I-Scene Quick News

I-Scene Quick News News and Current Affairs

HALOS 500 RESIDENTENG APEKTADO NG BAGYONG KRISTINE SA TALISAY, BATANGAS TUMANGGAP NG TULONG NI SEN. TOLENTINO Ulat ni Mi...
31/10/2024

HALOS 500 RESIDENTENG APEKTADO NG BAGYONG KRISTINE SA TALISAY, BATANGAS TUMANGGAP NG TULONG NI SEN. TOLENTINO

Ulat ni Miles Navarro

Pinangunahan ni Senator Francis Tolentino ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima at apektado ng bagyong Kristine sa Bayan ng Talisay, Batangas na ginanap sa National High School at Venancio Trinidad Sr. Memorial School ngayong umaga ng Huwebes, October 31, 2024.

Bagama't una ng nakabisita ang Senador nitong nakaraang araw sa naturang bayan pero muling bumalik at nagpaabot ng mga tulong lalo't higit sa lugar na sinalanta ng bagyo nitong nakaraan.

Ipinamahagi ito sa halos 500 na mga nasalanta na pansamantalang nanunuluyan sa dalawang paaralan na nagsilbing evacuation center.

Tuwang-tuwa naman ang mga residente dahil naibsan ang kanilang kalungkutan na nawalan sila hanapbuhay at sinira pa ng bagyo ang kanilang kabahayan.

Lubos ang kanilang pasasalamat kay Senator Tolentino dahil buhos ang suporta nito sa komunidad na tinamaan ng bagyo.

Nagkaroon din ng pag-uusap sina Senator Tolentino at Mayor Natanauan na hiling nito na sana'y magkaroon muli ng pabahay sa kanyang bayan dahil dati na itong nakapagpagawa ng 400 na pabahay sa Brgy. Tranca.

Nagpaabot naman ng mensahe si Tolentino sa mga residente na hopeless dahil sa trahedyang hindi inaasahan na kailangang bumangon tayo at muling magsimula na maging matatag sa hinaharap.

Nanawagan din si Tolentino sa lahat ng Pilipinas na ipagdasal ang kasalukuyang sitwasyon sa Batanes dahil nasa signal number 5 sila na dalangin nito'y maging ligtas ang mga naninirahan dito.

Dagdag pa ni Tolentino na dapat na lagi tayong handa sa anumang sakuna na dumarating at alam kong hindi sapat ang aking dala na mga Relief Packs ngayon pero inyo itong pagyamanin at ako naman ay umaasa na hindi kayo pababayaan ng lokal na pamahalaan na kung saan tiniyak ito sa akin ni Mayor Nestor D. Natanauan.

KALUNGKUTAN NG MGA TAGA TALISAY AT LAUREL, BATANGAS PINAWI NI SENATOR REVILLA Naibsan ang kalungkutan ng mga taga Talisa...
30/10/2024

KALUNGKUTAN NG MGA TAGA TALISAY AT LAUREL, BATANGAS PINAWI NI SENATOR REVILLA

Naibsan ang kalungkutan ng mga taga Talisay at Laurel sa lalawigan ng Batangas matapos bumisita si Sen. B**g Revilla Jr. sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine kasabay ang paghatid ng tulong sa mga residente ngayong araw ng Miyerkules, October 29, 2024.

Inihayag din nito sa harap ng mga residente na nagpahatid din tulong ang kanyang asawa na si Congw. Lani Revilla nitong isang araw lamang sa nasabing lugar.

Giit ng senador na ito ay mula sa sariling sikap o sariling bulsa ng kanilang pamilya para mabigyan ng mga relief goods at tubig na pangunahing kailangan ng mga nasalanta.

Ayon kay Senator Revilla, nabisita na rin niya ang ilang lugar sa Bicol at Laguna upang maghatid ng tulong at napag-alaman nito mga dapat na pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan.

Nangako rin ang Senador kay Talisay Mayor Nestor Natanauan na magbababa siya ng mga programa tulad ng AICS at TUPAD upang makatulong sa muling pagbangon ng mga nasalanta. "Ito ay panata ko sa Dios at sa tao, hanggat kaya natin maabot ang mga na ngangailangan na matulungan aabutin po natin" wika ni Sen. Revilla.

Kasama sa inabutan ng tulong ni Revilla ang mga kamag-anak ng namatayan na biktima ng landslide.

Binigyan diin ni Senator Revilla, na patuloy ang gobyerno na umaagapay sa mga pangangailangan ng bawat isa.

Ikinatuwa naman ng mga residente dahil hindi sila pinabayaan ng senador lalo na't nahaharap sila sa kagipitan.

