DXVL 94.9 News and Public Affairs

DXVL 94.9 News and Public Affairs DXVL 94.9 FM is an affiliate of the State-run Radio Network, Philippine Broadcasting Service.

KOOL FM is an affiliate of the State-run Radio Network in the Philippines, Philippine Broadcasting

23/12/2023

TANGLAW NG BUHAY | December 24, 2023

TIGNAN:  Natagpuan ngayong umaga ang bangkay ng isang lalake sa Bialong Bridge sa Mlang, Cotabato.Nasa area na ngayon an...
20/12/2023

TIGNAN: Natagpuan ngayong umaga ang bangkay ng isang lalake sa Bialong Bridge sa Mlang, Cotabato.

Nasa area na ngayon ang mga kapulisan para magsagawa ng imbestigasyon. Standby for update.

Photo: Benito & Joraba

18/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 19, 2023

18/12/2023

PANOORIN: "Mahirap at nakakaabala" - Ito ang reaksyon ng mga tricycle drivers at commuters sa inilabas ng opisina ni Mayor Gelyn Guzman na EO 2023-074 o pagbababawal sa mga three-wheeled vehicle na bumyahe sa National Highway.

Sa hiwalay na panayam kay Mayor Guzman, io umano ay alinsunod sa Memorandum Circular 2020-036 ng DILG. Layunin din nitong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa National High Way at makaiwas sa mga vehicular accidents.

ISANG LOLA SA TUNGGOL, DATU MONTAWAL NA-HIT AND RUN, PAMILYA NG MATANDA HUMIHINGI NG TULONG PARA MAKILALA ANG LALAKING B...
18/12/2023

ISANG LOLA SA TUNGGOL, DATU MONTAWAL NA-HIT AND RUN, PAMILYA NG MATANDA HUMIHINGI NG TULONG PARA MAKILALA ANG LALAKING BUMANGGA

Humihingi ngayon ng tulong ang pamilya Tugade na makilala at mahuli ang bumangga sa kanilang lola nitong Sabado sa Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga Apo ni Lola Estelita Tugade, habang nasa gilid ng daanan ang matanda at hinihintay na makadaan ang isang van upang makatawid ito sa highway, nang biglang may mabilis na single motorcyle ang umagaw ng lane at nabangga ang lola na nasa gilid ng daan.

Nakaladkad pa umano ang lola dahil nasabit ang damit nito sa motor.
Upang agad na makatakas, sinipa pa umano ng lalake ang lola.

Nasa 20 anyos umano ang lalaking nag-hit and run sa matanda.

Sinubukan pang habulin ng mga tao sa lugar ang lalake, ngunit nabigo ang mga ito. Lumiko umano ito sa taniman ng Oil Palm sa Bulit, Datu Montawal.

Nakunan ng CCTV ang pangyayari ngunit malabo ang kuha nito.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling mula sa mga tinamong sugat ang matadang biktima.

KABACAN PNP, NAGKASA NG SEARCH WARRANT SA BAHAY NG ISANG DRUG SUSPEK, MGA DRUG ITEMS NAKUMPISKA; SUSPEK, NAKATAKASNiluso...
18/12/2023

KABACAN PNP, NAGKASA NG SEARCH WARRANT SA BAHAY NG ISANG DRUG SUSPEK, MGA DRUG ITEMS NAKUMPISKA; SUSPEK, NAKATAKAS

Nilusob ng Kabacan PNP nitong gabi ng Biyernes ang bahay ng isang high value drug suspect sa bayan na kinilalang si Art "Tambok" Janducayan, 38 yrs old.

Bitbit ang search warrant, pinasok ng SWAT at Kabacan PNP ang isang dating paupahan at residential building sa may connecting road ng Aglipay Street at national highway, ilang metro lamang ang layo mula sa Kabacan PNP sub-station.

Tanging asawa at biyenan na lamang ng suspek ang naiwan sa loob ng bahay, matapos tumakas ng suspek nang matunugan ang paparating na operatiba.

