PANOORIN: Kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Bacoor City, Cavite habang makikita parin ang smog o vog.
#TheCaviteRising
#TCR
TRAFFIC UPDATE: Bahagyang bumibigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Tirona Highway palabas ng Kawit, Cavite bandang 4:46 ng hapon.
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN: Isang buhawi ang namataan malapit sa Kawit, Cavite ngayong hapon, Agosto 4, 2024.
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN:Isang grupo ng mga tahong vendor sa Kawit, Cavite ang nagluto at kumain ng kanilang paninda upang ipakita sa publiko na malinis at ligtas pa ring kainin ang kanilang mga produkto.
Matatandaang isa ang Kawit sa mga bayan at lungsod sa Cavite na isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill na kumakalat mula sa lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
📷: Cavite Press Corps
#TheCaviteRising
#TCR
TINGNAN: Magkasanib-puwersang nagsagawa ng coastal cleanup drive ang Philippine Coast Guard, Noveleta River Ranger, at TUPAD volunteers sa Long Beach Resort, Barangay San Rafael 4, Noveleta, Cavite.
📷: Cavite Press Corps
#TheCaviteRising
#TCR
TCR Recap
Mga ka-Rise Up, huwag magpahuli sa mga happenings ngayong linggo. Panoorin ang ating TCR recap para updated ka sa trending news sa Cavite ngayong Hulyo.
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN: Halos hindi na madaanan ang kahabaan ng kalsada sa harap ng SM City Bacoor, Brgy. Habay, Bacoor City dulot ng patuloy na pagtaas ng baha na dala ng bagyong #CarinaPH.
Kuha ang video na ito bandang alas-otso ng gabi, Hulyo 23.
🎥: Yumpy Maglonzo
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN: Hindi nagpatinag ang mga bandang lumahok sa Pistang Kawiteño Band Parade 2024 kahit na malakas ang buhos ng ulan at bumaha nitong Lunes, Hulyo 22.
Sa kabila ng hamon ng panahon, ipinagpatuloy ng banda ang kanilang pagtatanghal, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa musika at tradisyon.
🎥: Nota atbp
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN: Lagay ng baha sa Bagbag I ng Rosario, Cavite umabot na ng hanggang tuhod ngayong araw, Hulyo 22.
Kung magpapatuloy pa ang pagbuhos ng ulan, pinangangambahan na tumaas pa ang baha at umabot ng hanggang bewang.
Kasalukuyan, sarado pa rin ang Maalimango Bridge na nag-uugnay sa Barangay Bagbag I at Barangay Ligtong II kaya’t walang magawa ang mga pasahero at mga motorsiklo kundi suungin ang baha upang makatawid lamang sa kabilang tulay.
PANOORIN: Nakuhanan ng CCTV ang pagbangga ng isang trailer truck sa mga concrete barrier sa bahagi ng Governor's Drive kahapon ng madaling araw, Hulyo 17.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakaidlip ang driver ng truck kaya hindi nito napansin ang mga barrier.
📷: Pepe Motovlog
#TheCaviteRising
#TCR
MALA-PARAISONG LUGAR SA SILANG, CAVITE
Tampok ngayon sa Silang, Cavite ang mala-paraiso at napakalamig na hangin, na dinarayo ng mga turistang nais makapagpahinga mula sa ingay at gulo ng lungsod.
📌 Perlas ng Silangan, Purok 5, Pulong Bunga, Silang, Cavite
🎥: Hello Merian
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN: Nakuhaan ng isang netizen na si Ericka Mae Dominguez mula sa Imus City, Cavite ang nakapagandang ‘Pink Skies’ kahapon ng dapit-hapon.
🎥: Ericka Mae P. Dominguez
#TheCaviteRising
#TCR
NAPA SWIMMING NG WALA SA ORAS 🤣😂
Umani ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizens ang video ni Geo Garbo na nagtatangkang gumawa ng aesthetic na video sa baybayin.
Sa bandang kalagitnaan ng kanyang pagkuha ng video, biglang sumulpot ang mga aso at hinabol siya, kaya napilitan siyang tumakbo papuntang dagat.
Marami ang natawa at nagbigay ng komento sa kakaibang karanasan ni Geo.
Isa sa mga nagkomento ay nagsabi, "Di bale nang hindi perfect ang video, basta safe ka, Geo!"
Habang ang iba naman ay nagbahagi ng kanilang sariling mga kwento ng pagtakbo mula sa mga aso.
🎥: Geo Garbo / Facebook
#TheCaviteRising
#TCR
REGADA NA! 💦
Dinagsa ng mga Caviteño ang taunang 'Regada' o water festival sa Cavite City na may mga sprinklers at bubble canon.
Tampok sa naturang selebrasyon ang street party kasama ang ilang mga local artists.
#TheCsviteRising
#TCR
Patuloy ang pagdagsa ng mga tao upang makisaya sa taunang Regada Water Festival ngayong araw.
#TheCaviteRising
#TCR
Excited na ba ang lahat para sa Regada Water Festival ngayong paparating na Hunyo 24? 💦🔫💧
Panoorin at tuklasin kung ano nga ba ang mga dapat asahan sa paparating na Regada 2024.
🎥:Mayor Denver Chua
#TheCaviteRising
#TCR
PANOORIN: Aktwal na Video ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa may Ayungin Shoal.
🎥: Team AFP / X
#TheCaviteRising
#TCR
Tila nilamon ng usok ang buong paligid sa kapal ng hamog o “fog” sa Tagaytay City kanina, bandang alas-otso ng gabi.
🎥: Reymar S. Barcelon
#TheCaviteRising
#TCR