DXMS Radyo Bida Cotabato City

DXMS Radyo Bida Cotabato City This is the official page of DXMS AM Radyo Bida 882 khz. Contact us at [email protected].
(9)

DXMS AM Radyo Bida, a Cotabato City-based AM radio station, is the oldest Catholic broadcast radio station in the Philippines run by the Missionary Oblates of Mary Immaculate (OMI) established in 1957.

LOOK: TUMANGGAP ng subsidy mula sa Cotabato City Government ang walong mga pamilya na na-demolish ang mga bahay sa harap...
24/08/2024

LOOK: TUMANGGAP ng subsidy mula sa Cotabato City Government ang walong mga pamilya na na-demolish ang mga bahay sa harap ng Bureau of Jail and Penology (BJMP) sa Barangay Rosary Heights 10.

24/08/2024

Pagpapababa ng maternal deaths, tututukan ng Ministry of Health katuwang ang United Nations Population Fund

24/08/2024

Tubong Cotabato City, top 10 sa Criminologist Licensure Examination; Mayor Bruce Matabalao nagpaabot ng pagbati

24/08/2024

Mga nasawi sa dengue, abot na sa 17 ayon sa Cotabato Regional and Medical Center

24/08/2024

Batang bangsamoro Mula Maguindanao del Sur, namayagpag sa Qur'an Competition na ginanap sa Kingdom of Saudi Arabia

24/08/2024

Mga law-breakers na naaresto sa regionwide operation ng PNP sa BARMM, abot sa 130; Higit P600K halaga ng puslit na sigarilyo, nakumpiska

24/08/2024

NOW AIRING LIVE: Kabayanihan sa Gitna ng Kalamidad: Mga Kwento ng Bolunterismo
GUEST:
HASIM M. GUIAMIL, RSW, MTSW
Director II for Programs and Operations Services MSSD BARMM

Simultaneous radio broadcast to DXMS 88.2 RADYO BIDA, VOICE FM 92.1,DXMS AM Radyo Bida 882 khz, DXOL Happy FM 92.7, DXJC 92.1 Voice FM, Gabay FM 97.7 FACEBOOK LIVE ON MSSD-BARMM OFFICIAL PAGE

LIKE, SHARE, AND COMMENT!

23/08/2024

Mga karahasan sa BARMM, patuloy umano sa pagtaas ayon sa monitoring ng isang International NGO

23/08/2024

NDBC BIDA BALITA (AUGUST 24, 2024)

23/08/2024

BANTAYAN AUGUST 24, 2024

23/08/2024
23/08/2024
23/08/2024

Replay -
𝗦𝗜𝗡𝗗𝗔𝗪 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗦𝗔𝗠𝗢𝗥𝗢 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟱 𝗘𝗽𝗶𝘀𝗼𝗱𝗲
𝗔𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗛𝗔 𝗘𝗟𝗜𝗝𝗔𝗛 𝗕 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔-𝗔𝗟𝗕𝗔
Minister, MILG-BARMM
Head, Bangsamoro READi
Member of Parliament, BTA
𝗘𝗻𝗴𝗿 𝗞𝗛𝗔𝗟𝗜𝗗 𝗦 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗬
Bangsamoro Director General
MILG-BARMM
𝗡𝗔𝗦𝗦𝗘𝗥 𝗠 𝗗𝗔𝗥𝗜
Punong Barangay, Taliboboka
Calanogas, Lanao del Sur
𝗥𝗔𝗝𝗜𝗕 𝗕 𝗗𝗔𝗥𝗜
Sangguniang Barangay Member, Taliboboka
Calanogas, Lanao del Sur

23/08/2024

PAALALA: Iwas po tayo sa mga hindi kaaya-ayang salita.

Sa mga may mabubuting puso, humihingi ng tulong si tatay Bhods Endian Guiamal na taga Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kwento sa Radyo Bida ni tatay Bhods, isang taon na siyang hindi nakaka-pagtrabaho dahil sa hindi na siya makatayo at makalakad.

Sa mga gustong tumulong, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang kaanak na si Normina sa pamamagitan ng 0953-657-3368.

Maraming salamat po mga ka-Bida.🫶

23/08/2024

PART 2: Oplan-Sagip Bata Operation ng OSWDO.

Mga Badjao maging mga kabataang nanlilimos sa Cotabato City, titipunin ng nasabing ahensya upang mabigyan ng tulong.

LOOK: Tubong Cotabato City, top 10 sa Criminologist Licensure Examination.NAMAYAGPAG sa katatapos lang na Criminologist ...
23/08/2024

LOOK: Tubong Cotabato City, top 10 sa Criminologist Licensure Examination.

NAMAYAGPAG sa katatapos lang na Criminologist Licensure Examination o CLE ang isang graduate ng Coland Systems Technology, Inc. sa Cotabato City.

Si Renz Dinglasan Dela Cruz ay top 10 sa katatapos lamang na pagsusulit na ginawa noong July 31, August 1 at 2, 2024.

Siya ay nakakuha ng rating na 90.80%.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao kay Dela Cruz dahil sa tagumpay nito.

Photos: COLAND & AMICI

23/08/2024

PART 1: Oplan-Sagip Bata Operation ng OSWDO.

Mga Badjao maging mga kabataang nanlilimos sa Cotabato City, titipunin ng nasabing ahensya upang mabigyan ng tulong.

