maal_teh

maal_teh Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976. (Poem and Video collections by ME)

10/08/2024

Ngayon kaya ko na!

Salamat Ama sa ngayon,
Salamat sa pagibig na binigay mo noon,
Nagawa kong gayanin ka sa aking sitwasyon,
Nagpatawad, umiibig gaya ng gnawa mo noon.

Sapat ang pag ibig mo,
Upang d ko kimkimin ang Galit sa puso ko,
Salamat sa pagyakap mo sa panahong madilim ang isip ko,
Salamat sa haplos sa puso ko sa panahong nbibiyak eto.

Tunay nga Ama,Sayo lng mttgpuan ang kalinga, Ang pagkupkup at salamat talaga dahil di mo hinayaan mawasak Ng bayan mo sa buhay namin Ng pamilya ko

Wagas na pasasalamat po Ama
Ikaw lng sapat na.

13/07/2024

Sayo lang Lord magtitiwala na babalik ung dating Ako. Matapang,.maabilidad, may tiwala sau. Lord embrace me. Help Me to recover from this pain.

13/07/2024

Sana may magtatanggol sa akin Lord. Tulungan mo naman Ako na maging okay na ako.

13/07/2024

I am begging of understanding from heaven,
I have so many questions running on my mind,
That only God can answer right now,
I am not questioning God's plan because I know Lord it is better than mine.

I hope and pray that I or we together with my husband passed this challenges that sent to us,
I pray that God intervene in our life, in our relationship,
That He will change us both for the better,
That together, we will continue to trust in Your mercy,
That we will work together,
Hoping for the better despite of struggle and pain.


11/07/2024

Lord make my life focus into you alone. Embrace me and heal me the way I was before. Let me know your message so we would understand better. Thank you for your grace for your love and unending provisions.

Your unworthy servant
Living by Your Grace

08/07/2024

Life lately. I accept things beyond my control and let God works in between. But most of the time I asked the Lord if He wants me there na ba in heaven. I want to rest in peace. Where pain can never be felt.

06/07/2024

Sayo lamang Ama.

Magandang umaga Ama,
Gumising akong muli ng may pag asa,
Salamat sa mga aral sa twina,
Tunay na eto nga Ama ang tunay na pag asa.

Sa bawat Salita mo na naririnig ko,
Tila etoy awit lagi sa puso at isipan ko,
Hindi man marangya ang buhay ko,
Sapat ang ikaw na meron ang gaya ko.

Kayat sa buhay kong eto,
Walang ibang gagawin kundi ang pag ibig mo ay ikwento,
Panu mo ko binubuo,
Panu mo ko pinalalakas at pinatatayo,
At paanu natutung magpatawad kahit nawasak ang puso.

Sayong kanlungan Ama,
Doon ako namag asa,
Na sa bawat araw bawat patak ng luha ay wala na,
Kapalit ng tunay na pagmamahal na di kailanman mabubura.







All rights reserved to maal_teh
No parts can be reproduce without her permission

05/07/2024

Ngayon, okay na Ako,
Kaya ko ng alalahanin kung anung maganda ang dumating,
Sa kabila ng pangit na kwento,
Tunay nga O Diyos na binuo mo ako.

Kagaya nga ng sabi mo,
ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.
Salamat Ama nasumpungan Kita.
Ikaw ang tunay na lakas ko,
Ang tunay na sandigan,
Totoong nagmamahal sa akin Ng sobra.

Patawad Ama, sa mga panahong nagalit ako talaga,
Muli may humusga na naman Sayo dahil sa mga nasabi ko,
Patawad Ama kung minsan nauuna akong hunakbang mag isa,
Kaya mula ngayon Sayo lng muna,
Dahil Ikaw lang ay sapat na.

Patuloy ang abang lingkod mo,
Magpupuri at magpapasalamat,
Sa lahat Ng nagawa mo at gagawin sa buhay ko,
Mula noon at hanggang nagyon,
Lagi Ikaw lang Panginoon ang tunay na kanlungan,
Kayat habang buhay magpapasalamat Sayo at maglilingkod pa Hanggang dulo.

02/07/2024

Lagi sanang payapa ang isip,
Wag ng mag isip kahit isang saglit,
Alisin ang takot at pangamba,
At hayaan ang Diyos ang manguna.

Kapag isinuko na,
Suko na,
Wala ka ng gagawin pang iba,
Magtiwala sa Diyos,
Manalangin ng lubos.