Sa paghahalughog ng kapulisan, narekober ang ilang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nakasilid sa lalagyan ng chewing gum, ilang gramo ng ma*****na, mga buhay na bala at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nakatakda nang mag file ng arrest warrant ang kapulisan laban kay Janducayan habang isinailalim na rin sa lab tests ang mga narekober na ebidensya laban sa kanya.

Photos: DXVL 94.9 News and Public Affairs

14/12/2023

๐™๐™๐™„๐˜พ๐™”๐˜พ๐™‡๐™€ ๐˜ฟ๐™๐™„๐™‘๐™€๐™ ๐™‰๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐™€๐™, ๐™‰๐˜ผ๐™‚๐™ƒ๐˜ผ๐™‰๐˜ฟ๐™Š๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐˜ฝ๐™๐™€๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™”

โ€œLibreng sakay, LPT na akoโ€ iyan ang mga katagang nakapaskil sa tricycle ng isang USM driver na si Tukay A. Kamid na pumasa sa kaniyang unang pagsubok sa kakatapos lang na Licensure Examination for Teachers noong December 7, 2023.

Ayon sa kanya, naisipan niyang magpalibreng sakay upang makatulong sa kapwa niya estudyante at bilang selebrasyon din ng kaniyang pagiging Licensed Professional Teacher.

Hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si Kamid na pumasa siya sa LET dahil nagse โ€“ self review lamang ito.

Si Kamid, na tubong sitio lumayaong, kayaga, kabacan, cotabato ay may asawa na at dalawang anak.

Pinagsasabay nya noon ang pagaaral ay pagsurporta sa kanyang pamilya.

Sa katunayan, napagtapos niya rin ang kanyang asawa sa kolehiyo sa na naging LPT na rin noong nakataang taong sa tulong ng kanyang pag da drive ng motor.

Dagdag pa niya, maraming mga problema ang kaniyang napagdaanan, mga pangamba at takot na nararamdaman, ngunit nagtiwala pa rin ito sa kaniyang sarili upang makamit ang kaniyang mga pangarap.

13/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 14, 2023

13/12/2023

๐™‡๐™„๐™ˆ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™„๐™๐™Ž๐™Š ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐˜พ๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐™๐˜ฝ๐™‡๐™„๐˜พ ๐˜พ๐™€๐™ˆ๐™€๐™๐™€๐™๐™”, ๐™‰๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Ž๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™‰๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™ƒ๐™Š๐™”

Nasa limang nitso ang natumbahan ng puno ng kahoy dulot ng malakas na hangin at ulan nitong sabado sa kabacan public cemetery.

Ngunit, tatlong araw matapos ang pinsalang ito, hindi pa rin naalis ang natumbang puno sa mga nitso.

Sinangguni ito ng DXVL news sa MDRRMO kabacan.

Ayon ka acting MDRRMO officer ROSALIE B. BUDOY, ngayong araw lang din umano nila nalamang may natumbang puno sa sementeryo.

Kung kayaโ€™t agad itong sinuri ng kanilang mga kawani .

Kabilang sa mga netsong nasira ay ang mga puntod malapit sa main gate ng sementeryo.

Panawagan ng supultorero sa mga kaanak ng nakalibing malapit sa lugar, na tignan kung apektado ba ng natumbang puno ang pundod ng mga yumaong mahal sa bahay.

Sinig**o naman ni Budoy na gagawin nila ang nararapat na tugon para matanggal ang natumbang puno at maayos ang mga napinsala nito.

12/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 13, 2023

12/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 13, 2023

ILANG SERVICE AREA NG COTELCO SA KABACAN, NAKARANAS NG DALAWANG ORAS NG BLACKOUT KANINANG UMAGANakaranas ng dalawang ora...
12/12/2023

ILANG SERVICE AREA NG COTELCO SA KABACAN, NAKARANAS NG DALAWANG ORAS NG BLACKOUT KANINANG UMAGA

Nakaranas ng dalawang oras na power interruption ang bayan ng Kabacan mula alas 5 hanggang alas 7 ng umaga kanina.

