa kumpara sa bilang na 421 deaths noong taong 2023.

Naitala rin ang mga pagtaas ng dengue cases sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, liban sa Bicol, SOCCSKARGEN, at Zamboanga Peninsula.

Patuloy naman ang paalala ng Department of Health (DOH) na mag-ingat at sumunod sa kanilang 4S strategy kontra dengue: 𝗦𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆, 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗲 𝗦𝗲𝗹𝗳-𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗙𝗼𝗴𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗿𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴, 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗲𝗸 𝗘𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Pinayuhan ang publiko na lalong paigtingin ang strtehiyang ito dahil inasahan pa ang pagtaas ng dengue cases sa rainy season.

Ani Secretary Teodoro J. Herbosa, dapat umanong panatilihing malinis ang paligid, at hanapin at puksain ang breeding grounds ng mga lamok, o ano mang stagnant water sa paligid.

𝐀𝐍𝐎 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐏𝐎𝐗 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐈𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐈𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍?Kamakailan lang ay nagdeklara ng global public health emergency ang World Hea...
21/08/2024

𝐀𝐍𝐎 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐏𝐎𝐗 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐈𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐈𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍?

Kamakailan lang ay nagdeklara ng global public health emergency ang World Health Organization (WHO) laban sa mpox o dating kilalang monkeypox, at noong Lunes lang ay inihayag ng Department of Health (DOH) na mayroon nang unang kasong naitala ng nasabing virus sa Pilipinas ngayong 2024.

Para maiwasan ang impeksiyong ito, narito ang ilang paalala mula sa SBC. Alamin kung paano kumakalat, anu-ano ang mga sintomas, at kung paano makaiiwas sa mpox virus.

Nakumpiska ng PS5-SPDEU ang humigit kumulang nasa P8,364 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug (bu...
20/08/2024

Nakumpiska ng PS5-SPDEU ang humigit kumulang nasa P8,364 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Simpson St., Brgy. Gordon Heights, Olongapo City nitong August 18, 2024 ganap na ika-7:46 ng gabi.

Inaresto ng mga awtoridad ang lalaking suspek, 47 taong gulang, na residente ng Brgy. Gordon Heights.

Nasamsam ang 1.23 gramo ng suspected shabu at tatlong (3) 100-peso bills na marked money.

Dinala sa Police Station 5 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
BUYBUST IKINASA SA GORDON HEIGHTS, LALAKI TIMBOG

Wala pa umanong gamot kontra MPox sa Pilipinas na FDA-approved, ayon kay Dr. Arthur Dessi Roman, RITM Medical Specialist...
20/08/2024

Wala pa umanong gamot kontra MPox sa Pilipinas na FDA-approved, ayon kay Dr. Arthur Dessi Roman, RITM Medical Specialist.

Aniya may mga anti-viral na pinag-aaralan sa kasalukuyan, at mga patunay na maaaaring makatulong ang ilang mga gamot.

Dagdag pa ni Dr. Roman, mayroong mga bakuna sa ibang bansa para sa Mpox pero sa ngayon ay para lamang sa emergency use, ngunit sa Pilipinas ay wala pa. Ang magagawa lamang daw ay early detection at isolation para hindi kumalat sa ibang tao, at bigyan ang pasyente ng supportive treatment.

Maaari umanong bigyan ng gamot para sa lagnat ang pasyenteng may Mpox kapag ito ay nilalagnat, gayundin ang anitibiotic kapag mayroong infection.

Saad ni Roman, ang pangunahing dapat siguraduhin ay huwag hayaang magkaroon ng kumplikasyon at bacterial infection ang mga sugat ng pasyente, at iwasang makahawak ng iba. Mahalaga rin daw ang infection prevention and control.

Matatandaang nagdeklara ng global public health emergency ang World Health Organization (WHO) laban sa mpox o dating kilalang monkeypox, at nitong Lunes lang ay inihayag ng Department of Health (DOH) na mayroon nang unang kasong naitala ng nasabing virus sa Pilipinas ngayong 2024.

Ayon sa DOH, ang bagong kaso ay isang 33 taong gulang na lalaki, at walang travel history sa labas ng Pilipinas ngunit mayroong close contact tatlong linggo bago makaramdam ng sintomas.

Mahigit isang linggo na umano ang nakalipas nang magsimulang makaramdam ng sintomas ang pasyente: nakaranas ito ng lagnat, na sinundan ng rashes sa mukha, batok, likod, katawan, singit, pati sa talampakan at palad makalipas ang apat na araw.

