RMHS Brigada Eskwela 2022

RMHS Brigada Eskwela 2022 Tara na sa Brigada Eskwela 2022 bitbit ang temang "Brigada Eskwela 2022: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-aral."

Pagbati Ramonians! Ating suportahan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023! Tutukan ang magiging Pambungad na programa sa...
09/08/2023

Pagbati Ramonians! Ating suportahan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023!

Tutukan ang magiging Pambungad na programa sa mga opisyal na RMHS Official Pages



Mabuhay, Ramonians!

Ang Ramon Magsaysay High School, Kagawaran ng Filipino ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang:

"FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan"

Sama-sama nating bigyang-pugay at pagkilala ang ating Wikang Pambansa, hindi lang sa buwan ng Agosto kundi sa lahat ng araw upang makamit ang inaasam na kapayapaan, seguridad, at katarungang panlipunan.

Kaya't halina't makiisa sa mga inihandang gawain ng Kagawaran ng Filipino na tiyak na muling magpapasiklab ng ating diwang makabayan!

ABANGAN!

-
Pinagkunan ng Larawan: Komisyon sa Wikang Filipino FB Page

Please be guided Ramonians!
16/08/2022

Please be guided Ramonians!

15/08/2022
15/08/2022

Isang mapagpalang araw, Ramonians!

Narito na ang grade 8 online orientation. Makinig nang mabuti sa mga tatalakayin.

Magtala sa attendance:
https://forms.gle/Buq6cmKZMcLs9m8A7

Be informed Ramonians!
26/06/2022

Be informed Ramonians!

HEADS UP FEEDER SCHOOLS!

Para sa lahat ng mga mag-aaral ng Graciano Lopez Jaena ES, Juan Luna ES, at Benito Legarda ES.

Siguraduhing naka-like at naka-follow kayo sa FB Page ng RMHS Supreme Student Government para maging informed sa aming anunsyo sa enrollment process ng Grade 7.

May anunsyong gagawin sa Lunes, Hunyo 27, 2022 ukol sa iskedyul ng enrollment. Maraming salamat!

27/10/2021
06/09/2021

Halina't samahan kami sa pagbubukas ng National Teachers' Month at alamin ang mga inihandang pasabog ng Supreme Student Government. Ang ikalawang parte ng ating Learning Management System at Online Class Orientation ay eere rin!

Huwag kalimutang magpatala gamit ang google form link na ito: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf2b05e2hxrjHBW3RD9vQE4fe-shOC5ap1IYPmspXHO347ESw/viewform

Pinaalala na KINAKAILANGAN na mag-time in at mag-timeout para mabilang ang inyong attendance.

01/09/2021

Makinig, matuto, at maki-isa sa ika-9 na episode ng Brigada Pagbasa 2021! Ang paksang tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa Food Technology and Food Safekeeping! Itala ang inyong mga comment at insights sa comment section mamaya pagkatapos ng talakayan.

Huwag kalimutang magpatala gamit ang google form link na ito:
https://forms.gle/jMH3dTKaW8B2vYnx8

Pinaalala na KINAKAILANGAN na mag-time in at mag-timeout para mabilang ang inyong attendance.

31/08/2021

Halina't sabay-sabay tayong matuto ng tamang pamamaraan ng Paghuhugas sa Paaralan at sa ating mga Tahanan! Ito'y ating alamin upang ang ating katawan ay maging malinis at malayo sa mga kumakalat na sakit.

Huwag kalimutang magpatala gamit ang google form link na ito:
https://forms.gle/UpKyGvBVyBPmMDDk7

Pinaalala na KINAKAILANGAN na mag-time in at mag-timeout para mabilang ang inyong attendance.

27/08/2021

Halina't alamin ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna. Sabay sabay tayong matuto, maging handa at maging maalam sa mga tatalakaying paksa na Covid-19 First Aid Modification, Disaster Preparedness Plan at Family Preparedness Plan.

Huwag kalimutang magpatala gamit ang google form link na ito: https://forms.gle/BR2tckCnWrSJH7Hd6

Pinaalala na KINAKAILANGAN na mag-time in at mag-timeout para mabilang ang inyong attendance.

26/08/2021

Halina't alamin ang esensya ng pagkatuto sa numero bitbit ang Brigada Pagbasa sa Matematika na, Basic Numeracy Skills in Savings.

