BigNews Ngayon Mindanao

BigNews Ngayon Mindanao Impressum

NEWS, EVENT, TOURISM, BUSINESS, FOODS

MEMBER: PILIPINAS MEDIA ORGANIZATION INC. (PMOI)

ULAT PANAHON 📢 Lumakas at naging isa nang ganap na bagyo o Tropical Depression ang binabantayang LPA sa silangan ng  , a...
01/09/2024

ULAT PANAHON 📢

Lumakas at naging isa nang ganap na bagyo o Tropical Depression ang binabantayang LPA sa silangan ng , ayon sa PAGASA at pinangalanang .

Hindi inaalis ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bansa habang patuloy itong lumalapit sa kalupaan.

via: PWS/PSU

Weather Update 📢 Ang potensyal na bagyo na tatawaging   ay halos tinakpan na ang buong bansa ngayong umaga ng Linggo. Gu...
01/09/2024

Weather Update 📢

Ang potensyal na bagyo na tatawaging ay halos tinakpan na ang buong bansa ngayong umaga ng Linggo. Gumanda ang sirkulasyon nito kagabi at ngayon ay nakakaapekto na sa halos buong , , at .

Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa , , , at , ; posible rin ang pag-ulan sa kabilang ang at at , as well as .

Makakaasa din ng ulan ang , . Maulap na kalangitan naman ang aasahan sa , at magsisilbing simula sa isang maulang linggo ngayon.

Posibleng maging ganap na bagyo sa loob ng 24 oras ang LPA at tatawaging ng PAGASA. Inaasahang paiigtingin nito ang na magdadala ng malalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw. ⚠️

via | Weather Watch Philippines
via PAGASA, Weather Models
📸: Zoom Earth 01 Sep 2024

31/08/2024

PANOORIN | MGA nagsasagawa ng Drag race ngayong gabi hinuli ng Parang Municipal Police Station sa pangunguna ni PLTCOL. Erwin G. Tabora, Chief of Police.

Nakumpiska ng Parang MPS ang anim na iba't ibang uri ng motorsiklo habang apat na kabataan naman ang nahuli.

Hangarin ng Parang Municipal Police Station na walang mapinsala ang mga kabataan ito na nagsasagawa ng ganitong aktibidad na posibleng makadisgrasya at maka damay lalo nasa mga taga Parang Magauindanao Del Norte at sa mga byahero.

(J.A)



BigNews Ngayon Pilipinas
ABN 89.5FM radio pilipinas Pilipinas Media Organization Inc. Mindanao Chapter

BREAKING | MGA kabataang nagsasagawa ng Drag race ngayong gabi hinuli ng Parang Municipal Police Station sa pangunguna n...
31/08/2024

BREAKING | MGA kabataang nagsasagawa ng Drag race ngayong gabi hinuli ng Parang Municipal Police Station sa pangunguna ni PLTCOL. Erwin G. Tabora, Chief of Police

(J.A)



BigNews Ngayon Pilipinas
ABN 89.5FM radio pilipinas
📸SarhentoNgNorte

Mga KaBigNews ‼️Gusto mo bang sumikat ang business mo? Ipromote natin yan!Mayroon po kaming Handog para sa inyo.. makipa...
30/08/2024

Mga KaBigNews ‼️

Gusto mo bang sumikat ang business mo? Ipromote natin yan!

Mayroon po kaming Handog para sa inyo.. makipag-ugnayan lamang po sa aming FB-Page na ito o tumawag sa numerong 0953-321-4568

Tara pag-usapan natin yan!!

CONSTRUCTION WORKER PATAY SA PANIBAGONG KASO NG PAMAMARIL SA LUNGSOD NG COTABATO!PATAY sa panibagong insidente ng pamama...
30/08/2024

CONSTRUCTION WORKER PATAY SA PANIBAGONG KASO NG PAMAMARIL SA LUNGSOD NG COTABATO!

PATAY sa panibagong insidente ng pamamaril ang isang construction worker na mayroong nakabinbing kaso na double murder sa Purok Talainged, Tamontaka 1, sa Lungsod ng Cotabato kahapon ng hapon.

