25/06/2023
UPDATE SA KAGULUHANG NAGANAP SA MAIMBUNG SULU:
Isang SAF member patay, 13 pulis at isang sundalo sugatan sa insidente.
Ang mga sugatang mga tropa ng pamahalaan sa engkwentro sa grupo ng wanted na dating vice mayor ng Maimbung, Sulu, si Pando Mudjasan, nitong Sabado, June 24, 2023, ay ginagamot na sa mga hospital at apat sa kanila ang isinugod sa mas modernong pagamutan sa Zamboanga City.
Idineklarang dead- on-arrival sa Maimbung Hospital Patrolman Regim Gacod, miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police.
Ginagamot na sa hospital ang mga sugatang pulis na sina Cpt. Ergie Wanawan, Cpl. Nelvin Roble, Cpl. Butz Lenard Bakidan, Cpl. Jayson Cabalquinto, Cpl. Jerwin Tongala, Cpl. John Lord Paasa, Cpl. Simon Ligmayo. Cpl. Vileo Raven Jariolne, Cpl. Alnadzmi Sahirani, Staff Sgt. Julakbar Jahani, Staff Sgt. Jadier Alfad, Patrolman Jasper Massagan at Patrolman Jason Dacio.
May isang miyembro din ng 41st IB ng Philippine Army ang sugatan sa insidente.
Aarestuhin sana ng maayos ng mga pulis at sundalo si Mudjasan batay sa utos ng korte kung saan siya may kinakaharap na mga kasong kriminal ngunit sila ng kanyang mga tauhan, armado ng assault rifles na walang mga lisensya, ay pumalag kaya nagkaputukan.
Maraming mga residenteng nagsilikas mula sa pinangyarihan ng insidente sa Barangay Bualo Lipid sa Maimbung ang nanawagan sa pulisya na imbistigahan din ang kumakalat na usap-usapan na sinunog pa ng grupo ni Mudjasan ang ilang mga bahay sa naturang lugar bago tumakas dala ang kanilang mga kasamang sugatan. (JUNE 26, 2023)
Mindanao Voices & DXJJ 89. 7 Dear FM-Kabacan