Huwag kalimutang magpatala gamit ang google form link na ito:
https://forms.gle/2jujw7BGAAXbD5ye9

Pinaalala na KINAKAILANGAN na mag-time in at mag-timeout para mabilang ang inyong attendance.

25/08/2021

Halina't alamin ang esensya ng pagkatuto sa numero bitbit ang Brigada Pagbasa sa Matematika na, Basic Numeracy Skills in Savings.

Huwag kalimutang magpatala gamit ang google form link na ito:
https://forms.gle/2jujw7BGAAXbD5ye9

Pinaalala na KINAKAILANGAN na mag-time in at mag-timeout para mabilang ang inyong attendance.

23/08/2021

Ano nga ba ang esensya ng kalusugang pangkaisipan sa ating lipunan? Ito ang ating pangunahing programa ng brigada. Tuklasin at alamin natin mga kaparaanan ukol sa pag-iingat ng ating Kalusugang Pangkaisipan.

Magpatala sa inyong attendance para sa araw na ito gamit ang link na:
https://forms.gle/xk75wQ9BEGREvpEk9

09/08/2021

Isang mapagpalang araw, mga ka-Brigada! Halina at samahan kami sa kauna-unahang episode ng Brigada na pinamagatang "Wika ng Bayanihan para sa Paaralan" !

Magtala ng attendance gamit ang link na ito: https://forms.gle/CZVLD9xP5WGFTTiQ7


06/08/2021

Masikhay na hapon Ramonians! Saksihan ang mga inihandang programa ng RMHS SSG para sa taong panuruuan 2021-2022.

Saksihan din ang pagpapanibago ng RMHS SSG Logo at ang pinakahihintay na listahan ng mga paunang nakatugon sa Final Requirement ng RMHS Grade 7 Enrollment.

Magpatala sa attendance gamit ang link na ito: https://forms.gle/kSPLgfuyrBxuJJsf8

30/06/2021
Kalayaan, Kasarian, at Karapatan! Ganito natin ipagdiwang ang buwan ng kalayaan at pamamayagpag ng kalayaan sa kasarian ...
19/06/2021

Kalayaan, Kasarian, at Karapatan!

Ganito natin ipagdiwang ang buwan ng kalayaan at pamamayagpag ng kalayaan sa kasarian at makataong pagkilala sa karapatan!

Makiisa sa Culminating Activity ng Brigada Bayanihan 2.0 kasama ang Most Influential Muslim leader sa ating bansa na si Samira Gutoc.

Ngayong June 19, ika-6 ng gabi.


Laging handa, bawat galaw ay dapat akma; Dahil para sa Pilipino, ang lider ay dapat laging alisto.Maraming nagawa at mas...
18/06/2021

Laging handa, bawat galaw ay dapat akma; Dahil para sa Pilipino, ang lider ay dapat laging alisto.

Maraming nagawa at mas marami pang magagawa pa si Leni para sa ating bansa.

Naglalaan siya ng wastong oras at atensyon maresolba ang mga suliranin at reklamo ng ating bansa o ng mga pilipino. Hindi siya basta basta sumusuko dahil lamang may mga iilang tao na di pinagkakatiwalaan ang kanyan kakayahan dahil para sa kanya mas mahalagang unahin at intindihin na lamang ang mga pangangailanga ng ating bansa.

Ngayong siya'y kasalukuyang bise presidente ng bansa, madami na siyang mga proyekto at mga batas na naipatupad at lahat ng iyon ay may magandang maidudulot sa mga mamamayang pilipino. Kung siya'y mabibigyan ng pagkakataon ng mga mamamayan na maglingkod sa bansa bilang presidente ay mas maraming proyekto at solusyon pa siyang maibibigay para sa atin. Kaya naman samahan natin si Leni Robredo sa halalan 2022, at simulan natin ang tunay na pagbangon at pag unlad ng ating bansa.

Kakaiba at nakakabilib ang paraan ng pagtakbo ng isip ni Robredo sapagkat naisipan at nakagawa siya ng paraan upang magk...
17/06/2021

Kakaiba at nakakabilib ang paraan ng pagtakbo ng isip ni Robredo sapagkat naisipan at nakagawa siya ng paraan upang magkaroon ng ugnayan at pag kakaisa sa pagitan ng government officials at ng mga mamamayan. Ito ay ang kanyang pagtatag ng ilang mga batas na may kinalaman sa mga partisipasyon ng mga mamamayan pag dating sa pamamalakad o sa gobyerno ng bansa.