23/08/2024

BIDA PANAWAGAN AUGUST 23, 2024

23/08/2024

Para sa Panawagn 3PM:
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, ano ang babaguhin mo? No bad words please.🫶

23/08/2024

Cotabato City LGU, bubuo ng task force para tutukan ang muling pagdami ng mga Badjao sa lungsod

23/08/2024

Crop protection center ng MAFAR, aasahang makakatulong sa higit 60,000 na mga magsasaka sa BARMM

23/08/2024

Konsehal sa Cotabato City, may paglilinaw sa umano'y hindi pagbigay ng mga hininging financial documents

23/08/2024

Walong delinquent employer sa Cotabato City na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga kawani, binigyan ng show cause order ng SSS

23/08/2024

Mataas na kalibre ng baril, isinuko ng Barangay Official sa Cotabato City PNP

23/08/2024

Special Investigation Task Group, nagsampa na ng kaso sa mga suspek sa pamamaslang kay South Upi Vice-Mayor Benito

23/08/2024

12-anyos na batang lalaki patay nang aksidenteng mabaril ng kaibigan sa Cotabato City

23/08/2024

Dalawa patay, isa sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

Crop protection center ng MAFAR, aasahang makakatulong sa higit 60,000 na mga magsasaka sa BARMMINAASAHANG higit sa 60,0...
23/08/2024

Crop protection center ng MAFAR, aasahang makakatulong sa higit 60,000 na mga magsasaka sa BARMM

INAASAHANG higit sa 60,000 na mga magsasaka sa BARMM ang makakabenipisyo sa regional Crop Protection Center ay kaloob ng DA Bureau of Plant Industry sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform o MAFAR BARMM.

Ang nasabing gusali ay itinayo sa Integrated Agriculture Research Center sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte na simbolo rin ng patuloy na pagpapaunlad sa agrikultura ng Bangsamoro region ayon MAFAR Chief of Staff Arphia Ebus na kumatawan kay MAFAR Minister Mohammad Yacob nang isagawa ang hand-over ceremony.

Pinasalamatan din niya ang DA sa nasabing proyekto at sinabing ang Crop Protection Center ay isang hakbang patungo sa pag-unlad ng agricultural sector sa Bangsamoro region.

Sa mga nakalipas na panahon, ang rehiyon ay sentro rin ng pest outbreak dahil sa mapaminsalang insekto at iba pang mga sakit sa pananim na nakaapekto sa agricultural production at mababang kita ng mga magsasaka.

Hinikayat din ng MAFAR ang mga magsasaka sa rehiyon na gamitin ang handog na serbisyo ng crop center.

NAISAMPA na ng binuong SITG ang kasong murder at frustraded murder laban sa mga suspek na sangkot sa pananambang kay Sou...
23/08/2024

NAISAMPA na ng binuong SITG ang kasong murder at frustraded murder laban sa mga suspek na sangkot sa pananambang kay South Upi Vice-Mayor Roldan Benito.

Sinabi ni South Upi town chief Captain Amier Hussien Disomangcop na hinihintay nalang nila na magpalabs ng warrant ang korte para mahuli ang mga suspek.

Tumanggi muna siyang pangalanan ang mga ito.

Dagdag niya, hindi lang tatlo kung hindi maraming iba pa ang nasampahan ng kaso na may kinalaman at partisipasyon sa krimen.

Sa anggulong personal grudge at land conflict sumentro ang imbestigasyon ng PNP kaya naikonekta ang mga suspek sa krimen.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP sa isa pang kaso ng pamamaril sa kaparehong Barangay na ikinasawi ni Basir Saligan.

Naunang sinabi ni Disomancop na nangangalap pa sila ng ebidensya kung konektado ito sa kaso ni Vice Mayor Benito.

700 mga dating rebelde, isinailalim sa peace building program ng MPOS ng BARMMNADAGDAGAN pa ang bilang ng mga dating reb...
23/08/2024

700 mga dating rebelde, isinailalim sa peace building program ng MPOS ng BARMM

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga dating rebelde na isinailalim sa peace building program ng Ministry of Public Order and Safety ng BARMM matapos boluntaryong sumuko ang pitong mga kasapi ng BIFF sa 1st Brigade Combat Team ng militar sa Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Agad silang nakatanggap ng P5,000 cash assistance mula sa MPOS bilang suporta sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad.

Ang mga ito ay magiging bahagi ng peacebuilding program ng MPOS kung saan parte ng kanilang adbokasiya na gawing kasangkapan ang mga dating rebelde sa pagsulong ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad.

Sa ngayon, ayon sa MPOS, abot na sa 700 mga dating local insurgents mula sa iba’t-ibang lalawigan ng BARMM ang kanilang natulungan sa pamamagitan ng peace building program.

Ang pitong mga bagong sumuko ay magiging prayoridad ng MPOS sa kanilang peace building intervention.

Pinasalamatan naman ni MPOS Peace Education Division Chief Sittie Janine Gamao ang mga rebel returnees dahil kanilang pagpasyang piliin ang landas ng kapayapaan.

Photos: MPOS-BARMM

Address

Oblate Media Center, Sinsuat Avenue
Cotabato City
9600

Opening Hours

Monday 5am - 10pm
Tuesday 5am - 10pm
Wednesday 5am - 10pm
Thursday 5am - 10pm
Friday 5am - 10pm
Saturday 5am - 12pm

Telephone

+639175815467

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXMS Radyo Bida Cotabato City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXMS Radyo Bida Cotabato City:

Videos

Share

Our Story

DXMS AM Radyo Bida is the oldest Catholic broadcast radio station in the Philippines run by the Missionary Oblates of Mary Immaculate (OMI) since 1957

Nearby media companies