THE PULSE

THE PULSE The Pulse is spearheaded by 3rd year Journalism Students from City of Malabon University.

27/12/2023

PAKINGGAN | Ang tambalang DJ Roy at Joy kasama ang buong pwersa ng The Pulse News Team sa pinakamalalaking balita sa Lungsod ng Malabon dito sa Sinag Mega Radyo.

Pakinggan at tutukan ang mga pinaka maiinit na balita sa Malabon dito sa Radyo ng THE PULSE, hatid mula sa Bachelor of Arts in Journalism 3A ng City of Malabon University.







TINGNAN | Nag-umpisa ng alas dos y media ng hapon ang kompetisyon sa pakikipag-debate ng College of Arts and Sciences (C...
24/11/2023

TINGNAN | Nag-umpisa ng alas dos y media ng hapon ang kompetisyon sa pakikipag-debate ng College of Arts and Sciences (CAS) na dinaluhan ng mga mag-aaral sa loob ng Audio-Visual Room (AVR) ng City of Malabon University (CMU) bilang bahagi ng mga aktibidad ng CAS Week ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 24.

Ang debate contest ay pinangunahan ng mga estudyante mula sa mga departamento ng Bachelor of Arts in Journalism, Bachelor of Arts in Political Science, at Bachelor of Public Administration. Narito ang ilan sa mga tema na naging sentro ng diskusyon:

• Ang Anti-Terrorism Act of 2020 ay kinakailangan para labanan ang terorismo.
• Exclusive Scholarship para sa "deserving students."
• Ang desisyon ng Pilipinas na sumang-ayon sa tawag para sa cease-fire sa Gaza, may batayan ba?

Para sa iba pang balita, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via Ma. Stephanie Estrella, Danelene Gacis & Shine Hubilla




TINGNAN | Kasalukuyang ginaganap sa Audio Visual Room (AVR) ang Film Showing na isa sa mga unang program para sa unang a...
23/11/2023

TINGNAN | Kasalukuyang ginaganap sa Audio Visual Room (AVR) ang Film Showing na isa sa mga unang program para sa unang araw ng College of Arts and Sciences (CAS) Week.

Ang nasabing programa ay nagsimula kaninang ika-8 ng umaga at inaasahang matatapos mamayang alas-singko ng hapon.

Ngayong Huwebes, nauna nang ipalabas dito ang mga pelikulang “Inside Out” at “3 Idiots”.

Makikita ang mga mag-aaral mula sa CAS kung saan tutok at tila nag-eenjoy sa kanilang pinanonood. Para sa kanila, ang naturang programa ay isang magandang hakbang para mas lalong maging invested ang mga estudyante sa ginaganap ngayong CAS Week.

Para sa iba pang balita bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via James Karl Cacnio & Lyka Eramis




HAPPENING NOW I Kasalukuyang ginaganap ang Bingo Bonanza ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 23, sa City of Malabon Unive...
23/11/2023

HAPPENING NOW I Kasalukuyang ginaganap ang Bingo Bonanza ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 23, sa City of Malabon University (CMU) grounds

Nagsimula ang nasabing bingo event kaninang ala-una ng hapon, at kasalukuyan pa ring nagpapatuloy.

Para sa iba pang balita bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via James Karl Cacnio and Yvette Martin




TINGNAN | Angking husay, talento, at kagandahan, ipinamalas ng mga kalahok mula sa College of Arts and Sciences (CAS) Ip...
23/11/2023

TINGNAN | Angking husay, talento, at kagandahan, ipinamalas ng mga kalahok mula sa College of Arts and Sciences (CAS)

Ipinagmalaki ng mga mag-aaral mula sa CAS Department ang kanilang tatas at karikitan sa isinagawang patimpalak na Ginoo at Binibining Agham at Sining 2023 na kasalukuyang ginaganap sa City of Malabon University (CMU) campus ngayong Huwebes, Nobyembre 23.

