15/09/2021
✨MLBB 5th Anniversary Special Topic✨
Heto ang isang magandang kwento mula sa MLBB player and MGL creator 👇
Noong una kong nakita ang theme ng redrawing old MLBB fan art, na-excite ako. Bukod sa artblock na naramdaman ko non', naalala ko rin un mga panahon na nai-reredraw ko ang mga artwork ko kahit na ilang buwan pa lamang mula nang una kong iguhit ang mga ito.
Kapag binabalikan ko ang old MIL drawings ko sa hard drive, may nostalgia at cringe akong nararamdaman. Pinili kong iguhit si Angela noong bagong labas na hero palang siya.
Naglalaro ako ng ML nang matagal-tagal na rin. Aksidente ko lang itong nadownload at hindi ito pinansin ng isang taon. Hindi ko maalala ang eksaktong araw na bumalik ako sa paglalaro pero sa screenshot ng aking kapatid ay bandang Hulyo 2017 ‘yon. Kami ng kapatid ko ay naiinip at naghahanap ng games na maaari namin laruin nang magkasama at ayun nag-enjoy kami. Dumaan ang mga taon, nasaksihan namin ang mga pagbabago sa ML at ng mga tao sa paligid namin. Mula sa hindi sinasadya na pag-install mula noong 2016 at ngayon 2021 ay naging parte na ako ng MGL. Gusto ko lang sabihin na salamat ML. Sa mga susunod na kabanata ng buhay ko, kasama kitang maglalakbay.
MGL Creator