Hataw D’yaryo ng Bayan

Hataw D’yaryo ng Bayan HATAW! D'yaryo ng Bayan — JSY Publishing (hatawtabloid.com) brings you the latest news from around Hataw! D’yaryo ng Bayan. The news content of Hataw!

D’yaryo ng Bayan started in 2004 as a weekly newspaper in tabloid size under the name of “Bulakan Star”. In 2005, it started its daily general nationwide circulation and changed the name to Hataw! The tabloid runs through various departments of JSY Publishing: the Editorial, the Advertising, and the Production and Circulation. The Editorial Department comprises of the editors, layout artists, repo

rters and photographers. is their main responsibility. The Advertising Department takes care of the print advertisements being published in the tabloid. These print ads came from commercial and legal notices. The Production and Circulation takes care of the copies printed and distribution all over the Philippines. D’yaryo ng Bayan is currently printing and publishing on a daily basis # # #, # # # copies. D’yaryo ng Bayan is also available online via https://hatawtabloid.com/
• Circulation: XX, # # # copies per day
• Readership: Almost XX, # # # readers per day.
• Language: Filipino
• Places of Circulation: Luzon, Visayas, Mindanao

𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐆 sa pagod ang isang mangangalakal sa kanyang maikling kariton sa kahabaan ng P. Tuazon Avenue sa Cubao, Quezon ...
16/01/2025

𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐆 sa pagod ang isang mangangalakal sa kanyang maikling kariton sa kahabaan ng P. Tuazon Avenue sa Cubao, Quezon City. (𝙈𝘼𝙉𝙉𝙔 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙀𝙇𝙊)

𝐓𝐈𝐍𝐈𝐘𝐀𝐊 nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at NAPOLCOM vice chairman a...
16/01/2025

𝐓𝐈𝐍𝐈𝐘𝐀𝐊 nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at NAPOLCOM vice chairman at executive officer Atty. Ricardo Bernabe III ang papel ng mga ahensiyang kanilang pinamumunuan at ang pangangasiwa para sa paghahanda ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang tapat, maayos, at mapayapang halalan, kasabay ng pagsisikap nitong sugpuin ang mga ilegal na operasyon ng POGO sa buong bansa, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Ang media forum ay pinadadaloy ng batikang host/moderator at editor na si Marichu Villanueva. (𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙎𝙊𝙉)

𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐏𝐎𝐍 ang mga kinatawan mula sa EcoWaste Coalition at iba’t ibang sektor sa Quezon City upang ibahagi ang resulta ng ...
16/01/2025

𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐏𝐎𝐍 ang mga kinatawan mula sa EcoWaste Coalition at iba’t ibang sektor sa Quezon City upang ibahagi ang resulta ng 2024 Marine Litter Monitoring Survey Report na nagpapakita ng malaking pagbaba ng basura mula sa baybayin ng Manila Bay at nanawagan ng mas mahigpit na mga hakbangin sa pamamahala ng basura at pagbabawas ng polusyon dulot ng plastic. (𝘼𝙇𝙀𝙓 𝙈𝙀𝙉𝘿𝙊𝙕𝘼)

𝘚𝘢 𝘚𝘵𝘢. 𝘔𝘦𝘴𝘢, 𝘔𝘢𝘺𝘯𝘪𝘭𝘢𝐄𝐃𝐀𝐃 𝟓, 𝟏𝟏, 𝐀𝐓 𝟏𝟔 𝐀𝐍𝐘𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐏𝐎𝐊 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘https://hatawtabloid.com/202...
16/01/2025

𝘚𝘢 𝘚𝘵𝘢. 𝘔𝘦𝘴𝘢, 𝘔𝘢𝘺𝘯𝘪𝘭𝘢
𝐄𝐃𝐀𝐃 𝟓, 𝟏𝟏, 𝐀𝐓 𝟏𝟔 𝐀𝐍𝐘𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐏𝐎𝐊 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘
https://hatawtabloid.com/2025/01/16/sa-sta-mesa-maynila-edad-5-11-at-16-anyos-magkakapatid-na-babae-patay-sa-natupok-na-bahay/

𝙃𝘼𝙏𝘼𝙒 𝙉𝙚𝙬𝙨 𝙏𝙚𝙖𝙢

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at 16 anyos
nang tupukin ng apoy ang isang 2-palapag na residential building sa Sta. Mesa, lungsod ng Maynila nitong Martes ng hapon, 14 Enero.

Umabot sa unang alarma ang sunog sa Guadalcanal St., Brgy. 597, na nirespondehan ng siyam na truck ng bombero.

Tuluyang naapula ang apoy dakong 5:58 ng hapon.

Ayon kay Chairman Francisco Blanco ng nabanggit na barangay, malakas ang usok ngunit walang apoy nang madatnan nila ang insidente.

Aniya, kinailangang umakyat sa bubong ng katabing bahay ang mga tanod at mga residente upang subukang apulahin ang apoy bago dumating ang mga bombero.

Ayon sa Manila Fire District, walang bintana ang bahay, na aabot sa P30,000 ang halaga ng pinsala.

Anila, nahirapan silang pumasok sa compound dahil sa kitid ng daanan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog, ngunit ayon kay Blanco, walang koryente ang tirahan ng mga biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag ang nanay ng tatlong batang babaeng na sinabing naghahanapbuhay bilang vendor.

𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐍𝐈𝐋𝐀𝐆𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐏𝐇 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐆𝐀𝐒 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐃𝐄𝐕’𝐓 𝐀𝐂𝐓https://hatawtabloid.com/2025/01/16/pbbm-nilagdaan-ph-natural-gas-indust...
16/01/2025

𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐍𝐈𝐋𝐀𝐆𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐏𝐇 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐆𝐀𝐒 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐃𝐄𝐕’𝐓 𝐀𝐂𝐓
https://hatawtabloid.com/2025/01/16/pbbm-nilagdaan-ph-natural-gas-industry-devt-act/

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na naglalayong magpatupad ng pagbabago sa Philippine natural gas industry.

Sa pagtutulungan ng mga mambabatas maipatutupad na ang komprehensibong exploration, development, at paggamit ng natural gas resources sa ating bansa.

Ang naturang bagong batas ay nilagdaan ng Pangulo noong nakaraang Miyerkoles, 8 Enero 2025, ngunit nailathala sa Official Gazette kamakalawa, 14 Enero 2025 na nagnanais palawakin ang ating energy security, manghikayat ng mga mamumuhunan, at tiyakin ang environmental sustainability sa papamagitan ng streamlining regulatory processes, at pagbibigay ng incentives para sa mga stakeholders sa ilalim ng natural gas sector.

Kaugnay nito, ikinatuwa ni Senadora Pia Cayetano ang hakbangin ng Pangulo. Ang batas na ito, na isinulong ni Cayetano bilang Chairperson ng Senate Energy Committee, ay naglalayong palakasin ang seguridad sa enerhiya para sa mga susunod na henerasyon, sa pamamagitan ng paghikayat ng mga investor na tuklasin ang indigenous natural gas resources sa bansa.

Habang itinuturing ang natural gas bilang transition fuel patungo sa renewable energy, tinutugunan nito ang matagal nang isyu ng kakulangan sa enerhiya ng bansa.

May mga probisyon din ang batas para sa transparency at patas na presyo para sa mga konsumer, upang magkaroon ng balanse sa pagitan ng energy security at consumer welfare.

Ayon kay Cayetano, mas matatag at mas mura ang presyo ng lokal na natural gas kompara sa mga imported na sources, isang patunay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng maaasahang lokal na suplay.

Aniya, hindi na gaanong maaapektohan ang bansa sa mga pandaigdigang krisis at mas matutugunan ang pangangailangan sa enerhiya sa hinaharap.

“With more than half of our energy requirements being imported, we are clearly vulnerable to geopolitical conflicts,” ayon sa Senadora.

Binigyang-diin niya ang pabago-bagong pagtaas ng presyo ng imported natural gas sa nakalipas na 14 taon, lalo noong sumiklab ang digmaan sa Ukraine.

“Also based on the Energy Department’s 2022 Primary Energy Mix, 63.2 percent of our energy comes from oil and coal. As the country moves towards renewable energy sources, we need to find additional baseload resources, aside from oil and coal, which are less harmful to the environment,” ani Cayetano.

“That is the question we all must face right now: how important is energy security to us,” dagdag niya, habang binabanggit ang pagbaba ng mga natural gas explorations sa bansa --- mula 150 noong 1970s hanggang sa simula ng 2019.

Samantala, ang mga karatig-bansa tulad ng Indonesia ay patuloy na nakatutuklas ng sarili nilang natural gas. “Malampaya was supposed to be the first of many producing gas fields in the Philippines, but it turned out to be the only one. The country needs more Malampayas: we barely have one left,” diin ng Senadora.

Bilang dating Chairperson ng Senate Committee on Sustainable Development Goals (SDGs), Innovation, and Futures Thinking, binigyang-diin ni Cayetano ang papel ng bagong batas upang maabot ang mga layunin natin sa ilalim ng SDGs, tulad ng malinis na enerhiya, mabuting kalusugan, dekalidad na edukasyon, pagkakapantay-pantay, at mga sustainable na komunidad.

Nagpasalamat din si Cayetano sa Pangulo sa pagpirma ng batas: “This is a significant step toward energy security. By enacting the Natural Gas Industry Development Act, we move closer to our vision of a more energy-secure Philippines that harnesses its own natural resources for the benefit of the Filipino people.”

“With this law, we empower families, we empower the Filipino people,” pagtatapos ni Cayetano. (𝙉𝙄Ñ𝙊 𝘼𝘾𝙇𝘼𝙉)

𝘕𝘰𝘯-𝘱𝘳𝘰 𝘳𝘪𝘥𝘦𝘳𝘴 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝐓𝐔𝐋𝐅𝐎 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆𝐎 𝐂𝐄𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒https://hatawtabloid.com/2025/01/15/non-pro-riders-pinabayaan-tul...
15/01/2025

𝘕𝘰𝘯-𝘱𝘳𝘰 𝘳𝘪𝘥𝘦𝘳𝘴 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯
𝐓𝐔𝐋𝐅𝐎 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆𝐎 𝐂𝐄𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/non-pro-riders-pinabayaan-tulfo-kinastigo-ceo-ng-angkas/

KINASTIGO ni Senate committee on public services chairman Raffy Tulfo si Angkas CEO George Royeca sa aniya’y unjust dismissal ng mga non-professional riders mula sa kanilang platform.

Hindi nagustohan ng senador ang biglaang pagsibak sa 100 non-professional riders ng Angkas sa pagtatapos ng Disyembre 2024 sa kabila ng pangakong tutulungan silang maisaayos ang professional rider status nila.