Sa ulat mula ng PNP, kinilala ang biktima nasi Aladin Sali Panayaman, 25 taong gulang, construction worker na residente ng Barangay Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Magauindanao Del Norte.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad isang SUV ang pumara sa tapat ng kinatatayuan ng biktima at bigla nalang itong pinagbabaril gamit ang dipa matukoy na uri ng armas, nagawa pang dalhin sa bahay pagamutan ang biktima ngunit idiniklara na itong dead on arrival ng mga attending physician.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang pisngi ang biktima dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril agad namang tumakas ang mga salarin.

Sa ngayon ay mayroon ng tinitingnan anggulo ang mga otoridad isa na ang posibleng alitan o personal grudges habang patuloy ang imbestigasyon hinggil sa pamamaril.

(J.A)


BigNews Ngayon Mindanao
BigNews Ngayon Pilipinas
ABN 89.5FM radio pilipinas
-ccto-

Weather Update 📢Binabantayang sama ng panahon o LPA sa silangan ng  , posibleng pumasok na ng PAR mamayang gabi.Tumataas...
30/08/2024

Weather Update 📢

Binabantayang sama ng panahon o LPA sa silangan ng , posibleng pumasok na ng PAR mamayang gabi.

Tumataas na rin ang tsansa nitong maging isang ganap na bagyo ngayong weekend.

Sakaling maging bagyo, tatawagin itong “𝙀𝙉𝙏𝙀𝙉𝙂" ng PAGASA.

Manatiling umantabay sa mga susunod na update na ipalalabas hinggil sa banta ng nasabing sama ng panahon sa bansa.

via | PWS/PSU

TOP 2 MOST WANTED PERSON AT LEADER NG POTENTIAL PRIVATE ARMED GROUP SA MAGUINDANAO DEL NORTE ARESTADO!DAHIL sa walang hu...
29/08/2024

TOP 2 MOST WANTED PERSON AT LEADER NG POTENTIAL PRIVATE ARMED GROUP SA MAGUINDANAO DEL NORTE ARESTADO!

DAHIL sa walang humpay na operasyon ng PRO BAR laban sa mga wanted person sa rehiyon ay nagresulta sa matagumpay na pagkadakip sa Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) at isang kilalang pinuno ng isang Potential Private Armed Group (PPAG) nitong araw ng meyerkules Agosto 28, 2024 sa Barangay Balut, Sultan Mastura, Maguindanao Del Norte.

Kinilala ng Sultan Mastura MPS ang arestadong akusado nasi DAUDIE USMAN MAMADRA, lalaki, may asawa, nasa hustong gulang, na residente sa Brgy Balut, Sultan Mastura, Maguindanao Del Norte, na tinaguriang Top 2 wanted person at pinuno ng Mamadra Potential Private Armed Groups (PPAGs).

Batay sa ulat, nagtungo sa lugar ang pinagsamang mga operatiba ng Sultan Mastura MPS (Lead Unit), kasama ang PIU MDN, RIU 15, at RID PRO BAR, at inihain ang warrant of arrest laban sa akusado, na may kasong paglabag sa Article 248 (Murder) na inisyu ng Presiding Judge ng 12th Judicial Region, Branch 14 ng Cotabato City, na may petsang Setyembre 4, 2013.

Ang operasyon ay isinagawa nang walang anumang pagtutol mula sa akusado, na ganap na nalaman ang kanyang mga karapatan at ang kanyang pagka-aresto.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Mastura MPS, kung saan siya ay sumasailalim sa dokumentasyon at naghihintay ng pagpapalabas ng Commitment Order mula sa korte.

Pinapurihan naman ni Acting Regional Director ng PRO BAR, PBGEN. PREXY D. TANGGAWOHN, ang coordinated efforts ng Sultan Mastura Municipal Police Station at ng lahat ng katuwang na unit para sa kanilang propesyonalismo at mabilis na pagkilos.

