05/10/2022
πππππππ ππ ππππππππππ, πππππ ππ ππππππππ ππ πππ-ππ ππππππππππ ππππππ ππππ
Iginawad ang Best Booth Design (Regional/Provincial Category) at Peopleβs Choice Award sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ginanap na ika-33 Philippine Travel Mart sa Lungsod ng Pasay na nagtapos kahapon ng ika-2 ng Oktubre.
Ang nasabing booth ay nagpamalas sa mga natatanging atraksyon, destinasyon, kulay, kultura, at tradisyon ng limang lalawigan ng rehiyon kagaya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi at kabilang na rin ang Lungsod ng Cotabato.
Ang booth ay pinangasiwaan ng Ministry of Trade, Investment, and Tourism ng Bangsamoro na nilalayong ipakita ang makukulay at magagandang kultura ng Bangsamoro.
Ang nasabing aktibidad ay idinaos ng Philippine Travel Operators Association (PHILTOA) upang buhayin ang industriya ng turismo sa Pilipinas.
Photos: PLGU - LDS
via | Radyo Pilipinas
https://www.facebook.com/photo/?fbid=501146895381062&set=pcb.501147725380979&__cft__[0]=AZVOpSGAbltd5e2aUqoiZYa4NCWxzL8eZfj07ncdSOfZRtm_lzDag9gCYnXINdEY5BgwcE13c7NGXBYINY9pulijAzgn4_Osf3zG2ejEaF9LtZOi9BBst5JiVcYT_NFHUReXxsDgZleOFBEXypRKvbBa--M_75-m3YaRXtQ_j8-z6Q&__tn__=*bH-R