Sinita ni Tulfo ang Angkas dahil hindi tinulungan ang mga non-professional riders hanggang masibak dahil hindi naging professional ang kanilang lisensiyang non-pro.

Binigyang-diin ng senador na simula pa noong Marso ng nakaraang taon na nakatanggap ng show cause order ang Angkas ay hindi ginawan ng paraan ang kanilang mga rider hanggang tuluyang tanggalin sa platform noong Disyembre.

Ipinaliwanag ni Royeca na pinayagan nilang bumiyahe ang kanilang non-professional drivers para sa kanilang deliveries at sumailalim sa dalawang buwang training at assessment para mai-convert sila bilang professional license holders.

Ngunit nitong Disyembre ay nakatanggap sila ng mga report na nagsasakay ng mga pasahero ang mga rider na paglabag sa Republic Act 4136 na dapat professional driver’s license ang hawak ng mga rider.

Inamin ni Royeca na nagkaroon ng clerical mistake sa kanilang platform dahil bago ang programa kaya’t nakipag-partner na sila sa LTO para mai-convert ang kanilang mga rider bilang professional license holders. (𝙉𝙄Ñ𝙊 𝘼𝘾𝙇𝘼𝙉)

KINASTIGO ni Senate committee on public services chairman Raffy Tulfo si Angkas CEO George Royeca sa aniya’y unjust dismissal ng mga non-professional riders mula sa kanilang platform. Hindi nagustohan ng senador ang biglaang pagsibak sa 100 non-professional riders ng Angkas sa pagtatapos ng Disyem...

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐧𝐢 𝐃𝐢𝐚𝐧𝐞 𝐝𝐞 𝐌𝐞𝐬𝐚 𝐧𝐚 '𝐃𝐢 𝐏𝐚 𝐇𝐮𝐥𝐢,' 𝐨𝐮𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐉𝐚𝐧 𝟐𝟑 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐟𝐨𝐫𝐦𝐬https://hatawtabloid.com/2...
15/01/2025

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐧𝐢 𝐃𝐢𝐚𝐧𝐞 𝐝𝐞 𝐌𝐞𝐬𝐚 𝐧𝐚 '𝐃𝐢 𝐏𝐚 𝐇𝐮𝐥𝐢,' 𝐨𝐮𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐉𝐚𝐧 𝟐𝟑 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐟𝐨𝐫𝐦𝐬
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/bagong-single-ni-diane-de-mesa-na-di-pa-huli-out-na-sa-jan-23-sa-lahat-ng-digital-platforms/

𝘼𝙇𝘼𝙈 𝙈𝙊 𝙉𝘼!
𝙣𝙞 𝙉𝙤𝙣𝙞𝙚 𝙉𝙞𝙘𝙖𝙨𝙞𝙤

MAY bagong single ang US based Pinay nurse at singer na si Diane de Mesa. Pinamagatang 'Di Pa Huli' at kabilang ito sa second single ng kanyang sixth studio released album.
Paano niya ito ide-describe? Love song ba ito?
Esplika niya, "Ang Di Pa Huli ang second release single ko from my sixth studio album, “Begin Again”.
"Ang kantang ito ay para sa mga umaasa na puwede pa sana silang mapansin! Tungkol sa may mga “crush” pero mayroon nang iba iyong gusto nila, kaya sana ay “di pa huli” at may pag-asa pa rin sana!"
Dagdag pa ni Ms, Diane, "Love song din ito kahit tungkol sa isang lihim na umiibig, na sana ay magkaroon pa ng pag-asa. Pero hindi naman siya hugot na ballad, actually may tunog na 80’s siya at I like this one, kasi medyo upbeat at catchy ang melody."
Nalaman din namin na lahat pala ng songs niya ay siya mismo ang nag-compose. "Yes, lahat po ng songs ko ay ako ang nagsulat o nag-compose.
Sa awiting ito, ako ang nag-compose at si Oliver Coderes ang nag-areglo. Si Obet Rivera naman ang naglagay ng special guitar lead solo."
Saan siya kumukuha ng ideas sa pagsusulat ng songs?
"Maliban sa sarili kong experience, I also get my inspiration sa ibang mga kanta, teleseryes, at mga pelikula.
"Marami rin ay sa imagination ko na lang, na paano kunwari kung ganito ang nararanasan ko at inilalagay ko na lang ang aking sarili sa sitwasyong iyon."
May plano ba siyang mag-show dito sa 'Pinas? "Sa ngayon ay wala pa kuya Nonie, pero I hope next year ay maulit muli na ako ay mag-concert sa Filipinas kung iloloob ni Lord.
"Mahirap din kasing mag-plano, lalo pa’t nasa US ako at kailangan ng matagalang plano ito ulit," tugon niya.
Kung sakali, sino ang wish niyang maging guest and why, at saan ang venue?
"Kung sakaling papalarin at magka-concert muli, nais kong sa mas intimate setting ang venue. Sana sa 19 East or other bars. Nais kong i-feature ang mga indie artists na kasama ko sa industriya."
Paano niya ide-describe ang kanyang sixth album?
"My 6th album, Begin Again ay puro mga sad love songs, hugot and break up songs, mostly. Mayroon ding inspiration to move-on and stand up for yourself again after a breakup."
Noong nag-start siya as a singer/recording artist, pumasok ba sa isip niya na makakagawa siya ng anim na albums and more to come?
"Actually, hindi ko naman siya naisip na makakarating ako sa 6th album. Pero as years go by, parami nang parami ang naisusulat kong mga kanta at kahit siguro 10 albums ay makakaya kong gumawa ngayon. Kaya lang, di ko naman yun pwedeng i-release nang sabay-sabay!" Nakangiting wika pa niya.
Paano niya ide-describe ang takbo ng kanyang singing career?
Lahad ni Ms. Diane, "Masaya naman ako dahil marami rin akong streams sa Spotify, pero sana ay mas ma-discover pa ang aking mga awitin. Actually, perfect kasi ang mga kanta ko lalo na as teleserye or movie theme songs. Iyon talaga ang dream ko!"
May MTV ba ang kanyang latest single?
"Ang official music video po of Di Pa Huli will be released on January 23, 2025 at 12:00 p.m. Philippine time. Grand launch nito ay during DDM Studio Live "Notes From The Heart" na may Facebook Live broadcast ako bilang VJ Diane.
"Kaya po you can listen and download 'Di Pa Huli and all of my other songs on Spotify and all other digital platforms. Thank you!" Masayang sambit pa ni Ms. Diane.

