Cavithink

Cavithink CAVITHINK conveys information about Technology, History, News and Knowledge.

CTTO
30/05/2023

CTTO

16/08/2022

JUST IN: Voting 12-2, House Committee on Suffrage and Electoral Reforms approves the postponement of the Barangay and Sangguniang Kabataan elections from December 2022, to the first Monday of December 2023. | via Daniel Manalastas

28/06/2022
š€šššŽš”šš‚š„šŒš„šš“The Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Region IV-A will be conducting a face-to-face w...
22/06/2022

š€šššŽš”šš‚š„šŒš„šš“

The Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Region IV-A will be conducting a face-to-face wage orientation regarding the Wage Order No. IVA-19 on June 30, 2022, 9:00 AM to 11:00 AM at Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Legislative Building, Provincial Capitol Compound, Brgy. San Agustin, Trece Martires City, Cavite.

In this regard, we are inviting a hundred (100) participants from various companies in Cavite to join the said orientation. A maximum of only two (2) representatives per company shall be allowed, and these slots will be available on a "first-confirmed-first-served" basis. Participants may accomplish the online confirmation slip at https://tinyurl.com/WOIVA19.

For further questions/clarifications, you may contact Ms. Len de Belen or Ms. Khelly Ann Victoriano at (049) 545-5511 or via e-mail at [email protected].

Source: DOLE - Cavite Provincial Office


Worldā€™s Universities with Real Impact 2022 (WURI), kinilala ang Lyceum of the Philippines (LPU Cavite) sa isang taunang ...
21/06/2022

Worldā€™s Universities with Real Impact 2022 (WURI), kinilala ang Lyceum of the Philippines (LPU Cavite) sa isang taunang masusing pag sisiyasat at pangraranggo ng mga unibersidad sa buong mundo.

Nailuklok sa ika-39 na pwesto ang LPU Cavite sa kategorya ng Ikaapat na Rebolusyong Industriyal (Fourth Industrial Revolution). Nasungkit din ng LPU Cavite ang ika-101-200 pwesto sa pangkalahatang listahan ng Global Top Innovative Universities.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/wuri-kinilala-ang-lpu-cavite/

Source: WURI & Go Cavite
https://www.wuri.world/%EB%B3%B5%EC%A0%9C-%EB%B3%B5%EC%A0%9C-2021-top-50-crisis-management


Pinaghahanap ng Cavite Police ang anim na miyembro ng hinihinalang ā€˜kidnap for ransomā€™ group matapos tangayin ang isang ...
20/06/2022

Pinaghahanap ng Cavite Police ang anim na miyembro ng hinihinalang ā€˜kidnap for ransomā€™ group matapos tangayin ang isang 44-anyos na misis sa Silang, Cavite noong Hunyo 9.

Kinilala ang biktima na si Gladys Bundalian Rodriguez, tubong Tondo, Maynila at residente ng Metrogate Silang Estate, Silang, Cavite.

Natukoy ang isa sa mga suspek na si JomarĀ­ VillaĀ­nueva, alias ā€œSalem GuarĀ­dianā€ ng Amparo Chapter ng Dapdap Amparo, North Caloocan habang inaalam ang pagkakakilanlan ng lima pa nitong kasamahan na pawang may takip ang mukha. Sa naantalang report ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police, alas-11:45 ng gabi habang nagtatapon ng basura ang caretaker na si Peejay Galanta, nang may dumating na kulay putingĀ­ Hyundai Starex van at bumaba ang may apat na lalaki na armado ng mga baril.

Agad siyang tinutukan ng isa sa mga ito at kinaladkad papasok ng bahay. Nang makita ng mga suspek ang target na biktimaĀ­, agad na tinangay at isiĀ­naĀ­kay sa van.

Nakilala naman si VillaĀ­nueva mula sa PNP galleryĀ­ dahil nagtanggal umano ito ng face mask at sa tattoo nito sa kanyang kanang kamay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, may mga pangyayari na umanong ilang beses na pagdukot sa bikĀ­tima at may sangkot pa umanong isang pulis.

