PANOORIN: Sa ikalimang araw ng Lagablab Caravan, taas-diwang binuksan ng Timog Katagalugan ang tunay na SONA ng Bayan sa paglulunsad ng State of the Region's Address (SORA) kasabay ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, Hulyo 22.
Itinampok dito ang sitwasyon ng Timog Katagalugan sa kalagayang pang-ekonomiya, agrikultura, urban poor, pesante, kabataan, kababaihan, manggagawa sa ilalim ng nagbabanggaang Marcos Jr. at Duterte at imperyalistang US-China.
Kumakaharap ang rehiyon sa mga isyu ng patuloy na pangangamkam sa lupa tulad ng Lupang Tartaria, Lupang Ramos, Lupang Roxas at iba pa. Nagpapatuloy din ang mga pandarambong sa kalikasan tulad ng mga proyektong Baybay Lawa Solar Project, Laguna Lakeshore Project, Kaliwa-Kanan-Laiban dam, at iba pang mapaminsalang development projects.
Binigyang diin din ang tumitinding pasismo sa rehiyon kung saan maraming human rights defenders ang sinasampahan ng gawa-gawang reklamo at kaso, tinitiktikan, at dinarahas. Isang malaking tagumpay ang pagcounter charge file ng mga kabataang human rights defender na unang inakusahan sa kasong Anti-Terror Law ng 59th Infantry
Nagtapos ang SORA sa pagsusunog ng effigy na pinamagatang "Pilas ng Pagniningas" o “Tear of Rage”. Ayon kay Kyle Salgado, ito ang simbolo ng makasaysayang pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa imperyalismo, kultura ng impyunidad, at pasismo ng estado.
Dumugtong din ang delegasyon ng Timog Katagalugan sa pambansang programa; State of the Nation Address ng Bayan bilang pagkondena sa Ikatlong State of the Nation’s Address ni Marcos Jr. Malakas man ang ulan ngunit hindi nagpatinag ang mga dumalo rito at imbes ay mas lalong naglalagablab ang diwa para sa laban ng mamamayan.
#SONA2024
#LagablabCaravan2024
PANOORIN: Minarkahan ang pagtatapos ng Southern Tagalog State of the Region Address sa pamamagitan ng pagsunog at pagsira ng isang two-dimensional pop-up na effigy na nagngangalang 'Pilas ng Pagniningas' o Tear of Rage.
Sinisimbolo nito ang ribalan ng paksyong Marcos at Duterte, ang pagsunod nila sa interes ng US at China habang tuloy-tuloy na ginagamit ang AFP-PNP upang maghasik ng teror sa mamamayan.
Sunod naman na niladlad ng mga progresibo ang isang mural na may salitang 'Sosyalismo' matapos masunog ang effigy.
Kolektibong ginawa ang effigy at mural sa pangunguna ng Makiling Initiative, Tambisan sa Sining ST, at Southern Tagalog Cultural Alliance.
PANOORIN: Agency Hopping at Anti Terror Law Countercharge filing ang isinagawa ng delegasyon ng Timog Katagalugan sa ikalawang araw ng 2024 SONA Lagablab Caravan, Hulyo 19.
Unang tumungo ang delegasyon sa Chinese Consulate kung saan kinondena ang lumalalang agresyon ng Tsina sa West Philippines Sea at sa mga Pilipinong mangingisda.
Sunod naman na tumungo ang Caravan sa Commission on Higher Education (CHEd) kung saan kinalampag ang komisyon ang neoliberal at militaristikong edukasyon tulad na lamang ng Mandatory ROTC at paglulunsad ng redtagging seminars sang-ayon sa RTF ELCAC.
Sa huli, ipinakita ang palarong pabitin kung saan ipinapakita ang malapalabunutang akses sa edukasyon na sa dapat ay aksesible, makamasa, syentipiko, at pambansang edukasyon.
Tumungo din ang delegasyon sa Office of the Ombudsman upang suportahan ang pagsasampa ng kaso ng mga human rights defenders na sila Hailey Pecayo, Jasmine Rubia, Jpeg Garcia, at Ken Rementilla laban sa 59th Infantry Battalion.
Matatandaang kinasuhan ng paglabag sa Anti Terror Law ang mga human rights defender habang nagsasagawa ng Humanitarian Mission sa mga pinaslang na sibilyan sa Taysan, Batangas.
Ayon kay Hailey Pecayo mula sa Tanggol Batangan, malaking tagumpay ito dahil mariin itong pagpapanagot sa mga tunay na terorista ng bayan, ang mga pulis-militar na berdugong nag-aakusa sa mga human rights defenders.