Binigyang-diin ang entablado nang may kumpiyansa, talento, at kagandahan, ang mga kalahok ng Ginoo at Binibining Agham at Sining 2023 mula sa iba't ibang kurso sa ilalim ng College of Arts and Sciences ay nagpatingkad sa unang araw ng linggo. Ang mga kursong lumahok sa nasabing patimpalak ay nagmula sa Bachelor of Arts in Journalism (BAJ), Bachelor of Arts in Public Administration (BAPA), Bachelor of Arts in Political Science (BAPS), at Bachelor of Science in Social Work (BSSW).

Ang mga pitong Binibining kandidata ay ang mga sumusunod: Patricia Tatel (BAJ-2A), Jashmine Joy Espino (BAPA-1A), Rio Desiree Agapito (BAPA-2A), Daniella Bade (BAPS-1A), Daphne Dela Pena (BAPS-1A), Melissa Gazeta (BAPS-1A), at Unice Javawon (BSSW-2B).

Ang pitong Ginoong kalahok naman ay ang mga sumusunod: Sean Eduard Suarez (BAPA-4A), Arwan Velasquez (BAPA-1A), Frank Karlo Garcesa (BAPS-2B), Richmond Rei Rosales (BAPS-1A), Raphael Benedict Daguio (BAJ-1A), Theodore James Javillo (BAJ-1A), at Daryl Panis (BSSW-2B).

Ang mga huradero naman ay sina Prof. Arsenio Waldo Bulatao; Gen Ed/ Patfit Program Head; Prof. Primo Siatan, CAS FACULTY/ Patfit Faculty; at Ms. Jocelyn Ignacio, CAS Faculty Academic Secretary.

Ang nasabing patimpalak ay nahahati sa anim na bahagi: candidate screening; sports wear; talent portion; swim wear; formal wear; at ang question and answer portion.

Ang pag-anunsyo ng koronasyon ng mga tatanghaling CAS Ginoo at Binibining Sining at Agham ay sa ika-25 ng Nobyembre, alas-singko hanggang alas-siyete ng gabi.

Para sa iba pang balita bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via Ryan Jhonsen Rotugal | The Current




TINGNAN | Opisyal nang pinasinayaan ang College of Arts and Sciences (CAS) Week ng City of Malabon University sa pamamag...
23/11/2023

TINGNAN | Opisyal nang pinasinayaan ang College of Arts and Sciences (CAS) Week ng City of Malabon University sa pamamagitan ng isang Parade Event ngayong Huwebes, Nobyembre 23

Pinangunahan ito ng mga mag-aaral mula sa Bachelor of Arts in Journalism (BAJ), Bachelor of Arts in Public Administration (BAPA), Bachelor of Arts in Political Science (BAPS), at Bachelor of Science in Social Work (BSSW).

Kasama sa nasabing parada ang mga kandidatong lalahok sa Ginoo at Binibining Agham at Sining 2023 suot ang kanilang sportswear.

Para sa iba pang balita bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via Kaye Eugenio




04/11/2023

PANOORIN | Traffic update sa Rizal Avenue Extension nitong Sabado ng hapon kaugnay sa isinasagawang road reblocking ng DPWH at Stop and Go Traffic scheme na ipinatutupad sa lugar.

Ulat ni Rowena Camus.

Para sa iba pang mga balita, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.



BASAHIN | Special Program For Employment of Students (SPES), inilulunsad sa Malabon Sa ilalim ng pamumuno ni Malabon Cit...
04/11/2023

BASAHIN | Special Program For Employment of Students (SPES), inilulunsad sa Malabon

Sa ilalim ng pamumuno ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, ipinatutupad ang Special Program For Employment of Students o mas kilala sa tawag na SPES, upang magamit sa kanilang pag-aaral at magbigay pag-asa sa mga mag-aaral na Malabueños.

Ito ay isang programa para sa mga mag-aaral ng Malabon, pati na rin sa mga out-of-school youth na nasa edad na 15-25 taong gulang. Naglalayon itong magbigay ng tulong pinansyal na magtataguyod sa kanilang pag-aaral at para sa iba pa nilang mga pangangailangan.