(J.A)



29/08/2024

PANAYAM | PLTCOL. ERWIN G. TABORA, CHIEF OF POLICE, PARANG MUNICIPAL POLICE STATION

Kaugnay sa action taking nito sa Smuggle Ci******es na nakumpiska ng Parang MPS na ngayon ay ituturn-over nasa Bureau Of Customs ngayong hapon

(J.A)

29/08/2024

EXCLUSIVE || Action Taking‼️
Smuggle Ci******es na nakumpiska ng Parang MPS ituturn-over nasa Bureau Of Customs ngayon hapon araw ng Huwebes August 29,2024

(J.A)

EXCLUSIVE || Action Taking‼️Smuggle Ci******es na nakumpiska ng Parang MPS ituturn-over nasa Bureau Of Customs ngayong h...
29/08/2024

EXCLUSIVE || Action Taking‼️

Smuggle Ci******es na nakumpiska ng Parang MPS ituturn-over nasa Bureau Of Customs ngayong hapon

(J.A)

29/08/2024

Live‼️Part2

Action Taking
Smuggle Ci******es na nakumpiska ng Parang MPS ituturn-over nasa Bureau Of Customs

(J.A)

29/08/2024

Live‼️
ACTION TAKING
Smuggle Ci******es na nakumpiska ng Parang MPS ituturn-over nasa Bureau Of Customs ngayong hapon araw ng Huwebes August 29, 2024

(J.A)

Weather Update 📢 Hindi na makita sa mapa ang Japan matapos tamaan ng pinakamalakas na bagyo sa Western Pacific basin nga...
29/08/2024

Weather Update 📢

Hindi na makita sa mapa ang Japan matapos tamaan ng pinakamalakas na bagyo sa Western Pacific basin ngayong 2024, ang bagyong may international name na ‘Shanshan’ sa Japan bilang isang malakas na bagyo.

Kumikilos ito ng napakabagal at inaasahang mananatili sa Japan ng ilang araw na inaasahang nagdudulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa. Sa mga may kakilala sa Japan, ingat po sa kanila!

via | Weather Watch Philippines
📸: Zoom Earth

Good news mga KaBigNews ‼️Hanap muba ang kalidad at murang tinted at car painting abay may sagot tayo jn!"DHEN CAR TINT ...
29/08/2024

Good news mga KaBigNews ‼️

Hanap muba ang kalidad at murang tinted at car painting abay may sagot tayo jn!

"DHEN CAR TINT AND MOTOR PAINT "

Located Muñuz Resort, Brgy. Gumagadong Calawag Parang Magauindanao Del Norte

Service's offered: Tint, Repaint any kind's of Vehicle

Sila ay bukas Lunes hanggang Linggo sa Oras na alas-7 ng Umaga Hanggang alas-5 ng hapon

Pwedi rin kayong makipag-ugnayan sa kanilang FB page: KuroBoshi
Contact Number: 09539525544

Halinat puntahan mga KaBigNews, tiyak na mura at kalidad ang serbisyo para sa iyong mga sasakyan!


PROVINCIAL TOP 4 MWP, KULANG SUMUKO SA MAGUINDANAO DEL NORTE PNPKUSANG sumuko ang tinaguriang Top 4 Most wanted person, ...
27/08/2024

PROVINCIAL TOP 4 MWP, KULANG SUMUKO SA MAGUINDANAO DEL NORTE PNP

KUSANG sumuko ang tinaguriang Top 4 Most wanted person, Provincial level sa mga awtoridad ng Sultan Mastura MPS sa Brgy. Tapayan, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, noong ika-26 ng Agosto 2024.

Kinilala ni Police Colonel Salman H. Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Norte PPO ang sumukong akusado na si alyas “Jojo”.

Ayon kay PCol Sapal, bandang 11:45 ng umaga kusang nagtungo at sumuko sa naturang istasyon ang akusado.

Sa ulat mula sa Sultan Mastura MPS, ang akusado ay may nakabinbin na warrant of arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.Dagdag pa ng PNP, si alyas “Jojo ang naging pangunahing suspek sa barilan na naganap sa Cotabato City noong nakaraang taon, kung saan isang police es**rt ng Alkalde ng Datu Odin Sinsuat Municipality ang nasawi.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Mastura MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Sa pamumuno ni PCol Sapal, ang mga kapulisan ng Maguindanao del Norte PPO ay mas paiigtingin ang pagpapatupad ng batas upang mahuli at mapanagot ang mga taong lumalabag sa batas.

(J.A)





𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗡𝗧𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗫𝗘𝗥𝗖𝗜𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗕-𝗦𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬SA pangunguna ng Food and Agricul...
27/08/2024

𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗡𝗧𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗫𝗘𝗥𝗖𝗜𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗕-𝗦𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬

SA pangunguna ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (UN-FAO), matagumpay na naisagawa nitong Agosto 23-24, 2024 ang isang Flood Anticipatory Action Simulation Exercise sa ilalim ng proyektong B-SPARED (Building on Social Protection for Anticipatory Action and Response in Emergencies and Disasters).