Malaking pagkakaĀ­utang ang sinisilip na moĀ­tibo sa pagdukot na aabutin ng milyong pisong haĀ­laga na kinasasangkutan ng biktima.

Lumalabas din sa background check ng pulisya na ang biktima ay may warrant of arrest sa kasong Qualified Theft sa Malabon City court.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/misis-dinukot-sa-cavite-dahil-sa-utang/

Source: Pilipino Star Ngayon



Pagtaas ng Minimum na sahod sa Lalawigan ng Cavite naisakatuparan na.Source: DOLE Region 4A
18/06/2022

Pagtaas ng Minimum na sahod sa Lalawigan ng Cavite naisakatuparan na.

Source: DOLE Region 4A



Re elect Cavite Governor Juanito Victor ā€œJonvicā€ Remulla Jr., ay manunumpa para sa kanyang bagong termino sa panunungkul...
15/06/2022

Re elect Cavite Governor Juanito Victor ā€œJonvicā€ Remulla Jr., ay manunumpa para sa kanyang bagong termino sa panunungkulan bilang gobernador sa makasaysayang Diocesan Shrine of Saint Ugustine, karaniwang kilala bilang Parish of Sta. Cruz, sa bayan ng Tanza ngayong darating na ika-27 ng Hunyo taong 2022.

Ayon sa ulat ng manila Times, si Senator Ramon ā€œBongā€ Revilla Jr ang mangangasiwa ng panunumpa ni Remulla.

Samantala, para kay Vice Governor-elect Athena Tolentino, ang kanyang panunumpa ay pangangasiwaan ng tiyuhin na si Senator Francis Tolentino sa ikalawang palapag ng Rectoral Area ng Sta. Cruz Church, kung saan nakalagak ang mga historical artifact at memorabilia.

Ang iba pang provincial board members na manunumpa kasabay nila ay sina Denver Chua at Rommel Enriquez (first district), Edwin Malvar at Ram Revilla (second district), Shernan Jaro at Ony Cantimbuhan (third district), Jun de la Cuesta at Nickol Austria (fourth district), Marcos Amutan at Aidel Belamide (fifth district), Kerby Salazar at Morit Sison (sixth district), Ping Remulla at Raymundo del Rosario (seventh district), at Rainier Ambion at Irene Bencito (eighth district).

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/gov-jonvic-remulla-pormal-na-manunumpa-sa-sta-cruz-church-sa-tanza/



15/06/2022
11/06/2022

HEADS UP MOTORISTS!

Another big-time fuel price hike is expected next week, according to an oil industry source.

Diesel to increase by P4.20 to P4.50 per liter
Gasoline to increase by P1.40 to P1.70 per liter
READ: https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/834615/diesel-seen-to-spike-by-more-than-p4-liter-gasoline-over-p1/story/

Sought for comment, DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad said the following are the factors for the projected oil price hike:
- Summer time in northern hemisphere countries from June to Sept.
- Easing of lockdown in China
- EU ban on Russian oil imports

ā€œHowever there is an emerging report that China is going back again to lockdown which can offset this increasing trend or possibly roll back after next week,ā€ Abad said.
| via Ted Cordero, GMA News Online

Details soon on www.gmanews.tv

Oil Price Hike effective on June 7, 2022 (Tuesday) Source: Manila Bulletin
04/06/2022

Oil Price Hike effective on June 7, 2022 (Tuesday)

Source: Manila Bulletin


02/06/2022
Makakaranas ng ā€œabove normal rainfallā€ ang Metro Manila, mga lugar sa  Calabarzon, Mimaropa, Bicol region at ilang bahag...
01/06/2022

Makakaranas ng ā€œabove normal rainfallā€ ang Metro Manila, mga lugar sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol region at ilang bahagi ng Central Luzon sa Oktubre dulot ng La NiƱa Phenomenon o mas maraming ulan kaysa sa normal na panahon.