Ang People Empowerment Bill ay kabilang sa mga sinulat ni Robredo. Ito ay naghahangad na payagan ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapasya at paggawa ng mga patakaran at ang Participatory Budget Process Bill naman ay naghahangad na dagdagan ang pakikilahok sa mga desisyon na kaugnay sa badyet sa mga proyekto ng gobyerno ng mga lokal. Mula dito, mas nagkaroon na ng kalarapatan at kalayaan ang mga mamamayan na magpahayag ng kani kanilang mga opinyon at mga suhestion pagdating sa pamamahala ng gobyerno. Makakabubuti rin para sa ating bansa na may magandang ugnayan ang mga mamamayan at ang gobyerno upang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan.

Para kay Robredo hindi sapat ang may magandang ugnayan sa pagitan ng mga government officials at ng mga Pilipino, nararapat din na may kaayusan sa pagitan ng bawat Pilipino kaya naman ang isang issue na tinutukan ni Robredo ay ang mga diskriminasyong nagaganap dahil lamang sa mga pagkakaiba. Sinulat niya ang Comprehensive Anti-Discrimination Bill na pagbawalan ang diskriminasyon batay sa lahi, lahi, relihiyon o paniniwala, kasarian, kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan at ekspresyon ng kasarian, wika, kapansanan, katayuan ng HIV, atbp

Maging bahagi ng Supreme Student Government (SSG) Batch 2021-2022. Bukas na ang aplikasyon para sa gaganaping Special El...
17/06/2021

Maging bahagi ng Supreme Student Government (SSG) Batch 2021-2022.

Bukas na ang aplikasyon para sa gaganaping Special Election ng Supreme Student Government ngayong June 28, 2021.

Sumangguni kay BEA RODRIGUEZ ng 10-Bravery para makakuha ng Format ng Certificate of Candidacy.

Siguraduhing maipapasa ang iyong mga Requirement sa google form gamit ang link na ito:
https://forms.gle/Ftrju9gkyLTdQBEG9

Hanggang Hunyo 19, 2021, ika-12:00 ng Tanghali lamang ang pagtanggap ng aplikasyon.

Lahat ng tao ay may mga karapatan, lahat ng tao ay may kinakailangan. Ngunit ang mga kabilang sa mga mahihirap na pamily...
16/06/2021

Lahat ng tao ay may mga karapatan, lahat ng tao ay may kinakailangan. Ngunit ang mga kabilang sa mga mahihirap na pamilya ay ‘di nabibigyan ng gobyerno ng sapat na atensyon, di rin sapat ang kanilang mga panlaban o maaaring maging proteksyon sa mga sakit o kalamidad na maaaring dumating.

Ang pagpapatupad ni Robredo ng programang Angat Buhay ay isa sa kanyang paraan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Naglalayon ang programang ito na magtulungan ang mga pribado at pati narin ang mga pampublikong sektor na magtulungan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap.

Noong buwan ng disyembre taong 2020 umabot sa 341,779 na mga pamilya ang nakatanggap ng tulong mula sa programa ni Robredo, sa tulong na din ng mga organisasyon na nagbigay ng kani kanilang mga tulong o ambag. Masasabi ng iba na talaga nga naman maalam si Robredo sa pag iisip ng mga paraan para matulungan ang pag angat ng komunidad at ekonomiya ng bansa dahil naglalaan siya ng panahon na pag isipan at pag aralan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa upang makapagbigay ng wastong aksyon na masisig**o na mahihinto ang suliranin o makakatulong sa mga apektado sa suliranin na iyon.

Hindi lamang sa mga pagpapatupad ng mga programa nakapagbigay ng tulong si Robredo maging noon ay marami rin siyang mga batas na naipatupad, ‘yan ang ating aalamin sa mga susunod pang araw kaya naman tutukan niyo lamang ang aming page para sa mga updates.

