23/06/2022
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQ's)
Tanong: Sino si Philippine Online Assistance?
Sagot: Ang Philippine Online Assistance ay isang non-government agency na may layuning makatulong sa ating mga kababayan na nagnanais ng kaukulang gabay para sa mga transakyong online. Partikular na sa mga government services. Pinapatakbo ito ng mga pribadong indibidwal at patuloy na nagbibigay serbisyo sa’ting mga kababayan sa loob at labas ng bansa.
Tanong: Ano-anong serbisyo ang kanilang ibinibigay?
Sagot: NBI Clearance, Police Clearance, Passport Appointment, PSA (Birth, Death, & CENOMAR), SSS Online Registration, PAG-IBIG Online Registration, PRC Registration at DTI Online Registration.
NBI & POLICE CLEARANCE APPOINTMENT
Tanong: Paano kumuha ng NBI at Police Clearance?
Sagot: Bago kayo makakuha ng NBI at Police Clearance ay kinakailangang mayroon kayong APPOINTMENT bago magtungo sa kaukulang opisina. Kami ang gumagawa ng appointment at nag babayad online upang mapadali ang inyong transaction.
Tanong: Kailangan ko pa bang pumunta sa NBI at Police upang makuha ito?
Sagot: YES! Required kayong pumunta sa tanggapan ng NBI at Police upang e-proseso ito. Sila lamang ay may karapatang magbigay sainyo ng CLEARANCE at wala ng iba pa. Ang ginawa namin ay APPOINTMENT lang na siyang kailangan upang ma-entertain ka nila.
Tanong: Ilang raw bago makuha ang clearance?
Sagot: Isang araw lamang ang proseso nito at maari niyo ng makuha. Ngunit kung mayroon kayong hit at record, maaaring magtagal ito ng isa hanggang dalawang lingo.
Tanong: Bakit kailangan ko pa ng appointment kung pupunta rin naman pala sa opisina?
Sagot: Kailangan ito upang mapadali ang inyong transaksyon. Hindi kayo makakakuha ng clearance kung wala ito. Isa ito sa hinahanap pag nasa branch na kayo. No appointment, No transactions.
PASSPORT APPOINTMENT
Tanong: Paano kumuha na Passport?
Sagot: Appointment lang ang aming ginagawa dahil kailangan ito bago makakuha ng passport. Kailangan niyo pa ring pumunta sa DFA office upang e-proseso ito. Sila lamang ang may karapatang mag issue ng inyong passport at wala ng iba pa. No appointment, No transactions.
PSA (Birth, Death and CENOMAR) ASSISTANCE
Tanong: Paano kumuha na PSA?
Sagot: Kami ang mag oorder sainyo ng PSA at ipapadala na lang sainyo door to door.
Tanong: Ilang araw bago makuha ang PSA?
Sagot: Depende sa inyong lokasyon. Aabot ng isa hanggang dalawang lingo bago ito makuha.
Tanong: Gumagawa ba kayo ng Birth Certificate at nag aayos ng Spelling?
Sagot: HINDI! Wala kaming karapatang gumawa nito. Kung may mali man sainyong birth certificate ay yon pa rin ang mag rereflect sainyong PSA. Kung may ipapabago kayo, maari kayong magtungo sa inyong Local Civil Registry or LCR para sa kaukulang gabay.
SSS ASSISTANCE
Tanong: Paano kumuha ng SSS number, loan application, maternity at iba pa?
Sagot: Mag padala kayo ng mensahe sa page na’to upang mabigyan kayo ng kaukulang gabay.
PAG-IBIG ASSISTANCE
Tanong: Paano kumuha ng PAG-IBIG number, loan at iba pa?
Sagot: Mag padala kayo ng mensahe sa page na’to upang mabigyan kayo ng kaukulang gabay.
PRC ASSISTANCE
Tanong: Paano mag pagawang account sa PRC for exam and license renewal?
Sagot: Mag padala kayo ng mensahe sa page na’to upang mabigyan kayo ng kaukulang gabay.
DTI CERTIFICATE ASSISTANCE
Tanong: Paano mag pagawang DTI Certification para sa aming negosyo?
Sagot: Mag padala kayo ng mensahe sa page na’to upang mabigyan kayo ng kaukulang gabay.
BONUS & TIPS
Tanong: Paano namin malalaman kung LEGIT kayo at hindi SCAMMER?
Sagot: Maari kayong mag message sa aming personal facebook account upang ma schedule namin kayo sa video call.
Tanong: May bayad ba ang pag papa-assist sa inyo?
Sagot: YES, may bayad.
TIPS para iwas SCAM: Huwag makipag transaksyon kung hindi ninyo nakakausap sa video call. Kinakailangang makita ninyo ang mukha ng inyong kausap bago makipag transact.