Ayon sa PAGASA, sa Nobyembre naman ay makakaranas ng kaparehong rainfall condition ang karamihang bahagi sa Luzon, Central at Western Visayas gayundin ang ilang bahagi ng Mindanao.

Ang Kalinga, Apayao, at Cagayan naman ay makakaranas ng below normal rainfall sa Hunyo.

Samantala ayon pa sa PAGASA, ang Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna, Albay, Sorsogon, Masbate, ilang bahagi ng Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte ay makakaranas ng above normal rainfall simula sa susunod na buwan.

Ang La NiƱa ay inaasahang hihina sa pagitan ng May-June-July season pero maaaring lumakas ulit sa huling buwan ng taon hanggang sa unang quarter ng 2023.

Tinaya naman ng PAGĀ­ASA na may 11 hanggang 18 bagyo ang maaaĀ­ring pumasok sa Philippine Area of ResponsibiĀ­lity (PAR) mula June hanggang November.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/above-normal-rainfall-mararanasan-sa-metro-manila-at-ilang-bahagi-ng-luzon-sa-oktubre/



Patay ang isang rider makaraang humataw sa konkretong center island nang sumemplang sa minamanehong motorsiklo sa kahaba...
25/05/2022

Patay ang isang rider makaraang humataw sa konkretong center island nang sumemplang sa minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Bacoor Boulevard, Molino 2, Bacoor City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Stephen Villanueva Pacheco, 31-anyos, may asawa residente ng B8 L5 Sorreto Avenue, Camella Homes Bacoor City, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Bernie Rusiana ng Bacoor Police, alas-10:30 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kanyang itim na Yamaha motorcycle (DC-37145) at bumabagtas sa nasabing lugar nang aksidenteng sumemplang. Dito sumadsad ang biktima sa center island ng kalsada sanhi upang humataw ang mukha nito at ulo sa bakal.

Agad namang sinaklolohan ng mga responders ang biktima at dinala sa pagamutan subalit sa tindi ng inabot na pinsala ay binawian din siya ng buhay.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/rider-humataw-sa-center-island-patay/

Source: Pilipino Star Ngayon



Inihayag ng Commission on Elections na sinisilip nila ang paghahain ng kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa pagtat...
24/05/2022

Inihayag ng Commission on Elections na sinisilip nila ang paghahain ng kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa pagtatapon ng training ballots sa isang bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na patuloy ang kanilang imbestigasyon at pagpapaliwanagin ang F2 Logistics sa malaking katanungan kung paanong pati mga materyales na hindi kasama sa kanilang kontrata ay hinakot nito sa Rizal Elementary School sa Tondo, Maynila at napunta sa Amadeo, Cavite na masyadong malayo sa kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna na pinag-iimbakan ng mga ā€œvote counting machines (VCMs) na dapat ay ito lamang ang mga hinakot.

Sa ilalim umano ng Revised Penal COde, papasok ito sa ā€œinfedelity in the custody of public documentā€ kaya kung sino ang may hawak ng mga dokumento ay ā€œaccountableā€.

Kasama rin umano sa kontrata ng F2 ang penal clause kung hindi magko-comply sa ā€œcontractual obligationā€ at kung may kapabayaan.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/comelec-kakasuhan-ang-mga-sangkot-sa-pagtatapon-ng-poll-materials-sa-cavite/

Source: Pilipino Star Ngayon



Kinumpirma ni Boying Remulla na tinanggap niya ang nominasyon para maging justice secretary ng administrasyon ni Bongbon...
23/05/2022

Kinumpirma ni Boying Remulla na tinanggap niya ang nominasyon para maging justice secretary ng administrasyon ni Bongbong Marcos, presumptive president-elect.