Inihayag naman ni Mayor Nelson Natanauan, lubos siyang nagpapasalamat sa pagdating ni Senator Revilla dahil nagkaroon ng sigla ang kanyang mga kabayan ng makita ang mga dalang tulong lalot higit ang makadaupan palad ang senador.

**gRevillaJr

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Kristine ayon sa PAGASA. Samantala ang bagyong binabantayan sa labas ng bansa ay lumak...
25/10/2024

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Kristine ayon sa PAGASA. Samantala ang bagyong binabantayan sa labas ng bansa ay lumakas pa at naging Tropical Storm na.

Via News Flash PH

360,000 MERALCO COSTUMERS WALA PA RING KURYENTEHindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa 360,000 na costumers ng Mer...
25/10/2024

360,000 MERALCO COSTUMERS WALA PA RING KURYENTE

Hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa 360,000 na costumers ng Meralco.

Sa kabila nito ayon sa Meralco patuloy ang kanilang 24/7 na restoration activities para maibalik ang serbisyo.

Ayon sa datos ng Meralco as of 12NN kankna, 4.5% mula sa kabuuang customer count ng Meralco o 360,000 customers ang nananatiling wala pang kuryente.

Inaasahang majority sa mga ito ay magkakaroon na ng normal na serbisyo ng kuryente ngayong araw.

Via News Flash PH

BAGYONG KRISTINE LALABAS NA NG BANSA ANUMANG ORAS; TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NAKATAAS PA RIN SA MARAMING LUGAR SA BAN...
25/10/2024

BAGYONG KRISTINE LALABAS NA NG BANSA ANUMANG ORAS; TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NAKATAAS PA RIN SA MARAMING LUGAR SA BANSA

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa mga sumusunod na lugar:

- northwestern portion of mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Abulug, Pamplona)
- Babuyan Islands
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pampanga
- Zambales
- - northern portion of Bataan (Morong, Hermosa, Dinalupihan, Bagac, Orani, Samal, Abucay, City of Balanga)

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

- Batanes
- mainland Cagayan
- Isabela
- Quirino
- Aurora
- Bulacan,
- Bataan
- Metro Manila
- Cavite
- Batangas
- Laguna
- Rizal
- Quezon
- Occidental Mindoro
- Oriental Mindoro
- Marinduque
- Romblon
- northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, San Vicente, Dumaran, Araceli) kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands
- Camarines Norte,
- Camarines Sur
- Burias Island
- northern portion of Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay)
- northern portion of Antique (Libertad, Pandan) including Caluya Islands

Via News Flash PH

500 PANG PDLS NG BILIBID INILIPAT SA ZAMBOANGAPanibagong batch na 500 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New ...
25/10/2024

500 PANG PDLS NG BILIBID INILIPAT SA ZAMBOANGA

Panibagong batch na 500 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang ligtas na nailipat sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.

Inihayag ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa mga inilipat na PDLs, 147 rito ay mula sa Maximum Security Camp, 153 sa Medium Security Camp at 200 naman buhat sa Reception and Diagnostic Center.

Via News Flash PH

10 PINOY CREWMEN NG M/V MINOAN COURAGE NAKAUWI NA SA BANSASampung Pilipinong crew ng M/V Minoan Courage ang ligtas na du...
25/10/2024

10 PINOY CREWMEN NG M/V MINOAN COURAGE NAKAUWI NA SA BANSA

Sampung Pilipinong crew ng M/V Minoan Courage ang ligtas na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City sakay ng Etihad Airways Flight 424.

Ayon sa Department of Migrant Workers, ito ang huling batch ng repatriated crew members buhat sa 21 Pinoy seaman na sakay ng Greek bulker na pinuntirya ng rebeldeng Houthi sa Red Sea noong Oktubre 1,2024.

Via News Flash PH

SUPLAY NG KURYENTE SA MARAMING LUGAR SA PANGASINAN, BATANGAS AT CAMSUR HINDI PA NAIBABALIKMaraming lugar pa sa Pangasina...
25/10/2024

SUPLAY NG KURYENTE SA MARAMING LUGAR SA PANGASINAN, BATANGAS AT CAMSUR HINDI PA NAIBABALIK

Maraming lugar pa sa Pangasinan, Batangas at Camarines Sur ang wala pa ring kuryente.

Ayon sa update mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), partially restored pa lamang ang kuryente sa Pangasinan na sineserbisyuhan ng CENPELCO at PANELCO I.

Partially restored din ang kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan ng BATELEC II sa Batangas at ng CASURECO III sa Camarines Sur.

Via News Flash PH

13 PATAY SA PANANALASA NG BAGYONG KRISTINE - NDRRMCUmabot na sa labingtatlo ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng ...
25/10/2024

13 PATAY SA PANANALASA NG BAGYONG KRISTINE - NDRRMC

Umabot na sa labingtatlo ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nakapagtala din ng 5 sugatan at 7 ang nawawala.

