Yung Kwan

Yung Kwan Paano nga ulit 'to? We talk about things that usually being overlooked. G? Let's go!

The How to's of things, what made people do things, what's the other side of the story, and anything adult.

How do you define "BEST"? Read on how a simple comment begs the question, "How do we define the best?"
11/03/2022

How do you define "BEST"?

Read on how a simple comment begs the question, "How do we define the best?"

How do we define best?

Dalawang taon na pala ang nakalipas. Salamat sa mga iniwan mo'ng aral, Kobe!
27/01/2022

Dalawang taon na pala ang nakalipas.

Salamat sa mga iniwan mo'ng aral, Kobe!

Baka kasi nahihirapan ka ng sabay-sabay. Isa-isa lang.
18/11/2021

Baka kasi nahihirapan ka ng sabay-sabay. Isa-isa lang.

Sure na 'to. Wait lang kayo.
16/11/2021

Sure na 'to. Wait lang kayo.

Maraming salamat. Sa sakripisyo, kahit may paminsang bisyo. Sana masaya ka ngayong araw mo. Hindi sapat ang isang araw p...
20/06/2021

Maraming salamat.

Sa sakripisyo, kahit may paminsang bisyo.
Sana masaya ka ngayong araw mo.
Hindi sapat ang isang araw para sa pasasalamat,
Hindi ito matutumbasan ng ilang dunkin donuts, jolibee, o mcdo,
na dala mo kahit pagod galing trabaho
para may ngiti ako, si nanay, at bunso.

Salamat, itay.

Maliit na hakbang patungo sa pangarap na inaasam. Maraming salamat sa isang daan (at higit pa)! :) Mag-upload tayo ng ep...
15/05/2021

Maliit na hakbang patungo sa pangarap na inaasam.

Maraming salamat sa isang daan (at higit pa)! :)

Mag-upload tayo ng episode sa spotify sa mga susunod na araw, ABANGAN

Maraming puwedeng bagay at salita ang maitutugma sakanila. Andiyan sila sa simula at kung bibigyan sila ng pagkakataon, ...
08/05/2021

Maraming puwedeng bagay at salita ang maitutugma sakanila.
Andiyan sila sa simula at kung bibigyan sila ng pagkakataon, gugustuhin nilang hanggang dulo ay makita at makasama.

Isang pagpupugay at pagbati sa lahat ng nanay, ina, ima, inay, ma, mommy, mama, mom! Sa lahat ng tumayong nanay, sa mga g**o at sa mga tatay na inako na rin ang pagiging nanay dala ng pagkakataon.

Maraming maraming salamat sainyo!

Kasabay ng bawat indakang luha na pilit pinipigil sa pag patakang walang sawang pag-inom ng alakna para bang, walang gus...
30/04/2021

Kasabay ng bawat indak
ang luha na pilit pinipigil sa pag patak
ang walang sawang pag-inom ng alak
na para bang, walang gustong yumakap
habang nakahiga sa k**a, nakatalukbong ng kumot
at umiiyak.

Matatapos rin, patuloy kang sumayaw,
sabayan ang musikang naririnig sa hangin,
langhapin ang halimuyak ng bulaklak sa atin.
Patuloy kang sumayaw.

27/04/2021
Ang unang hakbang upang magsimula muli ay tanggapin na hindi na maibabalik ang dati. Kailangang tanggapin na hindi na ma...
19/04/2021

Ang unang hakbang upang magsimula muli ay tanggapin na hindi na maibabalik ang dati.

Kailangang tanggapin na hindi na maibabalik ang dati.
Na ang magagawa na lamang natin ay tignan ito at magpasalamat na ito ay nangyari dahil kahit minsan ay nabigyan tayo nito ng ngiti.

Ginugunita ngayong araw ang pagbagsak ng Bataan. Sana ay bukod sa alaala ng kahapon ay maging aral ito sa atin ngayon at...
08/04/2021

Ginugunita ngayong araw ang pagbagsak ng Bataan.

Sana ay bukod sa alaala ng kahapon ay maging aral ito sa atin ngayon at maging lakas upang patuloy na lumaban at bumangon.

Pagbati sa lahat ngayong Araw ng Kagitingan!

Magsisimula muli.
08/04/2021

Magsisimula muli.

“Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hi...
08/03/2021

“Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hindi mananakaw ng kahit sino; ang kalayaan niyang mag-isip.”
― Lualhati Bautista

Isang mapag-palayang araw ng mga kababaihan sa lahat! ✊

Hindi ka babae lang. Maligayang pandaigdigang buwan ng mga babae! Tignan ang selebrasyon dito sa Pilipinas: https://pcw....
01/03/2021

Hindi ka babae lang.

