22/08/2024
ABOUT NATIONAL SECURITY TOPIC?
Ang pagtago at pagtakas ng mga subject na ito ay senyalis ng kahinaan natin sa pambansang seguridad ng bansa. Paano pa kaya sa panlabas na seguridad ng ating bansa kung saan nangdoon ang ating mga OFW na nagpapaalipin, binugbog, pinatay at walang hustisya. Kaya napaka simpleng bagay ang paghahanap o sadyang ang NBI at PNP natin ay hawak ng mga politiko. Kaya tama ang sabi ng isang abogado nakakalungkot na ang Konstitusyon ng Pilipinas. Bilang isang saligang batas na ating gabay sana sa pagpapatakbo ng bansa, gobyerno ay laruan nalang ng mga politiko at alagad ng batas at hindi na ginalang ng lahat ng sambayanang Pilipino. Lalo sa mga alagad ng batas na may bahid sa pagka lisensyadong kriminal, sindikato at iba pang illegal na gawain. Kaya napapanahon na seguro na baguhin ang political system ng bansa kung ganito ang sistema ng ating gobyerno awayan sa ehekutibo at lehislatibo ay walang katapusan. Paano ba maging tulad tayo sa Japan, Singapore at Germany sa ekonomiya, teknolohiya, agrikultura, agham ng siyensa at militar? Kung ganito ang sistema ng pamamahala ng lahat ng lokal na pamahalaang gobyerno ay may kurapsyon at ang paglabas ng pera mula sa DBM to project para pakinabangan ng lahat ng sambayanang Pilipino ay napunta sa kurapsyon at kawalang saysay ang pagtratrabaho at paghihirap ng sambayanang Pilipino sa kanilang trabahong inaalay ang dugo, luha, pawis at sakripisyo para lang malagyan ang kabang yaman ng bansa para isahod sa lahat ng kinakaukulan para may magamit sila sa pagpapatakbo ng isang mabuti at maayos na gobyerno (Ecclesiastes 3 & Romans 13).
PUBLISHED BY: Arnel Perez
SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/9yUQ8ZdxbJqiDauu/?mibextid=oFDknk