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY bagong single ang US based Pinay nurse at singer na si Diane de Mesa. Pinamagatang 'Di Pa Huli' at kabilang ito sa second single ng kanyang sixth studio released album. Paano niya ito ide-describe? Love song ba ito? Esplika niya, "Ang Di Pa Huli ang second relea...

𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚𝐬’ 𝐜𝐨𝐧𝐜𝐞𝐫𝐭 𝐬𝐨𝐥𝐝 𝐨𝐮𝐭, 𝐧𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢https://hatawtabloid.com/2025/01/15/sessionistas-concert-sold-out...
15/01/2025

𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚𝐬’ 𝐜𝐨𝐧𝐜𝐞𝐫𝐭 𝐬𝐨𝐥𝐝 𝐨𝐮𝐭, 𝐧𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/sessionistas-concert-sold-out-nagdagdag-ng-isang-gabi/

𝙎𝙃𝙊𝙒𝘽𝙄𝙕 𝙆𝙊𝙉𝙀𝙆
𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙘𝙧𝙞𝙨 𝙑𝙖𝙡𝙙𝙚𝙯 𝙉𝙞𝙘𝙖𝙨𝙞𝙤

MABILIS na nag-sold out ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert sa February 8 kaya naman ang planong isang gabing pagbibigay ng magagandang musika ay nadagdagan.

Patunay na marami ang naka-miss sa Sessionistas na unang nabuo sa ASAP ng ABS-CBN 2. Hindi langgrupo ng magagaling na singer ang nabuo kundi isang pamilya at magkakaibigan. Sila ay sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, at Juris.

At dahil nga sa overwhelming demand,nagdagdag ang Sessionistas ng isa pang araw ng kanilang konsiyerto. Itoa y magaganap sa April 4, 2025 sa The Theatre at Solaire.

Kaya naman humanda sa isa pang gabi na puno ng music, nostalgia, at heartfelt performances mula sa grupo na nabuo dahil sa kanilang pagmamahal sa musika at pagkakaibigan na minahal at kinagiliwan din ng kanilang fans.

Kaya mauna na sa pagkuha ng tickets sa TicketWorld, para ma-secure ang inyong upuan at para sa kanilang exclusive pre-sale with Fire and Ice LIVE!
Tumawag o mag-text sa 0927-700-3262 o mag-email sa [email protected].

Ito na ang inyong pagkakataon na ma-experience ang Sessionistas ng live sa ikalawang gabing hindi malilimutan dahil sa kanilang iconic hits, intimate stories, at surprise performances.

Totoo ang tinuran ng grupo nang makausap namin ang mga ito, ang kanilang konsiyerto ay hindi lamang mapupuno ng musika, kundi selebrasyon din iyon ng pagkakaibigan.

“More than the singing, it's the friendship na nabuo namin on and off stage,” ani Ice.

“We always inspire each other. There's this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something else,” turan naman ni Nyoy.

Hindi naman mapapalitan ng anumang tagumpay ang kanilang pagsasama-sama, ani Juris, “Early 2009 na nagsimula yung Sessionistas. What I like about being part of the group is that on and off stage we are having fun. We support each other, yun yung gusto ko.”

Ano-ano nga ba ang dapat abangan sa konsiyerto ng Sessionistas? Nariyan ang Dear Sessionistas--Dito’y may pagkakataon ang fans na makapagtanong sa grupo ukol sa kanilang love and life na sasagutin naman ng Sessionistas sa pamamagitan ng stories and performances; Sessionistas Now – Iparirinig ng bawat miyembro ang kanilang unreleased songs na nagre-reflect sa kanilang personal at artistic journeys; Sessionistas at Home –May pagkakataon ang fans na magkaroon ng intimate look sa buhay-buhay ng grupo.

“Alam namin kung kailangan mo ng advice or comfort, or maramdaman lang na andiyan kami para sa ’yo. These are friendships that I formed na lifelong na,” pagbabahagi ni Princess.

Sinabi naman ni Duncan na, “’Yung wit at saka ‘yung humor sa relationship namin is sobrang present. We really come from different genres—so different personalities, different characters as one.”