Ayon sa COTELCO, ito ay upang mabigyang daan ang pole and line rehabilitation at extension para sa Novo building at Brgy. Osias, nitong bayan.

Kabilang sa mga naapektuhan ng power interruption ay ang mga sumusunod:

Feeder 62- from Kabacan Substation (heading Carmen)
>>left side going Cotabato
>>left side of Rizal Ave.
>>left side of Brgy. Osias
>>left side of Poblacion(Kabacan Public Market)
>>left side of Brgy. Kayaga(DESERET Hospital) going to Brgy. Lumayong, Carmen
>>end at C8 structure near Lumayong Bridge.
>>Kabacan Medical Specialist Hospital, NOVO, 3F Friendly Shoppers, Kusina Kabacan, Jesse Ministop, Superama, Survive Marketing, Mormons Church
>>Quirino St., Gen. Luna St., Lapu-Lapu St., Bonifacio St., Malvar St., Roxas St., Jacinto St., Zamora St., Dona Aurora St., Saranay-Kabacan St., Chrislam St., Aglipay St., Ma. Clara St.
>>Brgy. Kilagasan, Brgy. Lower Paatan, Eastern Osias, Brgy. Cuyapon, Sitio Tan
Feeder 65 - from Kabacan substation
>>left side going Cotabato>>
left side of Rizal Ave.
>>traversed to USM Avenue
>>USM Campus/Compound
>>Brgy. Aringay>>Brgy. Salapungan>>Brgy. Malanduage>>Brgy. Bannawag>>Brgy. Bangilan>>Brgy. Pisan>>Brgy. Pedtad>>Brgy. Buluan>>Brgy. Nangaan.

Photo: Cotelco

11/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 12, 2023 PART II

11/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 12, 2023

10/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 11, 2023

๐—จ๐—ฆ๐—  ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—–๐—ผ๐—บ ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ฒ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ฎn๐—ฑidate ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜†; ๐—œ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น Is...
10/12/2023

๐—จ๐—ฆ๐—  ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—–๐—ผ๐—บ ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ฒ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ฎn๐—ฑidate ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜†; ๐—œ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น

Isa nang ganap na opisyal ng puwersa ng kasundalohan ang isang USM DevCom graduate na si 2LT JEREIGH PATRICK C AQUINO matapos magtapos nitong December 5 sa Officer Candidate Course ng Philippine Army Officer Candidate School sa Training and Doctrine Command (TRADOC), Capas, Tarlac.

Isa si 2LT Aquino sa 283 graduates ng Class 59-2023 โ€œTalahirayaโ€. Siya ay residente ng Barangay Malanduague, Kabacan, Cotabato,

Si 2LT Aquino ay nagtapos ng kanyang BS Development Communication Degree sa USM noong 2022 bilang Cum Laude. Nagsilbi siya ng apat na buwan sa DXVL 94.9 FM bilang news writer at sales officer.

Disyembre noong nakaraang taon nang ito ay makapasa at makapasok sa OCC ng Philippine Army Officer Candidate School.

We are very proud of you, 2LT JEREIGH PATRICK AQUINO PA

LOOK: NABASA NG ULAN ang mga gamit nina Arsenio Abarsolo ng Purok 2, Katidtuan kaninang hapon matapos liparin ng malakas...
09/12/2023

LOOK: NABASA NG ULAN ang mga gamit nina Arsenio Abarsolo ng Purok 2, Katidtuan kaninang hapon matapos liparin ng malakas na hangin ang bubong ng kanilang bahay sa kasagsagan ng ulan.

Ayon sa isang miyembro ng pamilya, kabilang sa mga nabasa ay ang binhing palay, bigas at mga damit ng mag anak.