Para sa ibang katanungan at updates ukol dito, maaaring magtungo sa Malabon Ahon Page.

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

"TARA, CAPECAMUNA" ☕Hanap mo ba ang masarap na kapehan na swak sa budget mo?Tara na sa Capecamuna sa Island Park, Letre,...
04/11/2023

"TARA, CAPECAMUNA" ☕

Hanap mo ba ang masarap na kapehan na swak sa budget mo?

Tara na sa Capecamuna sa Island Park, Letre, Malabon City! Dito, hindi ka lang basta makakainom ng kape, kundi mae-enjoy mo pa ang kakaibang dining experience dahil nakatayo ito sa isang bisikleta. Dahil dito, mas lalong pinasarap ang pag-iinuman kasama ang paboritong kape!

Para sa mga nais subukan ang CAPECAMUNA narito ang mga Branches at kanilang Store Hours:
Sangandaan Bazaar - 9:00 am to 9:00 pm
Island Park, Letre - 2:00 pm to 9:30 pm
AZF, Tonsuya - 2:00 pm to 9:30 pm

Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via Dominic Santos, Kaye Eugenio, Christine Marish Rivera, and Lalaine Marzan

TRAFFIC ADVISORY | As of 5:52 PM, mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension ngayong Saba...
04/11/2023

TRAFFIC ADVISORY | As of 5:52 PM, mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension ngayong Sabado, Nobyembre 4

Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via Laarni Bandala, Piel Fuentes, and Rowena Camus


BASAHIN | Matagumpay nang naipamahagi sa mahigit 51,638 na pamilyang Malabueños ang Malabon Ahon Blue Cards sa pamumuno ...
04/11/2023

BASAHIN | Matagumpay nang naipamahagi sa mahigit 51,638 na pamilyang Malabueños ang Malabon Ahon Blue Cards sa pamumuno ni City Mayor Jeannie Sandoval

Mula sa target nitong 94,000 household, naipamigay na sa lungsod ang mahigit 50% ng Malabon Ahon Blue Cards na isa sa mga proyekto ni Sandoval mula pa nang ito ay mahalal bilang alkalde ng lungsod.

Ang Malabon Ahon Blue Card ay layuning makapagbigay ng abot-kamay na serbisyo o tulong upang mas mapadali ang proseso sa pagtanggap ng mga benepisyo, gaya ng medikal at pinansyal, para sa mga taga-Malabon.

Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.


BASAHIN | Nag-abiso ang Malabon City Health Department na pansamantala munang ititigil ang programa ukol sa pagbibigay n...
04/11/2023

BASAHIN | Nag-abiso ang Malabon City Health Department na pansamantala munang ititigil ang programa ukol sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 — sa lahat ng edad sa buong siyudad ng Malabon simula sa unang araw ng Nobyembre.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang page ng Malabon City Health Department Promotion Unit.

Para naman sa iba pang mga balitang nais malaman patungkol sa ating lungsod, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

BASAHIN | Malabon Jeepney Transport Cooperative (MAJETSCO), naglalayong magbigay ginhawa sa mga taga-Malabon Ipinabatid ...
04/11/2023

BASAHIN | Malabon Jeepney Transport Cooperative (MAJETSCO), naglalayong magbigay ginhawa sa mga taga-Malabon

Ipinabatid ni City Mayor Jeannie Sandoval, ang inaabangang mas ligtas, abot-kaya, at environmental friendly na mga modern jeep mula sa Malabon Transportation Cooperative (MAJETSCO), na nagnanais magbigay ng maaliwalas at mas komportableng biyahe sa mga komyuter ng nasabing siyudad.

Para sa mga lokal na updates, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.



BASAHIN | Nagbukas na ang tanggapan ng Malabon City Social Welfare and Development Department (MCSWDD) upang magserbisyo...
04/11/2023

BASAHIN | Nagbukas na ang tanggapan ng Malabon City Social Welfare and Development Department (MCSWDD) upang magserbisyo sa mga taga-lungsod mula Lunes hanggang Biyernes.