“Para kaming iba't ibang mutants na pinagsama-sama. Very humbling ‘yung experience sa Sessionistas kasi alam ko kapag sumasalang ako kasama ko sila, hindi siya tungkol sa akin eh. It's about the music, it's about the message,” dagdag naman ni Kean.

Kaya sa February 8 at April 4, 2025 humanda na sa gabi ng pagmamahal, musika, at pasasalamat handog ng Sessionistas.

Ang Love, Sessionistas ay handog ng Fire and Ice Entertainment at produced ng Fire and Ice LIVE, sa pakikipagtulungan ng Profero Aesthetics, The Platinum Karaoke and Katinko, HG Studio, Magic 89.9, True FM 105.9, Philippine Concerts, at WhenInManila.com. Nagpapasalamat din sila sa ABS-CBN’s ASAP sa patuloy nilang suporta sa Sessionistas.

𝐕𝐢𝐜 𝐒𝐨𝐭𝐭𝐨 𝐚𝐩𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐧𝐭𝐫𝐢𝐠𝐚; 𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛-𝐩𝐮𝐰𝐞𝐫𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲https://hatawtabloid.com/2025/01/1...
15/01/2025

𝐕𝐢𝐜 𝐒𝐨𝐭𝐭𝐨 𝐚𝐩𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐧𝐭𝐫𝐢𝐠𝐚; 𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛-𝐩𝐮𝐰𝐞𝐫𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/vic-sotto-apektado-ng-mga-intriga-sanib-puwersa-sa-sante-para-sa-malusog-na-pamumuhay/

𝙎𝙃𝙊𝙒𝘽𝙄𝙕 𝙆𝙊𝙉𝙀𝙆
𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙘𝙧𝙞𝙨 𝙑𝙖𝙡𝙙𝙚𝙯 𝙉𝙞𝙘𝙖𝙨𝙞𝙤

THANKFUL si Bossing Vic Sotto na marami ang nagtitiwala sa kanya hanggang ngayon para maging endorser ng kanilang produkto. Isa na riyan ang Sante Barley, ang nangungunang global provider ng organic health at wellness products.

“Of course I’m very thankful na my family supporting me, my friends, friends in the business, friends in the showbiz, tuloy-tuloy ang pagsuporta sa akin. And like sir Joey (Romero, Sante CEO) here trusting me, endorsing ng isang magaling na produkto. I’m very thankful and maraming-maraming salamat sa kanila, sa inyo at sa lahat ng tao, maraming salamat,” panimula ng magaling na komedyante/host.

At dahil iniintriga ngayon si Bossing Vic, natanong ito kung naaapektuhan ba kapag may mga naninira o binabahiran ng masama ang magandang imahe niya?

Hindi naman itinanggi ni Bossing Vic na hindi siya naaapektuhan. Aniya, “Hindi naman pwedeng hindi maapektuhan pero kumbaga sabi ko nga, ipagpasa-Diyos mo na ang lahat, wala na iyon.”

Natanong din si Vic kung totoong last movie na niya ang The Kingdom na entry niya at isa sa tinangkilik ng manonood.

“Matagal akong nagpahinga kasi nga hindi na naman ako bumabata na. Talagang nakaka-drain ng energy, emotionally, physically at ang paggawa naman ng pelikula hindi iyong pwede na iyan.Gusto naman natin na itaas ang kalidad ng paggawa ng pelikulang Filipino. Gusto naman natin na maging professional about it. Hindi siya biro. Pero after watching the finish product ng ‘The Kingdom’ I’m so proud of it, and I’m very happy na maging parte ng pelikula.

“Hopefully makagawa pa and we’ll see kapag may magandang materyales,” wika pa ni Vic na palabas pa sa mga sinehan ang kanyang The Kingdom.

Samantala, si Bossing Vic ang pinakabagong brand ambassador Santé Barley. Permanenteng fixture si Vic sa Philippine showbiz mula noong 1970s. Kilala si Bossing sa kanyang commitment sa malusog na pamumuhay, sa koneksiyon sa fans, at siyempre angdynamic onscreen presence, kaya naman siya ang perfect na kumatawan sa brand na nag-promote magandang kalidad ng pamumuhay.

Bilang orihinal na host ng long-running noontime show na Eat Bulaga! kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, ilang dekada nang household name si Vic. Ilan lamang sa kanyang body of work ang Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010), Enteng ng Ina Mo (2011), at Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako (2012).

Kamakailan, ginawa ni Vic ang kanyang unang dramatic role sa 2024 film na The Kingdom, isang proyekto ukol sa kung ano ang magiging kasaysayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng ibang bansa, at minarkahan nito ang unang pagkakataon na hindi siya nag-comedy.

Binuo naman ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand. Sa misyon nito na tulungan ang mga tao sa buong mundo na mamuhay ng mas matiwasay at mas malusog, nagbibigay ang Santé ng natural health solutions na pinagsasama ang science at nature. Ang flagship product nito na Santé Barley ay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto.

Ang iba pang brand offerings ay ang Santé Pure Barley Powder, Santé Barley Pure Capsules, Santé Fusion Coffee, at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t ibang mga lifestyle.

Kinakatawan ni Vic ang qualities na mahalaga sa Santé Barley: authenticity, vitality, at proactive approach to health.