Ang nasabing proyekto ay naglalayong ihanda ang komunidad bago pa man ang inaasahang pagbaha sa pamamagitan ng pagbibigay ng multipurpose cash assistance sa mga apektadong pamilya mula sa Nes, Lomopog, Rangaban, Palongonguen, at Macasendeg na itinuturing na flood-prone areas.

Sa SIMEX na ito, aktwal na isinagawa ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office at Field Office XII, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO) ang tamang proseso sa monitoring, activation, at response phases.

Bahagi naman ng SIMEX ang pamamahagi ng multipurpose cash assistance sa 1,798 na mga benepisyaryo, kung saan ang mga may bank account ay direktang nakatanggap ng ₱2,100, habang ang mga walang bank account ay nakakuha ng kanilang cash assistance sa iba’t ibang remittance centers.

Samantala, ipinamahagi naman sa mga benepisyaryo mula sa Barangay Palongoguen ang mga tight-lid drums na magagamit nila sa paglalagay ng mahahalagang bagay sa panahon ng pagbaha. Aasahan ding makakatanggap ang iba pang mga benepisyaryo sa susunod na buwan.

Ayon kay Mayor Rolly “Ur Da Man” Sacdalan, ang SIMEX na ito ay mahalaga upang mas maging epektibo ang mga mekanismo sa paghahanda at pagtugon sa mga posibleng pagbaha.

(J.A)




SOURCE: Midsayap Infos

WEATHER UPDATE📢Kasalukuyang nakakaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng  ,  ,  ,  , ...
27/08/2024

WEATHER UPDATE📢

Kasalukuyang nakakaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng , , , , , at dulot ng Thunderstorms na dala ng . Posibleng magpatuloy pa ito sa mga susunod na oras.

Mag-ingat po tayong lahat mga KaBignews!

via | Weather Watch Philippines

WANTED PERSON SA KASONG MURDER, TIMBOG SA PARTIKUL, SULUTIMBOG ang lalaking wanted person sa kasong Murder sa bisa ng wa...
26/08/2024

WANTED PERSON SA KASONG MURDER, TIMBOG SA PARTIKUL, SULU

TIMBOG ang lalaking wanted person sa kasong Murder sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu nito lamang ika-23 ng Agosto 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ammad”, 29 gulang, na residente ng naturang lugar.

Naging matagumpay ang pagkaka-aresto sa suspek sa pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ng Patikul MPS katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 14-B, 1st Provincial Mobile Force Company – Sulu PPO sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na may inirekomendang piyansang Php120,000.

Samantala, nasa kustodiya ng Sulu Provincial Jail ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Ang operasyon ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas at mapanatiling ligtas ang mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.

(J.A)





BigNews Ngayon Pilipinas
BigNews Ngayon Mindanao

Weather Update 📢Posibleng magkaroon muli ng surge o bugso ng malakas na   sa bansa kasabay ng pamumuo ng mga sama ng pan...
26/08/2024

Weather Update 📢

Posibleng magkaroon muli ng surge o bugso ng malakas na sa bansa kasabay ng pamumuo ng mga sama ng panahon/bagyo sa loob ng PAR sa unang linggo ng Setyembre.

Patuloy na mag-antabay dahil posible pa rin itong magbago sa mga susunod na araw.

via | PWS/PSU
𝖨𝗆𝖺𝗀𝖾: 𝙀𝘾𝙈𝙒𝙁 𝙈𝙤𝙙𝙚𝙡 𝙫𝙞𝙖 𝙒𝙞𝙣𝙙𝙮 | 𝟬𝟰 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟰
BigNews Ngayon Mindanao

LOOK | PLTCOL. ERWIN G. TABORA, Chief of Police conducted gift giving thru distribution of Sacks of Rice, canned goods, ...
26/08/2024

LOOK | PLTCOL. ERWIN G. TABORA, Chief of Police conducted gift giving thru distribution of Sacks of Rice, canned goods, noodles and personal hygiene kits to the Person Deprived of Liberty (PDL) of this station at about 8:00 AM of August 25, 2024 at Parang MPS, Brgy. Poblacion 1, Parang, Maguindanao del Norte.