Para sa mga may katunungan ukol sa mga programa ng ahensya o nangangailangan ng Social Case Study, maaaring magtungo sa opisina ng Community Investigation Unit (CIU) na matatagpuan sa 2nd floor ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) sa tapat ng City Hall.

Kung interesado naman sa Malabon Ahon Blue Card, nais kumuha ng Solo Parent ID o iba pang programa ng ahensya, magtungo lamang sa opisina ng CSWDD sa 2nd floor ng City Hall.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official page ng Malabon City CSWDD.

Para sa mga bagong balita, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

BASAHIN | Magsasagawa ng Mass Oath Taking Ceremony ang Malabon LGU sa darating na Lunes, Nobyembre 6, sa Malabon Sports ...
04/11/2023

BASAHIN | Magsasagawa ng Mass Oath Taking Ceremony ang Malabon LGU sa darating na Lunes, Nobyembre 6, sa Malabon Sports Center, para sa mga nagwaging kandidato nito lamang nagdaang BSKE 2023.

Pormal nang itatalaga ang mga nagtagumpay na mga kandidato sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon (BSKE) 2023.

Ang gaganaping seremonya ay para sa panunumpa ng mga nanalo na tutuparin nila ang kanilang mga tungkulin at maisasaayos ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

BASAHIN | Pinarangalan si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ng DOH Race to End Tuberculosis Award, nito lamang Agosto ...
04/11/2023

BASAHIN | Pinarangalan si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ng DOH Race to End Tuberculosis Award, nito lamang Agosto 2023

Ipinahatid ni Mayor Jeannie Sandoval ang kaniyang taos-pusong pasasalamat matapos makatanggap ng Gold Award for Treatment Coverage Rate at Silver Award for Drug Resistant TB Treatment Success Rate 2023.

Patunay ito sa sipag at dedikasyon ng Malabon Healthcare professionals na puksain ang sakit na Tuberculosis (TB) sa nasasakupan nito.

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.


BASAHIN | Proyektong E-Business, One Stop Shop (E-BOSS), idinaos ng Malabon LGU nito lamang Huwebes, Nobyembre 2 Sa pamu...
04/11/2023

BASAHIN | Proyektong E-Business, One Stop Shop (E-BOSS), idinaos ng Malabon LGU nito lamang Huwebes, Nobyembre 2

Sa pamumuno ni City Mayor Jeannie Sandoval, ipinatupad na ang E-Business, One Stop Shop (E-BOSS) upang magkaroon ng mabilisang business permit ang mga negosyante, pati na rin ang Small and Medium Enterprises (SMEs) sa Malabon.

Naglalayon itong palaguin at pagyabungin ang lahat ng business commercials sa nasabing lungsod.

Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.



TINGNAN | Nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang kasalukuyang Road Reblocking sa kahabaan ng Rizal Avenue Extensio...
04/11/2023

TINGNAN | Nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang kasalukuyang Road Reblocking sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension, Malabon

Nagresulta sa mala-pagong na usad ng mga sasakyan ang road works na isinasagawa sa Rizal Ave. Extension, pasado alas-dos y media ng hapon.

Kaugnay nito, ipinatutupad ang STOP AND GO TRAFFIC sa nasabing kalsada.

Paalala sa mga komyuter at drayber, huwag kalimutang magbaon ng mahabang pasensiya kung sakaling dadaan sa nasabing kalye. Kung maaari man, sikaping humanap ng alternatibong ruta upang mabilis na makarating sa paroroonan.

via Rowena Camus, Laarni Bandala, Piel James Fuentes, and Shine Hubilla


BASAHIN | Misa sa San Bartolome Church, pinuntahan ng mga dumalaw sa sementeryo Para sa iba pang mga detalye, bisitahin ...
03/11/2023

BASAHIN | Misa sa San Bartolome Church, pinuntahan ng mga dumalaw sa sementeryo

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page at X account, The Pulse.