Source: Phil Star


20/05/2022
Arestado ang isang jail guard dahil sa pagkasawi ng isang motorcycle rider matapos nitong masalpok habang bumabagtas sa ...
19/05/2022

Arestado ang isang jail guard dahil sa pagkasawi ng isang motorcycle rider matapos nitong masalpok habang bumabagtas sa Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Melchor Das Ilen, 42, jail officer ng Bureau of Jail and Management Penology na nakatalaga sa Naic station. Siya ay nahaharap sa kasong homicide at Damage to Property sa Tanza Prosecutorā€™s Office. Kinilala naman ang biktima na si Mark Ferdinand Coluna, 26, na namatay habang dinadala sa Tanza Family Hospital bunsod ng inabot na matinding pinsala sa katawan dahil sa pagkakabangga sa kanya ni Ilen.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at bumabagtas patungong A. Soriano Road nang salpukin ng isang marked vehicle na minamaneho ni Ilen sanhi upang bumagsak ang biktima.

Agad isinugod ang biktima ng mga responder sa nasabing ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/jail-guard-arestado-sa-pagkasawi-ng-rider-sa-cavite/

Source: Pilipino Star Ngayon


13/05/2022

PABATID: Ang Cavitex ParaƱaque Toll Plaza ay magtataas ng toll rates simula ngayong Huwebes, Mayo 12, 2022.

Narito ang magiging bagong toll rates sa expressway:
Class 1 ā€“ Php 33.00ā€‹ā€‹
Class 2 ā€“ Php 67.00ā€‹
Class 3- Php 100.00



Source: CAVITEX, Philippine Star

Nangako kahapon ang Commission on Elections (Comelec) na hindi mauulit ngayong 2022 ang pitong oras (7) na ā€˜glitchā€™ na n...
03/05/2022

Nangako kahapon ang Commission on Elections (Comelec) na hindi mauulit ngayong 2022 ang pitong oras (7) na ā€˜glitchā€™ na naganap noong 2019 elections.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nag-update na sila ng sistema ng kanilang servers para hindi na maulit ang glitch.

ā€œThe transparency server in UST mayroon kaming nilagay na isang equipment na kung saan by bulk ā€˜yung pagbagsak ngayon sa mga media server ā€˜yung sa laptop po ng mga media natin,ā€ ayon kay Garcia.

Ipinaliwanag ni Garcia na noong 2019, hindi nakayanan ng kanilang ā€˜transparency serverā€™ ang lahat ng datos na dumarating ng sabay-sabay. Dito nagkaroon ng glitch na umabot ng pitong oras.

Pero ngayong 2022, magpapadala ng datos ang 106,000 voting precincts sa pamamagitan ng batches ng tig-10,000 upang maiwasan ang biglaang pagpasok ng napakataas na datos.

Bumuo rin ang Comelec ng mga ā€˜provincial technical hubsā€™ na maaaring dito agad ipadala ang mga SD cards na magloloko para agad na masolusyunan ang problema. Mamanduhan ang mga technical hubs ng mga tauhan ng Department of Information and Communications Technology at Department of Science and Technology.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/comelec-7-hour-glitch-di-na-mauulit/

Source: Pilipino Star Ngayon



30/04/2022

PUBLIC ADVISORY | Expect Heavy Traffic

Ang Pamahalaang Bayan ng Noveleta ay magdiriwang ng kapistahan sa darating na Mayo 1, 2 & 3. Inaabisuhan ang lahat na gumamit ng mga alternatibong daan.

May 1: Baranagay San Jose Fiesta
Karakol: 12pm

May 2: Bisperas ng Pistang Bayan
Karakol: 7:30am- IFI; 10:00am- Roman Catholic

May 3: NOVELETA TOWN FIESTA

Source: Municipality of Noveleta

Nadakip ng mga tauhan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Philippine National Police ā€“ Anti-Cy...
27/04/2022

Nadakip ng mga tauhan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Philippine National Police ā€“ Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa Imus, Cavite at Sta. Rosa, Laguna ang tatlong hacker na sinasabing responsable sa pagnanakaw ng datos mula sa Commission on Elections (Comelec).