Kung May Karapatan Ka, Meron Din Ako; Dahil sa Harap ng Batas, Pantay Tayo. Igalang Sila at Respetuhin; Gaya ng Pagrespe...
15/06/2021

Kung May Karapatan Ka, Meron Din Ako; Dahil sa Harap ng Batas, Pantay Tayo. Igalang Sila at Respetuhin; Gaya ng Pagrespeto Nila sa Atin.

Ang diskriminasyon sa LGBTQ+ ay isang problemang hindi maiiwasan kahit sa anong pang panig ng mundo ka magpunta, meron at meron iyan. Kaya pangako ni Leni na tuldukan at labanan ang diskriminasyon sa LGBTQ+ mula pa ng umpisa ng kanyang pangangampanya. Tinupad niya iyon at patuloy na lumalaban siya para mahintuan ang ‘di patas na pagtrato sa ibang sekswalidad o diskriminasyon upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay dito sa ating bansa.

Importante na magkaroon ng tiwala ang tao sa ating gobyerno lalo na sa presidente at sa bise presidente dahil kung mawalan ng tiwala ang mga tao ay magkakaroon ng gulo at maraming problema ang mangyayari. Gusto patunayan ni Robredo na kalidad at patas ang serbisyo na ibinibigay ng opisina ng bise presidente na si Leni Robredo kaya kumuha sila ng sertipiko mula sa ISO upang makasig**o ang mga mamamayan na kalidad at patas talaga ang bise presidente na si Leni Robredo at magtiwala ang mga ito na ang resulta ay mas maayos na pamamalakad at pagtutulungan.

Pagkatapos makuha ni Robredo ang tiwala ng mga tao, layunin naman niya na patunay na karapat-dapat siya sa tiwalang ibinibigay ng tao sa kaniya. Kaya naman, patuloy ang serbisyo ni Leni Robredo at ngayon naman ay tutulungan niya ang mga taong nakatira sa mga danger zones upang ito'y maging ligtas mula sa kapahamakan. Abangan ang mga ginawa ni Leni Robredo upang tulungan ang mga taong ito sa susunod naming ibabahagi.

Frontliners Dapat Bigyan ng Pansin, Tulungan at Suportahan! Ating Bagong Bayaning Frontliners; Sila'y Bigyan Proteksyon ...
13/06/2021

Frontliners Dapat Bigyan ng Pansin, Tulungan at Suportahan! Ating Bagong Bayaning Frontliners; Sila'y Bigyan Proteksyon at Gabay!

Dahil sa kagustuhan ni Leni na mabigyan ng proteksyon ang kanyang mamamayan at frontliners, namahagi siya ng mga PPE o Personal Protective Equipment. Binigyan niya lahat ng mga mamamayan at frontliners na kaya niyang abutin para lang mabigyan ito ng proteksyon para sa kasalukuyang pandemya.

Nagawa niya ito sa tulong ng nalikom ng OVP na pondo at donasyon na pinangunahan naman ng Kaya Natin! Movement for Good Governance & Leadership. Dahil dito, nakapagbigay siya ng halos kalahating milyong PPE sa mga frontliners at sa mga institusyon na nagkalat sa buong Pilipinas.

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag at matiyaga sa kanilang pag gawa ng trabaho. Kinakailangan at karapatan din natin na magkaroon o maglaan ng oras sa pagpapahinga. Isa sa mga kinaugalian ng mga Pilipino ay ang pagtitipid, kahit mismo sa kanilang pamasahe sa pang araw araw nilang pagpasok sa eskwela at trabaho ay kanila itong titipirin. Dito naisipan ni Leni mamigay ng mga bisikleta sa iba't ibang tao para matulungan ang mga naghihirap at nagsisikap para sa ating bayan.

Si Leni ay nakapagbigay ng tatlumpu't dalawang bisikleta sa mga iba't ibang tao tulad ng mga market vendor, small-time electrician, construction worker, helper, security guards, porters at marami pang iba. Pagkatapos naman niyang mamigay ng mga bisikleta sa mga manggagawa ng pinas, nagbibigay serbisyo din siya sa tulong ng pamahalaan at humigit sa isang libo ang local na natulungan at naserbisyohan nila sa pamamagitan ng transportasyon. Tumulong din ang OVP sa 67 LSIS sa pakikipag sosyo sa hatid tulong program.