Huling kagawarang pinuntahan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan inilahad ang pandarambong sa kalikasan ng pamahalaan at ng mga malalaking korporasyon.
Ang Laguna Lakeshore Road Network sa Laguna de Bay, pagmimina sa Mount Banahaw, Kaliwa-Kanan-Laiban Dam, at mga pag-aresto sa mga environmental defenders ng rehiyon ay ilan lamang sa mga kagyat na ipinatambol ng rehiyon sa kagawaran.
Tinapos ang ikalawang araw sa salubungan ng delegasyon ng Timog Katagalugan at mga multisektoral na mga pangmasang organisasyon kasama ang komunidad ng UP Diliman.
Dito itinampok ang pa
LIVE: Defend Southern Tagalog and other human rights orgs hold press conference at the Office of Ombudsman on the situation of human rights work, state terror and its use of terror laws in the Southern Tagalog region.
Hailey Pecayo, Jpeg Garcia, Kenneth Rementilla, and Jasmin Rubia will file civil and administrative charges against 17 individuals, 14 of which from 59th Infantry Battalion Philippine Army. Last year, they were slapped with criminal charges and violations of Anti-Terrorism Act by military elements of 59th Infantry Battalion which were junked at the prosecutor level.
LAGABLAB Caravan 2024
PANOORIN: Inilunsad ng Bagong Alyansang Makabayan Timog Katagalugan (BAYAN-TK) kasama ang delegasyon ng rehiyon sa unang araw ng 2024 SONA ng Bayan Lagablab Caravan 2024 kahapon, Hulyo 18.
Bitbit ng limang araw na caravan ang temang "Paglagablabin ang Diwang Makabayan, Isulong ang Interes ng Sambayanan Hindi ng Dayuhan at Iilang Gahaman."
Sinimulan ang unang araw ng caravan sa Crossing Calamba na sinundan sa US Embassy, Japan Embassy, at nagtapos sa Department of Justice (DOJ).
Inilahad ni Kyle Salgado, tagapagsalita ng BAYAN TK ang layunin ng paglulunsad ng SONA Lagablab Caravan upang ipatambol ang mga isyung kinahaharap ng mga sektor ng Timog Katagalugan sa ilalim ng US-Marcos-Duterte.
Ayon kay Salgado, pangunahing itaguyod ang pagpapanagot sa pamahalaan sa maraming anyo ng paglabag sa taumbayan, pagsusulong ng pambansa-demokratikong pagkakaisa sa gitna ng hidwaan ng rehimeng Marcos-Duterte, at pagpapabsak sa ugat ng kahirapan ng bayan.
Hinamon din ng Timog Katagalugan ang mga embahada sa kanilang atrasadong pagpapatupad ng mga makadayuhang polisiya habang mariing kinokondena ang kagawaran ng hustisya sa nagpapatuloy na inhustisya’t kawalang panganglaga sa mga human rights defenders ng rehiyon.
Bahagi lamang ang embassy hopping ng limang araw na kilos-protesta ng delegasyon bilang paghahanda sa pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 22
#LagablabCaravan2024
PANOORIN: Nagtipon ang mga tagasuporta, kaibigan, at kapamilya ng dalawang bilanggong pulitikal na sina Rowena Dasig o mas kilala na 'Owen' at Miguela Peniero o 'Ella' sa isinagawang Indayog ng Alon: Tungo sa Kalayaan Benefit Gig ng Free Ella and Owen Network sa Commission on Human Rights, Quezon City nitong Hulyo 6.
Ipinatambol sa pamamagitan ng mga makabayang awitin ng mga cultural workers ang kampanyang Free Ella and Owen Network na layong palakasin ang panawagan sa pagpapalaya nina Ella at Owen na isang taon na mula nang dinakip ng walang sapat na ebidensya noong Hulyo 12, 2023. Kaugnay ito ng kanilang pananaliksik sa mga maaaring masamang epekto sa kalusugan at kalikasan ng Liquefied Natural Gas Power Plant na binabalak itayo ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa Batangas.
Mariing ikinukundena ng mga kaibigan at paralegals ng dalawa ang kanilang pagkakapiit na isang tahasang paglabag sa karapatang pantao lalo na at hindi umano pinapahintulutan na magkaroon ang dalawa ng komunikasyon sa kanilang mga organisasyon sa loob ng piitan.
PANOORIN: Nagparating ng mga panawagan ang mga grupo ng mga mangingisda mula sa iba't ibang dako ng Laguna sa isinagawang forum ng Save Laguna Lake Movement (SLLM) sa Multipurpose Hall ng Brgy. Lingga, Calamba nitong Hunyo 28.
