13/05/2024
*DUHAT*
Mga sakit na maaaring magamot ng duhat:
1. Pagtatae o disinterya. Nakagagamot ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng duhat, gayun din ang pagkain ng mismong bunga nito sa kondisyon ng pagtatae. Ihinahalo din ang pinaglagaan ng balat ng kahoy sa sa gatas upang ipanggamot sa pagtatae sa bata. Mahusay din ang katas ng dahon para mapigilan ang kondisyong ito.
2. Pagsusugat ng gilagid o gingivitis. Ipinangmumumog ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng duhay upang maibsan ang pagsusugat ng gilagid.
3. Sugat. Maaaring ipanghugas sa sugat ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng duhat upang mas mabilis na gumaling.
4. Diabetes. Makatutulong din ang pagkain sa hinog na bunga ng duhat upang makontrol ang sakit na diabetes. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy para sa kondisyong ito, pati na rin ang pinulbos na buto ng duhat.
5. Sore throat. Maaaring ipangmumug ang katas ng bunga ng duhat upang bumuti ang pakiramdam ng lalamunan.
Impatso o hindi natunawan. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ay makatutulong para gamutin ang kondisyon ng impatso.
6. Ulcer sa sikmura. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng duhat sa mas mabilis na paggaling ng ulcer sa sikmura.
7. Pamamaga at implamasyon. Maaaring ipanggamot ang katas ng dahon o dinurog na buto ng duhat sa kondisyon ng implamasyon o pamamaga sa katawan.
Source: Google