LOOK: Wasak ang bahay ng pamilya Alejo sa Purok 6, Osias, Kabacan, Cotabato matapos madaganan ng nabuwal na puno kaninan...
09/12/2023

LOOK: Wasak ang bahay ng pamilya Alejo sa Purok 6, Osias, Kabacan, Cotabato matapos madaganan ng nabuwal na puno kaninang hapon sa kasagsagan ng ulan.

Walang nasaktan sa insidente ngunit marami sa mga gamit ng pamilya ay nasira.

Sa mga gustong tumulong sa pamilya, maari ninyong ipadala sa aming himpilan ang inyong mga donasyon. Kami ay matatagpuan sa tabi ng USM ICTC building, USM Compound, Kabacan, Cotabato. Maari ring dalhin ito sa barangay hall ng Osias.

Photo: Mary Joy Alejo

SOLAR STREETLIGHTS SA BARANGAY BANNAWAG, TINANGKANG NAKAWIN, VM GUZMAN MAGBIBIGAY NG 50K  PESOS NA  PABUYA SA MAKAPAGTUT...
08/12/2023

SOLAR STREETLIGHTS SA BARANGAY BANNAWAG, TINANGKANG NAKAWIN, VM GUZMAN MAGBIBIGAY NG 50K PESOS NA PABUYA SA MAKAPAGTUTURO SA SALARIN

Tinangkang nakawin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang ilang mga solar street lights sa Barangay Bannawag.

Nadiskubre kahapon na tanggal na ang ilang tornelyo ng poste ng solar street light malapit sa sementeryo sa Barangay Bannawag, dahilan ng pagtagilid nito sa daanan, Habang ang iba ay naluwagan na rin ng tornelyo.

Naniniwala ang mga opisyal ng barangay na ito ay pagtatangkang pagnanakaw sa mga proyekto ng gobyerno.

Ang mga solar streetlights na ito ay mula sa opisina ni 3rd Dist. Congresswoman Sam Santos katuwang ang DPWH.

Dahil dito, inanunsyo kagabi ni Vice Mayor Herlo P. Guzman Jr sa kanyang facebook account na magbibigay siya ng pabuyang 50, 000 pesos sa sinomang makapagtuturo sa salarin .

Aniya, dapat mapanagot ang mga nasa likod nito dahil pera ng bayan ang ginamit sa proyekto. Labis din ang pagsiskap ng LGU noon na mapailawan ang naturang lugar, kung kayaโ€™t dapat umano itong pakaingatan ng mga residente.

๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ฎ๐—ฟ๐—บ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—ฅ๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐Ÿฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€MAHIRAP maging...
08/12/2023

๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ฎ๐—ฟ๐—บ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—ฅ๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐Ÿฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

MAHIRAP maging mahirap pero mas mahirap ang walang pangarap.

Ito ang pinatunayan ni Jaynel Barzo, Magna Cumlaude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Science sa University of Southern Mindanao, na ngayon ay Rank 2 din sa September 2023 Licensure Examination for Professional Teachers..

Ayon kay Barzo, hindi naging madali ang pag-abot niya sa kanyang mga pangarap laloโ€™t mahirap umano ang kanyang pamilya.

Walang regular na trabaho ang kanyang mga magulang at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay.

Pang-apat sa anim na magkakapatid si Barzo.

Working students sa isang highschool teacher mula Grade 9 hanggang grade 12.

Lahat ng panggastos sa school, co-curricular activities, at pagkain ay galing sa g**ong kanyang pinagtatrabahuan.

Minsan lamang nakakapagbigay ang mga magulang at kapatid dahil sa hirap ng buhay.

Sa kabila nito nairaos at natapos ni Barzo ang kanyang kurso noong 2022 bilang Magna Cumlaude at pangatlo sa highest General Weighted Average o GWA sa USM, pero pang -apat sa may pinakamataas dahil pantay ng GWA ang dalawang estudyante sa pangalawang pwesto.

Malaking bagay din umano ang free tuition sa USM at pagiging iskolar niya sa Kabugwason-Paglaum Program ng South Cotabato.