Facebook: https://www.facebook.com/thepulseupdates
X: https://x.com/thepulseupdates?t=5a_hbZYDA1OqsAsfckguAA&s=09

Read More:

Author: Kristine Ladrillo | Nobyembre 2, 2023 Editor: Phamela Gabriel Photo Courtesy: Nico Fernandez, THE PULSE Ang ilang pamilya ay piniling makinig muna sa misa bago dumalaw sa kanilang mga yumao sa San Bartolome Church sa San Agustin, Malabon. Alas-dose ng tanghali nagsimula ang misa sa loob ng n...

BASAHIN | Bilang ng nagtungo sa Our Lady of Lourdes Eternal Park sa bisperas ng Undas, umabot sa halos 1,600Para sa iba ...
03/11/2023

BASAHIN | Bilang ng nagtungo sa Our Lady of Lourdes Eternal Park sa bisperas ng Undas, umabot sa halos 1,600

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page at X account, The Pulse.

Facebook: https://www.facebook.com/thepulseupdates
X: https://x.com/thepulseupdates?t=5a_hbZYDA1OqsAsfckguAA&s=09

Read More:

Author: Dan Gacis | Nobyembre 2, 2023 Photo Courtesy: Roland Castillo and Justine Berganio Kahit na umambon at umulan sa pagdiriwang ng bisperas ng Undas, hindi nagpatinag ang mga pumunta sa Our Lady of Lourdes Eternal Park, araw ng Miyerkules, Nobyembre 1. Ayon sa tala ng PNP Malabon City hanggang....

BREAKING NEWS | Malakas na pag-ulan naranasan sa Malabon, Thunderstorm Advisory ibinaba ng PAGASAAs of 5:15 PM ngayong h...
03/11/2023

BREAKING NEWS | Malakas na pag-ulan naranasan sa Malabon, Thunderstorm Advisory ibinaba ng PAGASA

As of 5:15 PM ngayong hapon, nakararanas ang lungsod ng Malabon ng malakas na pagbuhos ng ulan na sinamahan ng pagkulog at pagkidlat.

Ayon sa Thunderstorm Advisory No. 3 ng PAGASA kaninang 4:23 PM, inaasahan ang pag-ulan ng katamtaman hanggang malakas na buhos, kasama ang kidlat at malalakas na hangin sa Metro Manila (Marikina, Quezon City, Manila, Caloocan, Malabon, Valenzuela, Navotas) na maaaring magpatuloy sa loob ng 2 oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na mga lugar.

Payo ng PAGASA na maging handa laban sa mga epekto ng ulan tulad ng baha at pagguho ng lupa.

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

via Dan Gacis



TINGNAN | Bangka sa Concepcion, isa sa mga pampublikong transportasyong ginagamit ng mga MalabueñosDahil sa angking bili...
03/11/2023

TINGNAN | Bangka sa Concepcion, isa sa mga pampublikong transportasyong ginagamit ng mga Malabueños

Dahil sa angking bilis at abot-kayang presyo nito, ang mga biyahero ay mas pinipili itong sakyan lalo na ang mga patungong Daanghari, Navotas, pati sa ibang karating bayan.

Nagsisimula ang biyahe ng mga ito mula alas-singko nang umaga hanggang alas-dose nang hating-gabi at pumapatak sa limang piso hanggang labinlimang piso, depende sa pagmamadali ng pasahero.

via Daniela Malinao, Piel James Fuentes, Angel Lyca Malanao, and Chelsey Abella

BASAHIN | Presyo ng itlog at bigas, tumaas na; ilang vendor, umaaray Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang ...
03/11/2023

BASAHIN | Presyo ng itlog at bigas, tumaas na; ilang vendor, umaaray

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page at X account, The Pulse.