(J.A)




📸Parang MPS

WEATHER UPDATE📢Kasalukuyang umiiral ang   o   sa kanlurang bahagi ng  ,  , at  . Dahil dito, asahan ang maulap na kalang...
25/08/2024

WEATHER UPDATE📢

Kasalukuyang umiiral ang o sa kanlurang bahagi ng , , at . Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na mga pag-ulan sa , , , , , , at .

Nakakaranas din ng mga maulap hanggang sa maulan na panahon na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang ilang bahagi ng , , , , , , , , , , , , , , , , , , , at dulot ng pamumuo ng mga .

Posible din ang pamumuo ng mga Localized Thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa na posibleng magdala ng mga pag-ulan.

Pinag-iingat ang lahat sa posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa! Ingat po!

via | Weather Watch Philippines
as of 4:30 PM, August 25, 2024, Sunday

BigNews Ngayon Mindanao

Congratulations 👏👏👏
25/08/2024

Congratulations 👏👏👏

CONGRATULATIONS! 👏👏👏

JOMAR B. ABDUL
BROADCASTER OF THE YEAR 2023
Bonifide Member
Pilipinas Media Organization Inc.
National Board of Directors - Barmm Chapter
During the 1st PMOI Annual Media Convention 2024 at Felis Resort, Matina, Aplaya, Davao City, Philippines July 25-28, 2024

Sponsored:

Ellah Photoshop
Ma'am Monaida Pendinatar Marindig
Hon. Pendaliday "Philip" Beda
Hon. Abdulaziz "Kakamahal" Ali
PLTCOL. Erwin G. Tabora
PLT. Cairodin M. Tomawis

We are so proud of you!!!

PHP6.8M HALAGA NG SHABU NASABAT ,2 HVI ARESTADO SA COTABATO CITY!NASABAT ang tinatayang Php6,800,000.00 halaga ng shabu,...
22/08/2024

PHP6.8M HALAGA NG SHABU NASABAT ,2 HVI ARESTADO SA COTABATO CITY!

NASABAT ang tinatayang Php6,800,000.00 halaga ng shabu, habang arestado ang dalawang High Value indibidwal sa isinagawang PDEA-BARMM Drug buybust operation sa Governor Gutierrez Avenue, Barangay RH9, Cotabato City noong ika-20 ng Agosto 2024.

Kinilala ang mga naarestong suspek sina alyas “Ato” at alyas “Danny” na pawang residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Bandang 3:00 ng hapon, nang maaresto ang mga suspek dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng PDEA-BARMM at Cotabato City Police Office na nagresulta rin sa pagkakakumpsika ng mga kaukulang ebidensya.

Nakuha mula sa naturang operasyon ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang Php6,800,000.00 .

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.

Samantala, pinasalamatan naman ni PDEA Regional Director Castro at PCOL. Joel Estaris at ang buong hanay ng PDEA BARMM at Cotabato City PNP sa matagumpay na operasyon at pagkakahuli ng mga suspek. Naniniwala rin siya na sa tulong ng komunidad, koordinasyon ng bawat sangay ng gobyerno ay masasawata at mapipigilan ang anumang uri ng kriminalidad partikular ang iligal mga na droga na may hangaring mapanatili ang maayos at tahimik na pamayanan.

(J.A)






BigNews Ngayon Pilipinas
BigNews Ngayon Mindanao

31 ANYOS, ARESTADO NG PNP DAHIL SA ILEGAL NA DROGA!ARESTADO ang isang lalaki  na street level individual matapos magsaga...
22/08/2024

31 ANYOS, ARESTADO NG PNP DAHIL SA ILEGAL NA DROGA!

ARESTADO ang isang lalaki na street level individual matapos magsagawa ng Anti-Illegal Drug Entrapment Operation ang PNP sa Prk. 4, Brgy. Ugalingan, Carmen, Cotabato nito lang hating gabi Agosto 22, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rey B Salgado, hepe ng Carmen Municipal Police Station ang suspek na si alyas "Mikee", 31-anyos, may asawa, isang lineman at residente ng naturang barangay.

