23/07/2023
Alhamdulillahi Ladi-An'jhala-Ala-RasulilLah Hilkarim Wa Nabiyna Muhammad Wa Ala-Alihi wasahbihe Ama-baad !
AsallamuAlaykum warahmatullahi wabarakatho ho?
๐๐๐๐๐๐๐๐๐
ANG PAGPAPAKAMATAY.
Ang pagpapakamatay ay kabilang sa malaking kasalanan, kaya kahit gaano man kabigat o kahirap na dinadalang problema ng tao ay huwag naman niyang pag-isipan na magpakamatay sapagkat ang Allah (SWT) ay minamahal Niya tayo, kung anuman ang mga problema natin ay ituring nalang natin na iyon ay isang pagsubok lamang na ibinibigay sa atin ng Allah (SWT) kung gaano katatag ang ating pananampalaya sa Kanya.
Ang sinumang tao na magpapakamatay ay ipapasok siya sa impiyernong apoy at parurusahan siya ng katulad ng ginawa niya sa kanyang sarili pagdating sa araw ng paghuhukom.
Sabi ng Allah (SWT) sa Banala na Qur-รขn:
ูููุง ุชูููุชููููุง ุฃูููููุณูููู
ู ุฅูููู ุงูููููู ููุงูู ุจูููู
ู ุฑูุญููู
ูุง. ููู
ููู ููููุนููู ุฐููููู ุนูุฏูููุงููุง ููุธูููู
ูุง ููุณููููู ููุตูููููู ููุงุฑูุง ููููุงูู ุฐููููู ุนูููู ุงูููููู ููุณููุฑูุง๏ดพ ุงููุณุงุก.)
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: {{At huwag ninyong patayin ang inyong mga sarili, katotohanang ang Allah ay sa inyo ay pinakamaawain. At ang sinumang gumawa nito sa pagmamalabis at kawalang katarungan, siya ay Aming ipapasok sa apoy, at ito ay magaan lamang kay Allah}} 4:29-30.
At sa isang Hadeeth, ayon sa ama ni Hurairah (kalugdan siya ng Allah), ayon kay Propeta Muhammad (sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) kanyang sinabi:
((Ang sinumang magtalon mula sa bundok at napatay niya niya ang kanyang sarili (nagpakamatay) ay siyaโy mapupunta sa impiyernong apoy na walang katapusang pagtatalon at mananatili rito magpakailan man, at ang sinumang mag-inom ng lason at napatay niya ang kanyang sarili (nagpakamatay) ay nasa kanyang kamay ang lason na walang katapusang pag-inom nito sa impiyernong apoy at mananatili rito magpakailan man, at ang sinumang patayin niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng bakal ay nasa kanyang kamay ang bakal na walang katapusang hithit ito sa kanyang tiyan sa impiyernong apoy at mananatili rito magpakailan man)).
Iniulat nina Al-Bukhaari at Muslim.
Sa isa pang Hadeeth, ayon kay Thaabit na anak ni Ad-Dahhaak (kalugdan siya ng Allah), katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah (sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan): ((Ang sinumang patayin niya ang kanyang sarili sa pamamaraan ng isang bagay sa Mundo ay parurusahan siya (o ipaparusa sa kanya ito) pagdating sa araw ng paghuhukom)).
Iniulat nina Al-Bukhaari at Muslim.
๐โAllenail Dolowa Saumay