Via News Flash PH

SEARCH AND RETRIEVAL OPERATIONS TULOY-TULOY SA CALATAGAN, BATANGAS Tulong-tulong ang mga awtoridad at ng mga residente p...
25/10/2024

SEARCH AND RETRIEVAL OPERATIONS TULOY-TULOY SA CALATAGAN, BATANGAS

Tulong-tulong ang mga awtoridad at ng mga residente para sa patuloy na search and retrieval operations sa dalawang senior citizen sa Sitio Ibaba sa Brgy. Lucsuhin, Calatagan, Batangas matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay.

Pahirapan ang pagrecover sa labi ng mga bangkay dahil sa kapal ng putik, malalaking tipak ng bato, at mga sanga ng puno.

Via BNFM Batangas

'BAGYONG KRISTINE NAG-IWAN NG TAMBAK NA BASURA SA CAMARINES NORTE Ganito ang naging hitsura sa dalampasigan ng Mercedes,...
25/10/2024

'BAGYONG KRISTINE NAG-IWAN NG TAMBAK NA BASURA SA CAMARINES NORTE

Ganito ang naging hitsura sa dalampasigan ng Mercedes, Camarines Norte matapos manalasa ang Bagyong .

Ayon sa ilang residente, tunay nga na kung anong ibinato mo sa kalikasan ay siya ring babalik sayo.

Source: Bicol News
📸: Jerish Palero

25/10/2024

Lalaki, kumapit sa puno ng niyog para hindi tangayin ng rumaragasang baha sa Nabua, Camarines Sur dulot ng

25/10/2024

MAHIGIT 10 NA BAHAY NILAMON NG LANDSLIDE SA LIBON, ALBAY

Takot at pangamba ang nararanasan ng mga residente matapos makuhanan ng video ang landslide sa Zone 3, Barangay Burabod, Libon, Albay, Oktubre 23, 2024.

Courtesy: Audrey Reolo

BAHA SA LEMERY, BATANGAS LAGPAS BUBONG NA Patuloy ang panawagan ng mga residente sa Lemery, Batangas dahil lagpas bubong...
25/10/2024

BAHA SA LEMERY, BATANGAS LAGPAS BUBONG NA

Patuloy ang panawagan ng mga residente sa Lemery, Batangas dahil lagpas bubong na ang baha at sa ibang parte ng probinsya ng Batangas .

Let us all pray together that the BATANGAS is spared from any harm caused by the tropical storm KristinePH.

Pray for Batangas 🙏

📷 | ctto Photos

25/10/2024

'MISTULANG ISANG YATE ANG BUS NA ITO NA SINUONG ANG TUBIG-BAHA SA ALBAY

Hindi nagpatinag ang isang bus driver na lakas-loob na sinuong ng bus ang mataas na tubig-baha sa kalsadang sakop ng Brgy. Balangibang, Polangui, Albay noong nagdaang Martes, Oktubre 22, 2024.

"Dirediretso po kasi no chance to go back. Galing nung driver at di talaga nahintuan ng makina," komento ng uploader.

🎥 Jay Mar (Facebook)

NGITI SA ANUMANG PANAHONNaantig ang netizens sa larawan ni lolo na nakangiti habang siya ay nire-rescue sa kanyang bahay...
25/10/2024

NGITI SA ANUMANG PANAHON

Naantig ang netizens sa larawan ni lolo na nakangiti habang siya ay nire-rescue sa kanyang bahay sa Sorsogon.



📸 Maestrong Mahigos

25/10/2024

PANOORIN: Humihingi na ng tulong ang mga residente ng Poblacion 3, Laurel, Batangas para sila ay ma-rescue matapos lumubog sa tubig baha ang kanilang lugar at hindi na makapasok ang anomang uri ng sasakyan.

🎥 ctto


25/10/2024

LUBOG SA TUBIG BAHA ANG LAUREL, BATANGAS, MGA RESIDENTE NAG-IIYAKAN NA

Umiiyak na ang ilang citizens mula sa Purok 2 "Matala" Bugaan West Laurel, Batangas dahil sa sinapit na sitwasyon sa kanilang lugar, kung saan lubog na lubog na sa baha ang kanilang lugar dulot ng bagyong Kristine.

"Patuloy po tumataas ang tubig at marami po sila na stranded dun ngayon. Sana po ay makaabot sa kinauukulan para ma-rescue po agad sila. Marami po sila kasamang senior citizen. Parang awa nyo na po pakitulungan po sila," saad ng uploader sa naturang post.

Source: Krystel Hyacynth Aquino/FB

Via Balisong Channel

READ: Statement of National Security Adviser Eduardo Año on the arrest of acting CPP Chairman Wigberto “Baylon” Villaric...
25/10/2024

READ: Statement of National Security Adviser Eduardo Año on the arrest of acting CPP Chairman Wigberto “Baylon” Villarico.