Nakilala ang mga suspect na sina Joel Adajar Ilagan o ā€œBorgerā€, Adrian De Jesus Martinez o ā€œAdmin Xā€, at Jeffrey Cruz Limpiado o ā€œBrake/Vanguard/Universe/LRRā€.

Bukod sa panggugulo sa Comelec, sinabi rin ng mga hackers kaya nilang baguhin ang resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng pagpasok sa sistema ng Smartmatic, ang automated poll system provider ng bansa.

Ayon kay CICC executive director Undersecretary Cesar Mancao, isinagawa ang operasyon nitong Sabado, kung saan nagpanggap ang mga agent ng CICC at PNP-ACG bilang kliyente na bibili ng ninakaw na datos ā€˜XSOX Groupā€™. Ibinebenta ng grupo ang ninakaw na datos mula sa private at government companies sa halagang P60 milyon.

Lumilitaw na kinontak ng mga IT operatives ang grupo at nagsagawa ng tatlong meeting sa Solaire, Pasay; EDSA Shangrila sa Makati at Pansol, Laguna.

Nagkasundo ang mga awtoridad at suspects sa P60-M subalit humingi ng P10-M bilang downpayment.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/3-hacker-sa-smartmatic-data-breach-timbog/

Source: Pilipino Star Ngayon


AGUINALDOā€™S FAMILYThis photo appeared in the San Francisco Chronicle. The boy is Aguinaldoā€™s son, later admitted to the ...
26/04/2022

AGUINALDOā€™S FAMILY

This photo appeared in the San Francisco Chronicle.
The boy is Aguinaldoā€™s son, later admitted to the U.S. Military Academy in West Point. Aguinaldo was captured by Gen. Frederick Funston. By a strange coincidence, Funstonā€™s son also entered West Point in the same year that Aguinaldoā€™s son did.

Source: Kasaysayang Kabitenyo & Deo Reyes


Patay ang rider habang nasa kritikal na kondisyon ang isang binata matapos silang magsalpukan habang kapwa lulan ng moto...
26/04/2022

Patay ang rider habang nasa kritikal na kondisyon ang isang binata matapos silang magsalpukan habang kapwa lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. San Roque, Naic, Cavite kahapon ng madaling araw.

Parehong nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang dalawang driver na agad ikinamatay ng biktimang si Dennis Gonzales Claros, 44-anyos, may asawa, factory worker at residente ng Naic, Cavite habang inoobserbahan sa Gen. E. Aguinaldo Hospital ang nakasalpukan nitong si Charles Kevin CaƱete Arabe, 21, ng Naic Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Richard F. Atienza ng Naic Police, dakong ala-1:35 ng madaling araw habang kapwa bumabagtas at may kabilisan ang patakbo sa motorsiklo ng dalawang biktima sa kalsada ng Brgy. San Roque nang maganap ang aksidente.

Minamaneho umano ni Claros ang isang Raider motorcycle na walang plaka at patungong Naic town proper nang makasalpukan ang kasalubong na Suzuki Smash motorcycle ni Arabe.

Dahil sa sobrang lakas ng impact, tumilapon ang dalawang biktima at parehong napuruhan sa ulo. Agad silang itinakbo ng mga reponders subalit idineklarang dead-on-arrival si Gonzales habang hindi pa rin nagkakamalay ang isa pa hanggang sa kasalukuyan.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/salpukan-ng-2-motorsiklo-isang-kritikal-at-isa-nasawi/

Source: Pilipino Star Ngayon


Patay ang mag-asawa habang suĀ­gatan ang kanilang anak na dalagita makaraang mawalan ng giya ang sinasakyang Tamaraw FX a...
23/04/2022