Pinag-usapan rito ang mga bantang kinahaharap ng mga residente sa itatayong 2,000 ektaryang floating solar project sa lawa at laguna lakeshore road network project na papaligid sa lawa.
Limang panawagan ang nabuo ng mga grupo para sa mga kinauukulan:
1. Sagipin ang kalikasan! Tutulan ang mga proyektong papatay sa ating mga pangisdaan!
2. I-abante ang community-led na inisyatiba laban sa komersiyalisasyon at pribatisasyon!
3. Ipamahagi ang ayuda para sa lahat ng mangingisda!
4. Pagyamanin ang lokal na produksyon laban sa importasyon!
5. Isulong ang abot-kaya at makamasang serbisyong panlipunan!
Nakiisa din sa forum ang Kalikasan People's Network for the Environment Southern Tagalog upang suportahan ang adbokasiya ng SLLM tungkol sa kaligtasan ng lawa ng Laguna at ng komunidad na binubuhay nito.
#SaveLagunaLake
🎥 John Ren Manongsong, Princess Leah Sagaad
PANOORIN: Kinalampag ng mga progresibong organisasyon ang Dasmariñas City Hall kaninang tanghali upang kundenahin ang malawakan at tumitinding state surveillance sa hanay ng mga lider-aktibista at komunidad sa Cavite.
Pinangunahan ito ng Defend Cavite, KASAMA TK, at Defend ST.
Mismong ang Dasmariñas City Councilor na si Kiko Barzaga ang lantarang nagbabanta sa mga magsasaka ng Lupang Ramos. Siya rin ang kasama ng kapulisan na nagpatanggal ng itinayong boom ng mga magsasaka ng Lupang Ramos.
Ayon sa Defend Cavite, "hindi bababa sa 9 na lider aktibista mula sa iba't ibang sektor sa lalawigan ang nakakaranas ng paniniktik, redtagging, at lantarang harassment dahil lamang sa pakikipaglaban sa karapatan sa nakabubuhay na sahod, panirikan, tunay na reporma sa lupa, atbp."
LIVE: Naglulunsad ngayon ng press conference ang kapamilya at mga kaibigan ng Romblon 4 sa pangunguna ng Free Romblon 4 Network upang ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya kina Marlon Torres, Tess Dioquino, Benny Hilamon, at Nolan Ramos.
Kasama rin ngayon ang Kilusang Mayo Uno, Center for Trade Union and Human Rights, Defend Workers Southern Tagalog, Tambisan sa Sining, at STCA - Southern Tagalog Cultural Alliance.
Southern Tagalog Mayo Uno 2024 @ Crossing, Calamba
NEWS UPDATE
Hindi bababa sa sampung (10) pribadong goons ng Ayala-Aguinaldo mula sa Jarton Security at PNP Silang ang patuloy na nagbabanta at nanghaharass sa mga magsasaka't mamamayan ng Tartaria.
Ayon sa Samahan ng mga Magsasaka't Mamamayan ng Tartaria (SAMATA), patuloy silang nakakaranas ng pagbabanta matapos nilang pigilan ang iligal na pagbabakod ng Ayala-Aguinaldo at pagtatayo nito ng matataas na pader sa sariling mga sakahan at panirikan ng mga residente.
Bago nito, sa kabila ng napagkasunduang usapan sa barangay na ititigil muna ng Ayala-Aguinaldo ang kanilang operasyon.
TIGNAN: Daan-daang manggagawa mula sa NEXPERIA ang lumabas ng pagawaan para labanan ang lay-off at tanggalan na ginawa ng management sa 54 na mga manggagawa sa simula April 1 hanggang September 30, 2024.
Ayon sa NEXPERIA WORKERS PHILIPPINES INC. WORKERS UNION - NAFLU - KMU, hindi kakayanin ng mga manggagawa ang 6 buwan na walang trabaho. Naninindigan ang unyon na ito ay bahagi ng iskemang union-busting ng kompanya.
#STeXUPDATES
#NEXPERIAWorkersFight
SA TALIM NG BALISONG (2023) | Documentary, 32 min.
Behind news stories of supposed advances of the Philippine government in suppressing the armed conflict, are the narratives of the people embroiled and victimized by the government's "whole-of-nation approach" more aggressively pursued by the Duterte administration in 2018.
Often, they are in the crosshairs of military and police operations, preceding a long period of besmirchment of their reputation and intimidation by state forces to attempt surrender or cooptation, while their communities are continually denied of much-needed services.
