06/02/2022
IMELDA PAPIN, NATATANGING KANDIDATO SA PAGKA-GOBERNARDOR SA CAMARINES SUR NA PUMIRMA SA INTEGRITY PLEDGE AT PEACE COVENANT
Sa isinagawang Unity Walk, Inter-Faith Rally and Signing of Peace Covenant event ng PNP Camarines Sur kahapon sa Plaza de Cimarones, Pili, tanging si Vice-Governor Imelda Papin lang ang tumugon sa panawagan para sa isang malinis, makatotohanan at mapayapang eleksyon ngayon 2022.
Hindi sinipot ang nasabing okasyon ng mga katunggali ni Papin na sina dating Congressman Rolando Andaya at Camarines Sur Provincial Administrator Luigi Villafuerte.
Pinirmahan ni Papin at ng iba pang mga kandidato sa ibat-ibang posisyon, munisipyo at partido sa Camarines Sur ang isang Peace Covenant para sa isang maayos na eleskyon ngayong 2022.
Ilan sa mga kandidatong naroon sa okasyon ay sila Board Member Nelson Julia na tumatakbong Bise-Gobernador ng CamSur, Cho Roco na tumatakbong Kongresista ng 3rd District ng CamSur, Aileen Papin at Charie Pante na tumatakbong Board Members ng 3rd District ng CamSur; ang mga tumatakbong Alkalde ng Calabanga Jun Encila, Bombon Raul Sancho, Sagnay Lantuag Verzo, Iriga City Mawee Fraginal, Pili Ronald Bocolot at Pili Ato Peรฑa kasama ang kanilang mga linyada at iba pang Independent Candidates.
Dumalo rin sina Camarines Sur Police Provincial Director PCOL BERNARDO M PEREZ, PD, Provincial Election Supervisor Atty Neil Canicula ng COMELEC, mga miyembro ng Philippine Army sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Clark Dalumbar, Commanding Officer ng 83rd Infantry Battalion, 9th Infantry Division ng Philippine Army; Schools Division Superintendent Ms Loida Nidea ng DepEd; mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), PNP Highway Patrol Group at CSPPO Press Corps sa pangunguna ni Mr. Angelus Abugao.
Ilan sa mga sentro ng okasyon ay panalangin ng iba't ibang relhiyon, ang sabayang panunumpa at pagbigkas ng integrity pledge na pinangunahan ni Vice-Governor Imelda Papin na sinundan ng kanilang pag-lagda sa isang Peace Covenant. Nagpalipad rin ng mga puting balloons bilang simbulo ng pag-asa at pagkakaisa na makamit ang isang matapat, mapayapa, malinis, ligtas at patas na eleksyon ngayong 2022.
๐ธ RPIO5