Lalo na ang suporta mula sa kanyang kapatid at magulang na tumutulong din kapag wala pa ang kanyang stipend.

Bago pa man kumuha ng LET exam si Barzo ay naging g**o na ito ng University Laboratory School at ayon sa kanyang mga co-teacher si Barzon ay very efficient at mahusay nitong tinatapos ang kanyang mga task.

Una nang nag online review si Barzo pero hindi siya kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon dahil hindi umano siya handa.

May pinagdaanan umano siyang personal na problema na kailangan niyang harapin. Matapos nitong maayos ang kanyang mga suliranin at alalahanin ay itinuloy na nito ang Board Exam.

Tunay na walang madaling daan tungo sa pag-abot ng ating mga pangarap, kaya maging inspirasyon nawa sa ating lahat ang buhay ni Jaynel Barzo Magna Cumlaude, Top 2, Licensed Professional Teacher.

Tatak USM, pogi at loding titser na anak ng Farmer, bunga ng punla na hinubog ng USM. | DXVLNews

07/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 8, 2023

๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—˜๐—ซ๐—”๐—  ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—–, ๐Ÿฏ ๐—š๐—ฅ๐—”๐——๐—จ๐—”๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—จ๐—ฆ๐—  ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐Ÿญ๐ŸฌMULING pinatunayan ng tatlo...
07/12/2023

๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—˜๐—ซ๐—”๐—  ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—–, ๐Ÿฏ ๐—š๐—ฅ๐—”๐——๐—จ๐—”๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—จ๐—ฆ๐—  ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐Ÿญ๐Ÿฌ

MULING pinatunayan ng tatlong graduates ng University of Southern Mindanao ang kanilang husay at galing sa katatapos lamang na Licensure Examination for Teachers na isinagawa nitong buwan ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Sa inilabas na resulta ng Philippine Regulations Commission o PRC, ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฎ si ๐—๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ฒ๐—น ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐˜‡๐—ผ sa score na 94.40 percent rating, ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฒ si ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—๐—ฎ๐˜€๐—บ๐—ถ๐—ป na may 93.60 percent rating at ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿด si ๐—๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ป๐—ป ๐—ฌ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐˜ na nakakuha ng 93.20 percent rating, lahat ay nagtapos sa USM.

Batay sa datus, kabuuang 519 takers mula sa University of Southern Mindanao (USM) ang pumasa.

Mula sa nasabing bilang, 76.79 percent dito ang mga aspiring teacher para sa elementarya ang agad na pumasa sa unang subok at 13.30 percent naman ang mga repeaters.

Samantala, 362 o (75.42 %) sa 449 na pumasa sa secondary level ang naging matagumpay sa unang pagkakataon at 87 o (15.54%) ay repeaters.

Sa buong bansa nasa 77,777 mula sa 146,562 examinees sa elemetarya at sekondarya ang pumasa o kabuuang 53.07% national passing rate.

06/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 7, 2023

Wala nang buhay nang maisugod sa ospital ang isang katorse anyos na dalagita  matapos makidlatan bandang alas 7:00 kagab...
06/12/2023

Wala nang buhay nang maisugod sa ospital ang isang katorse anyos na dalagita matapos makidlatan bandang alas 7:00 kagabi..

Kinilala ang biktima na si Mona Sumail Dalondong, residente ng Brgy. Malanduague, Kabacan, Cotabato.

Naisugod pa ng mga rumespondeng KIQRT, BDRRM at BPAT ng Malanduague ang dalagita sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

04/12/2023

THE MORNING NEWS | DECEMBER 5, 2023

JUST IN: Inilabas na ng PNP ang pagkakakilanlann ng mga persons of interest sa pamomomba sa Dimaporo Gymnasium, MSU Mara...
03/12/2023

JUST IN: Inilabas na ng PNP ang pagkakakilanlann ng mga persons of interest sa pamomomba sa Dimaporo Gymnasium, MSU Marawi, Marawi City kaninang umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Arsani Membisa at Wahab Macabayao.