These are stories from Batangas province, long hounded by plans for roadworks, resorts, recreational facilities, and resource extraction through powerplants and mines -- that portray a microcosm of the human rights situation in the Southern Tagalog region and in the Philippines in general.
This project is supported by the German Embassy Manila through Bulatlat's project "Advancing human rights reporting in the Philippines as a tool for upholding gender fairness, democracy and accountability".
WATCH IT ON YOUTUBE: https://youtu.be/4SXarvmjlFo?si=ja_KtDv3dZ6Wpz7J
REAL REELS 📽 Free Palestine Protest at Israel Embassy
Noong ika-31 ng Oktubre 2023, nagkasa ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo at indibidwal sa harap ng Israel Embassy upang manawagan sa pagtigil ng deka-dekadang iligal na okupasyon ng Israel sa Palestine.Kinundena nila ang walang habas na pambobomba sa Palestine kung saan umabot na sa mahigit 8,000 ang naitalang napaslang, ayon sa Gaza Health Ministry.
Gayundin binatikos nila ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-abstain nito sa United Nations kaugnay ng panawagang humanitarian ceasefire.Binatikos din ng mga nagprotesta ang patuloy na interbensiyon ng US sa pamamagitan ng walang patumanggang military aid nito sa Israel. Anila, walang pinag-iba ito sa natatamong military aid ng Pilipinas na ginagamit sa counter-insurgency programs ng administrasyon.
#FreePalestine
Free Palestine Protest at Israel Embassy | October 31, 2023
REAL REELS 📽 Free Palestine Protest at Israel Embassy
Noong ika-31 ng Oktubre 2023, nagkasa ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo at indibidwal sa harap ng Israel Embassy upang manawagan sa pagtigil ng deka-dekadang iligal na okupasyon ng Israel sa Palestine. Kinundena nila ang walang habas na pambobomba sa Palestine kung saan umabot na sa mahigit 8,000 ang naitalang napaslang, ayon sa Gaza Health Ministry.
Gayundin binatikos nila ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-abstain nito sa United Nations kaugnay ng panawagang humanitarian ceasefire. Binatikos din ng mga nagprotesta ang patuloy na interbensiyon ng US sa pamamagitan ng walang patumanggang military aid nito sa Israel. Anila, walang pinag-iba ito sa natatamong military aid ng Pilipinas na ginagamit sa counter-insurgency programs ng administrasyon.
#FreePalestine
REAL REELS 📽 Paggunita sa Tribal Filipino Sunday
Noong ika-15 ng Oktubre 2023, tumungo ang ilang mga katutubong Dumagat Remontado sa Baclaran Church upang ibaba at ibenta ang kanilang mga produkto sa araw ng Tribal Filipino Sunday.
Sa pangunguna ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), kinoordina ng National Shrine of Our Mother Of Perpetual Help in Baclaran upang bigyang liwanag ang mga isyung kinakaharap nila sa kasalukuyan at makatuwang sa pagbebenta ng kanilang mga produkto.
Panawagan ni Orly Marcellana ng Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan, "Itigil ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na magpapalayas sa lupang ninuno ng mga katutubo sa bahaging Tanay Rizal at Hilagang Quezon."
Ang Tribal Sunday o Indigenous People Sunday ay idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang pagkilala at pakikiisa sa sariling pagpapasya ng mga katutubong Pilipino.
#RealReels
Paggunita sa Tribal Filipino Sunday | October 15, 2023
REAL REELS 📽 Paggunita sa Tribal Filipino Sunday
Noong ika-15 ng Oktubre 2023, tumungo ang ilang mga katutubong Dumagat Remontado sa Baclaran Church upang ibaba at ibenta ang kanilang mga produkto sa araw ng Tribal Filipino Sunday.
Sa pangunguna ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), nilunsad ito sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran upang bigyang liwanag ang mga isyung kinakaharap ng mga katutubo sa kasalukuyan at makatuwang ang simbahan pagbebenta ng kanilang mga produkto.
Panawagan ni Orly Marcellana ng Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan, "Itigil ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na magpapalayas sa lupang ninuno ng mga katutubo sa bahaging Tanay Rizal at Hilagang Quezon."
Ang Tribal Sunday o Indigenous People Sunday ay idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang pagkilala at pakikiisa sa sariling pagpapasya ng mga katutubong Pilipino.
Ang naganap na aktibidad ay sa pakikipagtulungan ng Protect Sierra Madre For The People - PSM, JPIC Baclaran, IMASET, BALATIK - Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan, Kalikasan Timog Katagalugan, at NNARA-Youth UPLB.
#RealReels