Naniniwala si Robredo na dapat lahat ng tao ay pantay at walang diskriminasyon. Dahil dito, naisipan niyang labanan ang diskriminasyon dito sa pilipinas. Abangan ang laban ni Leni sa diskriminasyon sa susunod naming ibabahagi sa inyong lahat!

Mga Pilipinong nagugutom, kinakailangan ng lubos na tulongPagkilos at pagtulong ng OVP Team, Para sa mga Pilipinong may ...
12/06/2021

Mga Pilipinong nagugutom, kinakailangan ng lubos na tulong
Pagkilos at pagtulong ng OVP Team, Para sa mga Pilipinong may kinakaharap na suliranin

Patuloy pa rin ang bise presidente sa pag aabot ng mga donasyon para sa ating mamamayan ngayon may pandemya. Maging ang mga blue collar workers na nagtatrabaho sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ay nabigyan ng mga donasyong pagkain. Ilang mga vendors din sa Novaliches ay nabigyan ng mga relief packs ng OVP Team.

Nagbigay siya ng mga tinapay, iba pang pagkain, gulay, bigas, tubig at hygiene kit para sa atin bilang tulong sa komunidad. Namahagi rin siya ng mga "Hot Meals and Food Items" para sa mga bantay, o caretakers ng mga pasyente, sa mga guwardiya at ilang trabahante sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital bilang pasasalamat at pagmamalasakit sa kanyang kapwa at mamamayan. Dahil sa ginawa niyang ito, mas ginanahan at lalong tumibay ang tiwala ng mga tao kay Robredo dulot ng tulong na binigay niya; Gaya ng pagsuporta ni Robredo sa mga mamamayan, susuportahan din ng mga mamamayan si Robredo upang lahat tayo ay magtulungan.

Hindi lang naman ang mga pagkain ang binigay ni Robredo bilang tulong sa ating bayan. Binigyan niya din ng proteksyon ang mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Malaking tulong ito lalo na't ngayong may pandemya. Alamin kung ano ano ang proteksyon na binigay ni Robredo sa ating kapwa mamamayan at abangan ito sa susunod naming ibabahagi sa inyo.

Kalusugan ng Mamamayan, Hindi Makakalimutan! Lalaban Para sa Bayan, Lalaban Para sa Kaligtasan!Covid-19 related ang kilo...
11/06/2021

Kalusugan ng Mamamayan, Hindi Makakalimutan! Lalaban Para sa Bayan, Lalaban Para sa Kaligtasan!

Covid-19 related ang kilos na ginawa ni Robredo sa paglulunsad ng Swab Cab o ang libreng Mobile Antigen Swab Center Service. Mula dito mas masisig**ong ang kaligtasan ng mga mamamayan ng nakatira sa malalayo sa mga ospital o sa mga lugar na maaari silang magpa-vaccine. Matutulungan nito ang mga mamamayan na hindi maaaring magtagal na nasa labas ng bahay pati na rin ang mga ibang mga mamamayan na walang pera para mamasahe para magpa-vaccine.

Kung pag uusapan naman natin ang pagluwas, nito lamang taon ng magdesisyon at magpatupad ng gobyerno ng jeepney faceout, mula rito maraming mga Pilipino ang naapektuhan at nagkaroon ng negatibong opinyon, kaya naman nakaisip ng paraan para makatulong si Robredo na mas mapadali ang pag babyahe ng mga mamamayan.

Ito ay ang shuttle service at ang ferry service. Hindi lamang ito makakatulong sa mga mamamayan na bumiyahe dahil makakasig**o din sila na sila’y ligtas dahil sumusunod ang mga nasabing service sa social distancing protocols.

Para naman sa mga frontliners, nag handog si Leni Robredo ng walong dormitoryo na makakasig**o kayong ligtas.

Matapos ang pagbibigay tulong ni Robredo sa ating kababayan sa pamamagitan ng transportasyon at mga dormitoryo, tumulong naman siya sa mga mamamayan na nagugutom at naghihirap lalo na sa pandemya ngayon. Mula sa mga mamamayan hanggang sa mga guwardiya at staffs, hindi nagdadamot at hindi natatakot si Robredo na magbigay at tumulong sa kanyang kapwa lalo na kung sila'y nagugutom dahil sa kahirapan at pandemya.