WALANG PASOK BUKAS, sa Kidapawan City sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaalan.Ito ang inanunsyo ngayong gab...
03/12/2023

WALANG PASOK BUKAS, sa Kidapawan City sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaalan.

Ito ang inanunsyo ngayong gabi ni Kidapawan City Mayor Atty. Pao Evangelista sa kanyang facebook account. Ito umano ay para makapagsagawa ng mas masusing assessment sa mga gusali ng lahat ng paaralan sa lungsod kasunod ng malalakas na pagyanig sa Surigao at Saranggani.

03/12/2023

๐—ช๐—”๐—ง๐—–๐—›: ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—˜๐—ป๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ช๐—ต๐—ฒ๐—ฒ๐—น๐˜€ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ng Korte Suprema katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato.

Sa pamamagitan ng naturang programa, natulongan ang mga Persons Deprived of Liberty na mapabilis ang paglitis ng kanilang mga kaso. Ilan sa kanila ay nakatakda nang makalaya sa mga susunod na araw.

Kasabay nito, namigay ang provincial government sa pamumuno ni Gov. Lala Mendoza at DSWD XII ng livelihood at cash assistance sa nasa 114 na mga PDL sa probinsya.

03/12/2023

PANOORIN | Pahayag ni Gov. Mamintal โ€œBombitโ€ Alonto Adiong Jr., tungkol sa pagsabog ng isang IED sa loob ng MSU Dimaporo Gymnasium kaninang umaga.

Video : Lanao del Sur Provincial Office

๐Š๐‹๐€๐’๐„ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐€๐๐“๐€๐’ ๐๐† ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐’๐“๐€๐“๐„ ๐”๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐ˆ๐“๐˜-๐Œ๐€๐‘๐€๐–๐ˆ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž ๐ƒ๐”๐‹๐Ž๐“ ๐๐† ๐๐€๐†๐๐Ž๐Œ๐๐€ ๐’๐€ ๐†๐˜๐Œ๐๐€๐’๐ˆ๐”๐Œ ๐๐† ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐Nagpala...
03/12/2023

๐Š๐‹๐€๐’๐„ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐€๐๐“๐€๐’ ๐๐† ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐’๐“๐€๐“๐„ ๐”๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐ˆ๐“๐˜-๐Œ๐€๐‘๐€๐–๐ˆ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž ๐ƒ๐”๐‹๐Ž๐“ ๐๐† ๐๐€๐†๐๐Ž๐Œ๐๐€ ๐’๐€ ๐†๐˜๐Œ๐๐€๐’๐ˆ๐”๐Œ ๐๐† ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐

Nagpalabas na ng official statement ang Mindanao State University tungkol sa bombing incident sa loob ng Gymanasium ngayong umaga, December 3, 2023 ng Mindanao State University-Marawi Campus.

Kinondena ng pamunoan ng unibersidad ang pangyayari at labis ang kanilang pagdadalamhati at pakikiramay para sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima sa nasabing insidente.

Sa kanilang opisyal na statement, nabanggit ang on-going investigation upang matukoy ang mga responsable sa likod ng pagbomba. Ang MSU ay kasalukuyang nakikipag-koordinasyon sa mga otoridad upang agarang mabigyan ng hustisiya ang mga biktima.

Binigyan din nila ng diin ang pagsisig**o sa mga estudyante, faculty at lahat ng sektor sa loob ng unibersidad lalo na sa mga Christian communities sa loob ng campus.

Sila ay nakikiisa sa lahat ng apektado ng nasabing insidente. Kasabay rin dito ay ang pag papalabas ng kanilang matinding suporta upang masugpo ang anumang klaseng mararahas na gawain mula sa may masasamang loob sa komunidad.

Dahil dito, sinuspendido ang lahat ng antas ng klase sa paaralan kasama ang iba't ibang departamento at lebel pansamantala para sa pagsisig**o ng kanilang seguridad.

