Bandilyo

Bandilyo A News and Current Events Media entity based in Southern Tagalog. Bandilyo means "to blare out or an

PANAWAGAN | Kung sinuman ang nakakita o may impormasyon sa kinaroroonan ni Carlito Obciana, 86-taong gulang, residente n...
05/01/2025

PANAWAGAN | Kung sinuman ang nakakita o may impormasyon sa kinaroroonan ni Carlito Obciana, 86-taong gulang, residente ng Barangay Dalahican, Lucena City. Ipagbigay alam lamang sa numerong 0985-861-1928.

Sumakay umano siya ng pedicab kaninang umaga ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ulit nakikita.

Happy Three Kings Sunday, Ka-Bandilyo!
05/01/2025

Happy Three Kings Sunday, Ka-Bandilyo!

Happy Three Kings!

Nawa’y maging liwanag tayo sa iba at magbigay ng pag-asa lalo na sa mga nahihirapan.

MAY BAGONG MILYONARYOIsa umano sa dalawang lotto winning ticket ang mula sa isang outlet sa Lucena City.Maghahati ang mg...
05/01/2025

MAY BAGONG MILYONARYO

Isa umano sa dalawang lotto winning ticket ang mula sa isang outlet sa Lucena City.

Maghahati ang mga maswerteng mananaya sa P25,351,115.00 matapos makuha ang mga numerong 27-26-09-41-19-20 .

05/01/2025
03/01/2025

Dambana ng Jesus Nazareno, Tahanan ng mga Katoliko at Bukal ng Pag-asa

Ang Unang Biyernes ng Taon ay
Araw ng Debosyon,
Araw ng mga Deboto
Araw ng Quiapo

03/01/2025

Electronic business one-stop-shop (E-BOSS), sinimulan na sa bayan ng General Nakar, Quezon

03/01/2025

Bilang na naputukan sa Quezon sa pagsalubong sa 2025, umabot na sa 23

03/01/2025

Hinihinalang magnanakaw napatay ng isang gwardiya ng Fish Port sa Lucena City

TINGNAN| Sinira at ibinaon sa lupa ng Lucena PNP ngayong hapon ang mga ilegal na paputok na nakumpiska nitong Dec. 30-31...
03/01/2025

TINGNAN| Sinira at ibinaon sa lupa ng Lucena PNP ngayong hapon ang mga ilegal na paputok na nakumpiska nitong Dec. 30-31, 2024.

Ilan sa mga paputok na sinira ay nakuha ng awtoridad sa mga ilegal na maninindahan.

Kasama ng PNP sa pag-dispose ang mga taga BFP, DRRMO at EOD. via| Sandy Amaro

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang sapat na ebidensya ang kumakalat na balita sa social media tungkol sa...
03/01/2025

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang sapat na ebidensya ang kumakalat na balita sa social media tungkol sa umano'y 'international health concern.'

Ito ay matapos mag-viral ang mga post tungkol sa pagtaas daw ng kaso ng human metapneumovirus (HMPV) sa China na nagdudulot umano ng pagkapuno ng mga ospital sa nasabing bansa.

Ayon sa kagawaran, patuloy ang kanilang aktibong partisipasyon sa World Health Organization (WHO) bilang aktibong miyembro na nakasunod sa International Health Regulations (IHR).

Aktibo rin umano ang surveillance systems ng Pilipinas at patuloy ang disaese monitoring upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

TINGNAN: Bukas na ang Balagtas Flyover sa Batangas City. Sa pamamagitan nito, mabilis na ang magiging byahe patungong Ba...
03/01/2025

TINGNAN: Bukas na ang Balagtas Flyover sa Batangas City. Sa pamamagitan nito, mabilis na ang magiging byahe patungong Batangas Port at papunta sa city proper.

đź“·Batangas City PIO

Batay sa pagtataya ng PAGASA, maaaring mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang dalawa hanggang sa walong ...
03/01/2025

Batay sa pagtataya ng PAGASA, maaaring mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang dalawa hanggang sa walong bagyo simula Enero hanggang Hunyo 2025.

  | Madadagdagan ang mga Pilipinong may sariling tahanan mula sa proyekto ng pamahalaan ngayong 2025.'Yan ang tiniyak ng...
03/01/2025

| Madadagdagan ang mga Pilipinong may sariling tahanan mula sa proyekto ng pamahalaan ngayong 2025.

'Yan ang tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) dahil marami na umanong gusali sa iba't ibang panig na bansa ang malapit ng matapos ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

  | Iginiit ni House Secretary General Reginald Velasco na may inaasahan muling maghahain ng impeachment complain laban ...
02/01/2025

| Iginiit ni House Secretary General Reginald Velasco na may inaasahan muling maghahain ng impeachment complain laban kay Vice President Sara Duterte.

Aniya, nasa 10 hanggang 12 miyembro ng House of Representatives mula sa majority at minority blocs ang nagsabi na plano nilang maghain ng ikaapat na impeachment complaint.

Tumanggi naman siyang pangalan ang naturang mga kongresista.

TINGNAN: Isang kotse ang nalaglag mula sa parking lot ng Puregold sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City, Enero 2.Larawa...
02/01/2025

TINGNAN: Isang kotse ang nalaglag mula sa parking lot ng Puregold sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City, Enero 2.

Larawan mula kay Orlan Nañasca

GRABE KA NA, 2025!Kinumpirma ng aktres na si Barbie Forteza na hiwalay na sila ng kanyang long time boyfirend na si Jak ...
02/01/2025

GRABE KA NA, 2025!

Kinumpirma ng aktres na si Barbie Forteza na hiwalay na sila ng kanyang long time boyfirend na si Jak Roberto

Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na makatatanggap ng P7,000 halaga ng medical allowance ang mga em...
02/01/2025

Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na makatatanggap ng P7,000 halaga ng medical allowance ang mga empleyado ng gobyerno ngayong 2025.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, may dalawang pamamaraan kung paano pwedeng matanggap ng mga empleyado ang medical allowance.

Maaari umanong direktang ilaan ito ng ahensya o organisasyon ng empleyado sa pamamagitan ng HMO-Type Coverage at maaari rin namang cash grant para sa mga nais kumuha ng sariling HMO o mag-renew ng kasalukuyang coverage.

Address

116 M. L Tagarao Street, Ilayang Iyam
Lucena
4301

Telephone

+63427953296

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bandilyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share