20/04/2020
WHICH RYX SKINCERITY SET IS FOR YOU?
Strong -Starter Kit
• Anyone can use this set naman. Pero recommended talaga siya for Acne prone skin. Madaming pimples/acne/bumps na gusto ma-renew ang skin! ☺️ Gusto magpeel and gusto ng instant ganda! Parang hindi na natin ‘to kailangan i-elaborate kasi halos lahat familiar naman sa rejuv lalo na sa market dito sa Pinas 🙂
Moderate - Poreless Maintenance Set
• Perfect to sa mga kakatapos lang mag rejuv. Pwede din sa mga ayaw mag rejuv, Bagay din sa mga wala namang pimples pero gustong mamaintan ang skin kasi may anti-acne actives ito.
Sa mga gusto ring pumuti (dahil may whitening actives talaga ito), Perfect din sa may mga pores na gustong lumiit. Hindi nawawala ang pores ha! Baka soon may magreklamo sainyo, bakit hindi natatanggal ang pores. Hahaha! Lumiliit lang siya. Also, ang purpose ni Poreless ay to deep cleanse yung pores, para hindi mag build up yung bacteria.
Baka may micropeeling and sting effect, pero depende pa din sa skin type and skin condition.
MILDEST - Glow Up Set 🙂
Si Glow Up Set talaga nung pina formulate ko ito, Nagstart sa Foam Cleanser & Serum lang. Kasi naniniwala ako na Less is more. Sobrang daming feedback nito na kahit yung dalawa lang na product kaya magpawala ng pimples and acne, Nang walang tiis ganda. Pwede din siyang gamiting maintenance set, Kung gusto mo lang mahydrate or mag glow ang skin mo.
Pero may mga ayaw din mag GLOW UP SET, dahil sa purging stage. Yung purging stage kasi is like a skin detox wherein nilalabas niya talaga lahat ng dumi ng skin natin. Ang target nito ay to clear up your skin. It simply clearing bacteria & paving the way to clear and healthy skin.
Para tayong nag dedetox ng katawan, Diba minsan we choose to eat healthy or magstart ng healthy living, When we cut toxins and processed foods from our diet, Toxins are making their way out bago mareplace ng nutrient-rich food.
Purging is temporary naman, pero once these pimples have cleared up, your skin will look healthier and clearer na.
At the end of the day, Mas alam pa din natin dapat yung skin type and skin condition natin. Para alam natin kung anong set yung bagay sa atin 🙂
Basta ang importante lang ay, PATCH TEST palagi. Kasi kahit naman our products are formulated for all skin types it doesn’t mean na it’s allergy proof. Magkakaiba pa din tayo ng balat, kaya magkakaiba ng epekto!♥️ Kahit anong skincare ang gagamitin mo, Rule talaga ang PATCH TEST.
What we can assure you ay safe and all naturals yung products natin. 🙂 Clinically tested yung ibang ingredients. Plus, FDA notified! FDA compliant 🙂
Wag natin ikumpara yung consistency ng mga products. Kasi mas alam ng manuf/chemist/pharma kung bakit sila ginawang ganyan.
Also, Gusto ko lang ishare na yung scent and colorant are just additives. Kaya pansin niyo ba, sa mga product abroad, Mas okay sakanila walang kulay at walang scent.
Hindi kasi sila nakakaapekto sa effect ng product. Sensitive sila sa init o mataas na temperature. Kaya dapat yung skin care natin naka secure. Mabilis magbago ang color at scent nila dahil food grade po yung ginagamit natin. 😉
Kaya yung nilalagay na fragrance at colorant, Palaging may sukat lang. We are using those ingredients in minimal quantity. Hindi pwedeng sobrang mabango. Dapat mild lang, kasi minsan nagccause pa siya ng irritant. 🙂