O Diyos ko!
Dinggin ang pagsamo ko,
Alam kong di ako ang bida dito,
Yakapin mo lng ako Ama,
At ako ay kakalma na.




01/07/2024

Gumaan ang puso,
Ng Sayo ay magtiwala,
Nawala ang takot, napalitan ng ung pagkalinga,
Tunay nga O Diyos, Sayo lng sapat na.

Ilang araw nagluksa ang pusong sugatan,
Pilit nilabanan aking kahinaan,
Subalit walang kayang gawin,
Kundi isuko Sayo lahat ng bitbitin ko,
Buong puso mong sinalo, hinayaang gumaan mga dalahin nito.

Salamat Ama, Diyos ka ngang tunay,
Di mo hinahayaan, kwento koy mag iba,
Hinahango ako sa kinasadlakan,
Busilak na pag ibig mo umaapaw na ngang tunay.

Aking Ama dalangin ko,
Hayaang puso koy maging gaya ng Sayo,
Marunong magmahal ng totoo,
Nagpapakumbaba sa lahat ng tao,
Nagpapatawad ng paulit ulit,
Kahit anumang kwento eto.

Salamat Ama, dahil ikaw Ang Diyos na aming sinasamba,
Salamat Ama, dahil Sayo lubos Ang tiwala at pag asa,
Salamat Ama dahil Hindi mo ko pinapabayaan sa twina.



01/07/2024

The story that we are doing today is not ours,
But the story of God in our life,
We may seem or asks why,
But behold, God is preparing something for you.

He called you because of who you are,
Don't escape the calling instead embrace it with all your heart,
There are pains and struggle along the way,
But continue to stand firm and obey Him.

Your obedience will be rewarded,
On the things you've never expected,
Stand firm and take a leap of faith,
Because in Him everything has been set.



01/07/2024

Thanking you Lord for another brand new morning,
I may not know what is ahead,
But I know your plans is better than what I have.

Thank you for loving me Lord,
Your unconditional love give me strength,
You give me comfort,
You give me a warmth day,
And a feeling of contentment.

I been broken,
But you mended my heart,
So my soul and work, is only for you,
Because in you I have peace,
In you I found healing,
In you I found hope and in you I found love.

Guide me Lord,
Give me wisdom,
Let me understand your will,
Let me understand my work, my ministry.

I accepted the challenge and I already going,
Help me to walk in your presence full of hopes, faith, love and obedience,
Allow me Lord to put my trust in you more
Because in you, your promises are true.





All rights reserved to me I am the rightful owner of every poem written in here, no parts can reproduced

01/07/2024

Anu nga ba ang iyung mapapala sa relasyon na may masisira,
Masaya ka bang makasira ka ng pamilya ng iba?
Dahil lang sa kagustuhan mong lumigaya?

Hindi mo ba nalalaman,
Mga bagay na yan ay kasalanan,
Na ang mahal sa buhay nyo ang lubos na masasaktan?
Anung uri ng ligaya ang dulot Ng may pamilya namang nagdurusa?

Sa gaya nyong talipandas,
Hindi ako natutuwa,
Tila kau ay mga ahas,
Walang habas kung manira.

Subalit dalangin ko pa rin sa Diyos,
Kayo ay kanyang yakapin,
Magpakilala ng lubos, wag sa laman magpaalipin,
Sapagkat ang tunay na kaligayahan,
Hindi sa libog lng natatagpuan.

Gaya mo Hindi Ako perpekto,
Subalit ni minsan d ko hinayaan bumaba sa ganyan Ang moral ko,
Kaya dalangin ko sa Diyos,
Katagpuin nya kayo at tuluyang magbago,
Makasumpong Ng pagkalinga Ng Diyos,
Na sa atin ay nagmamahal Ng lubos.

Pag nagkaganun una akong ngingiti Sayo,
Kahit Anu pang nagawa mo,
Naway wag Ng ulitin pa,
Ang manira Ng masayang pamilya,
Sapagkat may mga anak ka din na Sayo ay umaasa,
Wag hayaang ang gawain mo ay pagdaanan din nila,
Hayaang makasumpong ng tama at wastong Gawin,
Imulat sa kanila takot sa Diyos sa twintwina.



30/06/2024

Muling aasa, sa magandang plano mo Ama,
Iwawaglit ang problema,
Hahayaang kumilos ka,
Upang lahat sa buhay ko ay ayos na.

Salamat sa pagmamahal mo o Diyos,
May bahagi man sa utak ko ang tila di pa tapos,
Naniniwala akong Ikaw na Ang mag aayos,
Kaya ngayon pa lang Salamat Ama.