Ayon kay Herbosa, maaaring maipasa ang mpox sa paghawak sa kontaminadong gamit o kahit sa paglapit sa infected na hayop. Kahit sino raw ay maaaring mahawahan ng mpox sa pamamagitan ng close at intimate contact sa pasyenteng mayroong virus.

𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒: Nakaalis na ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, ayon kay Senator Risa Hontiveros.In...
19/08/2024

𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒: Nakaalis na ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Inilabas ng senador ang mga dokumentong nagpapatunay na nasa Malaysia na si Guo noon pang July 18.

Ayon pa kay Sen. Risa, nagkita-kita sina Guo at ang kanyang mga kaanak na sina Lin Wen Yi at Guo Jian Zhong sa bansang Singapore.

“Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito?” ani Hontiveros.

”Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika,” dagdag pa niya.

Saad ni Hontiveros, hindi na-capture ng CCTV ang kanyang imahe, kung kaya’t maaring dumaan siya sa lugar na hindi makikita ang kanyang video image. Posible raw umanong may nagturo sa kanya at hindi lang sa immigration ng Pilipinas, kundi pati sa iba pang ASEAN countries.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), hindi raw nagkakalayo ang minimum food budget ng Pilipinas na P64 ($1.12)...
19/08/2024

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), hindi raw nagkakalayo ang minimum food budget ng Pilipinas na P64 ($1.12) para sa tatlong meals kumpara sa ibang bansa na humigit kumulang P123 kada araw o $2.15.

Nasa P9,581 naman ang minimum basic food amount ng pamilyang may limang miyembro kada buwan o nasa P20 kada meal, batay sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Maraming grupo ang kumontra sa naging pahayag ng NEDA, at iginiit na masyadong mababa ang daily food budget na P320 para sa pamilya ng lima.

Ani Bernadette Balamban, chief statistical specialist ng Philippine Statistics Authority poverty and human development statistics division, ang P64 kada tao raw na food-poverty threshold ay batay sa national average ng mga presyo ng pagkain noong nakaraang taon (2023).

𝐌𝐎𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟒 🙏Diyos Ama, nawa’y madama namin ang Iyong presensya sa buong linggong A. Bigyan Mo po k...
18/08/2024

𝐌𝐎𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟒 🙏

Diyos Ama, nawa’y madama namin ang Iyong presensya sa buong linggong A. Bigyan Mo po kami ng kalakasan upang makayanan naming harapin ang lahat ng hamon sa aming buhay. Amen.

𝐄𝐕𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟒 🙏Panginoon, dalangin po namin ang kapanatagan ng aming kalooban sa gabing ito. Alisin M...
16/08/2024

𝐄𝐕𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟒 🙏

Panginoon, dalangin po namin ang kapanatagan ng aming kalooban sa gabing ito. Alisin Mo po ang lahat ng aming mga takot at pangamba. Amen.

𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐖𝐀𝐕𝐈𝐍𝐆! 🤩Ito ay matapos ilipat ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-alala ng Ninoy Aquino Day sa ...
16/08/2024

𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐖𝐀𝐕𝐈𝐍𝐆! 🤩

Ito ay matapos ilipat ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-alala ng Ninoy Aquino Day sa August 23, 2024, araw ng Biyernes.

Ituloy na ang drawing guys! 🥳

15/08/2024

Truly, it is our 𝙡𝙤𝙫𝙚 𝙛𝙤𝙧 𝙢𝙪𝙨𝙞𝙘 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙗𝙧𝙞𝙣𝙜𝙨 𝙪𝙨 𝙖𝙡𝙡 𝙩𝙤𝙜𝙚𝙩𝙝𝙚𝙧. Check out some of the highlights from our 55th Anniversary that we celebrated with you, our listeners! That day was marked by a series of memorable events including a meet and greet with 97.5 DWOK FM Radio Hosts, an engaging raffle, intermission numbers, and a special musical performance by RISE HIGH. 💛

Once again, we at SBC (𝗗𝗪𝗚𝗢 𝟭𝟬𝟬𝟴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗪𝗢𝗞 𝟵𝟳.𝟱) extend our sincerest gratitude and appreciation to all who participated and contributed to making this celebration truly extraordinary.

If you haven't subscribe to our YouTube channel, kindly show some love and follow us! Thank you so much, everyone. 😍

https://www.youtube.com/.olongapo

Nasa P9,384 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PS1-SPDEU sa isinagawang anti-illegal drug (buy-bust) operati...
15/08/2024

Nasa P9,384 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PS1-SPDEU sa isinagawang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Nagbaculao Upper Kalaklan, Olongapo City nitong Miyerkules (August 14, 2024), ganap na ika-4:30 ng madaling araw.

