17/07/2024
A GIFT FROM A TIKTOK FAN 🥹🫶
Story time….
We are not financially stable lakas ng loob at sipag lang ang meron kami for us to support my sister’s education. Sa lahat ng nag tatanong kung madali ang nursing ako na nag sasabi “Hindi” hindi lang brain cells ang puhunan kundi pati pera lalong lalo na ang tibay ng loob.
Palaging puyat ang kapatid ko after school pinipilit nya pa tumulong sa pag titinda namin ng palabok. Mag liligpit pa din sya ng mga malalaking kaldero at kaserola na pinag gamitan sa pag titinda. Ilang beses nya na sinabi sakin na pagod na sya gusto na nyang sumuko pero madami daw kaming naniniwala sa kanya. Sobra na yung doubt nya sa sarili nya. Palagi kami nag sisimba noon para ipag pray na makasurvive sya sa 1st yr and answered prayer kase 2nd yr na sya this coming school year.
Wala akong magawa kundi ang icomfort sya sa mga panahon na nag dadoubt at pagod na sya. She is not Stable physically and emotionally nung pinasok nya ang course na NURSING. Sobrang saya ko kase hindi na lang ako ang nag titiwala at naniniwala sa kanya. Madami na kami (FROM TIKTOK) Lahat ng support nyo mula sa comments and financial help and gifts sobrang naaappreciate namin. SEE YOU ALL ON TOP KATROOPS! And I’m so proud of you Joyce Balinghasay II Malayo na pero malayo pa talaga galingan mo mwa✨