Photo from Mindanao State University

TINGNAN | Mga empleyado ng mga BPO sa Ecoland, lungsod ng Davao nagsilabasan matapos ang malakas na pagyanig ngauong gab...
02/12/2023

TINGNAN | Mga empleyado ng mga BPO sa Ecoland, lungsod ng Davao nagsilabasan matapos ang malakas na pagyanig ngauong gabi. | via Sheila Lisondra, RP Davao

Tsunami Warning, inilabas ng Phivolcs. Base sa Local Tsunami Database, aasahan ang mahigit isang metrong pagtaas ng alon...
02/12/2023

Tsunami Warning, inilabas ng Phivolcs.

Base sa Local Tsunami Database, aasahan ang mahigit isang metrong pagtaas ng alon mula alas 10:37 hanggang alas 11:59 ng gabi.

Inabisuhan ang mga residente malapit sa coastal areas sa Surigao del Sur at Davao Oriental na lumikas papunta sa matataas na lugar.

Tingnan: Mga nanirahan sa Matina Enclaves sa Davao City pansamantalang hindi muna pinapasok sa kanilang condo unit matap...
02/12/2023

Tingnan: Mga nanirahan sa Matina Enclaves sa Davao City pansamantalang hindi muna pinapasok sa kanilang condo unit matapos magkaroon ng cracks ang gusali dulot ng pagyanig ngayong gabi

TINGNAN | ISA sa mga pinsalang idinulot ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao de...
02/12/2023

TINGNAN | ISA sa mga pinsalang idinulot ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang 10:37 ng gabi. Makikita dito ang mga paninda ng 7/11 Convenience Store sa bayan ng Hinatuan at Tagbina na nagsipagbagsakan.

Photo Credit: John Micheil Basanez

01/12/2023

THE KEMF HOUR | December 2, 2023

Pahayag ni Daniel Padilla, matapos kumpirmahin ni Kathryn ang kanilang hiwalayan.'OUR LIVES MAY DRIFT AWAY BUT OUR LOVE ...
30/11/2023

Pahayag ni Daniel Padilla, matapos kumpirmahin ni Kathryn ang kanilang hiwalayan.

'OUR LIVES MAY DRIFT AWAY BUT OUR LOVE WILL STILL RIDE THAT TIDE'

Aktor na si Daniel Padilla, nag-post ng statement kaugnay sa hiwalayan nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.

"Ikaw at ako," saad ni Daniel sa kanyang post.

(Instagram/Daniel Padilla)

SAD NEWS: ALL GOOD THINGS REALLY COME TO AN END|  Binasag na ni Kathyryn Bernardo ang kanyang katahimikan tungkol sa isy...
30/11/2023

SAD NEWS: ALL GOOD THINGS REALLY COME TO AN END|
Binasag na ni Kathyryn Bernardo ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla.

Sa Instagram ng aktres, kinumpirma nitong hiwalay na sila ng actor at hindi na umano siya mag ientertain ng mga tanong tungkol dito.

29/11/2023

THE MORNING NEWS | NOVEMBER 30, 2023

JUST IN: DALAWANG LALAKI, BIKTIMA NG  PAMAMARIL SA MALABUAYA, KABACAN, COTABATO NGAYONG GABIDalawang lalaki ang bumulagt...
29/11/2023

JUST IN: DALAWANG LALAKI, BIKTIMA NG PAMAMARIL SA MALABUAYA, KABACAN, COTABATO NGAYONG GABI

Dalawang lalaki ang bumulagta sa daan matapos pagbabarilin sa Malabuaya Kayaga, Kabacan, Cotabato ngayong gabi lamang. Dead on the spot ang isa habang kritikal naman ang kalagayan ng isa pa.

Sinasabing may kasamang bata ang dalawang biktima at masurwerteng nakatakbo at nakaligtas sa insidente.

Inaalam pa sa ngayon ng news team ang buong detalye ng balita.

Photo: Norhata Buisan Sedik

Address

USM Compound
Kabacan
9407

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXVL 94.9 News and Public Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Kabacan

Show All