13/09/2024
๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | ๐๐บ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฒรฑ๐ฎ๐ณ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฅ๐ผ๐๐๐ฟ๐ผ, ๐ฏ๐๐บ๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐๐ฎ๐-๐๐ถ๐ธ๐ผ๐น
Malugod na tinanggap ng komunidad ng Philippine Science High School - Bicol Region Campus ang mga imahen ng Nuestra Seรฑora de Peรฑafrancia at Divino Rostro nitong ika-11 ng Setyembre 2024 sa taunang pagdaos ng Pagsungko ni Ina.
Sinalubong ng mga iskolar at g**o ang patrona ng Bicolandia sa pamamagitan ng isang prusisyon na agad sinundan ng banal na misang pinangunahan ni Rev. Fr. Arnel T. Haber.
Samantala, nagkaroon din ng prayer vigil ang bawat batch sa kani-kanilang takdang oras habang ang mga hindi Katoliko ay nanatili sa ampiteatro ng paaralan para sa kanilang faith sharing activity.
Sa pagwawakas ng aktibidad ay nagtipon-tipon muli ang mga mag-aaral at kawani sa himnasyo para sa Pagpahumale bago ihatid ng mga deboto ang mga imahen pabalik sa simbahan ng Parokya ng San Martin de Porres.
Ang Pagsungko ni Ina ay isang taunang tradisyon kung saan bumibisita ang imahen ng Peรฑafrancia at Divino Rostro sa iba't ibang parokya bilang bahagi ng paghahanda sa kapistahan tuwing Setyembre.
via Esther Cale, Kurt Lagrimas, at Stephanie Vista | Arab-Adab