Excited si Bossing sa partnership na ito. “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mamuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”

Kialala ang Santé Barley sa mayaman nitong nutrient profile, na puno ng essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants. Ang regular na pag-inom ng barley grass ay napatunayang importante sa pagganda ng digestion, pagpapalakas ng immunity, at sa pag-boost ng overall vitality. Sa pakikipag-partner nito kay Vic, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga Pinoy na unahin ang kanilang well-being at i-explore ang mga benepisyo sa pag-incorporate ng barley grass sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Mula sa kilalang pamilya ng mga Sotto, na kinabibilanan din ng kanyang mga sikat na kapatid gaya nina Tito at Val Sotto, malawak ang legacy ni Vic. Ama siya sa kanyang anim na mga anak kasama rito ang aktor na si Oyo Boy Sotto at ang public servant na si Vico Sotto, na alkalde ngayon ng Pasig City.

Sa TV man na host siya ng Eat Bulaga! o sa piling nga kanyang pamilya, kinakatawan ni Vic ang enerhiya na ipino-promote ng Santé Barley.

Matutungyahan sa partnership na ito si Vic sa mga serye ng campaigns, kasama ang digital commercials and content, at live events para maturuan ang mga Filipino tungkol sa kahalagahan ng organic health products.

“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for Santé,” anang Santé’s CEO Joey Marcelo. “Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio THANKFUL si Bossing Vic Sotto na marami ang nagtitiwala sa kanya hanggang ngayon para maging endorser ng kanilang produkto. Isa na riyan ang Sante Barley, ang nangungunang global provider ng organic health at wellness products. “Of course I’m very than...

𝐉𝐮𝐥𝐢𝐞𝐕𝐞𝐫 𝐢𝐥𝐞-𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥 𝐮𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐥𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧https://hatawtabloid.com/2025/01/15/juliever-ile-level-up-ang-relasyon/𝙈𝘼 𝙖𝙩 𝙋𝘼𝙣𝙞 𝙍𝙤𝙢𝙢...
15/01/2025

𝐉𝐮𝐥𝐢𝐞𝐕𝐞𝐫 𝐢𝐥𝐞-𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥 𝐮𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐥𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/juliever-ile-level-up-ang-relasyon/

𝙈𝘼 𝙖𝙩 𝙋𝘼
𝙣𝙞 𝙍𝙤𝙢𝙢𝙚𝙡 𝙋𝙡𝙖𝙘𝙚𝙣𝙩𝙚

SIGURADO na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na ang isa't isa na ang gusto nilang makatuluyan at makasama sa iisang bubong.

Sa kanilang show na All Out Sundays noong Sunday, sa harap ng kanilang televiewers at live audience, nagbitaw ng pangako sa isa’t isa ang JulieVer, na any moment ay magle-level up na rin ang kanilang pagmamahalan, at umaasang sa kasalan na talaga mauuwi ang relasyon.

Tinanong ni Boy Abunda ang dalawa nang mag-guest ito sa AOS noong nakaraang Linggo ng, ‘kung malapit na ba silang ikasal?’

Sagot ni Rayver, “Tito Boy, ito na seryoso, ang plano ko po talaga ngayong 2025 ay mas maipakita ko pa kay Julie at sa parents niya na ako na talaga ang karapat-dapat niyang mapangasawa sa future.”

Tilian at palakpakan ang mga kasamahan nina Rayver at Julie sa Sunday musical-variety show ng GMA na talagang ikinakilig din ng audience.

Sabi naman ni Julie, “Mahal ko talaga si Ray. Wala naman na akong hinahanap na iba eh, so papunta na tayo roon.”

O ‘di ba, sana nga ay sina Rayver at Julie na ang magkatuluyan.

MA at PAni Rommel Placente SIGURADO na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na ang isa't isa na ang gusto nilang makatuluyan at makasama sa iisang bubong. Sa kanilang show na All Out Sundays noong Sunday, sa harap ng kanilang televiewers  at live audience, nagbitaw ng pangako sa isa’t ...

𝐀𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚𝐬 𝐢𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐚𝐤 — 𝐀𝐥𝐰𝐚𝐲𝐬 𝐛𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐤𝐢𝐧𝐝𝐞𝐬𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧https://hatawtabloid.com/2025/01/15/aga-madalas-ipaalala-...
15/01/2025

𝐀𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚𝐬 𝐢𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐚𝐤 — 𝐀𝐥𝐰𝐚𝐲𝐬 𝐛𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐤𝐢𝐧𝐝𝐞𝐬𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/aga-madalas-ipaalala-sa-mga-anak-always-be-the-kindest-person/

𝙈𝘼 𝙖𝙩 𝙋𝘼
𝙣𝙞 𝙍𝙤𝙢𝙢𝙚𝙡 𝙋𝙡𝙖𝙘𝙚𝙣𝙩𝙚

NGAYONG pareho nang nasa mundo ng showbiz ang dalawang anak ni Aga Mulach, ang kambal na sina Andres at Atasha, talagang pinapayuhan niya ang mga ito para magtagal sa piniling career, gaya niya.

“Ang advice ko sa kanila is trabaho. ‘‘Yan, ha kung ano ‘yung nakikita n’yo sa akin na ngayon ito ‘yung end result of hard work, so you have to go through that hard work,’” sabi ni Aga sa panayam ni MJ Felipe para sa TFC show na BRGY.

Pagpapatuloy niya, “When you see all of these parang glamorized life, the good life, lahat ‘yan that’s all because of hard work, tears, lahat ‘yan, so dadaanan niyo ‘yan.”

Ang isa raw sa palagi niyang ipinaaalala kina Atasha at Andres, “Just always be the kindest person you can be, ‘yun lang ang reminder ko sa kanila.