Maligayang pandaigdigang buwan ng mga babae!

Tignan ang selebrasyon dito sa Pilipinas: https://pcw.gov.ph/2021-national-womens-month/ #:~:text=March%203%2C%202021%20%E2%80%93%20Juana%2C,our%20fight%20against%20the%20pandemic.

Kilala mo ba sarili mo?Kilala ba natin ang sarili natin?O kilala natin ang sarili natin na ganito tayo kasi ganito tayo ...
26/02/2021

Kilala mo ba sarili mo?
Kilala ba natin ang sarili natin?
O kilala natin ang sarili natin na ganito tayo kasi ganito tayo sa isip natin at ganito tayo sa tingin ng iba.

May panahon ba na tinanong mo ang sarili mo kung sino ka?
Ano ang magagawa mo, ano ang mga nagawa mo, at ano pa ang gagawin mo.

Magsimula sa sarili, naghahanap ka ng bago? Bakit hindi sayo.

Hindi naman kailangan palagi mong alamHindi kailangan may sagot ka sa lahatHindi kailanganAng kailangan, yakapin mo yung...
25/02/2021

Hindi naman kailangan palagi mong alam
Hindi kailangan may sagot ka sa lahat
Hindi kailangan

Ang kailangan, yakapin mo yung mga aral
Matuto, at patuloy na matuto
Hayaan mong makuha ng puso at isip mo lahat
Para sa panahong kailangan na kailanganin ang mga bagay
Alam mo kung paano gamitin, sabihin, at gawin.

Ang daming kulang na pahina"Nakalimutan ko na nga ata mag-sulat", sabi niyaPatapos na ang buwan at parang may kulang pa....
24/02/2021

Ang daming kulang na pahina
"Nakalimutan ko na nga ata mag-sulat", sabi niya
Patapos na ang buwan at parang may kulang pa.

Hahabulin mo ba o hahayaan mo na hanapin ka
Hahanapin nga ba? O tama na?
Pero hayaan mo, lahat ng kulang ay pupunan pa,
May ilang araw akong itatakda

Para ang kulang ay maging kumpleto, kahit patapos na

"Ma! Bili mo ko nito!""Mamaya na"Hanggang sa hindi na nabili yung gusto mo. Nakalimutan? Walang pang bili? Ayaw?Maraming...
22/02/2021

"Ma! Bili mo ko nito!"
"Mamaya na"

Hanggang sa hindi na nabili yung gusto mo.
Nakalimutan? Walang pang bili? Ayaw?
Maraming maaaring dahilan kung bakit.
Ang sigurado, kikim-kimin mo 'yon ng ilang taon.
Pero makalipas ang ilang taon pa, tatawanan mo nalang kasi hindi mo na ito kailangan.

Hindi na nga ba natin kailangan?
Nakalimutan na nga ba nating maging bata?
Nakalimutan na nating sumaya at ngumiti sa mga simpleng bagay.

Huwag mong limitahan ang sarili moHindi kailangan na limitado ka ng oras at pagkakataonHuwag ka munang tumingin sa bawat...
22/02/2021

Huwag mong limitahan ang sarili mo
Hindi kailangan na limitado ka ng oras at pagkakataon
Huwag ka munang tumingin sa bawat galaw ng k**ay
Huwag mo munang intindihin ang pag-ikot

Gawin mo lang
Gumawa ka lang
Magpatuloy ka lang
Hanggang matapos mo. Hanggang sa dulo.

Naglalakad ka, mag-isa.Wala kang naririnig kung hindi huni ng ibon, hampas ng hangin, at ang kapayapaan ng dagat. Alam m...
19/02/2021

Naglalakad ka, mag-isa.
Wala kang naririnig kung hindi huni ng ibon, hampas ng hangin, at ang kapayapaan ng dagat.

Alam mo pa ba ang pakiramdam ng ganito? O hindi mo pa nararanasan? Huwag ka mag-alala. Hindi kailangan sumabay lagi, minsan kailangan mong languyin ang salungat na daan o kaya naman minsan, hindi mo kailangan lumangoy.

Hindi lahat ng alon, kaya nating suungin, may mga hampas itong kailangan lang natin panoorin.

Address

Los Baños

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yung Kwan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Yung Kwan:

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Los Baños

Show All