Patay ang mag-asawa habang suĀ­gatan ang kanilang anak na dalagita makaraang mawalan ng giya ang sinasakyang Tamaraw FX at dalawang beses na sumalpok sa mga barriers bago tumumbok sa nakaparadang van sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway, Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Joseph Ramos Estrella, 33-anyos, driver ng Tamaraw Fx at misis nitong si Verna, 35; habang inoobserbahan sa ospital ang anak nilang si Zaimin; pawang residente ng Brgy. Santo NiƱo 2, DasmariƱas City, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Joseph Ryan Bascugin, alas-11:20 habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway lulan ng Toyota Tamaraw FX (TPW-719) na si Joseph at may kaĀ­biĀ­lisan sila ng takbo nang biglang mawalan ng control sa manibela ang nasabing mister.

Dahil dito, mabilis na nagpa-ekis-ekis ang saksakyan hanggang sa makabig ng driver patungo sa kabilang lane ng kalsada at sinagasaan ang mga plastic at concrete barrier bago rumampa sa konkretong pathway. Nagdire-diretso pa itong sumalpok sa nakaparadang Toyota Hi-ace Commuter Van (NFT-9070) na minamaneho ni Rodjim Jan Platon, 24 anyos, ng Naval Station Fort Bonifacio Taguig City. Sa tindi ng pagkakasalpok, wasak na wasak ang sasakyan at patay agad ang mag-asawa na magkatabi sa driverā€™s seat.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/mag-asawa-patay-anak-sugatan-sa-road-mishap-sa-tagaytay/

Source: Pilipino Star Ngayon


21/04/2022
Patay ang magpinsang sakay sa motor, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang sumemplang ang sinasakyan nilang...
21/04/2022

Patay ang magpinsang sakay sa motor, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Lumil- Pooc road Brgy. Pooc 1, Silang, dito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Gladier Alcaraz, 17-anyos, estudĀ­yante, residente ng Silang Cavite na dead-on-the spot at namatay habang ginagamot sa ospital ang pinsan nitong si Mark JeĀ­rald Alcaraz Asinas, 23 na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Johnny Dumangeng, dakong ala-1:00 ng madaling araw habang binabagtas ng mga biktima sakay ng MC Honda click (329OQF) ang kahabaan ng Lumil-Pooc Road sa naturang barangay nang mawalan ng control at sumemplang sa daan.

Ayon rin sa isa pang pinsan ng mga biktima na si Ivan Alcaraz, galing sa birthday party ang mga biktima at papauwi na nang maganap ang insidente.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/magpinsang-sakay-sa-motor-sumemplang-patay/

Source: Pilipino Star Ngayon


Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang imbestigahan ang ulat ng umanoā€™y  pananabotahe sa daraĀ­ting ...
19/04/2022

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang imbestigahan ang ulat ng umanoā€™y pananabotahe sa daraĀ­ting na May 9 elections, matapos ang pahayag tungkol dito ng tatlong presidentiables.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos, na lahat ng reklamo ay kanilang tinutugunan maging election related issue o hindi.

Sa ngayon aniya, wala pa silang natatanggap na ulat hinggil dito suĀ­balit tatanungin nila rito si Senator Panfilo Lacson, isa sa mga kandidato sa pagka-pangulo.

ā€œSo far I have here, si Police Major General Valeriano de Leon, (Directorate for Operation), heā€™s monitoring for the elections. Wala naman tayong major reports of ganun,ā€ aniya ni Carlos.

Sa isinagawang joint presscon nitong Linggo nina Lacson, Manila MaĀ­yor Isko Moreno at daĀ­ting National Security AdviĀ­ser Norberto Gonzales, nagbabala sila hinggil sa umanoā€™y destabilisasyon sa darating na halalan sa May 9.

Basahin ang buong detalye: https://cavithink.com/news/election-sabotage-sisilipin-ng-pnp/

Source: Pilipino Star Ngayon


Address

Trece Martires City
Cavite

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavithink posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other News & Media Websites in Cavite

Show All