“Sabi ko huwag kayong mayabang, maging totoong tao kayo, maging tapat kayo at magtrabaho kayo, hanapbuhay ‘yan, eh.”

In fairness, mula nang magkapangalan sa showbiz ang kambal ay hindi pa sila nai-isyu na nagka-attitude o yumabang na.

Sinusunod talaga nila ang payo sa kanila ng daddy Aga nila at tiyak maganda ang pagpapalaki sa kanila ni Aga at ng misis nitong si Charlene Gonzales.
Bukod sa magagalang at mababait, marespeto rin ang celebrity twins.

“They grew up that way. Growing up ganyan na ‘yung paghuhulma ko sa kanila na wala kayong karapatan na maging mayabang sa mundong ito.

“Kailangan maging maayos kayo sa tao, maging mabait kayo parati. Ganoon lang, so hanggang sa pag-aartista nila, naiintindihan na nila ‘yun.

“My family is talagang we were quiet, tahimik lang ang buhay namin. We always kept it private as much as we can.

“The kids grew up that way also, kahit nasa limelight sila or kami, we’ve always kept it private,” aniya pa.

MA at PAni Rommel Placente NGAYONG pareho nang nasa mundo ng showbiz ang dalawang anak ni Aga Mulach, ang kambal na sina Andres at Atasha, talagang pinapayuhan niya ang mga ito para magtagal sa piniling career, gaya niya. “Ang advice ko sa kanila is trabaho. ‘‘Yan, ha kung ano ‘yung...

𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐢𝐜 𝐢𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐧𝐝𝐞𝐫𝐚 𝐬𝐢 𝐒𝐮𝐞, 𝐬𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐩𝐫𝐨𝐮𝐝 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐫𝐞𝐬https://hatawtabloid.com/2025/01/15/dominic-ibinabandera-si-sue-super-...
15/01/2025

𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐢𝐜 𝐢𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐧𝐝𝐞𝐫𝐚 𝐬𝐢 𝐒𝐮𝐞, 𝐬𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐩𝐫𝐨𝐮𝐝 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐫𝐞𝐬
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/dominic-ibinabandera-si-sue-super-proud-sa-aktres/

𝙄-𝙁𝙇𝙀𝙓
𝙣𝙞 𝙅𝙪𝙣 𝙉𝙖𝙧𝙙𝙤

WALA nang takot si Dominic Roque na ipagmalaki sa publiko si Sue Ramirez, huh!

Eh happy naman ang dating nila kaya naman walang problema kung sila na ngang dalawa ang maging couple.

Kapwa rin hiwalay ang dalawa sa una nilang partner, kaya kung masaya ang isa’t isa sa kanila eh ipagpatuloy lang nila.

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang takot si Dominic Roque na ipagmalaki sa publiko si Sue Ramirez, huh! Eh happy naman ang dating nila kaya naman walang problema kung sila na ngang dalawa ang maging couple. Kapwa rin hiwalay ang dalawa sa una nilang partner, kaya kung masaya ang isa’t isa sa kanila...

𝐉𝐢𝐥𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐒𝐨𝐟𝐢𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠, 𝐬𝐢𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐟𝐞𝐮𝐝 𝐧𝐚𝐮𝐧𝐠𝐤𝐚𝐭https://hatawtabloid.com/2025/01/15/jillian-at-sofia-muling-p...
15/01/2025

𝐉𝐢𝐥𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐒𝐨𝐟𝐢𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠, 𝐬𝐢𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐟𝐞𝐮𝐝 𝐧𝐚𝐮𝐧𝐠𝐤𝐚𝐭
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/jillian-at-sofia-muling-pinagsasabong-silent-feud-naungkat/

𝙄-𝙁𝙇𝙀𝙓
𝙣𝙞 𝙅𝙪𝙣 𝙉𝙖𝙧𝙙𝙤

NAUUNGKAT muli ang silent feud sa Kapuso artists na sina Jillian Ward at Sofia Pablo.

Tanging silang dalawa lang ang nakaaalam kung ano ang dahilan ng silent war ng dalawa. Wala kasing detalyeng lumalabass tungkol sa feud nila.

Basta ayon kay Sofia sa isang interview, natigil bigla ang pag-uusap nila ni Jillian na hindi rin niya alam ang dahilan. Never din kasi nilang napag-usapan ito.

Ngayon, literally stopped na ang komunikasyon nila. May kanya-kanya na rin silang series na ginagawa ngayon.

Nasa primetime nga lang ang My Ilonggo Girl ni Jillian habang nasa afternoon prime ang Prinsesa ng City Jail ni Sofia, huh!

Of course, mas senior si Jillian kay Sofia at marami ng pruweba bilang rater.

Eh kung pagsamahin kaya sila ng GMA sa isang bardagulan series, makatanggi kaya sina Jillian at Sofia? Nothing is impossible eh nasa isang network lang sila, huh!

I-FLEXni Jun Nardo NAUUNGKAT muli ang silent feud sa Kapuso artists na sina Jillian Ward at Sofia Pablo. Tanging silang dalawa lang ang nakaaalam kung ano ang dahilan ng silent war ng dalawa. Wala kasing detalyeng lumalabass tungkol sa feud nila. Basta ayon kay Sofia sa isang interview, natigil b...