Ayon kay PLtCol. Salgado, bandang 12:30 ng hating gabi ng isinagawa ang buy-bust operation ng mga awtoridad at dito nasamsam ang apat (4) na piraso ng transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu at Php500.00 bilang buy bust money

Samantala, hindi titigil ang ating kapulisan sa pagsugpo ng mga sangkot sa ilegal droga upang mapanatiling maayos at ligtas ang ating kumunidad.

(J.A)





BigNews Ngayon Pilipinas
BigNews Ngayon Mindanao

70-ANYOS NA LALAKING MAY KINAKAHARAP NA KASONG DOUBLE MURDER AT ATTEMPTED MURDER, ARESTADO!ISANG 70-anyos na lalaking na...
22/08/2024

70-ANYOS NA LALAKING MAY KINAKAHARAP NA KASONG DOUBLE MURDER AT ATTEMPTED MURDER, ARESTADO!

ISANG 70-anyos na lalaking nakalista bilang No. 8 Regional Most Wanted Persons ang inaresto bilang bahagi ng agresibo at walang tigil na kampanya ng President Roxas Municipal Police Station laban sa kriminalidad.

Kinilala ni Police Major Jun Jinete Napat, Hepe ng nasabing istasyon, ang nahuling suspek na si alyas Totin, may asawa, at residente ng Kayaga Kabakan Cotabato.

Inaresto si Totin dakong alas 8 nitong umaga (Agosto 22, 2024) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Arvin SadirI B. Balagot, Presiding Judge ng Regional Trial Court branch 17, Kidapawan City noong February 28, 2024, para sa kasong double murder at attempted murder.

Samantala, wala namang ipinataw ang korte na piyansa sa kinakaharap na kaso ng nahuling inidibidwal.

Ang arresting team ay binuo ng pinagsamang mga operatiba ng President Roxas MPS (Lead unit), 1203rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, Regional Intelligence Division 12, Regional Special Operation Group 12, at Provincial Intelligence Unit-Cotabato Police Provincial Office.

Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon para panagutin ang mga taong may pananagutan sa ating batas.

(J.A)





BigNews Ngayon Pilipinas
BigNews Ngayon Mindanao

APAT NA LALAKI ARESTADO NG MAGUINDANAO DEL SUR PNP-PDEA SA KASONG R.A 9165 at R.A 10591!ARESTADO ang apat na lalaki mata...
21/08/2024

APAT NA LALAKI ARESTADO NG MAGUINDANAO DEL SUR PNP-PDEA SA KASONG R.A 9165 at R.A 10591!

ARESTADO ang apat na lalaki matapos masabat ang tinatayang PHP346,800 halaga ng shabu at pagkakakumpiska sa matatas na kalibre ng baril sa Barangay Ambadao, Datu Piang, Maguindanao del Sur nito lamang ika-17 ng Agosto 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Dido”, 46 anyos, alyas “Zai”, 55 anyos, alyas “Ari”, 25 anyos, alyas “Anton”, 39 anyos, na pare-prehong residente ng naturang lugar, habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pa nilang kasamahan na si alyas “Selo”.

Bandang 5:45 ng umaga nang nasabing petsa nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation ng Datu Piang Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – Maguindanao del Sur Office, 602nd Brigade Philippine Army, 6th Infantry Battalion PA, Intelligence Service Unit PA, National Intelligence Coordinating Agency BARMM na nagresulta sa pagkaka-aresto sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pinaghihinalaang shabu na mga timbang na 76gramo na tinatayang nagkakahalagang Php346,800, isang yunit ng M60, isang yunit ng cal.30, 260 rounds ng 7.62 ammunitions, tatlong cellphones, isang cigarette pack, dalawang improvised bamboo sealer, apat na lighters, isang gunting, 15 unused transparent sachets, PHP1000 peso bill bilang buy-bust money, 4 na assorted wallets, limang assorted notebooks, at isang weighing scale.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o “Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act” kapag napatunayang nagkasala ang mga ito at kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Maguindanao del Sur Office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Patuloy ang buong hanay ng kapulisan katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan na mas lalong pagpapaigting an kampanya kontra iligal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan tungo sa bagong Pilipinas.

(J.A)





Address

Cotabato City
9610

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BigNews Ngayon Mindanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to BigNews Ngayon Mindanao:

Videos

Share

Nearby media companies


Other News & Media Websites in Cotabato City

Show All

You may also like