Dalangin ko lng lagi,
Wag akong mabigo muli,
Di na kakayanin ng puso ko,
Pag muli etong binato,
Binato ng problemang khit sinu hirap tumakbo.

29/06/2024

Habang naglalakbay,
Ang sarap tingnan ng mga kumpay,
Wari silay kumakaway,
Nagsasabing okay laang.

Lahat ng mga nasa paligid,
Palagi Kong naririnig,
Para silang ibon na umaawit,
Kahit akoy nakapikit.

Kung ang isip lang ay laging payapa,
Ganun din sana ang puso ng di na lumuha,
Salamat sa Ginoo, daghan na kabutihang mo,
Tinutulungan mo ang sang tulad ko.

29/06/2024

Kumukupas man ang ganda,
Mundo man natin magkaiba,
Pinili kong mahalin ka,
Inalay ang buong buhay ng walang pangamba.

Hindi alintana, hirap na nabata,
Mula sa simula, nakibaka na para sa mga bata,
Inaayos ang gusot, kapag kailangan,
Magtatranslate ng dokumento kung di mo maintindihan.

Nagiging lakas mo kapag lahat mabigat na,
Sumusunod sayo lagi ng walang alinlangan,
Nagpapaubayang lagi ng walang pakundangan.

Maaring minsan nagiging matangas,
Animoy tigre dahil delikado ka pag nakalabas,
Binigyan ka ng kalayaan subalit akoy sinuwag agad,
Madaling kang nasilaw sa mga talinpandas.

Kung sakaling akoy lilisan,
Pakaingatan mo aking mga anak,
Di kita pipigilan anuman ang ung balak,
Ang ulo koy sasabog na at tila d ko na kaya.

Dalangin ko lng lagi sa Diyos,
Habang akoy andito pa,
Ayusin nya ang puso ko,
Wag hayaang maluka.

Napakasakit ng mabigo,
Napakasakit ng umasa,
Napakasakit ng maloko,
Pahinga utak pag tulog lang,
Pag gising balik ulit sa kung anung nakatulugan.

29/06/2024

Dumating man ang panahon na ako ay wala na,
Dalangin kong lagi kayo ay ingatan,
Wag hayaang mapariwara ang inyong mga buhay,
At tiwala sa Diyos palaging ialay.

Hindi ako laging kasama nyo sa twina,
Umeedad na rin at marami Ng nadarama,
Sumasakit ang dibdib, likod at baka nga may rayuma pa🀣,
Kung hanggang kelan tatagal, di ko alam talaga.

Sa nangyayari sa buhay bawat araw,
Minsan napapaisip ako at napapatanaw,
Sa malayong lugar, sa taas ng langit,
Doon umaasam.
Umaasam ng ligayang walang humpay.
Doon alam Kong may kapayapaan.

Kaya sa aking mga anak,
Magmahalan kayo,
Gawing lakas lagi ang bawat Isa,
Wag magaaway khit na surang sura na,
Gawing kakampi lagi ang bawat Isa,
Dahil si nanay di mo lagi Kasama.

29/06/2024

If I will not try to let it go,
I don't want to ruin the life of my children,
Forgiving doesn't mean I am downing my guard,
But now I am holding my guard so high.
I will pray and meditate to God what was his purpose,
What I am going to do?
What was the message during this season.

29/06/2024

Subukan nating magpatawad,
Kahit na mejo mahirap,
Wag lang masyadong makampante na okay na nga lahat,
Magbago ka para sa sarili mo,
Hindi para sa ibang tao.

Palagi nating idalangin,
Lahat ng nais natin,
Maging maayos ang isipan,
At wag hayaang maanggihan.

Kung sakali man na di sila matapos,
Sa Diyos lang sila mananagot,
Maging mahinahon lang lagi,
At wag mag atubili,
Sa langit lagi magkubli,
Kahit sobra pa etong sakit.

26/06/2024

Dami na namang tumatakbo,
Sa malikot na isip ko,
Di ko alam kung Tama pa to,
O sobra na Ang aking pagkalito.

Diyos ko kailangan ko ng tulong mo,
Alisin Ang Galit at iyamot sa puso ko,
Palitan mo ng pagmamahal mo,
At ilaban mo akong lagi sa aking buhay.

Akoy napagod umunawa,
Di ko alam paanu nga ba,
Bakit kaya sa akin gnawa,
Anu kaya Ang aking magagawa.