Facebook: https://www.facebook.com/thepulseupdates
X: https://x.com/thepulseupdates?t=5a_hbZYDA1OqsAsfckguAA&s=09

Read More:

Author: Stephanie Estrella, Ma. Alessandra Rivera, and Aliah lyka Eramis I Nobyembre 3, 2023. Photo Coutesy: Rosemarie Manozo, THE PULSE Hindi na maitago ang pag-aalala ng ilang tindero ng itlog at bigas sa palengke ng Hulong Duhat Market, Malabon City, dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing....

TINGNAN | Presyo ng itlog at bigas, tumaas na; ilang vendor, umaaray Hindi na maitago ang pag-aalala ng ilang tindero ng...
03/11/2023

TINGNAN | Presyo ng itlog at bigas, tumaas na; ilang vendor, umaaray

Hindi na maitago ang pag-aalala ng ilang tindero ng itlog at bigas sa palengke ng Hulong Duhat Market, Malabon City, dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre.

Para sa iba pang balita bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.

Facebook: https://www.facebook.com/thepulseupdates
X: https://x.com/thepulseupdates?t=5a_hbZYDA1OqsAsfckguAA&s=09
Website: https://thepulseupdates.wixsite.com/thepulse

via Rosemaria Mañozo, Lyka Eramis, Alessandra Rivera, and Stephanie Estrella

BASAHIN | Mga bumibisita sa Our Lady of Lourdes Eternal Park, nag-iwan ng sangkaterbang basuraPara sa iba pang mga detal...
03/11/2023

BASAHIN | Mga bumibisita sa Our Lady of Lourdes Eternal Park, nag-iwan ng sangkaterbang basura

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page at X account, The Pulse.

Facebook: https://www.facebook.com/thepulseupdates
X: https://x.com/thepulseupdates?t=5a_hbZYDA1OqsAsfckguAA&s=09

Read More:

Author: Dan Gacis and Roland Castillo | Nobyembre 2, 2023 Photo Courtesy: Justine Berganio, THE PULSE Dismayado ang mga tagalinis ng sementeryo sa kanilang nadatnang dami ng basura matapos gunitain ang huling araw ng Undas sa Our Lourdes Eternal Park sa Tonsuya, Malabon City. "Dapat may sarili po si...

JUST IN | Ibinalik na ang STOP AND GO TRAFFIC sa Rizal Avenue Extension simula ngayong Biyernes, ika-3 hanggang ika-5 ng...
03/11/2023

JUST IN | Ibinalik na ang STOP AND GO TRAFFIC sa Rizal Avenue Extension simula ngayong Biyernes, ika-3 hanggang ika-5 ng Nobyembre.

Layunin nitong magbigay daan sa isinasagawang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing kalsada.

Nag-abiso naman ang Malabon LGU na asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar.


Plan your vacation ahead dahil may long weekend ulit na paparating!  Naaprubahan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Ma...
03/11/2023

Plan your vacation ahead dahil may long weekend ulit na paparating!

Naaprubahan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagbabago sa petsa ng paggunita ng Bonifacio Day, na itinakda na sa Nobyembre 27 mula sa orihinal nitong petsa na Nobyembre 30. Ito ay bahagi ng pagpapalakas ng Holiday Economics.

READ | Ilang tindera ng kandila’t bulaklak, ikinabahala ang matumal nilang kitaPara sa iba pang mga detalye, bisitahin l...
03/11/2023

READ | Ilang tindera ng kandila’t bulaklak, ikinabahala ang matumal nilang kita

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang aming page at X account, The Pulse.

Facebook: https://www.facebook.com/thepulseupdates
X: https://x.com/thepulseupdates?t=5a_hbZYDA1OqsAsfckguAA&s=09

Read More:

Author: Dan Gacis and Justine Berganio I Nobyembre 2, 2023 Photo Courtesy: Roland Castillo Dumadaing ang ilang candle and flower vendors sa Our Lady of Lourdes Eternal Park sa Tonsuya, Malabon, dahil ito sa hindi nila inaasahang pagtamlay ng bentahan ng kanilang mga produkto. Ayon sa pakikipanayam n...

Address

Malabon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when THE PULSE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to THE PULSE:

Videos

Share