𝐏𝐢𝐨𝐥𝐨 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐥𝐢𝐤𝐮𝐥𝐚, 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐧𝐢𝐦 𝐛𝐫𝐚𝐧𝐝https://hatawtabloid.com/2025/01/15/piolo-gagawa-pa-ng-...
15/01/2025

𝐏𝐢𝐨𝐥𝐨 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐥𝐢𝐤𝐮𝐥𝐚, 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐧𝐢𝐦 𝐛𝐫𝐚𝐧𝐝
https://hatawtabloid.com/2025/01/15/piolo-gagawa-pa-ng-maraming-pelikula-bagong-mukha-ng-denim-brand/

MAKAGAWA ng maraming pelikulang magpapakita pa ng kanyang husay sa pag-arte ang inaasahang gawin ng magaling na aktor na si Piolo Pascual ngayong 2025.

Si Piolo ang bagong mukha ng international denim brand na Lee Jeans Philippines.

Masayang inanunsiyo ng Lee Jeans na may 135 taon na bilang Denim Excellence, ang pagiging endorser ni Piolo na nagtataglay ng timeless appeal at versatility na tulad ng sa Lee's iconic denim. Akmang-akma ang aktor na maging endorser ng Lee dahil na rin sa kanyang dynamic personality at effortless style.

Ani Piolo easy choice ang denim dahil madali itong bagayan. “Honestly, I’m a denim person. So through the changing of the tgimes I also evolve and make sure that I’m up to date with the latest fashion.”

Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang katuwaan nang kunin siya ng Lee para maging endorser nito. “It’s really an honor to represent a brand that’s been around for as long as I can remember. I grew up wearing Lee and it’s a staple in my wardrobe.”

At sa kakisigan ni Piolo, mayroon bang hindi bagay sa kanya?

“I’d like to say I grow and mature with the way I dress up. But I’m also very open when it comes to what’s uso and what can fit me well.

“I dress up the way I do according to the occasion and I make sure to always express myself with the way I carry my clothes.”

Nasabi nga rin ni Piolo na importantesa kanya ang jeans sa kanyang mga kasuotan.

“Jeans are definitely a staple because no matter the seasion you can always wear one.”

Kaya naman sa loob ng 135 taon, isa ang Lee sa mga pinipili at pinagkakatiwalaan dahil sahigh-quality nito. Ang brand na ito ang may magandang tari, craftsmanship, at fashion na nagki-create ng iconic, innovative pieces. Dahil ito ay may sangkap ng enduring love for denim,na siyang nagpapatuloy para makagawa pa ng mga disenyong talaga namang magugustuhan ng madla.

Ang Fall/Winter 2024 Men's Denim Collection ay nagsi-celebrate sa kanilang denim's timeless charm, highlighting key pieces tulad ng premium Lee 101+, iconic denim jacket, at essential wardrobe staples mula sa Lee Originals. Ang collection na ito’y nag-i-invite sa mga mahihilig sa denim na mag- explore pa ng denim's limitless possibilities, seamlessly combining style at comfort sa anumang okasyon.

Sa pagpapakilala kay Piolo bilang endorser ng Lee, marami ang kinilig lalo na nang awitan sila ng aktor. Nagkaroon din ng intimate meet-and-greet session ang aktor sa mga piling fan, at ipinakita ang mga bagong collection ng Lee.

Na-highlight din sa paglulunsad kay Piolo ang "For The Love of Denim" Collection, isang special holiday campaign na nagpapakita ng passion at artistry sa likod ng mga disenyo ng Lee.

Tampok sa mga bagong collection ng Lee ang Signature Collections Featured
- Lee 101+ | Premium Denim: A rebirth of a classic, crafted for exceptional fit, finish, and feel; Lee Originals | Classic Essentials: Timeless staples designed for everyday comfort and iconic style; Jacket Attack: A bold selection of outerwear, including denim jackets, Sherpa jackets, and reversible pieces; Leesures | Workwear: Functional yet stylish pieces perfect for work and play.

Ilan sa paboritong koleksiyon ng Lee ni Piolo ang Ramone Jeans, Reversible Jacket, at Lee's signature Logo Tees.

"Denim is timeless-part of our everyday lives," ani Piolo. "I'm honored to represent a brand that's been an iconic part of global fashion for generations. Lee is all about staying true to who you are, and I couldn't be more excited to be part of this journey." (𝙈𝙑𝙑)

Address

Manila
Sampaloc

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hataw D’yaryo ng Bayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hataw D’yaryo ng Bayan:

Videos

Share

Our Story

Hataw! D’yaryo ng Bayan started in 2004 as a weekly newspaper in tabloid size under the name of “Bulakan Star”. In 2005, it started its daily general nationwide circulation and changed the name to Hataw! D’yaryo ng Bayan. The tabloid runs through various departments of JSY Publishing: the Editorial, the Advertising, and the Production and Circulation. The Editorial Department comprises of the editors, layout artists, reporters and photographers. The news content of Hataw! is their main responsibility. The Advertising Department takes care of the print advertisements being published in the tabloid. These print ads came from commercial and legal notices. The Production and Circulation takes care of the copies printed and distribution all over the Philippines. Hataw! D’yaryo ng Bayan is currently printing and publishing on a daily basis 75,000 copies. Hataw! D’yaryo ng Bayan is also available online via http://www.hatawtabloid.com/. • Circulation: ###,### copies per day • Readership: Almost ###,### readers per day. • Language: Filipino • Places of Circulation: Luzon, Visayas, Mindanao