Nang magsimula ang pagkalat ng sakit, kinakailangan ng lahat na magsagawa ng mga pagbabago. Ang mga pagbabago na ito ay ...
10/06/2021

Nang magsimula ang pagkalat ng sakit, kinakailangan ng lahat na magsagawa ng mga pagbabago. Ang mga pagbabago na ito ay maaaring mga nakasanayan nating sa pang araw-araw na pamumuhay, maaaring pagbabago sa pagiging mahigpit ng gobyerno at mga patakarang ipinatupad dahil mas kinakailangan maging maingat tayo sa ating kalusugan. Maging ang mga estudyante at mga g**o ay apektado mula sa pagbabagong naganap.

Naglunsad ng programa si Leni Robredo na makakatulong sa mga mag-aaral at mga g**o na makapag aral ng maayos ng hindi nangangamba sa kanilang kaligtasan, ito ang Bayanihan E-Skwela. Madaming mga g**o ang makakahinga na ng maluwag dahil kahit papaano ay nasolusyunan ang kanilang problema sa mga kinakailangan nila sa “new normal” na ito. Kabilang sa programa na ito ang pagdodonate ng OVP ng T.V, printer, projector, speaker at ilan pang mga equipments na maaari nilang kailanganin para sa kanilang pagtuturo.

Hindi lamang mga g**o ang makikinabang sa programang inilunsad ni Robredo dahil patin na rin ang mga nais na makapag-aral para magtrabaho bilang mga tutors. Nagpatayo siya ng mga pasilidad na maaaring magamit ng mga volunteer tutors para sa kanilang pag-aaral.

10/06/2021

Makiisa at sumama sa Voters Registration Campaign ng piling mag-aaral ng Grade 10.

Handog ng 10 Justice ang programa ukol sa Voter's registration

HI EVERYONE!!!COME AND SUPPORT US FOR OUR WEBINAR "VOTERS EDUCATION & REGISTRATION" SHOW SOME LOVE AND SUPPORT BY ATTEND...
10/06/2021

HI EVERYONE!!!

COME AND SUPPORT US FOR OUR WEBINAR "VOTERS EDUCATION & REGISTRATION" SHOW SOME LOVE AND SUPPORT BY ATTENDING AND WATCHING OUR WEBINAR ON JUNE 10 - 11, 2021

BECAUSE IF WE ARE EDUCATED AND AWARE OF WHAT IS HAPPENING IN OUR COUNTRY WE COULD HAVE A GOOD GOVERNMENT AND NO PROBLEM WILL HAPPEN, AND ALWAYS REMEMBER VOTE WISELY AND SUPPORT OUR WEBINAR.

VOTERS EDUCATION TICKET FOR THE BETTER FUTURE.

Mga Pilipinong likas na masipag gumawa ng trabaho, buong pusong susuportahan at tutulungan ni Robredo; sasamahan sa pagh...
09/06/2021

Mga Pilipinong likas na masipag gumawa ng trabaho, buong pusong susuportahan at tutulungan ni Robredo; sasamahan sa pagharap ng problema, hanggang ang buhay nating lahat ay maging payapa.

Nang mula ng magsagawa ng Enhanced Community Quarantine noong Marso 13, 2020, marami sa mga manggagawa ang naapektuhan nito, mula sa mga mamamayan na nagtatrabaho sa malalaking kompanya hanggang sa mga mamamayan na kabilang sa mga blue collar workers. Madami ring mga mamamayan ang natanggal sa trabaho, kaya naman nakaisip ng solusyon si Robredo para maagapan ang mas lalong pagdami ng mga unemployed sa bansa. Ito ang programa niyang Bayanihanapbuhay at TrabaHOPE. Sa tulong ng programang ito mas mapapadali ang mga mamamayan na maghanap ng mga trabahong maaari nilang pasukan. Sa ganitong paraan liliit na din ang tyansa na mapunta ang mga mamamayan sa mga trabahong hindi naman talaga para sa kanila o ang job mismatch sa salitang ingles. Mula sa programang TrabaHOPE, hindi lamang magkakaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayan kundi masisig**o pa rito na sila ay talagang qualified at may matututunan dahil mayroon itong training.

Address

Ramon Magsaysay High School
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMHS Brigada Eskwela 2022 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RMHS Brigada Eskwela 2022:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Media in Manila

Show All