24/06/2024

Gusto kong magtanung ng bakit?
Nais kong maunawaan ang mensahe mo Ama?
Anung eksaktong nais mo?
Nawa ay maunawaan ko eto.

Tumuloy ka sa aming buhay Ama,
Yakapin mo sila isa isa,
At ipadama ang pag ibig mong tunay sa kanila,
Dahil ikaw lang ay sapat na.

Sobrang nasasaktan man,
Pipilitin kong magpatawad,
Dahil ganun ang nararapat,
Di Ako Diyos para umabat.

Dalangin ko lng o Diyos,
Ako ay tulungan,
Magpakilala kang tunay at ako ay ilaban,
Sobrang sakit ng naramdaman,
Di ko alam paanu gagaan.

Aking Ama, bakit nga ba?
O Diyos sumunod naman na ako,
Buong puso akong naglilingkod Sayo,
Para saan ang pagsubok na eto.

Gusto Kong sumigaw ng malakas,
Upang sakit maibsan,
Upang puso ay gumaan,
Hayaang sa buhay ay lumaban.

Alam mo Lord ang bagay na to,
At may dahilan bat hinayaan mo,
Nais kong maunawaan, sbhin mo sa akin ng lubusan,
Susubukin kong maintindihan.

Kung may pagkukulang ako,
Patawad po ang samo ko,
Wag ipagkait sa anak ko,
Masayang pamilyang binuo mo.

Gusto kong maayos na lumisan,
Sa mundong eto pansamantala naming kanlungan,
Ayusin mo Ama ang buhay ko Lalo na ng pamilya ko,
Wag mo silang pabayaan,
Gabayan lang lagi sa bawat araw.
Ituro mo ang Daan patungo sa ung Tahanan,
Hayaan mong doon masumpungan,
Tunay na kaligayahan.

Salamat Ama, Ikaw Ang Diyos ko,
Salamat Ama, sa kalakasan sa twina.
Salamat Ama, buong buhay ko para Sayo na lng talaga,
Iwawaglit lahat,
At lalapit Sayo Ng buong tapat.


All Rights Reserve

23/06/2024

Gusto ko na lang matulog walang gisingan. Lord please.embrace me.

23/06/2024

Bigla akong nalungkot at napaluha,
Sa mga nalaman tila natulala,
Hangad ko lng lagi kaligayahan,
Kaayusan at kahinahunan.

Baka naman nga may mali sa akin,
Baka naman nga di lng Ako tumitingin,
Baka ang salamin ko ay malabo na pala,
At tanging sarili lng ang nakikita.

Napakasakit ng mabigo,
Napakasakit pala ng maloko,
Yung buong buhay mo naniwala kang totoo,
Un pala ikay gnagagu.

Tanging dalangin ko Ngayon,
Tunghayan mo Ako o Diyos,
Alisin mo ang galit na nadarama,
Ipakita ang hiwaga Ng langit sa twina.

Sobrang dami ko ng pinagdaanan,
Pero mas masakit eto Pala,
Para akong sinampal Ng sarili Kong palad,
Matapos Kong malaman tila akoy lumalakad sa dilim na ulap.

Diyos ko, akoy tulungan mo,
At wag hayaang pagmamahal ko ay tuluyang maglaho,
Hanguin mo Ako sa damdaming nararamdaman ko,
At busugin mo ng pagpapatawad Ang puso ko.

Ganito Pala. Alam ko na.
Isang mahigpit na yakap sa lahat Ng nakaranas Ng ginago ka.😭😭😭😭😭

it's better this wayBy: maal_teh A lot of things is running on my mind,But to sum it all, my heart is happy,Things are n...
04/06/2024

it's better this way
By: maal_teh

A lot of things is running on my mind,
But to sum it all, my heart is happy,
Things are not the way it used to be,
Everyday is new, a work in progress in me.

I thank my God for all of this,
Thank you for not giving up on me,
For picking me in the wilderness,
When I don't see anything but me.

Thank you for the pat on the back,
That somehow I understand how life looks like,
Thank you for unending favor,
and letting me know different things in life.

Thank you the gift of discernment,
And realizing that life is not about myself,
Thank you for embracing me,
Wholeheartedly I felt it so much.

Life is good,
Because God is good,
All the time...
all the time, God is good.