Sitwasyon sa St. Bartolome Parish Church Baao, Camarines Sur dulot ng Bagyong Kristine. 📷John Wally Doroin and Wenalyn D...
25/10/2024

Sitwasyon sa St. Bartolome Parish Church Baao, Camarines Sur dulot ng Bagyong Kristine.

📷John Wally Doroin and Wenalyn Doroin


𝐐𝐅𝐏𝐓𝐀 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬, 𝐧𝐚𝐠-𝐜𝐨𝐮𝐫𝐭𝐞𝐬𝐲 𝐜𝐚𝐥𝐥 𝐤𝐚𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐧; 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐭𝐚𝐠Nag-courtesy call ang ...
21/10/2024

𝐐𝐅𝐏𝐓𝐀 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬, 𝐧𝐚𝐠-𝐜𝐨𝐮𝐫𝐭𝐞𝐬𝐲 𝐜𝐚𝐥𝐥 𝐤𝐚𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐓𝐚𝐧; 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐭𝐚𝐠

Nag-courtesy call ang mga opisyales ng Quezon Federation of Parent-Teachers Association (QFPTA) ng Division of Quezon kay Governor Doktora Helen Tan sa Tanggapan ng Gobernador sa Provincial Capitol, Lungsod ng Lucena, kahapon, Oktubre 21, 2024.

Pinangunahan mismo ni QFPTA President Ranel Encanto na siyang Pangulo rin ng Bayan ng Unisan kasama sina Vice President JR Narit ng Real, Secretary Marick Pedrezuela ng Calauag, Treasurer Cristian B. Ilagan ng Tiaong, Quezon.

Dumalo at nakiisa rin ang mga Board of Directors at mga Pangulo ng ilang bayan kasama sina Perper Campomanes ng Plaridel, Michelle Galomo ng Dolores, Lolito Merjudio ng Atimonan, Jogie Enal ng Lucban, Early Principe ng Sariaya, Kons Dan Ilao ng Macalelon at Rhandel Dioleta ng Mauban, Quezon.

Personal ring tinanggap ni Governor Tan ang mga Resolution ng QFPTA at iba pang mga kahilingan ganun din ang mga resolusyon ng bawat bayan na bitbit ng mga pangulo upang makarating sa tanggapan ng gobernador.

Kasabay nito, inilatag rin ng pamunuan ng QFPTA ang mga mahahalagang plano katulad na lamang ng pagkakaroon ng Parents Convention na lahat ng mga opisyales o mga Pangulo ng bawat paaralan sa bawat bayan sa lalawigan ay magtipon-tipon sa Lungsod ng Lucena upang mapag-uusapan ang mga mahahalagang hakbang at mga polisiya ganun din ang mga kapamaraanan sa paglilikom ng pondo na layon nitong matulungan ang mga paaralan na nasa laylayan o mga nasa liblib na lugar na maituturing na less fortunate area.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga QFPTA Officers kay Governor Tan dahil ang bawat Pangulo ay personal na nakadaupang palad ang gobernadora na nailahad nito ang mga pangangailangan at problema ng bawat paaralan na magiging katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa pagresolba ng mga kahilingan.

Umaasa rin ang mga opisyales ng QFPTA na maging productive ang kanilang hanay o batch 2024-2025 na merong resulta sa iksi ng termino ng kanilang pamumuno at gagawin ang lahat para makapagbigay serbisyo sa bawat estudyante, magulangin na makatulong sa mga g**o na maging katuwang sa pagsusulong ng DepEd sa kalidad na edukasyon.

Ayon sa gobernador, bagama't kulang sa pondo ang probinsya pero lahat ng makakaya ay ginagawan ng paraan na prayoridad ding matututukan ang pagpapaayos ng mga pasilidad upang maging maaluwal ang pagpasok ng mga estudyante.

Matatandaan na madami ng nagawa ang Kapitolyo na nabigyan kaagad ng solusyon ang mga natamaan ng bagyo na meron ng mga bago at modernong gusali partikular na sa Polillo Group of Islands at iba't-ibang bahagi ng nasabing probinsya at walang tigil ang gobernadora sa pangangalap ng pondo upang matugunan ang iba pang mga pangangailangan ng bawat bayan.

Source: Ronda Balita Probinsya

13/10/2024

Pumalag ang taga-Jomalig, Quezon sa pagkaladkad sa kanilang Bayan sa POGO

13/10/2024

Pumalag ang taga-Jomalig, Quezon sa pagkaladkad sa kanilang Bayan sa POGO

Video Courtesy: Net 25

Address

Lucena
4301

Telephone

+639564120606

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I-Scene Quick News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Lucena

Show All