23/03/2022
Bilang isang anak po ng magsasaka, nalulungkot po ako sa nangyayare ngayon sa presyo ng sibuyas. Kahapon pa gumugulo sa isip ko ito deserve ba nila ang 22 pesos per kilo.
Sa hirap at pagod nila sa init ng araw. Deserve ba nila yun.
Ang mahal pa ng kanilang mga ginagamit abono, lason etc. upang gumanda ang tubo ng sibuyas at maging maganda ang paglaki. Sabayan pa ng mahinang tulo ng tubig. Sa mga tinitiis nilang gutom at uhaw. Tapos Laban na ulit, punta na ulit sa gitna upang magpatubig.
Yung mga politiko po sanang nakaupo ngayon bigyan lamang ng aksyon itong usaping ito. Ngayon nyo po ibigay ang suporta nyo sa mga minamahal nating magsasaka.
Sa gayon makatulong kayo sa kanila. Pasiyahin nyo po ang mga Tatay namin na naghihirap sa gitna ng arawan. Deserve po nila ang mataas na presyo.
Sana sila naman yung kumita dahil sa una palang sila na ang naghirap.
Maraming Salamat po.