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki at babaeng suspek, 35 at 30 taong gulang, na mga residente ng East Bajac-Bajac at New Kalalake, Olongapo City.

Nakumpiska ang humigit kumulang 1.67 gramo ng suspected shabu at tatlong daang
(P300) marked money.

Dinala sa Police Station 1 ang mga suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.

15/08/2024

Let's look back at Rise High's performance during the 55th Anniversary of Subic Broadcasting Corporation at the Ayala Malls Harbor Activity Center last August 3! 🤩

Their energy and talent certainly brought the celebration to life. 💛
Plus, with just 1 day left since the Spotify release of their song 𝐓𝐎𝐊𝐈, now's the perfect time to relive the magic!

YOUTUBE: https://youtu.be/ifd_GiqPZRI

Stream here soon (August 16, 2024):
https://open.spotify.com/artist/3F2yryKKtugBaJbQz2SkBN

Like their socials to always get updates for their next performances!
https://www.facebook.com/risehighofficial

Masayang sinalubong ng kanilang mga pamilya at kaanak ang 2024 Paris Olympians na pinangunahan ni double-gold medalist C...
14/08/2024

Masayang sinalubong ng kanilang mga pamilya at kaanak ang 2024 Paris Olympians na pinangunahan ni double-gold medalist Carlos Edriel Yulo.

Lumapag kagabi galing Dubai ang Philippine Airlines flight 888 na sinakyan ng mga atleta ganap na ika-7:07 pm sa Villamor Air Base.

Makakatanggap ang mga Pinoy athletes na sumabak sa Paris Olympics ng tig-iisang milyon mula sa Palasyo. Binigyan naman ng P20 milyon si Carlos Yulo ng Office of the President, maliban pa sa nakasaad sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act RA 10699 at travel tax exemption hanggang June 30, 2028.

Sinalubong ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga atleta sa Malacanang upang sila ay bigyang parangal.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang pag-gawad ng parangal sa mga atleta ay isang paraan upang mahimok ang mga kabataan na lumahok sa isports o palakasan, at upang magsilbing inspirasyon sa mga aspiring Filipino athletes na sila rin ay maaaring maging kampeon.

IN CASE YOU MISSED IT:WE ARE HIRING FOR AN ELECTRONIC TECHNICIAN!Qualifications:- Graduate of 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻 - Mu...
13/08/2024

IN CASE YOU MISSED IT:

WE ARE HIRING FOR AN ELECTRONIC TECHNICIAN!

Qualifications:
- Graduate of 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻
- Must know how to troubleshoot electronic equipment
- Must know how to use 𝗔𝗱𝗼𝗯𝗲 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
- Can work under pressure

For those interested, send your CV or resume to [email protected]

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆!

𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡

Qualifications:
- Graduate of 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻
- Must know how to troubleshoot electronic equipment
- Must know how to use 𝗔𝗱𝗼𝗯𝗲 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
- Can work under pressure

For those interested, send your CV or resume to [email protected]

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang low-pressure area at naging isang ganap na bagyo na may inte...
13/08/2024

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang low-pressure area at naging isang ganap na bagyo na may international name na “Ampil” ayon sa PAGASA.

Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 1,570 kilometers east-northeast ng Northern Luzon at hindi na inaasahang bumalik pa sa loob ng PAR.

Samantala, patuloy namang magdudulot ng mga pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat sa ilang parte ng Luzon, partikular na sa Zambales.

Ayon kay Nathaniel Servando, PAGASA administrator, aabot sa tatlong tropical cyclones ang maaaring mabuo sa loob ng PAR ngayong buwan ng Agosto.

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆!𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡Qualifications:- Graduate of 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻 - Must know how to troubleshoot el...
12/08/2024

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆!

𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡

Qualifications:
- Graduate of 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻
- Must know how to troubleshoot electronic equipment
- Must know how to use 𝗔𝗱𝗼𝗯𝗲 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
- Can work under pressure

For those interested, send your CV or resume to [email protected]

Attendance check muna sa mga middle child ng pamilya! Kayo ang bida today (and everyday)! 😉💛Happy Middle Child Day! 🫶
12/08/2024

Attendance check muna sa mga middle child ng pamilya! Kayo ang bida today (and everyday)! 😉💛

Happy Middle Child Day! 🫶

Address

5th Floor, Admiral Royale Building, 17th Street Cor. Anonas St. , West Bajac-Bajac
Olongapo
2200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Subic Broadcasting Corporation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Subic Broadcasting Corporation:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Broadcasting & media production in Olongapo

Show All