24/08/2024
MAGALING MAKISAMA SA IBA PERO SA ASAWA MO HINDI
May mga lalaki o babae na pagdating sa pakikitungo sa iba eh ang galing galing pero pagdating sa asawa o karelasyon nila, kung ituring eh mas malamig pa sa yelo.Lageng mainitin ang ulo, kapag kinausap mo pasigaw agad ang sagot.Pero kapag sa iba akala mo maamong tupa, baitbaitan.
Dapat kasi kung mabait ka sa ibang tao, dapat mas mabait ka sa partner mo.
Kung generous ka sa ibang tao, dapat mas generous ka sa partner mo.
Kung nice ka sa ibang tao, dapat mas nice ka sa partner mo.
Kung mapag pasensya ka sa iba, dapat mas mapag pasensya ka sa partner mo.
Hindi pwedeng mabait ka sa ibang tao pero sa partner mo lagi kang galit, lagi ka nakataas ng boses, iritable ka.
ATING TANDAAN, SA LAHAT NG TAO, SA PARTNER NATIN TAYO DAPAT MAS NAKIKISAMA NG MAAYOS KASI PARTNER NATIN SILA SA BUHAY.
Like, Comment and Share mga KAREELS😊