All rights reserved to Maal Teh

Sa NgayonSalamat Ama sa Ngayon na bigay mo,Tila etoy tugon sa panalangin ko,Mahirap man hakbangan ay kakayanin ko,Dahil ...
03/06/2024

Sa Ngayon
Salamat Ama sa Ngayon na bigay mo,
Tila etoy tugon sa panalangin ko,
Mahirap man hakbangan ay kakayanin ko,
Dahil alam ko Kasama kita dito.

May panahon na tila nagdududa,
Nagdududa kung kaya ko nga ba?
Habang nakamasid mga mata nila,
Nakakaramdam tayo Ng kaunting kaba.

Ayaw kong matakot o kaya'y mangamba,
Sapagkat lakas ko ay Sayo kinukuha,
Walang saysay lahat ng kayabangan,
kung aangkinin ang talentong bigay mo sa akin.

Dalangin ko lng lagi,
wag akong hayaan,
ituwid mo ako kung kailangan,
bigyan ng talino,
at taglay na tapang,
na kakailanganin ko,
sa bawat hamon ng buhay.

Dalangin ko Ngayon ikay makasumpong Ng kapayapaan Ng puso at isipan,Dumating din ako sa ganyan,Tunay na nanghina at ayaw...
31/05/2024

Dalangin ko Ngayon ikay makasumpong Ng kapayapaan Ng puso at isipan,
Dumating din ako sa ganyan,
Tunay na nanghina at ayaw bumangon,
Nagkulong, humilata, at ayaw makakita ng iba.
Subalit Ang Diyos akoy ibinangon,
Sa Kanya Ako humingi Ng tulong,
Wag hayaang,malugmok ka sa sitwasyon, bagkus gawing tuntungan lahat Ng hamon, pihadong bukas ngingiti at sasabhin sa sarili ganun lng Pala un. Salamat sa Diyos.

Kung naging madali man para sa'yo ang lahat, sa akin ay hindi.

Ilang beses ko tinanggihang bumangon nang maaga. Hindi sa dahil gusto ko pang matulog, kun'di wala akong gana. Pakiramdam ko hindi ko pa kayang harapin ang mundo. Hindi ko pa kayang tingnan sa salamin ang sarili ko.
Nakahilata ako sa sakitβ€”gising ang diwa, ngunit nakapikit.

Wala akong tapang para tumayo sa malalim na pag-iisip. Balot ako ng makapal na pagdududa sa sarili. Wala kasi akong ideya kung bakit isang umaga, hindi mo na 'ko kailangan. Dama kong lahat pilit na lang.

Kung naging madali man para sa'yo ang lahat, hindi na 'ko magtataka. Noong mga araw ng pag-iisa, basang-basa ko naβ€”ang babaw lang pala kung paano mo 'ko minahal. Pagkaraan mong malaman na paborito kong magkape, hindi mo inalam kung paano ba timplahin. Tinanong mo lang kung anong paborito kong kanta, ngunit hindi ang dahilanβ€”hindi mo 'ko inaral sa mas malalim na paraan.

Buti ka pa, naging madali lang sa'yo ang lahat.
Ako kaya, kailan makakausad?

- Regina Amit

Habang ang puso ko ay payapang nakikinig sa ung mga awit,Buong pusong nagpapasalamat dahil inahon mo akong pilit,Sa lusa...
31/05/2024

Habang ang puso ko ay payapang nakikinig sa ung mga awit,
Buong pusong nagpapasalamat dahil inahon mo akong pilit,
Sa lusak na nadama ng panahong alumpihit.

Buong buhay ko ay magpupuri Sayo,
Magpapasalamat sa lahat ng gnawa mo,
Sa buhay na meron Ako, di man sa paraang pangarap ko,
Subalit sigurado akong eto Ang nais mo.

Buong pusong magpupugay,
Puting bandila ay iwawagayway,
Tanda Ng pagibig na tunay,
Busilak at wagas Ang aking alay.

Salamat Ama, kulang Ang salitang eto sa twina,
Di ko alam Ang tamang tula,
Tamang wika o katha,
Basta Ang alam ko lng akoy sobrang natutuwa.


First page na lng muna.
09/05/2024

First page na lng muna.

06/04/2024

Tell me and I forget. Teach me and I remember. Involve me and I learn.
– Benjamin Franklin

10/06/2023

In the story, Esau sells his birthright for soup. Today we are going to unfold the truths and applications behind this powerful biblical testimony.

Address

Km 74 Tagaytay Nasugbu Road, Near The Mediterranean House
Nasugbu
4231

Telephone

+639182586573

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when maal_teh posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to maal_teh:

Videos

Share


Other Digital creator in Nasugbu

Show All